bulan
Bulan
“Hinaan mo lang,” aniya sa akin. Inilapit niya ang kaniyang bibig sa aking tenga at sa mahinang tinig ay pinagsabihan niya ako. Nanginginig ang aking mga kamay at pawisan ang aking katawan. “Dahan-dahan lang,” tuloy niya.
Inihinto ko muna ang aking pag-angat. Ang aking mga mata at tumitig sa kaniya, kahit wala akong nakikitang emosyon sa kaniyang mukha maliban sa pag-aalala at takot sa aming ginagawa. Mula sa kaniyang mukha ay ibinaba ko ang aking paningin sa dati ay tuyo niyang katawan na ngayon ay binasa na rin ng pawis.
Sinunod ko ang nais niya at dahan-dahan nga akong magpatuloy. Hindi sagabal sa akin ang kaunting liwanag na bumabalot sa amin upang magpatuloy. Sumunod siya sa akin, sabay kami sa pag-angat. Wala na kaming iniisip kundi ang iisang layunin – marating ang rurok.
Naririnig ko ang pagbilis ng pintig ng aking pulso sa aking dibdib. Ang bawat paghinga ay bumibilis at lumalakas sa bawat pag-angat. Hindi ko na kayang pigilan pa, kailangang ilabas ang pinipigil, “Hah-hah-hah-hah…” malalalim na binitawang hininga. Ang tunog niyaon ay umalingawngaw sa kadiliman ng aming kinaroroonan.
Napatigil siya pagkarinig ng aking paghinga. “Hinaan mo lang,” may pagkainis na sabi niya. Napatigil din ako at pinigil ang kumakawalang hangin sa aking bibig. Nanginig pa ako pagtingin ko sa nanlilisik niyang tingin. Tumahimik ako bilang tugon sa matalim niyang tingin. “Baka may makarinig sa atin,” patuloy niya.
At gaya ng kinakatakutan niya ay umingit ang pintuang bakal at isang liwanag ang muntik nang humagip sa aming katawan. Tumigil kami sa paghinga, kahit ramdam pa namin ang sakit ng pagpigil. Ang bawat galak ay tumila pansamantala kahit kaunti na lamang ay naroon na.
Nagtagal pa ito ng ilang sandal bago ang liwanag ay lumisan. Sa mling pag-ingit ng pito ay ang muli ring pagdantay ng kadiliman sa aming kabuuan. Narinig ko ang kaniyang pagpapakawala ng hinugot sa hininga.
“Kinabahan ka, ano?” tanong niya. Oo, kumabog ang aking dibdib sa paglitaw ng lalaki sa kabilang panig ng pinto. Ngumisi siya, nais tumawa. At oo, nakakatuwa na sa gayong kalagayan ay nais naming tumawa.
Muli kaming gumalaw. Halos sabay kahit hindi ko siya nakikita sa dilim. Kailangan lamang naming damhin at alam naming kaunti na lamang at malapit na. “Dalian mo na,” sabi niya “Bilis!” binilisan ko, kahit pawisan na at napapagod na sa pagpanaog sa rurok.
At halos sabay din kaming binalot ng liwanag sa pag-usbong ng aming mga katawan sa kabilang gilid ng makapal na moog. Nag-atubili na kami. Alam naming ilang sandali na lamang ay malalaman na nila – na kaming mga Hudyo ay nakatakas sa kamay ng mga malupit sa Aryanong lahi. “Paul, takbo!” sabi ni Marco. Nasa isip ko ang mga Aryano.
Sa muling pagtabing ng makapal na ulap sa liwanag ng buwan, dalawang imahe ang humandusay sa harapan ng mga natira. At ang lahat, kasabay ng ugong ng mga rumaragasang bala, ay humandusay sa lupa.
“Dalawang-daan at limampung libong kaluluwa ang pumailanlang na naman,”
ang isip....hehehe

