my favorite poem3-Buhay at Kamatayan ni Jose Villa Panganiban

nerie_esplana@yahoo.com's picture

ang tao'y iniaanak, nabubuhay, namamatay. . .

sa dalawang unang likha ng Bathalang mapagkapal,

di na mabilang ang angkang naging bansa't bayang

di mapigil sa pagdaming bula-bulang katauhan.

ang mga hiblang-hininga'y mayroon ding kaduluhan

at napakamalagutin sa gutom, sakit, patayan.

bawat ianak sa mundo'y silangang nanganganluran.

bakit? bakit? ang tao ba'y binuhay upang mamatay?

sa bulag, ang sagot dito'y may hilakbot na pangmalay;

sa dilat, ang tugon dito'y may liwanag na dalisay

na nagsasabing ang tao'y sa libingan nabubuhay.

sa talaagham ng Bathala ay buhay na walang-hanggan

ang bigay na gantimpala sa ganap na kamatayan;

sa pagmamahal Bathala ng lihim ng katotohanan.

 

 pinili ko ang tulang ito dahil minsan din ay tinatanong ko sa aking sarili kung ang tao nga ba ay binuhay upang mamatay..

pinapakita sa tlang ito na ang buhay nga ng tao ay may hangganan, ang bawat isa ay may katapusan ngunit napapalitan naman ng isa pang bagong buahay. .