Boss
Sa tabi ng kalsada, ang kapal ng usok galing sa mga sasakyan, nakatayo ako at humihithit ng paborito kong brand ng sigarilyo. Marlboro Mentol. Katatapos lang ng misa. At first, I didn’t planned to finish the whole mass but the priest opened a very interesting topic na nagawa niya akong umupo at makinig ng isang buong oras na misa na hindi ko naman madalas na ginagawa. Oo nga naman, life would be more fruitful if you pursue your goal while having a bible on your pocket, sa bawat desisyon na bibitiwan natin at alam natin na may bibliya tayo sa ating bulsa, our conscience will be in good hand. The church got me today despite the fact that I’ve never been a religious person ever since I’ve discovered my own will.
Malapit ng maupos ang hawak kong sigarilyo ng mapatingin ako sa taas ng simbahan na kanina lamang ay isa ako sa mga laman.
“Ilang feet kaya ‘to? Ghotic style kung hindi ako nagkakamali kasi pulos mga patusok ang itaas na bahagi.
Magkano kaya ang ginastos sa pagpapatayo nito? Siguro, kung libreng pabahay ang itinayo sa halip na itong simbahan e maraming pamilya rin ang natulungan. Pero sabagay, trabaho na yun ng gobyerno.”
The church must be separated to the government sa kadahilanang kokonti lamang ang nakakaalam.
St. Ben church. One of the most powerful/influential church existing in the Philippines. Hindi kayang bilangin ang mga tagasuporta ng simbahan dahil bawat araw ay patuloy pa itong nadadagdagan. Wala akong galit sa Diyos o sa simbahan ngunit hindi ko pa rin mamulatan na gusto ko ng maging isa sa mga faithful devotee nito.
Hindi pa naman siguro ako makasalanan kung ganito ako mag-isip.
I threw my cigar on the road matapos ang huling hithit.
“O suki! Pampaganda ng kutis oh! Bili na kayo. Dalawampong piso lang!” Tawag ng isang matandang babae na malaki ang tiyan. Sa tantiya ko e nasa pitong buwan na itong buntis ngunit, bakit nasa kalsada pa ito at nagtatrabaho kahit ganyan na ang kanyang kalalagayan? May dala kaya siyang bibliya sa bulsa? Marahil wala.
Binasa ko ang karatola sa harap ng kanyang mga paninda.
Pampaputi
Pampababa ng dugo
Ilang ‘PAMPA’ pa ang nakalagay sa ibaba bago ang isang tanong na ‘Delayed?’ at sa baba pa nakalagay ang malalaking salita na PAMPADUGO. Ibig sabihin,
‘Buntis ka? Ito oh! Pampalaglag!
Nakatatawang isipin. Sa harap ng isa sa pinakasikat at minamahal na simbahan, sa bukana lang ng pintuan, marami ang handang pumatay ng bata/tao. Marami ang nagbebenta ng pampalaglag na numero unong tinututulan ng simbahan. Mga mamamatay tao.
The voice of the priest, again, echoed inside my head. “Thou shall not kill!” An unexpected smile glanced in the corner of my mouth.
Kanina lamang sa loob ng simbahan, habang nagsesermon ang pari, napakatahimik, ay marami ang umiiyak. May makikita ring nakaluhod at matiim na nagdarasal kabilang na ang nasa tabihan ko na hindi napigilan ang pag-iyak. Ang hindi ko maunawan, nung papalabas na kami ng simbahan at lapitan siya ng mag-inang humihingi ng limos ay hindi niya naitago ang pangangasim ng mukha sa pandidiri na kulang na lamang ay itulak niya ang mag-ina subalit hindi niya nagawa dahil ayaw niyang madumihan ang bagong pintang mga daliri. Sa pagmamadali niyang maglakad upang makaiwas sa mag-ina ay muntik na siyang madapa.
Hindi man lamang niya nagawang mag-abot kahit na barya samantalang sa simbahan kanina, halagang isang libo ang ibinigay niya. Mas magaling talaga manlimos ang simbahanan. Malinis sila sa paningin kaya hindi nakakadiring abutan.
