Sana Tayo Na Nga
Normal 0 false false false EN-US X-NONE X-NONE
CHAPTER 1
Masakit talaga sa balat ang sikat ng araw tuwing ganitong panahon ng summer. Sukbit ang kanyang personal backpack at hila naman sa kabilang kamay ang may kalakihan at kabigatang luggage.
May isa pa syang traveling bag na nagpapalaglag sa kanyang balikat kung kaya’t alanganing sumakay sa front seat ng pampasadang jeepney si Shey.
Subalit gusto nya talaga sa harapan kung kaya’t inukopa nya ang pandalawahang upuan roon. Napatingin sa kanya ang driver.
“Babayaran ko nalang po ang pwesto na ‘to, Manong,” naunang sabi ni Shey.
“Kung gusto mo miss, sa taas nalang natin ilagay iyang mga bagahe mo para hindi ka mahirapan mamaya kapag nasa biyahe na tayo. Malayu-layo rin ang Amio.”
“Eh baka ho mahulog, dito nalang.” Tanggi pa nya.
“Hindi mahuhulog yan, itatali yan ng kundoktor ko kasama ng iba pang mga kargamentong mabibigat.” Anang mamang driver.
Bagama’t hindi sya masyadong sang-ayon, eh pumayag na rin sya. Hindi naman siguro mapapano ang mga bagahe nya.
“Kayo ho ang bahala, Manong.” Patiayon na lamang nya.
Mayamaya pa at unti-unti ng napupuno ang jeep at abala sa pag-aasikaso ang kundoktor sa mga pasahero.
“Tatlo na lang, lalarga na to,” sigaw ng kundoktor sabay kaway sa tatlong paparating. Isang pares ng tila magnobyo at isang mamang naka dark shades na may malaking backpack ang akmang sasakay. Naunang sumakay ang magnobyo kaya nag-alangang sumampa ang huli.
“Sa harap brod may isa pa,” anang kundoktor.
Lumigid ito sa harap ng jeep at hinubad ang tila mabigat na backpack. Dahil malaki ang bulto ng katawan nito na bakat sa manipis na suot nitong aqua blue shirt, nag-alangan rin itong sumampa at kalungin ang dala-dala.
“Sa taas nalang din yan brod,” anang driver.
Mahigit mga dalawang oras din ang babyahein nila kaya malamang pasado alas tres na sila makakarating sa bayan ng Amio.
Bagamat may suot ring dark shades para proteksyon sa tindi ng sikat ng araw, animo nakakaantok pa rin ang maalinsangang panahon para sa byaherang si Shey.
Init na init pa rin sya sa suot na white cotton long sleeves. Subalit napapagaan naman nito ang pakiramdam nya ng sariwang hangin na dumadapyo habang tumatakbo ang kanilang sasakyan.
Naaliw sya sa mga bundok, ilog, tulay at mga hayupang baka habang daan. Mahilig talaga si Shey sa nature at nasasabik na syang maranasang muli ang country life. Panay ang silip nya sa paligid. Mababanaag ang ngiti sa tuwing may magaganda syang natatanaw.
Halos labinlimang taon din syang hindi nakabalik sa bayan ng Amio kung kaya’t sabik na sabik syang bumalik dito. Napatira man sya sa Maynila ng mahabang panahon ngunit wala pa ring tatalo sa pananabik nyang makita ang unang bayang kanyang natutunang pahalagahan.
Isa pa, may halong kaba ang pakiramdam nya. Excited sya ngunit may kaunti ring pangamba. Nag-aalala sya sa mga pagbabago, sa mga kaklase nyang tiyak syang hindi na sya natatandaan. At higit sa lahat, makikita nya pa kaya ang lalaking yon?
Oo. Parte ng pagbabakasyon ni Shey sa bayang ito ay ang kanyang most secretest crush na noon pa nya inililihim ng husto sa kaibuturan ng kanyang puso. Infatuated na nga yata sya sa mokong na yon.
Kinikilig sya sa isiping iyon. Pakiramdam nya parang may mga nagliliparang mumunting paru-paro sa loob ng kanyang tiyan. Mga dagang mabining kumagat sa laman ng kanyang katawan. Ang epekto nga naman ng lason ng pag-ibig sa kanya, tunay na nakakaloka.
Bahala na. Anang isang sulok ng kanyang isipan. Kung wala na sya o di kaya ay may asawa na, eh di tuloy pa rin ang bakasyon. Bakit ba kailangang siya talaga ang dahilan ng pagbabakasyon kong ito?
Pero malulungkot rin talaga sya kapag ganon nga na may pananagutan na ang kanyang secret love simula noong sya ay nasa Grade 3 pa lamang hanggang sa unang taon nya sa high school. Isipin pang kahit bata pa eh iba talaga ang sibol ng pag-ibig sa puso niya. Parang kumukulong tubig na pilit kumakawala dahil ang musmos nyang pag-ibig ay naging lakas ng loob para bumalik sa bayang ito.
