sinta isaac's blog

sinta isaac's picture

Hindi lahat ng herkules ay lalaki

sinta isaac's picture

Tampisaw (o kung paano dapat mag move-on ang isang babaeng moderna)

 

sinta isaac's picture

Kasuklam suklam nga bang maging single ngayong araw ng mga puso?

sinta isaac's picture

Hindi ako nakapasa sa UP Likhaan Journal

Iyon ang unang pagkakataong sumali ako, hindi naman ako umaasa na manalo o matanggap ang gawa ko, kumbaga, gusto ko lang sumubok kaya n'ung natanggap ko 'yung email sa akin at sinasabi nga na hindi makakasali ang kwento ko, natawa na lang ako.

Walang bitterness. Walang regrets.

Basta, sumubok ako 'yun ang mahalaga, kahit papaano hindi na ako ganoon kaduwag pagdating sa mga bagay na ganyan.

sinta isaac's picture

Si anne, at ang tatlumpung minutong salsalan

Nakatulala ako habang nakatitig sa blank worksheet ng excel. Paulit-ulit na rumerehistro sa 'kin ang lyrics ng broken wings.

Bumuntong hininga ako. Malalim. Tumunog ang telepono.

"MMS good morning..."
"Uy si anne 'to..."

bigla akong tinamad nang malaman kong si anne lang pala.

Si anne ay ang 'di naman kagandahang nurse na taga admission division.

"oh..."
"breakfast tayo, libre kita."

napatingin ako sa wall clock. 7:15 am, swak pa para makapunta ng p7 at kumain ng pansit at tuna sandwich.

7:18, nagtagpo kami ni anne sa harap ng library at naglakad habang nagyoyosi.

sinta isaac's picture

bulaklak na tinuyo nang pagkalanta

Pagod ako. totoo, pagod ako. emosyunal at pisikal na aspeto, pagod ako.

Hindi ko alam kung dahil ba sa trabaho o kung ano pa man, ngunit parang gusto ko na agad bumigay, para bang wala ng maluwang na espasyo para makahinga ako ng maluwag.

sinta isaac's picture

Nasaan ang kinabukasan? nasaan ang trabaho? ito ang pulitika

inutusan ako ng aking bossing na pumunta ng job fair sa luneta. naisip ko, tang 'na, hindi pa ako nakakapunta sa kahit anong job fair na 'yan. hindi ko alam kung bakit hindi pa ako nakakapunta, siguro kasi ayoko lang talaga.

pinapunta ako doon ni bossing para gumawa ng article, noong tinanong ko s'ya kung saan ko ipo-post, sabi niya kahit saan, basta gumawa daw ako at ibigay ko sa kanya ang link para mabasa niya.

7 ng umaga, papunta na akong luneta.

sinta isaac's picture

Mahirap mag blog

Mahirap makapag blog lalo na kung cellphone lang ang gamit ko sa pag ne-net.

Ang lungkot.

:'(

sinubukan ko lang kung pwede na...

sinta isaac's picture

ga'no kahirap matutong mag-isa?

Saan nga ba papunta ang relasyong mayroon tayo?

gayong alam nating ito ay mali. maling mali.

mahirap palang magkunwari na hindi tayo matatapos kung sa umpisa pa lang, kapwa natin batid na hindi tayo kailanman maaaring magsimula.

Ikaw ay ang nagsilbing yakap na aking nadarama tuwing sumasapit ang gabi, lalo na't kung itoy lilipas na ako'y nag-iisa.

Ikaw ay ang araw at ako ay ang mundo, at ang sinag mo'y pumuno sa kadiliman ng aking buhay, at ako'y umiikot sa buhay mo gayong hindi tayo kailanman magkakalapit.

sinta isaac's picture

Ang diary ng isang napiping sentimyento sa paralisadong mundo: Bugbog sarado

 

katorse ako nung dumating sa bahay namin ang pinsang buo ni daddy. si tita yolly. nakasuot s'ya ng shades na malaki, naka long sleeve at nakasemento ang kanan niyang braso.

galit na galit si daddy, pati si tito nestor. naaalala ko, naglabas pa nun ng baril si tito nestor at sabi niya, papatayin daw niya si tito jonjon. si tito jonjon ang asawa ni tita yolly. binugbog pala si tita ng asawa niya.

iyak nun ng iyak si tita yolly. hindi daw niya kayang iwan si tito jonjon, kasi mahal na mahal daw niya ito.

Syndicate content