Sa dami ng deboto ng simbahan na ito, natitiyak ko na malaking halaga din ang nalilikom nito. Sa totoo lang, ang sinasabi ng simbahan ay tumutulong sila sa mahihirap kaya sila humihingi ng donasyon sa mga tao. Sa simbahan na katulad ng St. Ben, nubenta pursyento ng mga pumapasok ay mahihirap din at sa nubenta pursyento na yun ay siguradong lagpas kalahati ang nagbibigay din ng tulong at umaasang tutulungan din sila ng Diyos sa pamamagitan ng simbahan.
Leaders of the church are also humans, and humans, pag pera na ang pinag-uusapan, nagbabago ang pananaw niyan (not to mention the power money can give).
Hindi kaya natatakam ang mga pinuno natin sa simbahan na tikman ang salapi ng bayan? E kung ‘oo’. E di pangungurakot na yun!
Galit tayo sa gobyerno, na nagpapaunlad ng bayad natin physically, kasabay ng pagkurakot. Sa simbahan, nagpapaunlad sa’tin spiritually, hindi tayo galit because they are doing corruptions (sa Ngalan ng Ama) in a morally accepted way. Sana pala gumawa na lang ang Diyos ng bank account para diretso sa kanya ang tinutulong ng mga tao.
“Boss!!”
Napalingon ako sa nagsalita. Isang lalaki na may katangkaran na sunog ang balat sa araw ang tumawag sa akin ng “boss”. Nakasando at maong na kupas na tadtad ng mga butas na pinagmukhang style.
“Konting tulong para sa simbahan boss.”
“Boss” na naman. Mahirap man tanggapin, nagiging mabulaklak talaga ang bibig ng isang tao ‘pag may kaylangan sa ‘yo. May iniabot siya sa akin na maliit na papel.
Sabi ko na! alam ko na ‘to!
Nakalagay sa harapan ng papel na sila ay samahan na tumutulong sa simbahan. Humihingi sila ng konting tulong para mas mapag-igtingan ang pagtulong na ginagawa.
Ginawa na namang dahilan ang simbahan. Payo ko lang sana, manloloko na din lamang sila, hindi pa nila ginawang kapani-paniwala. E mukhang hindi gagawa ng matino itong lalaki na nasa harapan ko. Alam kaya nito kung bakit pinako si Hesus sa Krus? Hindi ko na itatanong kung may bibliya siya sa bulsa.
Dumukot ako sa bulsa ng pera. Sukli sa pinambili ko ng sigarilyo kanina. Iniabot ko sa lalaki ang konting barya. Hindi ko na binilang. Alam ko naman na hindi pupunta sa simbahan yun. Tulong ko na lang dahil mas nakaaangat ako sa kanya. Tulong na rin sa akin para hindi ko na maibili pa yun ng sigarilyo. Nadagdagan ng konting minuto ang buhay ko.
“Salamat boss! Pagpalain kayo ni St. Ben!”
Alam kaya nito kung paano naging santo si St. Ben? Ang liwanag nung pagkakasabi niya sa ngalan nito.
Nakaguhit sa mukha nung lalaki ang katuwaan, katuwaan na meron na naman siyang naloko. And I tolerated it. Alam ko namang mali pero hinayaan ko, nagbigay pa ako ng rason para magmukhang tama. Lagi na lamang ganun. Kapag may nagawa tayong mali, lagi tayong naghahanap ng excuse para kahit papano, magmukha parin siyang tama. Pride kasi, ayaw natin na magmukha tayong tanga kahit na nangyari na, nagmukha na tayong tanga, nagdadahilan pa rin tayo na hindi,
Hindi ko sinadya!
Hindi ko alam!
Nadala lamang ako!
Akala ko tama!,
kahit alam na natin sa sarili natin na nakita na nila. At least, we are trying to make our selves believe that no, they did not see our idiocy. The way we think, most of the time, is driven by our pride.
Nakalayo na yung mama. Hawak ko pa rin yung papel na pruwebe na naloko ako. Nais kong matawa ngunit isang mapait na ngiti lamang ang gumuhit sa aking mga labi. Simbahan, isang sanktwaryo para sa mga naliligaw na kaluluwa. Natatag na may napakagandang layunin. The idea of the church alone, I highly respect. But its existence today, I cannot tell.
