bulong sa hangin
mamaya pag-uwi ko, ibubulong ko sa hangin na yakapin ka,
para kunwari, yakap din kita.
ibubulong ko rin na hagkan ka at haplusin ang mukha mo,
para kunwari, ginagawa ko din iyon sa'yo.
ibubulong ko na rin sa kanya, na kung maari kung kakayanin niya,
ibulong niya sa iyo na Mahal Kita.
Mahal, pakiramdaman mo mamaya ang hangin habang tumatakbo ka,
kasi, nandoon ako sa hangin, sasabayan kita.
sa mga magsisibasa, pasensya na po kung may mga mali sa aking gawa. bukas po ako sa inyong mga puna at suhestyon...salamat po
ahh...
forbidden love po kc eh...hehehe!....against all odds po e...pede ko po ba kau tawagin ate...tsaka pede po ba ako maglagay ng signature ko....Bansag po kasi sa akin sa office...Huwad na Makata...pede po ba?..tnx po...and God Bless!


hmm..
kung mapapadama mo naman sa kanya ang nararamdam mo.
bakit mo pa ito ibubulong?
mas mararamdamn niyang mahal mo siya. ;)
-karlaloo