Cellphone

aireen's picture
|

Tumunog ang "cellphone" ko kanina
Tumatawag ka pala...
Labis ang ligaya na aking nadama
Inakalang kong ako'y nilimot mo na.

Naitanong ko ang dahilan ng pagtawag mo
'Di na kasi kita matiis ang sambit mo
'Di na rin nasisilayan sa "chat" ang pangalan mo
At nalulumbay din ako..."

Alam mo bang lubos ang kaligayahan ko?
Umaasang muling maulit ito
Nananalangin na muling tumunog ang cellphone ko
Bago man lang mahimbing sa pagtulog ko...

Nasasabik ako sa iyo
Nangungulila sa iyo

-090408-

aireen

jonsdmur's picture

Nakakakilig ang tula

Nakakakilig ang tula ihihihihhihiCool

Minsan importante din ang mga mensahe sa cp... minsan kapag di ako nakakatanggap ng mensahe naiisip ko bakit kaya.. at minsan hindi ako mapalagay...

Minsan talaga kapag matagal mo ng hindi nakakausap ang isang tao naiisip mo baka nakalimutan ka na... pero kapag nagpadala ng mensahe sa text ang sarap sa pakiramdam dahil ibig sabihin nun naalala ka pa rin...

Mukhang inspire kang magsulat ng tula... siguro totoong nangyari sayo ang nilalaman ng tula....

Nice day! jonsdmur

 

aireen's picture

hahahahahaha salamat sa

hahahahahaha salamat sa komento mo jon.. di ka nagsasawang basahin ang mga gawa ko... hihihi

"siguro totoong nangyari sayo ang nilalaman ng tula...."  ????Wink hahahahaha

jonsdmur's picture

Ramdam ko ang kilig habang

Ramdam ko ang kilig habang sinusulat mo ang iyong tula hihihihihi  yan ang kaligayahang dulot ng cellphone.... ang makausap ang taong mahal mo....

aireen's picture

hahahahaha korek!!!

hahahahaha korek!!!Laughing