Meron naman, sana, na mga taong nasa loob na malinis talaga ang hangarin. Pero ayokong hanapin. Para akong maghahanap ng karayom sa isang malawak na tubuhan.
Anong pagkakapareho ng simbahan ngayon at ng isang negosyo?
“Without money, it will stop to exist.”
People of wisdom once told us.
“Money is not evil. It is the love of money that makes us evil!”
They’re right! Money is not evil but one of the necessities for humans to live. Necessary for living.
As I think back, history shows that it is all the necessaries that are primarily making humans an evil. - Money, food, home, safety, sex, love, self gratifications, belongingness - They are the provoker of war. The provoker of the evil inside of us. They are what we need to survive and we do not need to have much.
Much is evil. Everything you wish to have much makes you an evil. We are both good and evil. You wish for much, you become an evil. You wish enough, you remain good.
But humans are never satisfied. We may say we are but never deep inside. We are still craving for more. We are evil. Being human is an evil. Mortality symbolizes evilness. You, yourself, are a symbol of evilness but, an evil can live a good life. You can live good in spite of being an evil. A good evil. You just need to learn how to tame the evil inside of you.
Tumingin ako sa aking wrist watch. Mag aalas-onse na ng umaga. May kaylangan pa akong tapusin na artikulo para sa aking mga masusugid na mambabasa. Siguradong marami na naman ang naghihintay ng aking opinyon sa ginawang speech ng mahal nilang pangulo kahapon. Kahapon pa yun pero wala pa akong naisusulat kahit na isang paragraph. Anong magagawa ko e hindi talaga ako naniniwala sa mga sinabi Niya. Hindi ko naman pwedeng sabihin na hindi ako naniniwala dahil pihadong mawawalan ako ng trabaho. Ang trabaho nga naman. Kapag ginawa mo talagang trabaho, kaylangan para mabuhay, ay nakakatamad na. Napipilitan kang magsinungaling. Napipilitan kang gumawa ng mga bagay na ayaw mo. Wala ka namang magawa dahil ‘yun ang lifeline mo.
I sighed heavy and made a decision. Bukas na ako magpapasa ng papel. Tatawagan ko na lang “boss” ko para sabihin na bukas, sigurado na na magpapasa ako. Alam ko naman na hindi yun makakatanggi dahil gusting-gusto rin non ang trabaho ko. Alam na niya kung bakit hindi pa ako nagpapasa.
Uuwi muna ako ngayon sa bahay at matutulog maghapon. Baka sakaling pag gising ko ay may ideya na ako kung paano ko uumpisahan ang isusulat kong mga kasinungalingan.
When I open my eyes,
I see the world as it is.
When I close them,
I see a world as I want it to be.
So, now, I guess,
it’s better to close my eyes – forever.
Hindi ko na mabilang kung ilang beses ko ng binasa ang linyang ito sa tula na gawa ni Alvin M. entitled ‘When I Open My Eyes’. He’s never been a famous poet. Critic says that he writes not in universal way. He uses ‘I’ all the time and it makes his works uninteresting to other readers but, for me, kung uunawain lamang natin ang sinasabi niya, his ‘I’ signifies the ‘We’, his words express our own feelings deep within. Emotion na sa totoo lamang ay nasa puso din nating lahat, hindi pa lamang natin nahahawakan.
This world can never be perfect, it may seem so but, it can never be. Boring ang perfect. Kapag walang gulo hindi naman lalabas ang definition ng perfect. How would a word exist if there is none to justify its meaning? Walang saya kung walang lungkot. Walang sarap kung walang hirap. Walang maganda kung walang pangit at wala ding perfect kung walang imperfect.
Isa akong Newspaper Columnist. I dreamt to be a novel writer who can travel around the world and have as much as much of what this life can offer. I wanted to try everything, do anything as it pleases me. Sex, drugs, gamblings, and many more na magpapaligaya sa pisikal na katawan ng tao, pero kaylangan kasi na ikonsidera ang mga tao’t bagay sa paligid. Maapektuhan ba sila sa desisyon na gagawin ko? Magagalit ba sila o matutuwa? Kung hindi mo sila iisipin. You will not survive! Kung lahat ng tao ay hindi iisipin ang nasa paligid nila, I cannot imagine how this world will turn out.
