Bukas Tititiin Ka Na Naman (j.luna)

j luna's picture
| |

Bukas tititiin ka na naman.

Alam ko,

pupunta ka uli sa Bureau, sa Izakaya,

sa Manor Super Club:

Maniniti.

Makikihalubilo sa ibang nagpapatiti,

magpapatiti sa mga

 naroo’t namumuki.

Alam ko,

alam ko ang masakit at hindi ko maitatangging sistema

sa likod ng bumabayong mash up at hip-hopan:

may mga nambabayo,

binabayo

at nagpapabayo.

Masakit, oo—

Masakit tanggapin

na sa kadami-daming titing-

lumabas at pumasok

sa iyong puki,

ang aking titi

ay hindi man lang

tumimo

sa singit ng iyong libog

o sa kuyukot ng

iyong pagnanasa.

Oo, alam ko.

Parang andali-dali para sa iyong makahanap ng kakangkang—

At andali-dali mo kung tutuusing kangkangin.

Pero ewan.

Ewan.

Totoo,

'pag ikaw ay lango,

agad kang bumibigay.

Pero, ilang beses na tayong uminom,

Ilang beses na kitang nakitang lasing.

Ilang beses na nga kitang nilasing-

ngunit,

wala.

Wala.

Sila na may matamis na dila at mahahabang burat,

na di kayang tapatan ng bawa’t

matamis na berso ng mga inalay

naialay

at patuloy na iaalay

na tula-

ang siyang nakakatiti sa iyo.

At ngayon,

Alam ko na bukas uli,

Olats ako sa’yo.

Mag-jajackol na lang sa isang tabi,

titiin ang unan

o kaya ang

medyas.

Mangagarap

Iiyak,

at pilit itatangging

marami ka pang titing kakainin.

 



j.luna

j.luna's music reviews, articles poems and works of fiction have appeared in the Philippines Graphic,Fudge Magazine, Playboy Philippines, Monday Magazine, KM64's Tulagalag poetry project, Paper Monsters Poetry Pamphlet 1 and 2, and an upcoming anthology of flash fiction to be published by La Salle Press in 2011. He was also a recipient of the Genoveva Edroza-Matute Grand Prize for fiction (Filipino category) way back in '05.

 

j.luna is willing to teach poetry writing to ladies who are willing to play.


Rom's picture

malungkot... kung paanong

malungkot...

kung paanong naiinggit ang titi sa daliri. 

 

KarikaTuura

j luna's picture

Salamat

Ngunit,

masaya namang isipin na ang kamay at mga daliri ay nag-aanyong Ktrina Halili o Angelina Jolie paminsan-minsan.

---------------------------------------------------------------

Sa likod ng mahabang dreadlocks at balat na puno ng tattoo at piercing, si j.luna ay isang lisensiyadong guro

Yuco's picture

:-)

Kung literal na babasahin ang tula, masyadong bulgar ang mga salitang ginamit at siguradong magwewelga ang konserbatibong parte ng utak ng babasa (kung meron man). Ngunit kung hihimayin, nakatulong ito upang mas lalong bumigat ang emosyong nakatago at pilit kumakawala sa tula. 

 

nakaka-elibs :)

 

Ayaw Matulog ng Keyboard Ko

j luna's picture

Salamat

Literal talaga yan.

Tsaka pag-nakausap mo ako sa personal, ganyan din talaga ako magsalita.

aww

 gusto ko ito.

 

_____________

"Gaya ng sugat, nabubuhay ako sa kirot; walang hanggang pinsala ang idudulot mo sa sandaling ako’y iyong hawakan." Pag-ibig, Pablo Neruda (salin ni Ruth Elynia Mabanglo).

j luna's picture

Salamat

---------------------------------------------------------------

Sa likod ng mahabang dreadlocks at balat na puno ng tattoo at piercing, si j.luna ay isang lisensiyadong guro

nayre's picture

SALAMIN NG KATOTOHANAN

mga pangyayaring totoong nagaganap kahit sa mga puta ng bayan

lahat naman may karapatan, at kahit puta ka man, may tao pa rin, na kahit dustahin ka ng karamihan ay tunay na magmamalasakit at nagmamahal sayo anupaman ang estado ng iyong pagkatao. 

j luna's picture

Hmmm. Misreading man. Hindi

Hmmm. Misreading man. Hindi ito tulang patungkol sa Women's rights, Women's Lib at higit sa lahat, wala namang puta sa tulang ito.

---------------------------------------------------------------

Sa likod ng mahabang dreadlocks at balat na puno ng tattoo at piercing, si j.luna ay isang lisensiyadong guro

Jack A. Alvarez's picture

At makikitaan ng matinding pagpapahayag sa kanyang damdamin

Titi kung titi ang labanan.

Nakaramdam ng insecurities ang persona. At makikitaan ng matinding pagpapahayag sa kanyang damdamin (hindi lang yung pagnanasa) kundi ng kakaibang panliligaw o panunuyo sa 'babaeng pakarat' sa tula. Yung nilalasing ang babae (uso ito para sa mga pakangkang talaga) at yung pag-alay ng 'matamis na berso' na kung iisipin ay hindi kakagat sa babaeng pakarat. Dahil mas epektib para sa kanya ang pagiging bolero at malaking burat.

