Cambion
at ako’y isinilang
nang matalo ng apoy ang dagat
nang pitasin ang ipinagbabawal na mansanas
nang gawing gabi ang umaga
at umaga ang gabi
narating ni ama ang sagradong lugar
nang pasukin nya ang natutulog na diwa ni ina
nahanap nya ang hindi nya mahagilap
sa tuwing gising ang kamalayan ng sinta,
pag-ibig
napag-isa ang mundo nila
napag-isa nga ba?
ninakaw na pag-ibig
yan ang tawag niya
pagsasama ng magkaibang planeta
magkasabay kayang kumikislap ang mga bituin sa langit?
kasalanan ang umibig sa mortal
dahil kapalit ay kamatayan,
buhay ng minamahal
kapag natagpuan ang pag-ibig,
matatagpuan din ang kamatayan
pitong taon na akong patay
bakit pa nga ba ako isinilang?
pitong taon
ah literally kasi, ang cambion ay anak ng isang incubus o succubus at isang mortal at kapag isinilang na sya seven years syang patay saka lang mabubuhay. pero sa tulang 'to, pwede mo ring isaalang-alang ang interpretasyon mo kasi ang tulang ito naman ay subjective in type.
+ink_yhubos+



pitong taon?
pitong taon na akong patay
bakit pa nga ba ako isinilang?
ano ang ibig sbiin nito? pitong taon na po na simula nyo malaman na anak ka sa pagkakasala?
galing ng tula mo pre!
aantabayanan ko p iba mo gawa... tnx
..........................................................
mananalaytay ang pulang tinta sa itim na pluma...