Circa 1940's

Kung bibigyan ka ng pagkakataon,
.
.
.Bakit?

.
Seryoso na.
.
.
.
.
Kung bibigyan ka ng pagkakataon, na kunyari, papipiliin ka kung saang panahon mo gustong umusbong. Kailan ang pipiliin mo? Pakiramdam mo ba, sa tamang panahon ka naisilang? Mas pipiliin mo bang, sana sa nakaraan ka na lamang nabuhay, nang sa ganon, sana namamahinga ka na sa mga oras na ito. O sa hinaharap, kung saan hindi mo alam kung maganda ba o bangungot ang buhay na imamaeobra mo. Hindi ko alam kung bakit ganitong mga bagay ang gumugulo sa utak ko. Sabihin mo. Nababaliw na ba ako?

Nasaan ka ngayon. Ako, nasa tabi na kalsada, nakatingin sa hindi kumikislap na Christmas lights sa mga poste. Ang lungkot, kala mo, hindi papasko. Ikaw? Subukan mong lumingon sa kanan, tapos sa kaliwa. Para hindi ka na mahirapan, subukan mong lumingon sa paligid. Masaya ka ba? Sa mga taong nakapaligid sa iyo. Sa kumunidad mo. Sa bayan mo. Sa pamahalaan. Sa takbo ng buhay. Bakit ka nandyan? May dahilan ba kung bakit ka nabuhay? Ako, ewan ko. Bukod sa pangarap kong maging CPA, hindi ko na alam ang kasunod nun. Hindi ko alam kung anong magagawa ng titulong CPA sa akin pag namatay ako, pero wala talaga akong makitang ibang kaiga igayang dahilan kung bakit ko kailangang mabuhay sa ganitong panahon. Marami na akong natanong pero lahat ng pangarap nila, humahaba lamang nang humahaba hangang sa mapag isip isip kong pera lang pala ang gusto nila.

Pitumpung taon na ang nakakaraan, magulo ang mundo. Madugo. Impyerno. Kung nabuhay ka sa panahong ito, mas gugustuhin mong maging buni na lang. Sabi ng lolo ko, napakaswerte ko daw, kasi hindi ko naranasang tumago sa kakahuyan, hindi ko naranasang makasaksi ng ilang kamag anak na sinasaksak sa lalamunan, walang putukan, walang sumasabog na bomba na may kasamang lupa at ilang pirasong laman at dugo.

Pero naisip ko. Maswerte nga ba ako. Kung tutuusin mas maswerte pa nga ang lolo ko kasi hanggang ngayon, buhay pa rin siya. Sa panahon ngayon, namamatay na ang tao pag tungtong nya ng kwarenta, pero sya, hayun, otsenta na, nakakatakbo pa. Tsaka, meron ba talagang "swerte". Ano ang swerte para sa tao?

Nong panahon ng lolo ko. Iisa ang ipinaglalaban ng mga tao. Kalayaan. Uso pa noon ang kapatiran at bayanihan. Maaaring maraming namatay pero namatay sila nang may dangal. Ang kamatayan ng isa ang siyang nagpapaalab sa damdamin ng marami upang hablutin ang kalayaan sa kamay ng kaaway. Mas gugustuhin mong mamatay nang may ipinaglalaban. Ngayon, ang kalayaang ipinaglaban ng mga ninuno natin ang siya ring kalayaang unti unting pumapatay sa atin.

Nasaan ang swerte ngayon. Nakakalungkot isipin na sa panahon ngayon, kung gaano tayo pinag isa ng digmaan ay gayun din tayong binaklas ng kasakiman. Nakakahindik kung iisipin mo kung anong mundo pa kaya ang nag aabang sa mga magiging anak at apo natin. Nakakaawa. Mas gugustuhin kaya nilang mabuhay na lamang sa nakaraan. Malakas. Malakas ang iyak ng mga sanggol na hindi pa naiisilang. Sana, naririnig mo yun.

Internet, Facebook kung saan may fanfage din ang Diyos,
cellphone, appliances, computer, mga gusali, magagandang daan, Starbucks, Jollibee, SM, concert, PBA, Big Brother, mga telenovela, teleserye, gameshow, casino, lotto, hi tech na school, Kinder 1, Kinder 2, Pre elementary, Music School, Voice Lesson, Ballet Class, Martial Arts Class, Universities, ang sarap mabuhay ngayon ano? Sa dami na ng naiimbento ng tao, dadating ang panahong sarili nating mga pangarap ang gagamitin nila upang kumita. Hindi mo ba napapansin kung papaanong umiikot ang buhay natin sa maiitim na balak ng dambuhalang pamahalaan........ Pamahalaan. Sayang. Isinilang ako sa maling panahon. Mas gusto ko pa yung payak na pamayanan kung saan nangingibabaw ang bayanihan. Mali ang lolo ko. Mas maswerte sya sapagkat alam nya kung ano talaga ang tunay na kahulugan ng kalayaan. Kung nabuhay lang sana ako sa panahon nya, baka hindi na ako mangangamba sa darating na hinaharap kung saan ang kamatayan ay dumadaan lamang bilang bahagi isang walang kwentang buhay.


Starblaze's picture

wala yan sa lolo ko

wala yan sa lolo ko :)

namatay dahil sa paghahabulan nila ni lola

simple lang naman ang sagot sa laht ng mga tanong.. un ay maging kuntento sa kung anong meron

 

Starblaze, Bh.D. (Doctor of Broken Hearts) and Ph.D. in Female Anatomy

Dakilang mangingibig, at maninisid, malikot ang isip (at kamay)

http://cutedaw-starblaze.blogspot.com/

mmm...

mas maswerte ba sila dahil isinilang sila sa panahong namamatay ang tao nang may dangal, o mas maswerte tayo dahil isinilang tayo sa panahong may internet, facebook at iba pa?

ano't anuman... ang buhay ay isang totoong masalimuot na laro na dapat nating ipanalo?

--upang kung dumating ang araw na datnin tayo ng ating kamatayan... nabuhay tayong hindi wari'y isang guni-guni lamang na walang nakaalam na minsa'y nag-exist tayo sa mundo.

Kinatatakutan ko ang gayong kamatayan!

Yuco's picture

Gusto ko rin balikan ang

Gusto ko rin balikan ang circa1940s.. at doon mamimigay ako ng leaflets, maynakasulat na “Ang salot na digmaan ay digmaan ng imperyalstang US at Japan. kumilos tayo at silay labanan para sa tunay na kalayaan”

 

 

http://ayawmatulog.blogspot.com/