Tumingin ako sa wall clock. Mag-aalas’syete na ng gabi. Hindi pa ako nagdi-dinner at wala pa rin akong naisusulat para sa column ko bukas. Naalala ko tuloy ang pag-uusap namin ng editor in-chief namin kanina.
“Problema ka talaga kahit kaylan! Kung pwede lang akong humanap ng kapalit mo ngayon din, papapalitan na kita!!”
Sinigaw pa niya yung huling pangungusap na binitiwan niya. Sigurado ako na alam ng mga nakarinig sa office, kung nasa office man yun, na ako ang kausap n’ya sa telepono.
Kung pwede lang daw siya humanap ng kapalit ko?
Hindi niya ibig sabihin na mahirap maghanap ng writer na papalit sa trabaho ko. Ang ibig niyang sabihin, mahirap humanap ng kasing galing ko!
“Bukas, 7am sharp. Makikita ko sa table ko yang gawa mo. ‘Pag hindi ko yan nakita, wag ka ng pumasok kahit kaylan, Intiendes?”
Magdi-dinner muna ako. Buti na lang nakatulog ako kaninang hapon. Makakaya kong hindi matulog ngayong gabi para matapos ko ang mga lies-commend na kaylangan kong isulat.
Alas syete bukas.
Alas syite bukas.
II
It was a pleasant evening, no wonder why I could not hear the usual bystanders circling around my house when the night comes out, when I turned on my television to watch the speech of our beloved president. I was with my usual bedtime-attire and ready to sleep after he finished his long awaited SONA (State of the Nation Address).
The purpose is to tell the nation’s current state and plans for developments the government has.
He had a very enticing introduction. I was clapping my hands up to meal like I’m forever haunted by his parent’s teachings and deeds. Yeah! I am a big fan of them; I kneeled to their memoirs, ingested every word they’d said and made them every vitamins circulating inside my body. Now, their fruit becomes our new sun to light up the incoming dawn to speak the forgotten hope.
After the introduction, as if he wanted to finish the speech as soon as possible, he can no more grip the urge to untie his feelings against the former government before him, he converse to everyone in front of him asking;
“Have you ever felt the abandonment of someone you knew all along will help you but never tried to put into reality all the verses he said? I have! I was one of those who put them into power and I was also one of those who felt the worst of the power gave to them.”
A little more awakening bloody comments for the former government were said before he stated his own full of hope agendas for our motherland. ***
“Jeremy! Pinapatawag ka ni boss sa office n’ya. Ngayon na daw!”
Matapos ang magkakasunod na pag ‘tok’ ‘tok’ sa pintuan ng aking opisina ay walang pasintabing nagsalita si Gemma, sekretarya ng boss ko, nakangiti ng mahusay, at may pinapahiwatig na kakaiba ang pagkislap ng mata.
“Pakisabi may binabasa lang saglit” Sagot ko. Alam kong tungkol sa column ko ang dahilan kaya ako pinapatawag.
“Asus! Yan ka na naman, pakisabi saglit lang pero mamaya lang mawawala ng parang si Zero. Hala! Tama na yan at hindi daw ako lalabas ng office mo ng hindi ka kasama!”
Hindi pa ako nakakasagot ng ‘oo’ ay lumapit na sa akin si Gemma at hinila ako patayo na parang bata. Hawak ang isa kong kamay ay tinunton namin pabalik ang opisina ng boss naming dalawa. Bawat maraanan naming na kaopisina any nakatingin sa aming dalawa ng may pakahulugan.
“Good morning s–-.”
“Maupo ka Jeremy!” – hindi ko pa natapos ang pagbati ko ng magandang umaga.
“Alam kong alam mo na kung bakit kita pinatawag.” walang kaemo-emosyon na pananalita
“Opo. May p---.”
“Do you have any idea how much calls are reaching us since this morning?” – hindi na naman pinatapos yung sasabihin ko.
“Sir. May p---.”
“Hindi problema kung tutuusin pero dahil ikaw ang involve ay lumalabas na problema pa rin.
“Three morning TV shows are inviting you to be their guest and as far as I can remember, a hundred of them you declined from the past.
“Six magazines want to cover your work for this month’s issue and many more invitations. Lahat yan, di na bago. Right?”
