Bumara sa Lalamunan ang Matamis na Banana-Q

prgrmmr77's picture
| | |

 

hindi napigilan

ng takot at kaba

ang kumakalam na sikmura.

nakaya ng estudyante

ang mataas na pader

at matatalas na diamante.

 

sumampa, tumalon, tumakbo... lumayo...

 

sa tindahan ni mang mario,

bumili ng paboritong banana-q.

merienda sa wakas matitikman

sa walang almusal at pananghalian.

 

sarap na sarap ang mga panlasa,

nagpyesta ang kanina pa takam na sikmura.

kahit nagkaputukan sa gitna ng sarap at kalam,

kahit nagkagulo ayaw pabitin sa pagnamnam.

 

habang ngumunguya, 

habang nilalantakan 

ang nakabalot na asukal sa saging.

 

tanaw ang mamang tumatakbo 

na parang hinahabol ng delubyo.

kasunod ay sunod-sunod na putok.

isa.. dalawa.. tatlo...

 

natigil bigla ang pag nguya.

natigil bigla ang pag uusyoso ng diwa. 

nabitawan ang hawak na banana-q stick.

walang naramdaman na kahit anong sakit.

 

basta dumilim bigla ang mundo

at bumara sa lalamunan

ang matamis na banana-q.

YUCO

 

Inaalay ko ito sa schoolmate ko noong high-school na namatay sa cross-fire sa probinsya namin. Nag cutting classes dahil sa gutom (sabi ng mga kaklase hindi raw nakapag lunch nung araw na yun). Tumalon sa pader ng skol, bumili ng dalawang banana-Q,  habang nakatambay at kumakain ay tinaman sa noo ng ligaw na bala. 

 

Nakatakas ang hinahabol, isa ang casualty sa AFP at walang lumitaw na witness na magtuturo kung kanino galing ang bala na kumitil sa buhay ng estudyante.

 

 

 

 


Rom's picture

magandang gawan ng short

magandang gawan ng short story or flash fiction itong pinaghanguan ng tula mo...

 

KarikaTuura

d-younker's picture

tama. iba yung impact ng

tama.

iba yung impact ng note eh.

nakakaawa yung nangyari sa kanya.

prgrmmr77's picture

 yun po sana ang gagamitin

 yun po sana ang gagamitin ko, medyo kapos lang sa oras at wala pang kumpiyansa ang kanan ko sa pagsulat ng short story. tungkol sana ito sa pagtakas ng dalawang tao kaso hindi ko na mapakawalan ang isa, sa masaklap na kinahantungan nya.

 

salamat sa pagbasa.

 

Ayaw Matulog ng Keyboard Ko

mara's picture

awww. parang ako yung

awww.

parang ako yung natamaan dun.

ayoko ng magutom.

 

= p

prgrmmr77's picture

isa sa mga nahalukay na

isa sa mga nahalukay na pangyayari na tumatak sa isipan ko.

 

salamat sa pag basa.

 

Ayaw Matulog ng Keyboard Ko

Adlesirc's picture

.

hanep, kakaiba ang twist ng title ah. akala ko humor ito. nice surprise huh. ayos!

 

 

congrats. bilib ako sa mga tema mo. =)

prgrmmr77's picture

Anne, salamat at nagustohan

Anne, salamat at nagustohan mo ang tula. ganito talaga style ko may pampagulat sa ending. 

 

Ayaw Matulog ng Keyboard Ko

Adlesirc's picture

walang anuman Programmer =)

walang anuman Programmer =)

prgrmmr77's picture

ahhaha...   Ulz nalang

ahhaha...

 

Ulz nalang itawag mo sa akin. salamat uli :) 

 

Ayaw Matulog ng Keyboard Ko

Melanie Quilla's picture

aY

nagulat ako. actually nahulasan ako ng antok. naalala ko iyong friend ko nung high school, tinamaan din siya ng ligaw na bala sa labas ng bahay nila. iyon yung ikinamatay niya.

Pwedeng-pwede po itong maging kwento...sana po ay maisulat nio po un kwento niya.

galing

*****

"Hindi por que magulo ay hindi na maayos. malay mo, ginugulo ka lang talaga para umayos ka." 

www.onlypurehearts.multiply.com

www.newdaybooks.multiply.com

www.internetserye.com

prgrmmr77's picture

   Melanie salamat sa

 

 Melanie salamat sa pagbasa at sa suhestiyon. Susubukan ko magawan ng short story pagmedyo may-oras na. Biglaan lang pumasok sa alaala ko ang inisidenteng ito at sumakto naman sa temang gusto kong gawing tula, kaya un. Isa pa, dito ako medyo sanay at mabilis gumawa.

 

Ayaw Matulog ng Keyboard Ko

sa akin lang malakas ang

sa akin lang malakas ang potensyal ng materyal na ito na maging isang tula. ganito lang ang suhestiyon ko: try mong gumamit ng persona. dito kasi sa tula mong ito yung nagsasalita yung narrator, naka-3rd person kaya detached tayo at masyadong trivial ang dating niya. papaano kung ang nabaril ang nagsasalita. dramatic monologue ba. ano ang saloobin niya nang nabaril siya. may social impact ba ito hinggil sa relasyon ng gutom at digmaan? mga ganung bagay. sayang kasi ang materyal at napakaraming naratibo na magagamit para sa pagtula ang magagawa mo rito. 

 

 

prgrmmr77's picture

 Maraming salamat po sa

 Maraming salamat po sa pagbasa at sa napakahusay na komento. tama po kayo, may mga kulang na elemento sa tulang ito, cguro dahil basta ko nalang naipost dito sa FW at di ko pinaghusayang mabuti, sa hangarin ko na makapag-iwan kaagad ng mensahe sa puso ng babasa (alam ko sa mga tula tayo pminsan nagkikita-kita hehhe). 

narito ang ibang kadahilanan kung bakit ganito ang tula : nais kung ipakita sa mga unang linya na naka-3rd person ung tula, walang emosyong nakahalo. kumbaga light lang sya kung babasahin pero bandang dulo kumokonekta na ang pandama sa bumabasa, meroong kaunting emosyong nakahalo, at sa ending ung emosyon naipasa na ng tula sa nakabasa. kumbaga sa pamamagitan ng emosyon at emahinasyon, ung nagbabasa na ang magpipinta sa tunay na kulay sa kwento nitong tula.

irereview ko po ulit itong tula at susubukang pagandahin pa ito base sa suhestiyon nyo.

Maraming salamat po uli.

 

 

Ayaw Matulog ng Keyboard Ko