robles_028's blog

At Nagbago Ang Site Ni Ka Dino!

Katagal ko rin palang nawala sa site na ito - mahigit three years na. Ganun? Parang hindi ako makapaniwala, parang hindi ko yun namanlayan ah. Ang bilis talaga ng panahon. Istorbo kase ang trabahong yan eh, inaagaw halos lahat ng oras ko sa pagbubulakbol.

Uwian na!

Naiinip na ako, gusto ko nang umuwi. Nagresign na ako sa trabaho ko at two weeks na akong walang ginagawa. Naghihintay na lang na makuha ang kadatungan na inaasahan kong siyang bubuhay sa akin at sa aking pamilya pag-uwi ko. Isa akong OFW dito sa Dubai at pagkaraan ng labing-apat na taon ay napagpasiyahan kong umuwi na sa pinas  para naman makapiling ko ang aking mga asawa at anak. Oppsss, parang may mali. Dapat pala asawa at mga anak.

The Curse

That was the fifth time

In the last three hours

That I have to bear

The endless suffering.

Of Love and Valentines

Today is February 14 – St. Valentine’s Day!  

Ang Pasko Ayon Kay Inay

Nagising ako kaninang uamga na kakaiba ang pakiramdam, hindi tulad ‘nung mga nakaraang araw na parang ang gaan-gaan ng pakiramdam ko. Parang ang bigat ng katawan ko. Oh my God, baka buntis at naglilihi na ako?

Finding Happiness Within

| | |

Natawa naman ako sa email ng isang friend ko ‘dun sa isang forum website. Nagre-request ba naman sa akin na magsulat daw ako….at ’yun daw nakakatawa! Sa loob-loob ko lang, grabe naman ‘to gusto pa akong gawing komedyante. Sa dami-dami ng pwedeng i-request ‘yun pa! Sabi ko sa sarili ko siguro inis lang ‘to sa work niya or sa boss nya or baka nasa menopausal stage na! 

Anyway, minsang medyo pagod na ako sa pagkukunwari sa trabaho, sumilip ako sandali ‘dun sa kabilang website. Wala lang….pabasa-basa lang ng mga kung anu-anong nagkalat na mga bagong tsismis. ’Yun lang naman ang kaya kong gawin ‘dun eh.  After reading few posts, napansin kong seryoso nga lahat ang theme ng mga naka-posts! Hmmm, ito siguro ang rason kung bakit ganun ang request niya - siguro para may maiba naman!

Dilemma

| |

Parang nagulat pa ako ng marinig ko ang mga ingay sa labas. Bumalikwas ako mula sa pamamaluktot at tiningan ko ang wall clock….7:15am na pala! Naku,  tinanghali ako ng gising….papasok pa ako sa trabaho. Oopppsss, ang sakit ng katawan ko ah at ang bigat ng pakiramdam ko.

Nagbihis ako at pumasok pero habang daan napansin kong lalong sumasama ang pakiramdam ko. Sa company clinic ako tumuloy and after a few minutes nakaupo na ako sa harap ng doctor. Pagkaraan ng question and answer portion tumango-tango siya na parang alam na alam ang problema ko. Standard routine…kinuha ang blood pressure at temperature ko. Then ‘yung stethoscope, pinagapang sa dibdib at likod ko…pinalabas ang dila ko at sinilip ang tenga ko. After a while, sabi sa akin ok daw naman ako….baka pagod lang! Pagod lang? Hindi ko lang masabi sa kanya na hindi pwedeng pagod ‘yun kase hindi naman talaga ako nagtatrabaho…nagkukunwari lang sa opis at nagbababad lang ako kama at sa harap ng TV pag nasa bahay. Binigyan ako ng Panadol para daw sa sakit ng ulo! Eh hindi naman masakit ang ulo ko eh! Malay ko daw baka mamaya sumakit eh di may gamot na. OK fine!

Dalamhati ng Isang Manunulat

| | |

Matagal-tagal na rin akong nakatitig sa monitor ko…walang kakurap-kurap ang mga mata….malalim ang iniisip…nasa ibabaw ng keyboard ang mga daliri…nakahandang tumipa sa sandaling makaisip kung ano ang maisusulat! Alam n’yo kase, kanina ko pa gustong magsulat pero hindi ko magawa dahil litong-lito ang isipan ko. Ewan ko ba, iilan pa nga lang article ang naisusulat ko pero hindi ko na agad alam kung ano pang kasunod na isusulat ko! Makakaisip ako ng topic, magta-type ng ilang sentences tapos titigil na at wala nang maisunod….ganun ng ganun!  Maiinis sa sarili, tititig sa monitor at babasahin ang ilang sentences na naisulat…iiling…maniningkit ang mga mata at mangangatal ang baba…gusto kong basagin ang keyboard at monitor ko! Ano ba ‘tong mga pinagta-type ko….erase….erase….erase!

Syndicate content