Cellphone - maikling kwento

walaumalistulog's picture
|

Magsisismula ang ating storya sa isang lalaking nagngangalang Bob. Si Bob ay isang office guy na mahilig magkape, magdrawing, matulog, magovertime, at magtaxi. Wala syang masyadong social life, at hindi sya mahilig magtext katulad mo. Binigyan sya ng cellphone ng kanyang boss yung latest model ng nokia, kelangan daw kasi sa trabaho
   
    Isang umaga, late nanaman sya as usual, at sa hindi malamang kadahilanan tumingin sya sa cellphone nya para alamin kung may nagtext, *tututut* anak ng tinipang walang ulo! Lowbat! So inilagay nalang nya ito sa kanyang bulsa, at sumakay sa taxi.
   
    Normal na driver lang si manong, politika, at pagtaas ng gas ang pinagusapan nila, maboboring ka kapag kinwento ko, pero nakakatuwa kahit papaano dahil every other word ni manong may mura. Ang hindi alam ni Bob, nalaglag ang cellphone nya sa taxi, mababaw kasi bulsa nya, nakababa sya at nakapagbayad, naiwan ang cellphone, at hindi napansin ni manong driver na nahulog ang nasabing cellphone sa lapag ng taxi.

    Pagliko palang ni manong sa unang kanto may pumara agad sa kanya, si Jun. Isang lalakeng laging nagmamadali, at gusto lahat instant. Balak nyang hold-up-in si manong driver kahit umagang-umaga para sa instant money, kelangan nya na kasi magbayad ng renta ng instant bahay. Pero siguro may instant swerte si jun ngayon, nakita nya ang instant cellphone, pumara sa pinakamalapit na instant pawnshop, isinangla, binayaran si manong driver at sumakay ng jeep. Nagmamadali as usual, nawala sya in an instant.

    Lilipat naman kay Kiko ang storya natin, isang butihing ama. Si Kiko ay isang single parent, Nagtatrabaho bilang driver ng isang mayamang negosyante, at may isang anak na babae, si joy. Si joy ay isang highschool student, maluho, at kaarawan nya ngayon, at ang hiling nya sa ama ay isang cellphone. Nagkataong katabing bahay lang nila ang pawnshop na sinanglaan ng naturang cellphone. Dahil mabait na ama si Mang Kiko, binili nya ang cellphone, at ibinigay sa anak. Masayang masyang pumasok sa eskwela si Joy upang ipagyabang sa mga kaklase ang lowbat ngunit bagong cellphone.

    Uwian na ni joy, alasingko ng hapon, Masayang masayang naglalakad pauwi dahil walking distance lang ang layo ng ekwelahan sa bahay nila. Ang hindi nya alam may sumusunod sa kanya, pero hindi nya napapansin, nakangiti padin at mabagal na naglalakad. Isang lalakeng nakaitim, may itinatagong kung anong matulis sa jacket, at pawis na pawis.

    Nakarating sa bahay si Joy, dala ang masamang balita, nakuha ng lalake ang cellphone. Humagulgol ang mag-ama dahil inutang lang ito ni Mang Kiko sa kapitbahay na may-ari ng pawnshop. Niyakap ng mahigpit ang anak at sinabing "Salamat na din at hindi ka ginawan ng masama...". Sa kwento ni Joy sa Ama, maamo daw ang mukha ng lalake, pawis na pawis at nanlalamig ang kamay na nakahawak sa patalim na nakatutok sa kanya.

    Alas syete ng gabi sa isang Ospital sa Maynila, nakaluhod ang isang lalake, si Epy, nagmamakaawa kay Dr. Santos, na tanggapin ang bayad na cellphone. Kakapanganak lang ng  misis ni Epy, at wala silang pangbayad sa doctor. Walang magawa ang doctor, pumayag ito, kinuha ang cellphone, at umalis. Pagkaalis ng doctor, sinabi ni Epy sa asawa nya na ninakaw nya ang cellphone. Hindi nalang nagsalita ang kanyang asawa, yumakap ito at may isang patak ng luhang tumulo sa kanang mata nito.

    Alas neube na ng gabi nang makarating si Dr. Santos sa bahay. Sinalubong sya ng kanyang aso katulad ng dati. Aso lang ang kasama nyang namumuhay sa simple at maliit nyang bahay, Si Dr. Santos ang pinkasimpleng doctor na alam ko. Ng hinubad nya ang kanyang pantalon, napagalaman nyang wala na sa kanya ang cellphone, at hindi maisip kung saan nya ito naiwan.