“Opo sir!”
“Ang bago, one call from Malacañang inviting you to have a dinner with the president.”
- ? –
?
sir JackAl, este Jack Alvarez, kamag-anak siguro kita.. tiga norte ka din po ba? grabe ung comment niyo. may ganon po pala ano, trying hard, kahit sa personal na artikulong nababasa. hindi ko man lang napansin yon. trying hard din po siguro ako.
gusto ko din magkomento sa laman, hindi sa tama or mali ito, pero obserbasyon ko lang din. bilang dating katoliko, naalala ko, parang ganon din ang feeling ko, na kapag may dala akong napapatungkol sa Diyos, picture niya sa wallet ko, maliit na Bibliya, rosaryo, parang nagdudulot yon ng "peace", pero na-realize ko na puro panlabas lamang iyon at dahil panlabas lamang, hindi magtatagal o temporary lang... kung pag-aaralan lahat ng karakter sa kuwento, pati ang nagsasalaysay, ang relihiyon nga naman, kung puro panlabas, hindi mo aasahan.. dapat talaga, ang relihiyon ay nakakapagpabago ng PUSO.. walang halong pagdududa, pangungutiya, paghahanap ng kung sino ang may kasalanan sa mga bagay-bagay, etc.
ewan, hindi ko kayang i-explain, pero yon na yon.
Taga-Cagayan de Oro ako. Mindanao. Southern.
Talagang TRYING HARD. Di ko feel yung akda.
Lalo na nung mabasa ko ang komento ni Rom.
'Bless God and bless the gays.' - Lady Gaga
"Nakalagay sa harapan ng
"Nakalagay sa harapan ng papel na sila ay samahan na tumutulong sa simbahan. Humihingi sila ng konting tulong para mas mapag-igtingan ang pagtulong na ginagawa.
Ginawa na namang dahilan ang simbahan. Payo ko lang sana, manloloko na din lamang sila, hindi pa nila ginawang kapani-paniwala. E mukhang hindi gagawa ng matino itong lalaki na nasa harapan ko. Alam kaya nito kung bakit pinako si Hesus sa Krus? Hindi ko na itatanong kung may bibliya siya sa bulsa. Dumukot ako sa bulsa ng pera. Sukli sa pinambili ko ng sigarilyo kanina. Iniabot ko sa lalaki ang konting barya. Hindi ko na binilang. Alam ko naman na hindi pupunta sa simbahan yun. Tulong ko na lang dahil mas nakaaangat ako sa kanya. Tulong na rin sa akin para hindi ko na maibili pa yun ng sigarilyo. Nadagdagan ng konting minuto ang buhay ko. “Salamat boss! Pagpalain kayo ni St. Ben!”
Hindi ko alam kung matatawa ako o matatae sa sinulat mong ito. bukod sa napaka confusing ng structure mo lalong lalo na sa paggamit ng English ba o Pilipino, hindi mo rin mapabilib ang mambabasa na dapat ba nilang paniwalaan o pagtiwalaan ang prinsipyo mo.
una, binabatikos mo ang nangungulekta o huminhingi ng donasyon na nasa sobre bilang isang "magnanakaw" sa loob ng isang banal na institusyon kahit na wala ka namang pruwebang binanggit maliban sa haka-haka mo.
pangalawa, matindi na ang binitawan mong batikos pero andun ka pa rin at nagbigay ng abuloy--ano yun? ikaw mismo kinontra mo ang sarili mo, kinagat mo mismo ang sarili mong buntot.
kapag gagawa ka ng isang sanaysay (iniisip kong sanaysay ito) lagyan mo ito ng bayag. kasi ang sanaysay ay isang malayang pagpapahayag ng saloobin, obserbasyon, pagtingin sa mundong ating ginagalawan. kung wala itong bayag walang pinagkaiba ito sa formal theme writing nung elementary na "what i did last christmas vacation."
