Bolpen
Sabi ni Inay wala daw akong inatupag kundi ang makipaglampungan sa ballpen ko. Araw, gabi, buong magdamag, nagsusulat lang daw ako. Sabi pa niya, hindi niya daw ako ipinanganak para lang magmukmok sa isang tabi at gumawa ng kwentong hindi ko naman matapos-tapos. At kung matapos man, hindi rin mailathala dahil automatic rejected na raw ang mga obra ko kahit hindi pa nakakarating sa mesa ng editor.
Bakit daw ba ako nagtitiis na magsulat? Bakit daw ba ako nangangarap na maging manunulat? Aniya, walang tatanggap sa mga nobela ko. Dahil masyado daw brutal. Horror. Masyadong maraming patayan. Dapat daw happy ending lagi. Tanong ko naman, "Kahit inalipusta na ang lalaking bida't pinagtaksilan ng bidang babae, kailangan pa rin happy ending? Dapat magkatuluyan pa rin sila?"
Sagot ni Ina, "Oo, kahit gaano kakorni, dapat ganun!"
"Pero bakit ayaw mo'ko magsulat? Masama ba mangarap?"
"Hindi. Suportado kita sa kahit ano'ng gusto mo. Pero anak, ituloy mo na lang Engineering mo!"
Kung alam lang ni ina. Karamay ko ang bolpen sa bawat blankong papel ng sandali. Sa pagsusulat, kahit walang pera, nakakasakay ako sa eroplano, nararating ko ang Roxas Boulevard, ang Paris at ang Hong Kong. At kung alam lang ni Ina na nabubuo ko ang mundong malayo sa mundong kinasasadlakan ko.
Kahit 'di man mailathala ang mga kwento ko, tuloy pa rin ang pagsusulat ko. Walang writer's block na makakapigil sa akin.
Bahala na. Saka na lang ako mag-e-Engineering.
Hello po
Ako din po marami akong sinusulat, napakadami pero ako mismo ang natatakot mag-post kase alam ko napakarami pang kulang. Kadalasan iginuguhit ko na lamang ang aking mga ideya sapagkat hindi ko na maisip ang susunod na mga salitang gagamitin ko.
Tinatago ko nalang sila, I just write for a quick post some less serious topics. Ahehe. But I still know na magkakaron ako ng time. Hirap kase ng calculus and statistics eh. Hindi ko masingit talaga ang pagsulat.
Tapos kadalasan ang dami dami kong gustong isulat, minumulto nako, at pag magsusulat nako, hindi ko alam kung ano ang isusulat ko. ahahehe.
Pero I suggest ituloy mo yung engineering mo. Choose both ends. Haha. Kaya mo naman eh. Dancing with time lang kailangan.
Pabasa naman ng mga horror na yun! Hehehe
Ikaw ano'ng papel mo?
Noon, naisip ko mas mahalaga ang blankong papel kaysa perang papel.
7 yrs. old lang ako nang inabandona kami ng aming ama. Ako ang panganay.
Mas kailangan ko ang gagampanang papel kaysa blankong papel.
Naranasan ko ang kahirapan.
Ngayon, kailangan ko ang perang papel upang magampanan ang papel ko sa aking pamilya at mapunan ang blankong papel.
Ikaw ano'ng papel mo?
'Bless God and bless the gays.' - Lady Gaga
Tuloy ang agos...
Matagal bago ako nakabalik. Salamat po sa mga komento. Sa paglakbay ko sa ibang mundo, bumuo ng ibang kwento, marami akong naranasan. Pero isa lang ang pinatunguhan. Ito ay ang katotohanang tayo ang gagawa ng ating kapalaran. Tayo ang bubuo ng ating kwento. At ang ending? Nakasalalay ito sa kung paano nating isulat ang huling chapter. Nandito ako ngayon, nagbalik mula sa kalawakan. At gusto kong magsulat uli ng bagong kabanata. Yung may kabuluhan. Yung kung ano ang isinisigaw ko. Magsulat. Magsulat at magsulat. Patuloy ang agos ng tinta. Sa bawat letra, may kwentong magsisimula.




hello BLACKPEN!
Naka-ka-relate ako sa sinabi mo, ang mama ko rin k'se ay palaging sinasabi sa 'king nag-sasayang lang daw ako ng ink ng ballpen tapos pinapagod ko lang daw 'yong sarili ko, imbes daw na mag-sulat ako eh, bakit hindi na lang daw ako matulog. Hindi n'ya alam na ang pen at papel ay itinuturing kong BESTFRIENDS. Ang mga ito kse ang karamay ko 'pag masama ang loob ko o di kaya nama'y 'pag may kini-kim-kim akong galit na hindi ko masabi kahit kanino.