Brownout
Napakainit ng panahon ngayon tapos hinaluan pa ng pagkakataong may brownout. Naalala ko tuloy yung kanta ng Yano, ang pamagat ay "Kaka", kanta kasi ito tungkol sa brownout, yung taong kapa ng kapa dahil biglang nawalan ng ilaw tapos yung kanta ni Francis M. na "Ayoko sa Dilim", na patungkol naman sa mabagal na pag-aksyon ng gobyerno sa brownout, matagal na mga kantang ito, pero ang mga ito ang nagpapaalala sa akin tuwing walang kuryente..
Kahapon nga brownout sa skul, propesor ko nagtututro basang basa ng pawis, sa sobrang irita binuksan niya yung bintana para pumasok ang hangin, tapos pumunta siya sa pintuan at doon nalang nagturo habang nakabukas