Pangatlo importante ang focus. nahihilo ako sa pagbabasa sa dami ng ipinapasok mong ideas na nagbubunga ng matinding hidwaan at awayan sa isa't-isa. hindi baleng magbitaw ka lamang ng mga "one-liner" kung ito ay may bigat ng isang tonelada kesa sa maghagis ka ng sampung pangungusap na sing-gaan lamang ng hibla ng bulbol.
aminin natin na iba ang nagiging pakiramdam kapag English ang binabasa at iba rin kapag Filipino. mag-isip ka at tanungin mo ang sarili mo kung ano ba talagang medium ang gagamitin mo. magpasya ka. english kung english at Filipino kung Filipino, wag mong paghaluin kung di mo naman kayang pangatawanan. may mga manunulat na kayang paghaluin ang dalawang wika na yan ng magandang kinalabasan pero hindi ikaw yun. tama si jack Trying hard ang dating. ngayon pa lang nagsisimula kang magsulat magpasya ka na kung alin sa dalawa. at kapag nakapili ka magpaka husay ka dun huwag kang mamangka sa dalawang ilog.
Bilang panghuling salita: muntik ko ng saksakin ang sarili ko ng hawak kong tinidor sa sama ng loob sa kahahanap ng koneksyon ng I sa II.
mabuti na lang nakapag hunos-dili ako at di ko ginawa kung hindi...di ko sana naisulat ang mga komento ko. maglalaslas na lang ako ng pulso ko...
tnx sa mga comment
actually, i don't know how to comment on all these.. Yeah! i guess am trying hard.. what i know.. since i started to like writing.. that was i think the beginning of this ending year. 'am writing without study background, you can think of this as my excuse,, yeah! it is.. defence mechanism.. 'am writing exactly as how it came to my head, at least. Okay!! 'ill try to rewrite it.
p.s. tnx for the effort sir. Rom.. i really appreciate your comment. This is what i need kaya ako nagpopost dito.. Pwede pa ba humingi ng favor? Meron pa po akong dalawang post. 1 essay and 1 poem.. Just wanna know your opinion on them.. tnx, God Bless and advance merry xmass.
Kanina lamang sa loob ng
Kanina lamang sa loob ng simbahan, habang nagsesermon ang pari, napakatahimik, ay marami ang umiiyak. May makikita ring nakaluhod at matiim na nagdarasal kabilang na ang nasa tabihan ko na hindi napigilan ang pag-iyak. Ang hindi ko maunawan, nung papalabas na kami ng simbahan at lapitan siya ng mag-inang humihingi ng limos ay hindi niya naitago ang pangangasim ng mukha sa pandidiri na kulang na lamang ay itulak niya ang mag-ina subalit hindi niya nagawa dahil ayaw niyang madumihan ang bagong pintang mga daliri. Sa pagmamadali niyang maglakad upang makaiwas sa mag-ina ay muntik na siyang madapa. Hindi man lamang niya nagawang mag-abot kahit na barya samantalang sa simbahan kanina, halagang isang libo ang ibinigay niya. Mas magaling talaga manlimos ang simbahanan. Malinis sila sa paningin kaya hindi nakakadiring abutan..
{BANAL NA ASO, SANTONG KABAYO }
eaders of the church are also humans, and humans, pag pera na ang pinag-uusapan, nagbabago ang pananaw niyan (not to mention the power money can give). ( THE MONEY IS ROOT OF EVIL )
Money
Money is one of the necessities to live. It is the love of money that is evil.








Pero hindi ganito ka -trying hard
Marami akong nabasa na Taglish o kaya pinaghalong Filipino at English na mga article pero hindi ganito ka -trying hard. Halos lahat yata ng inenglis sa istoryang ito mas masarap basahin kung nasa tagalog.
Bakit di na lang tagalugin at yung English words na mahihirap, proper nouns at walang equivalent sa Tagalog yun na lang ang panatilihin mo? O kaya yung mga quotes o sayings na di keri i-translate. Awkward basahin na mas maiintidihan at mararamdaman pa ng mambabasa kung sa Tagalog in-express. Tulad nito, 'I sighed heavy and made a decision.' Ang gandang pakinggan o basahin 'to kaso naalangan ako kasi biglang naging English. Parang di ko naramdaman tuloy.
Di ako Katoliko at di ako pamilyar sa mga santo. Ngayon ko lang narinig ang St. Ben.
'Bless God and bless the gays.' - Lady Gaga
http://jackofspades01.multiply.com/