Chocolate

eaudefrancois's picture
| |

May nerd, bakla, masungit, emo atbp. Isa lang ang aming goal ang makapasa! Nagusap-usap kami at nag kwentuhan. Overnight kasi sila sa bahay namin. Nagkwentuhan kami tungkol sa aming buhay at past life dahil graduate na kami.

sinimulan ni Jake ang kanyang storya

Here is the story of Jake

Nakakaramdam ko ang identity crisis. May crush akong tao pero hindi niya ako pinapansin. Inamin ko sa kanya noong graduation a noong grade school na mahal ko siya ngunit sinapak niya ako at binugbog. Umuwi ako ng galit sa kanya at hiyang hiya rin pa rin ako sa aking sarili. Highschool na ako at nagbagong buhay na ako. Ang pangyayari noong graduation ay naging daan upang ako ay magbagong buhay. Wala na yung crush ko nasa ibang bansa na. Masaya ako nagkaroon ako ng mga bagong kaibigan pero hindi ko makalimutan ang past na nangyari saaking noong graduation. Hindi ko makayanan ang sakit pag naalala ko itong pangyayaring ito parang gusto ko nang magpakamatay. Nagtry akong magsuicide pero nagbago ang isip ko. Marami akong iiwanang kaibigan at ang aking pamilya ay magluluksa. Hindi ko na ito itinuloy. Masaya na ako sa mga bago kong kaibigan.

Next. Nagkwento naman si Jana ang masungit naming kaibigan.

Noong grade school pa ako masayahin ako pero noong naaksidente kami at namatay ang mom ko nawalan ako ng panlasa sa mga matatamis na pagkain dala ng traumatic experience. Noong 2nd yr. H.S naman nagkaboyfriend ako at masaya ako dahil kasama ko siya lagi. Nagkasakit siya at namatay. Patuloy pa rin akong nagluluksa. Minsan ko na ring tinanong sa aking sarili "Bakit ba ang mga mahal ko pa ang kinukuha ng diyos? Bakit yung taong mahahalaga sa akin ay ang mga nangiiwan?" Hindi ko na kinaya ang lahat ang bigat ng aking nararamdaman. Naging bugnutin ako at nakilala ko kayo. Naging masaya ulit ako. Sana wag niyo akong iwanan. 

Ang sumunod ay si Rain ang emo

Noong grade school loner ako walang kasama at nagmasamang bisyo rin ako noong 1st, 2nd, 3rd year simula noong nakilala ko kayo nagstop ako. Noong 1st, 2nd, 3rd yr. Nagpakalulong ako sa masamang bisyo dahil sa aking lungkot at problema sa pamilya. Tinatrato nila akong bobo at tanga sa pamilya.  Wala na akong silbi sa kanila. Muntik na rin akong nagpakamatay. Dalawang beses kong ginawa iyon pero hindi natuloy. Naglayas ako ng bahay at nakitira sa aking kaibigan ngunit bumalik ulit ako sa aking pamilya. Pinagalitan nila ako at sabi nila sakin na TANGA BOBO WALANG KWENTA!! Hindi ko na kaya ang lahat. Nakilala ko kayo at nagbago ako. 

Ang huling nagkwento ay ako. 

Masangkutin(Masaya at malungkot) akong tao. Nakatira ako sa Lola ko dahil ang parents ko matagal nang patay. Mommy ko patay noong 7 years old dahil sa heart attack at ang dad ko sa aksidente. Hanggang sa panaginip ko sila pa rin ang nilalaman ng utak ko. Patay na sila pero hindi ko pa rin matanggap ang kanilang pagkamatay. Pilit ko lang tinatago ang aking mga emosyon.

.......

Nextday hinanap namin ang sarili namin. Nag hiwahiwalay kami ng aking mga kaibigan. 

Sa mga kwento namin marami akong natutunan. Ang buhay ng tao ay parang chocolate. May sweet and bitter. 

.......

Nagkita kita ulit kami ang iba saamin ay may asawa na. Ako may asawa na rin ako. Nagreunion kami at masaya kami. Yung gay naming kaibigan may BF na. Mahal na mahal niya.

........

Francis

Hindi ako masyadong inspired nung ginawa ko ang kwentong ito..... masama pakiramdam ko eh.