Bum
Bum
Walang magawa
Sa kwarto ko
Habang nakahimlay
Sa kama ko
Walang aircon
Dahil walang pera
Halos walang silbi ang bentilador
Sa sobrang init ng panahon
Mag-basketball kaya ako sa labas?
(Wag na, mainit ang panahon)
Eh kung sa banyo kaya?
(Wag na, kakalinis lang doon)
Magbasa kaya ako ng dyaryo
(Wag na, yun din yung dyaryo kahapon)
Nasaan ba si Mang Reni Boy
Da Dyaryo Boy?
Hindi na naman dumating
Nasira na naman siguro ang bisikleta nya
Walang magawa
Walang ibang tunog kundi
Ang tunog ng lumang Rivermaya
Sa radyo
Kailangan ko ng himala
O kaya’y isang order ng halo-halo
Nang mabawas-bawasan ang
Init ng panahon.
02, 03 May 2005
okey, mga tula naman! :D
unang tula mula sa aking unang koleksiyon ng mga tula, Sinturong Pangkaligtasan.
ang tulang ito ay naisulat ko isang hapon habang nagmumuni-muni tungkol sa aking kawalan ng trabaho noong mga panahong iyon. kaka-gradweyt ko lang at hindi ako kaagad nakakuha ng trabaho, so naisipan ko na lang gumawa ng bagong koleksyon ng mga tula. at ito ang unang tula sa koleksyong iyon. nawa'y maibigan niyo. Ü
Mga tula mula sa Sinturong Pangkaligtasan:
Bum · Isay · Pula · Sinturong Pangkaligtasan · Mani · OK Comprende · Indyanism · Pinakbetter Than Wala · Idlip · Hyperbola · Wala · Bata, Bata (Ganito Ka Ginawa) · Hello Lucy! · Luha · Gambatte Kudasai
salamat sa pagbasa!
almost 4 years ago ko na nasulat ang tulang ito, but i still feel for the pips na nawalan ng trabaho o yung mga naghahahanap pa lang ng trabaho oyung mga, er, bum. nawa'y swertihin kayo very soon, yey! :D
I'd love to turn you on...



...
nung mga panahong tinanggal ako sa trabaho nung boss kong may HIV (hair is vanishing) ganyang ganyan din ang nararamdaman ko. iyong tipong, bagot na bagot ako pero tamad na tamad naman akong kumilos. inip na inip ako sa kakahiga, ayoko naman tumayo. wala akong ginawa kundi tumanga at maglaro ng playstation. magpa cute sa kapitbahay naming boy next door na nagtatrabaho pala sa adonis, bwisitin ang mommy ko sa ka katext at kakatanong kung ano na bang oras. nakakabaliw kapag kung kailan ka tinatamad mabagot, tsaka ka pa nawalan ng trabaho. :)
ako, kailangan ko ba ng himala?
ewan. hindi ko nga alam kung naniniwala ba ako sa himala eh. LOL
sulat pa...
sulat...
sulat...
su...
s...
check ko iba mong tula, para ma relak ako.
LOL
A sorta fairytale with you...