BUHAY PAG-AASAWA

rose's picture
| | |

BUHAY PAG-AASAWA

May kasabihan na ang buhay pag-aasawa kapag pinasok mo hindi ito parang kanin na kapag napaso ka pwede mong iluwa . Para sa akin ito ang napakahalang bagay na dapat pinag-iisipang mabuti bago mo gawin ang pagpasok sa buhay may asawa. Maraming mga taong nagtatagumpay sa buhay pag aasawa at marami din namang nabibigo, kapag pumasok ka sa buhay pag-aasawa maraming bagay ang mababago sayo, maraming bagay ang pwede mong talikuran at kalimutan.Marami ring pamilya ang nasisira kapag sila'y nagkakalayo, maraming hindi nagkakasundo, iba't ibang kwento sa buhay may asawa. Naaalala ko ang isa kong kaibigan noong dalaga siya, sakit ng ulo ng kanyang magulang walang ginagawa, panay punta ng sayawan, puro lakwatsa ang inaatupag, hanggang pinili niya ang buhay pag-aasawa na hindi niya pinag-isipan, isang bagay ngayun ang sinasabi niya kung maibabalik ko lang ang nakaraan itutuwid ko lahat ang aking pagkakamali.

Marami sa atin ang nag-aasawa sa hindi tamang panahon, akala nila na ang pag-aasawa ay sagot sa kanilang problema, akala nila ganun kadali ang buhay may asawa, masasabi mo lang na tagumpay ang buhay pag-aasawa kapag nakatagpo ka ng taong makakasama mo sa hirap at ginhawa, sa lungkot at saya, taong magiging tapat sayo sa lahat ng bagay, magmamahal sayo habang buhay .. Dapat kapag pumasok tayo sa buhay may asawa handa tayong talikuran ang nakaraan natin, handa tayong tanggapin ang mga bagay na posibleng mangyari, at handa tayo sa mga pag subok na darating sa ating buhay.

Handa tayong harapin ang magiging buhay natin at handa tayong tumayong maging mabuting magulang ng ating magiging mga anak. Kumbaga sa libro kapag pumasok tayo sa buhay may asawa, pumapasok na tayo sa pangalawang pahina ng ating buhay,
Kailangan handa na tayong ibigay ang ating buhay sa taong makakasama natin, sa pagpasok sa buhay pag-aasawa dito natin mararanasan ang maging magulang, ditto natin mararamdaman ang hirap ng ating ina at ama sa pagpapalaki sa atin. Para sa lahat mahalin natin ang ating magulang dahil sa kanila, kaya nandito tayo sa mundong ito, huwag natin sayangin ang panahon na sila'y ating mapaligaya at gawin natin ang mga bagay na makakapagpasaya sa kanila at wag natin palagpasin ang panahon na masabi natin sa kanila kung gaano natin sila kamahal..

Lagi nating iisipin lahat tayo ay darating sa buhay pag-aasawa, mararanasan natin ang buhay ng pagiging magulang… kailangan natin maging magandang ehemplo sa ating magiging mga anak. Kung handa kana sa mga bagay na yan pwede ka na mag-asawa.

Author:

Rdm 26/11/07

Rosie

isinulat ko po ito para bigyan ng inspiration ang mga mambabasa kung ano meron kapag pinasok natin ang buhay pag-aasawa.


poetic_angel's picture

totoo mga sinabi mo! salamat

totoo mga sinabi mo! salamat sa pagpapa-alala ng mga mahalagang bagay na ngayon ay hindi na nabibigyan ng pansin.

http://chil-raising.blogspot.com

Got that right. Marriage is

Got that right. Marriage is a vocation, a lifelong commitment, not just, as you said, basta-basta lang. Pinagiisipan, pinagninilayan, pinagdadasalan. Religion aside, we must find the life that we must be truly happy with. Hindi lang kung ano ang narararamdaman, pero... magiging masaya ka ba kapag ito ang pinasukan ko? Would you (readers) be happy when you enter a marriage which you would have to be committed to?

new member, looking for new friends
http://axlarevalo.blogspot.com/

TIMES HAVE CHANGED

noong unang panahon, iba ang ibig sabihin ng pag aasawa.

 

BUHAY PAG-AASAWA

hi rose its me robby.i add u sa ym ko.i read also ur msg.....interesting tlga mga pinopost mo hope mrmi mkbasa at mkaalam sa buhay buhay..im married na with 1 child.mhrap tlga ang pag-aasawa lalo na kung hndi mgkasundo lagi syempre hndi nman naiiwasan yun di ba but hindi naman sa pinahahantong ko sa masamang sitwasyon hanggat maaari eh we resolve it right away and that is right thing to do di ba..