Buhay OFW
Isa sa malungkot na dinadaan ng OFW ay ang mga araw na mayroong lilisan. Kaaalis lang ng isang kasamahan namin sa trabaho. Naging malapit kami sa kanya, nabuo ang isang mabuting barkadahan. Parang magkakapatid na halos ang turingan. Ang pakiramdam na tila mawawalan ka ng isang kapatid, palibhasa alam mo na mabuti pa siya at makakauwi na ng Pinas at hindi mo rin alam kung magkikita pa kayo sa Pilipinas.
Isang karanasan na nakakalungkot ang lumisan ang isang kaibigan maliban sa dahilan na lagi siyang nanglilibre, hehehe. Sa kabila ng kalungkutang ito, magsisimula na naman ang isang bagong yugto ng buhay. Patuloy itong iikot at aandar ngunit ang mga taong ma me-meet mo ay maraming kwentong maibabahagi sa iyo. Marami kang aral na makukuha, kung makikinig ka lang. Ang buhay ay puno nang sorpresa....

