Buttered Wife

Starblaze's picture

     Tumatagaktak ang pawis ni Nena habang nagbabaldusa ng sahig ng banyo. Mabuti na lang at natapos na nya ang kabahayan, kailanang matapos na ito kaagad dahil maagang darating si Ramon, angpinakamamahal nyang si Ramon. Mamaya ay paliliguan nya ang dalawang bata, pakakainin at patutulugin. Kahit yata nakapikit si Nena ay alam na nya ang kanyang susunod na gagawin. Ang kanyang mga kamay ay gagalaw kahit hindi utusan ng kanyang isip.

 

     Halos basa na ng pawis ang bimpo na nakalagay sa kanyang likod. Ang kanyang mahabang buhok ay mistulang isang kumpol ng bulaklak sa pagkakabuhol at ang hindi nasakop ng ipit ay lumalaylay sa kanyang mukha. Ang kanyang mahahaba at bilugang mga hita ay hindi naikubli ng kanyang maluwang na duster na pambahay. Habang ang kanyang dibdib na pinagkaitan ng kumpanyang “triumph” ay sumusungaw paminsan-minsan kapag sya ay yumuyuko sa pagkukuskos ng sahig. Nakakahapo ang maghapong gawaing bahay ang bigat ng buhay ay sing bigat ng talukap ng kanyang mga mata.

 

     Isang masuyong haplos sa kanyang pisngi ang gumising kay Nena. Nakatulog pala sya habang nagpapahinga sa sofa.

  “Ramon?”

  “Shhh..tulog na ba ang mga bata?”

  “Oo, kanina pa, kumain ka na ba?”

  “Hindi pa, pero mamaya na ako kakain. Nuuhaw ako.” Sabi ni Ramon habang hinahaplos ang pisngi ni Nena pababa sa kanyang balikat, sa likod, pababa at ang kamalayan ni Nena ay tuluyan ng nagising.

 

   “Hi-hindih pa akoh naliligoh..ohhh.. Ramon.”

 

Nabingi na yata si Ramon sa gutom dahil kahit anong pakiusap ni Nena ay patuloy pa din ito sa kanyang ginagawa. Alas dos na ng hapon ngunit pakiramdam ni Nena ay tumitirik pa lang ang araw kasabay ng pagtirik ng kanyang mga mata. Bukas ay kokomprontahin nya ang tumahi ng kanyang duster, mahina ang pagkakatahi nito dahil kusa itong nalaglag sa sahig ng masagi ng mga labi ni Ramon. Tama ang kanyang hinala nagugutom na nga si Ramon gumagapang ang mga labi nito sa kanyag katawan na tila naninibasib tila naghahanap ng isang bagay na mahirap hanapin. Pero magaling si Ramon dahil member ito ng “search and rescue team” nahanap nito ang hinahanap kahit nakapikit. Ngunit bakit ganun? Imbis na iligtas nito si Nena ay lalo lang niya itong nilulunod, palutang lutang na lang si Nena sa mga alon minsan ay inihahampas sa dalampasigan minsan ay muling dadalhin sa laot. Sumisinghap na si Nena sa pagkakalunod ngunit walang awa pa rin syang binabayo. Marahan hanggang sa pabilis ng pabilis dumadagundong at nagngangalit. Humihingal na si Ramon dahil madulas at matarik ang daan papunta sa langit ngunit patuloy pa din ito at pursigidong marating ang rurok. Hanggang sa unti-unting humupa ang unos. Payapa na ang dagat, matiwasay na ang langit.

 

     “Kakain muna ako.” Mahinang sabi ni Ramon.

     “Kailan ulit?” Ang paanas na tanong ni Nena na nakayakap pa kay Ramon.

     “Maligo ka na, amoy zonrox ka na.” sagot nito.

 

     Isang sunod sunod na katok ang narinig ni Nena mula sa pinto ng kabahayan. Marahan nya itong binuksan.

    “Bakit ang tagal mong buksan? At bakit pawis na pawis ka?”

    “Eh Ate kakatapos ko lang po maglinis ng buong bahay.”

    “Dumating na ba ang Kuya Ramon mo?

    “Opo kakatapos lang pong kumain, ay kumakain pa po pala nasa kusina po.”

    “Sige, magpapahinga na ako sa kwarto sabihin mo sa magaling na asawa ko tawagan man lang ako kung di nya ako kayang sunduin!”

 


Sherfie sherp's picture

natapos ko na.. @@ Buttered

natapos ko na.. @@

Buttered kasambahay dapat.. XD Haiii.. hindi ko pa din alam bakit nasabi mong magugustuhan ko to? Baka dahil pinapakita dito na "manloloko" talaga ang mga lalake? hahaha. 

 

Nakakalason ng isip. hohoho

 

ASTRONAUT na nahulog sa lupa. <3

Starblaze's picture

psst hija, hinay hinay dont

psst hija, hinay hinay dont generalize..marami pa din kaming mga anak ni adan na hindi manloloko..most of us are honest, "one women man" kami este woman pala...

thanks for reading anyway hehehehe!

 

Starblaze, Bh.D. (Doctor of Broken Hearts)

Dakilang mangingibig, malikot ang isip (at kamay)

http://cutedaw-starblaze.blogspot.com/

Sherfie sherp's picture

JOKE lang po yan ang

JOKE lang po yan ang comment!! PEACE!

(*jokes are half meant*)

 

walang anuman sir. @@ 

 

 

 

ASTRONAUT na nahulog sa lupa. <3

magsinoalvin's picture

galing... sa kalokohan... :)

galing... sa kalokohan... :) pwede na talga...

Starblaze's picture

ahahaha! kalokohan ba yun?

ahahaha! kalokohan ba yun? that's the reality of life alam mo ba? kaya yung ibang among babae ayaw kumuha ng magagandang kasambahay eh..(buti na lang wala akong kasambahay)

 

Starblaze, Bh.D. (Doctor of Broken Hearts)

Dakilang mangingibig, malikot ang isip (at kamay)

http://cutedaw-starblaze.blogspot.com/