Matindi ang kanyang panunumbat, galit at pagkainggit ngunit maganda ang paraan ng pagpahayag ng mga damdamin sa kabila ng 'sangkatitian'.

Sa mga linyang ito:

Sila na may matamis na dila at mahahabang burat, (ito yung nambobola o bolero di ba?)

na di kayang tapatan ng bawa’t

matamis na berso ng mga inalay (ito yung description sa tulang inialay)

Di ko masyado kakitaan ng paghahambing dahil sa parehong adjective ang ginamit. Kasi parehong matamis. O ang pagkakaiba lang ay yung nauna ay sinasabi samantalang yung huli ay sinusulat.

 

 I love these lines.

'ang aking titi

ay hindi man lang

tumimo

sa singit ng iyong libog

o sa kuyukot ng

iyong pagnanasa.'

 

 

 

'Bless God and bless the gays.' - Lady Gaga

http://jackofspades01.multiply.com/

j luna's picture

Salamat

Nabasa mo nayung mahabang thread na diskurso ng tulang ito sa facebook?

Panalo ang comments. haha

---------------------------------------------------------------

Sa likod ng mahabang dreadlocks at balat na puno ng tattoo at piercing, si j.luna ay isang lisensiyadong guro

Jack A. Alvarez's picture

Di pa. Check ko mamaya, pag-uwi. Salamat sa pag-tag, j.

'Bless God and bless the gays.' - Lady Gaga

http://jackofspades01.multiply.com/

j luna's picture

Salamat. Chaos

Salamat. Chaos no?

---------------------------------------------------------------

Sa likod ng mahabang dreadlocks at balat na puno ng tattoo at piercing, si j.luna ay isang lisensiyadong guro

Jack A. Alvarez's picture

Chaos nga.

j, grabe ang comments dun sa FB nito. Dami nag-react ha. Napapanahong isyu na naman ang 'titi' mo. lol.

chaos nga. kasi iba-iba ng interpretasyon. pero ang punto dun napukaw mo sila sa 'titi' mo.

Dami akong nakuhang hints dun. Ang tatalas nila. Gusto ko yung ganung balitaktakan sa pagpuna ng tula/ akda.

 

 

'Bless God and bless the gays.' - Lady Gaga

http://jackofspades01.multiply.com/

j luna's picture

Ang layo ng paraan ng

Ang layo ng paraan ng pagpuna ni Axel Pinpin, German Gervacio at Abet Umil sa istilo ng sablay na pagpuna ni Alexander Dagrit no?

---------------------------------------------------------------

Sa likod ng mahabang dreadlocks at balat na puno ng tattoo at piercing, si j.luna ay isang lisensiyadong guro

Jack A. Alvarez's picture

Naman. Sooooo layo.

Naman. Sooooo layo.

Just keep me tagged sa susunod mo pang mga posts.

Para sa exposure ko kung papano sila mag-critique. Lol.

Bilib ako sa kanila. Ang gagaling, j. Kakainggit.

'Bless God and bless the gays.' - Lady Gaga

http://jackofspades01.multiply.com/

j luna's picture

Oo nga e. Nakaka-challenge

Oo nga e. Nakaka-challenge na di ako basta-basta makakapagpost ng salsal lang na tula dahil, baka makarne ang istilo, logic at flow.

Haha. Panalo.

---------------------------------------------------------------

Sa likod ng mahabang dreadlocks at balat na puno ng tattoo at piercing, si j.luna ay isang lisensiyadong guro

Jack A. Alvarez's picture

I love this from Abet Umil.

Sinipi ko mula sa mga comments dun sa FB. I love this from Abet Umil.

'Relative ang sinabi mong "katinuan" sa kung aling "moral values" ang bituin ng individual sa pagitan ng mga dominanteng MV at kultura, counterculture, at, "lumpenic" na MV at kultura.

At dahil ang pagmamakata ay nangangailangan ng mga kasangkapan: 1) kaalaman sa basic elements man lang ng tula, 2) matining na pilosopiya (kumpara sa pilosopiya ng karaniwang mambabasa o tagatangkilik ng tula), 3) matining na weltanschauung, 4) may kasinupang praktika sa buhay; kaya, ang makata ay sinasabing may kakayahan na tumingin nang pambihira sa karaniwang bagay na tinutula.'

 'Kung mayroon mang "makata" na "sarado o walang kakayahang sumulat ng tulang makakapag-angat sa (s)ubject o makagigising sa kanyang mambabasa", aplikable sa kanya ang nagsisimulang makata.'
 

'Bless God and bless the gays.' - Lady Gaga

http://jackofspades01.multiply.com/

E.D. Paraway's picture

ang ganda po nito kuya j,

ang ganda po nito kuya j, kahit 'di ako masyadong panatiko ng mga ganitong istilong paglalahad eh damang-dama ko naman yung damdamin ng karakter na naglalahad ng tula. Mabuhay po kayo.

