Bula
Submitted by jeazelle on September 20, 2011 - 2:23am.
Filipino | Poetry
nais kong maglaho na parang bula,
mawala na lang bigla
na parang dura,
kapag inaapakan sa kalsada ng maruruming paa.
gusto kong lumayo,
tumakbo mula sa'yo.
gusto kong magtago,
gusto kong ayoko.
di ko alam kung ako'y susundan mo,
di ko alam kung ako'y hahanapin mo,
ang tanging alam ko,
hahanap-hanapin ko ang dating pagsuyo.
ang paglayo sa iyo'y masakit sa akin,
pero ito'ng ikabubuti natin,
paalam ang huling habilin,
habang buhay kitang mamahalin.
Jeazelle H. Salunga
» login to post comments | 210 reads

