spike_west's blog

spike_west's picture

Simpleng Kahilingan Ngayong Pasko

Hindi ako magwi-wish ng “WORLD PEACE”, dahil kaplastikang sagot yan lalo pa’t wala naman tayo sa beauty contest . Ayaw ko ring magwish na manalo sa Lotto, dahil di naman ako tumataya dyan. Ayaw ko ring magwish para sa ibang tao, dahil may mga wishes din naman sila, at tyak din na hindi naman nila ako isasali sa wish list nila!Hehhee!

Kaya siguro nararapat lang na magwish ako para sa sarili ko. Ito’y mga simpleng WISH LIST lamang ngayon PASKO.
.
WISH KO NA………………….
.

spike_west's picture

ANG PAGLALAKBAY SA BATHA

 

spike_west's picture

LUHA NG PAGLISAN

Ilang minuto na lang lalapag na ang eroplanong sinasakyan ni Renato sa NAIA. Subalit tila kakaiba ang nararamdaman ni Renato kumpara sa mga ibang Pilipinong nasa loob ng eroplano. Hindi tuwa o pananabik ang kanyang nararamdaman kundi kaba, takot at lungkot ang pumapaimbabaw sa kanyang damdamin.

spike_west's picture

WANTED TEXTMATE

Hindi ba usong uso ang mga textmate-textmate na yan sa atin? Eh di ba halos tadtad ng mga cellphone number ang mga upuan ng bus, CR at kung ano ano pang pwedeng sulatan. At dahil dyan, may ikukuwento ako sa inyo. Naks
spike_west's picture

Ma'am Manalastas aka Ma'am Powkie

Dati nung highschool ako, mayroon akong peyborit titser noon at sya ay si...... Ma’am Manalastas. Si Ma’am Manalastas ay ang aming Filipino Teacher .Kamukha nya si Pokwang at si Ai-Ai delas Alas COMBINED (kawawang nilalang) . So isipin nyo na lang ang pagmumukha ni Ma’am Manalastas??

spike_west's picture

Maibabalik ba ang kahapon?

Father’s day noon ng biglang may nag-message sa akin. Mula ito sa aking matalik na kaibigan na nagtatrabaho sa China.

“Pare,nasa ICU ang tatay ko ngayon? “mensahe nya sa akin

“Ha?bakit ano ang nangyari” gulat kong tugon

spike_west's picture

NI-REJECT AKO NI JOLLIBEE

Naranasan nyo na bang mareject?Well hindi naman ito tungkol sa pambabasted kaya hindi yun ang ikukuwento ko sa inyo.

spike_west's picture

Kapag Yumaman Ako

Madalas akong managinip ng gising, iniisip ko ano kaya ang gagawin ko sa pera kung sakaling ako ang pinakamayamang tao sa mundo. yung tipong mga hampaslupa at patay-gutom ang mga milyonaryo sa mundo (you know?). Ano kaya ang mga bibilhin ko? Syempre ginagastos ko na yung pera ko sa aking utak, at ito ang ilan sa gagawin ko sa pera.

spike_west's picture

KABASTUSAN

Tanong lang kailan nagiging bastos ang isang tao, at kailan nagiging malaswa ang isang salita?
Ang pagsasabi ba ng salitang PUKE,TITE, BAYAG, KANTOT at SUSO ay mga salitang bastos at malaswa?Marami siguro sa atin, magsasabi OO,bastos yan at malaswa yan! Pero sino ang dapat humusga? Tayo ba? Pero sino ba ang may maruming isip?Sino ba ang malisyoso?Sino ang bastos? HINDI BA TAYO RIN? Di ba nakapalaking KAIPOKRITUHAN yan!

spike_west's picture

GYERA NA KUNG GYERA!!!


Hindi maganda ang gising ko ngayon, baket? BAket? At baket ule….dahil yan sa DYASKAHENG IPIS NA YAN!! TARAGIS NA IPES YAN!

Teka may back story yan, kwento ko muna:

Syndicate content