    Sumakay na ng taxi si Bob para umuwi, nagovertime nanaman sya tulad ng  dati, 10:00 na ngunit pauwi palang sya. Pumara sya ng taxi, pagod sya sa nagdaang araw, at naalalang may dala ngapala syang cellphone, kinapa nya ang kanyang bulsa, kinapa muli, unti unting lumitaw ang butil butil na pawis sa kanyang mukha, "manong may ilaw ba kayo dito sa likod?" "oo, eto" binuksan ni manong ang ilaw. Nakahinga ng maluwag si Bob, nakita nya ang kanyang cellphone sa kanyang tabi, "nalaglag lang pala sa bulsa ko, kala ko nawala ko na! whew!"

    Pagkakataon nga naman, nasakyan ni Bob ang taxi na nasakyan din ni Dr. Santos nung pauwi sya. Nagkataong naiwan ni Dr. Santos ang naturang cellphone sa taxi na yun dahil sinuri nya ang model at hindi tagumpay na naisuksok muli ito sa bulsa. Bumalik kay Bob ang cellphone nya, nagtaka lang sya kung bakit parang mas luma na ito kesa kaninang umaga. HIndi man alam ni Bob ang nangyari, may naramdaman syang kakaiba paghawak nya sa cellphone, nakaramdam sya ng konting saya, na tila ba may nagawa syang isang kabutihan.

walaumalistulog

Ito po ang unang-una kong short story sa buong buhay ko, aminado po akong madami pa akong dapat pagdaanan at matutunan, gayunpaman ay handa akong tanggapin ang anu mang komento. Maraming Salamat sa oras na ibinigay mo!


leigh13diwata's picture

maayos ang paglalahad

at parang takbo ng isang pelikula... dalawang pelikula ang napanood ko na pareho nito ang paglalahad ng mga scenes... yung iba't ibang karakter sa magkakadugtong na subject...

patuloy lang kaibigan... sulat pa...

 

... bata-batuta... malaki ang batuta...

walaumalistulog's picture

salamat po!

sa totoo lang, ito po ay ginawa ko talaga para sa isang short film... nagrequest ang aking kaibigan na mag-isip ako ng isang storya na pwedeng gawing short film...

at ito ang naisip ko, at ito din ang naging kaunaunahan kong short story...

nasan.sy.has's picture

nice

gud story and twists, although der are some mistakes in "balarila"

but not bad as a first timer.

 

keep it up! 

 

 

 

Reading is my pleasure, writing is my frustration.. :(

walaumalistulog's picture

salamat po sa pagbasa.

salamat po sa pagbasa!

sa totoo lang ay wala kasi akong masyadong kaalaman pagdating sa teknikalidad ng pagsususulat, isang bagay na dapat kong matutunan. Ang tunay na focus ko po kasi ngayon ay pagpipinta, at nakakapagsulat lamang ako kapag may panahon...

salamat po muli sa pagbasa!

Jack Alvarez's picture

Comments lang po

1. Ang cellphone ba ay utang o binili?

'Dahil mabait na ama si Mang Kiko, binili nya ang cellphone,'

 'Humagulgol ang mag-ama dahil inutang lang ito ni Mang Kiko sa kapitbahay na may-ari ng pawnshop.'

2. '...sinabi ni Epy sa asawa nya na NINAKAW nya ang cellphone' Siguro pwedeng baguhin ang statement kasi parang ninakaw niya uli ang cellphone.

3. 'at may isang patak ng luhang tumulo sa kanang mata nito' - Hindi ba pwede sa parehong mata.

4. 'Bumalik kay Bob ang cellphone nya, nagtaka lang sya kung bakit parang mas luma na ito kesa kaninang umaga' - Bakit nga ba parang luma? Isang araw lang ba nangyari ang lahat ng eksena?

walaumalistulog's picture

salamat po sa pagpuna.

nakakatawa nung mabasa kong nakakalito nga ang pagkakalhad ko, haha,

1. ang ibig kong sabihin ay binili sa pamamagitan ng pag-utang, maari nating sabihin na nag-down siya...

2. oo nga tama ka... ngayon ko lang napansin

3. ahaha, natawa ko dito, actually kasi ginawa ko sya para sa isang short film, gusto ko lang pahirapan yung artista. haha

4. isang araw lamang nangyari ang buong istorya, nagkaroon lamang sya ng pakiramdam na parang naging mas luma, mas gamit, yun ang gusto kong tukuyin...

 

salamat po sa pagpuna, at sa pagbasa... Mas aayusin ko na sa susunod ang paglalahad.

 

Orayt. galing ng main

Orayt.

galing ng main karakter mo, nagawa pang makauwi.. 

damhin ang lamig ng simoy ng hangin...

walaumalistulog's picture

salamat

haha!

salamat sa pagbasa