"Mas mainam ng mag tanga-tangahan minsan,
kaysa sa mga nagmamarunong 'diyansa may kanto."

j luna's picture

Salamat sa comment

Sa tula, "persona" ang tawag hindi "karakter".

---------------------------------------------------------------

Sa likod ng mahabang dreadlocks at balat na puno ng tattoo at piercing, si j.luna ay isang lisensiyadong guro

skechers

 

<< spammer detected. account is deleted. >>

j luna's picture

Salamat Spammer for Spamming on my post

Being a long distance runner and also a minimalist I think Skechers Shape Ups is a SCAM. It won't freaking work and nothing beats Nike Frees. I wear Nike 3.0s when I run and I'm warming up for a 21km on the 27th and all I can say is that Skechers suck.

Also, Skechers is only worn by Jologs.

Don't buy Skechers... Baduy.

---------------------------------------------------------------

Sa likod ng mahabang dreadlocks at balat na puno ng tattoo at piercing, si j.luna ay isang lisensiyadong guro

galatea hopkirk's picture

 gusto ko ito. hindi

 gusto ko ito. hindi pa-virgin.

 

 -Galatea

j luna's picture

Salamat sa pagbasa. Add mo

Salamat sa pagbasa. Add mo nyo ko sa fb, may mga tula ako dun na dehins pa-posted ata sa fw.

Thanks.

---------------------------------------------------------------

Sa likod ng mahabang dreadlocks at balat na puno ng tattoo at piercing, si j.luna ay isang lisensiyadong guro

shaimariel's picture

..

Bulgar. May laman. Salamat sa malayang pagpapahayag.

j luna's picture

Salamat sa pagbasa

Hindi malaya yan,

nakakulong parin yan sa boundaries ng lingwahe at ritmo.
Kaya nga tula e. :)

---------------------------------------------------------------

Sa likod ng mahabang dreadlocks at balat na puno ng tattoo at piercing, si j.luna ay isang lisensiyadong guro

shaimariel's picture

Malaya siya

Bakit siya malaya? Kasi hindi konserbatibo. Kasi hindi nakakulong sa mahiyaing konotasyon ng/sa karaniwang Pilipino.

Kaya malaya siya. Hindi sa lenggwahe, kundi sa kuro.

j luna's picture

Digs.

Salamat sa pagbasa. :)

---------------------------------------------------------------

Sa likod ng mahabang dreadlocks at balat na puno ng tattoo at piercing, si j.luna ay isang lisensiyadong guro

ErebusAngelus's picture

Kakaiba pero hindi ako

Kakaiba pero hindi ako naiskandalo dito... Ang mga salitang titi at puke ay hindi naging madumi kasi may kwento naman sa likod ng mga salitang iyon.

Kung ihahalintulad ko ito, parang pag-nilalarawan ang sex sa textbook ng medisina.May mas mahalagang kahulugan kaysa sa mga salita mismo. At least, yun ang pananaw ko.

 Nakalimutan kong, sabihin... simple lang ang kwento pero dahil sa kakaibang paraan ng paglalahad, naging interesante siya.

j luna's picture

Salamat sa

Salamat sa pagbasa.

---------------------------------------------------------------

Sa likod ng mahabang dreadlocks at balat na puno ng tattoo at piercing, si j.luna ay isang lisensiyadong guro

alcor eldioan's picture

 maganda, bastos pero hindi

 maganda, bastos pero hindi bastos. sobrang totoo.

malungkot at talagang nakakalungkot na may bahid na selos, iba kasi ang selos at lungkot kapag kasali na ang 'kantutan' kahit hindi pa nagagawa.

 masarap siyang basahin.

hindi ko lang maintindihan kung baket nakaka-relate ako sa tula. ibang klase kasi yung kapag may gusto kang ganunin pero hindi siya iyo.

cool ang mga erotikong tula!

 kung may like button lang dito eh.

Starblaze's picture

alam ko ang pinagdadaanan mo

Di kita kaano-ano pero nararmdamn ko ang pinagdadaanan mo..alam ko ang buhay pamilya mo..alam ko ang buhay pag ibig mo..dahil laaht ng panulat mo binabasa ko...

wag kang mag-alala..laht tayo dumadaan sa ganyan..jsut hold on..makakatagpo ka rin na karapt dapt sayo

 

mahal kita kaibigan

 

Starblaze, Dakilang mangingibig, malikot ang isip (at kamay)

http://cutedaw-starblaze.blogspot.com/

alcor eldioan's picture

thanks. napangiti ako. thank

thanks. napangiti ako. thank you.

hindi mo naman dapat inopen up yun dito kuya eh, dito pa sa "wall" ni master jluna. nakakahiya tuloy.

 

okay sa lahat wag na papansinin.

 maganda ang tula, maganda talaga.

 

gusto ko naring gumawa ng kagaya nito.

 

"ang malungkot na titi"