bulaklak na tinuyo nang pagkalanta

sinta isaac's picture

Pagod ako. totoo, pagod ako. emosyunal at pisikal na aspeto, pagod ako.

Hindi ko alam kung dahil ba sa trabaho o kung ano pa man, ngunit parang gusto ko na agad bumigay, para bang wala ng maluwang na espasyo para makahinga ako ng maluwag.

Hindi ako masaya sa trabaho ko, hindi dahil sa kasing bagal ng trapiko sa edsa-cubao ang sweldo ko, pero ngayon ko lang naranasan kung pa'no mapagod ang utak ko hindi dahil sa maraming tambak na trabahong naghihintay sa akin sa opisina, mas nakakapagod pala 'yung halos anim na oras sa walong oras na pagta-trabaho mo ay wala kang ibang gagawin kundi ang maupo sa makipot na swivel chair, magtaas ng paa sa table, kutkutin ang mga pins at tissue papaer, makipag-asaran sa mga ka-opisina mong tsismoso't tsismosa, mag-yosi sa labas at tumitig sa orasan habang naghihintay ng ala-singko ng hapon.

parang dinatnan na ako ng menopause sa kahihintay ng uwian. parang bigla akong nabiyayaan ng loyalty sa kahihintay ng 30 minutes break, parang sampung taon lagi ang nadadagdag sa aking edad tuwing lalabas ako ng opisina.

Hindi ako masaya sa trabaho ko, pero dito lamang ako makakakuha ng endorsement, at isa pa, ayoko din namang mag resign bigla bigla dahil matinding sakit ng ulo at pagod ang dinanas ko bago ako natanggap dito, mahirap makapasok sa Government Office, hindi siya ganu'n kadali, dito, hindi lang basta sipag, tiyaga at talino ang kailangan mo para makapasok ka, kailangan malakas din ang hatak mo sa loob at hindi nila hahayaang makapasok ka na lang ng walang kahirap-hirap kesehodang haro o Admin officer pa ang backer mo.

Noong isang linggo, pinull out ako sa una kong unit at inilipat ako sa ibang unit, sa unit na tinatanggihan at iniiwasan ng ibang fuckingshit na empleyado, ang sabi sa akin ng mga kasamahan ko, nanghihnayang daw kasi sa akin ang boss namin, alam daw niya kasi na matalino ako, sinilip daw niya kasi ang resulta ng Psyche exam at IQ exam ko at very impressive daw ang resulta.

Shit.

Very impressive pala at ako ang unang qualified na empleyado para maupo sa loob ng opisina at tumanga buong maghapon.

ayoko ng ganitong routine sa buhay ko, iyong tuwing umaga makikipagtagisan ka ng lakas sa mga babaeng takot ma-late sa MRT at panuorin ang ibang pasahero na nag su-super saiyan kapag naitutulak at naaapakan sa paa.

ayoko ng ganitong routine na lagi ka na lang nagiging biktima ng mga nagpo-power trip na Admin officers, subject ng tsismis ng mga empleyadong kilalang kilala ka na kahit hindi pa kayo nagkikita.

nasaan na nga ba ang mga talent ko na ayon sa iba'y kayamanan ko daw? Magaling nga ba talaga ako o isa lang malaking biro ang lahat?

Isang old dirty joke na nung sinabi mo'y bad timing ka dahil may namatay at ang masaklap pa nito, nakalimutan mo ang punchline mo.

Shit di ba?

sabi ng GF ko, magtiis ako kasi nag-aayos ako ng buhay.

Ito pala ang horror ng pag-aayos ng buhay, p'wede bang h'wag na lang ayusin? p'wede bang hayaan ko na lang na magulo?

Pakiramdam ko, para akong isang old timer na bold star na tumamlay na ang career at unti unti nang nalalaos.

Pakiramdam ko, para akong bombilyang pundido.

pakiramdam ko, para akong isang politician na natalo sa eleksyon at hindi na makatakbong muli dahil out of budget na.

pakiramdam ko, para akong isang kumpanyang na-bankrupt.

pakiramdam ko, para akong brain cell sa ulo ng taong 20 years nang comatose.

parang papel de liha na sobra nang used up. worn out.

dead and gone.

Parang isang bulaklak na tinuyo nang pagkalanta. nahulog sa kalyeng maputik, inapakan dahil nagka stampede at nahalo sa putik at alikabok ng nagdaang panahon na hindi ko na kailanman magagawang ibalik.

katulad ngayon, hindi na nga ako makatulog, umuulan pa.

Shit, wala na akong yosi.


Yiennarda's picture

Effort talaga!

Nakakapagod talaga ang walang ginagawa. Nami-miss ko rin ang dati kong trabaho na sobrang maaksiyon, kahit super stressed kahit na ba alas diyes na ako umuwi ng gabi dati pero masaya ako dahil nararamdaman ko ang self-worth ko.  Importante talaga na masaya ka sa ginagawa mo.  Ngayon ang trabaho ko ay full time Facebook user at Mafia Player, at part time assistant...  nande-delay pa ng trabaho, shit talaga...  sabi nga ng karamihan dito wattudu?      

