BUTANDING :)
Isang proyekto,
Isang samahan ang nabuo.
Tropang basura
Sadyang kakaiba,
Kalat na pinagsamasama
BUTANDING ang resulta!
Hindi man pinalad,
Kasiyahan ang syang KINALAT!
AUTHOR: Vergel Brimon
Author's Bio/Notes:
Bahagi ng selebrasyon ng UE Caloocan Week ang isang patimpalak (3R Fashion Show) kung saan ang mga estudiyante ay lilikha ng isang obra mula sa mga recycled materials. At ako ay pianalad na maging bahagi nito. Sa aming classroom ako yung naatasan na mamuno para maisagawa ang aming plano sa pagsali at galing narin sa aking ideya ang isang replika ng BUTANDING ang aming gagawin. Well sa umpisa akala namin ito ay imposible magawa dahil narin sa dami naming ginagawa sa mga oras na yun, bilang isang estudiyante. Nakakatuwang karanasan dahil, nakasama ko ang ilang fine arts students na hindi ko aakalain na magiging kaibigan ko dahil sa proyektong ito. Masaya. mahirap at nakakapagod pero sulit naman dahil maipagmamalaki namin ang aming ginawang BUTANDING. Hinding ,hindi ko malilimutan yung araw ng 3R fashion show, grabe well buhatin lang naman yung replika ng butanding na may bigat na 7 kilo at ito ay nakapatong sa ulo mo habang naglalakad.O diba? GRABACIOUS! Well unfortunately hindi kami nanalo pero pinalad kaming makapasok sa TOP 10 out of 28 entries. Bongga na yun sa amin! At list napansin kami! At ang mahalaga dun, nagkaroon ako ng mga bagong kaibigan na talaga namang maasahan, "TROPANG BASURA".