"Ito pala ang horror ng pag-aayos ng buhay, p'wede bang h'wag na lang ayusin? p'wede bang hayaan ko na lang na magulo"     

Sabi ko minsan sa isang kaibigan ko na ino-okray ko, mas madali ang magpaka-bad kesa magpaka-good.  Sobrang effort ang pagiging good, nakakatamad.  Alam mo ginawa niya sakin... Ni-lay hands niya ako at pinag-pray over.  Sana kako eh tumalab...  haay.

sh** Ubos na rin red horse ko... hahaha...

 

 http://wattuduyanie.blogspot.com/

       

ako

sa sobrang pagod... di na pumapasok hahahaha..

 

 

http://soundclick.com/share?songid=7575636

http://soundclick.com/share?songid=7553142

"hinahang

Luca's picture

sinta...

kung ano man yang avatar mo, naiintriga ako sa kanya..

mukhang kailangan mo na ng hobby o sideline...

an idle oject stays idle until a moving object collides with it. alam ko feeling ng nagbibilang ng oras, nakakabobo nga siya. haaay... maswerte na lang ako at gusto ko yung trabaho ko... kahit napapa-shiyet din ako minsan 

wag kang pipikit...

SimplengRebelde's picture

yellow rose ata yon

yellow rose ata yon..sa tingin ko.

tama, nakakaubos ng respeto sa sarili ang walang ginagawa..

-yan ang sabi ni Bob Ong.

pero gaya nga ng sinabi ni luca, kelangan mo ng hobby.

Maliban sa yosi, try mo uminom..ng yakult.

epektib yan. Maniwala ka.

aireen's picture

I feel the same

I feel the same sintaUndecided

mahirap yung ganyang feeling.. nakakabato! nakakabobo!! kahit ako nauuyam na sa work ko.. pero syempre, kaylangan magpasalamat pa rin tayo kasi mapalad pa rin at may work! Smile

tiis-tiis lang.. horror man ang pag-aayos ng buhay.. in the end happy ending pa rin... Wink

 

cheers!

ilyana's picture

Nakakapagod...

Nang mabasa ko itong blog na to, feeling ko napagod din ako sa life ko...:-)

 

Feeling ko tuloy, isa akong Old Age pensionner na walang kamag-anak at bed ridden na sa isang silid.

 

Pero sabi nga ng karamihan, maghanap ng hobby, di ko pa naman type mag sulsi, o magburda ng mga initials sa mga underwear ng mga anak ko. Di ko rin type mag cross stitch at mangganchilyo ng mga cardigan.

 

Kaya ang ending naghuhugis square na tong mga mata ko sa kakatutok sa harap ng monitor...para lang malibang sa kakabasa sa mga akda dito...

 

Oh whatta life...di ako makatulog...

Rom's picture

.

 tara mag organize tayo ng isang araw ng charity work, lahat ng mga taga FW magkita-kita at mag donate ng mga luma nilang damit, sapatos, laruan, noodles, sardinas etc. ibigay natin sa bahay ampunan, nayon ng kabataan, o kahit saang mapapakinabangan.

oks kaya yun as a hobby? sey nyo?

 

KarikaTuura

Tantizm's picture

  Maganda simula 'yan.

 

Maganda simula 'yan.

Kuya Rom, naisip ko nga kung bubuo tayo ng isang samahan dito sa FW, dahil mas malawak ang network natin sa LIRA. Hindi lang nga tayo mga bigating manunulat pero makakatulong ito para lalo pa nating pag-ibayuhin ang empowerment ng mga manunulat sa FW. Tapos yung Charity Work, swak na swak 'yan.

Napakamakabuluhan ang ating layunin. 

"Bago ka mangarap...maghubad ka muna"

Francheska's picture

ganda ng avatar

Resign na, di ka fit sa gov. Office, kasi matutulad ka sa kanila na machika, masusungit, mahirap na din masanay ka sa pagtanga, baka bigla ka na lan mag enjoy dyan, hahahahaha.

Naglitanya ka pa mam sinta, eh ang root of the story mo lan naman eh natatamad ka na mag work. Hahahaha. Joke! Joke! Joke! Peace!

Di ka malalaos, kasi somewhere in the middle of this, may mga fans ka. Hehehe.

buhi murag kinabuhi

ainivel's picture

estudyante lang

honestly, fan ako ng mga blogs mo.. i mean fan mo ako.. naparegister tuloy ako dito sa filipinowriter.com para lang makapag comment sa'yo hehe..

graduating na ako.. napaisip tuloy ako sa isinulat mo.. mas masarap nga siguro mag-aral kaysa magtrabaho ano? uhm lalo ko narealize na dapat i-enjoy ko ang pag-aaral at hindi dapat magmadali..

uy ate, gusto sana kita maging kaibigan.. nagbabakasakali lang na baka maintindihan mo ako.. wala kase ako pwede makausap tungkol sa pagkatao ko..

salamat.

sinta isaac's picture

...

Salamat sa lahat ng nagbasa at nag comment, topak lang sa trabaho, culture shock lang ako sa klase ng traditional tale sa loob ng mga opisina ng government agency,akala ko kasi dati myth lang ang lahat, totoo pala.

Salamat ng marami.

Ainivel,

thanks, welcome sa fw. Message mo lang ako, mag e-effort ako para makasagot.

...Ya soshla s uma...                                                                   

Hindi ko ninais magsinungaling, nakatuwaan ko lang sumulat ng piksyon sa pahina ng aking