Dahil excited at medyo lumilipad ang isip sa maaaring mangyari sa kanyang bakasyon, hindi nya napansin ang mga matang titig na titig sa kanya sa likod ng madilim na wrap-around shades.Maalwan pa syang napapangingiti habang patuloy na tumatakbo ang kanilang sasakyan.
Napatingin si Shey sa lalaking katabi. Bahagya itong nagbigay ng tipid na ngiti nang mapansin nitong napadako ang tingin nya. Biglang sumigid ang matinding kaba sa kanyang dibdib. Naghabulan yatang bigla ang mga kabayo sa loob ng kanyang dibdib at ganon na lamang ang tambol ng kanyang puso.
Maaari syang magkamali o possible ring tama ngunit bilang isang desenteng babae na sumusunod sa batas ng kadesentehan ay hindi sya ang tipo na mauunang magpakita ng reaksyon.
Sa makatuwid, hindi sya magpapahalatang sa dami ng pagkakataon ay ngayon agad nya makikita ang nasa isip lamang nya kanina at nais malamang nag-exist pa pala sa mundo.
Kahit gaano pa katindi ang kaba at sabihin na ring pananabik nya ay hindi nya ilaglag ang panty nya ng ganun-ganon na lang. Mamaya nyan may-asawa na pala ito o kaya nobya o maraming nobya. That is not fun at all so erase, erase, erase.
Hindi na bale, magtitiis na lang muna sya kahit nakakainis man dahil abot-kamay na nya sana. Hindi pa sya handang sumugal at muli nyang ipagkakatiwala sa tadhana ang kasaluuyang ito sabay sabing ‘que sera, que sera’.
Makalipas ang mahigit isang oras, huminto ang kanilang jeep sa isang maliit na bayan para magdiskarga ng ibang gamit ng mga pasaherong bababa roon.
Nag-abiso ang driver na kung sinuman ang bababa para uminom, umihi o bumili ng meryenda ay may labinlimang minuto sila para bumalik sa jeep.
Naunang bumaba ang katabi nya at matutukso na sana syang maunang bumati ngunit bilang masugid na tagasunod sa batas ng pagiging pakipot ay nagpigil sya.
At dahil nauuhaw rin sya, sumabay sya sa pagbaba at tumungo sa malapit na tindahan at patay malisya at kunwari wala lang. Mahirap magkunwari na wala lang ha.
“Miss, isang bottled water please,” aniyang iniaabot ang pambayad.
“Ako rin two bottles,” anang mamang katabi nya sa upuan.
“Dalawa na lang ‘to eh. Eto oh.” At inabot nito lahat sa lalaki ang dalawang bote.
“Eh nauna ako miss, ah.” Protesta nya sa dalagang tindera subalit abala na ito sa iba pang bumibili.
“Sorry miss, I needed two,” anang lalaki sabay talikod.
“Hmp! Whatta beast,” pabulong nyang sabi sa biglaang pagkaasar sa inasal ng mukhang maginoong ginoo pero ungentleman naman pala.
“Are you saying something, miss?” anitong bumuwelta pabalik sa tabi nya.
“Ako may sinasabi? Wala ah. You must have been bone dry you’re hearing other things,” pagkaila nya sa nakakasindak nitong boses. Parang boss kung umasta.
“I thought I heard you say, beast…” sumabay ito sa lakad nya.
“No I didn’t. I said biscuit, but they run out of stock na nga lang eh,” aniya sabay binilisan ang lakad pabalik sa sasakyan. Kinabahan tuloy sya sa kanyang impulsive reaction.
“Here, have a sip so you’ll no longer say beastly things about me,” anitong iniaaabot sa kanya ang bukas ng boteng pinag-inuman na nito.
“Hah! No thank you. I can still contain my thirst and besides forty five minutes na lang naman ang travel eh.” Nauna syang nakarating sa jeep dahil sa bilis ng kanyang mga hakbang.
“Ayaw mo talaga?”
Inignora nya ang last offer nito at nagmadaling bumalik sa front seat.
“Well, lack of water will make you hallucinate and don’t blame me if you will find me endearing when your senses are muddled with my charms,” pasarkastiko nitong pasaring sa kanya.
Pinigil nya ang reaksyon kahit nag-iinit na ang pisngi sa tumitinding pagkainis sa antipatikong katabi.
Maya-maya pa ay dumukwang ito sa likuran ng upuan nila at iniabot ang isang bote ng tubig sa Aleng may kargang bata.
“Salamat iho. Uhaw na talaga itong apo ko eh,” anang ale.
“Walang anuman ho.”
Tahimik lang syang nakinig. Kaya pala di sya pinagbigyan sa tindahan kanina ay para pala sa Aleng iyon ang isang bote ng tubig.
“Are you sure you don’t want a sip?”
“Haven’t I said no? Mamaya n’yan mahawa pa ako sa rabies mo. Nilawayan mo muna bago mo ako inalok. Ang hangin mo rin ano?” gigil nyang asik rito.
“Hindi ah. Ikaw nga itong maarte. Inalok na nga kita ikaw pa galit.”
“Hmp. As if I don’t know, you used your charms to get that doon sa girl sa store kanina.”
“So you admit that my charms are overly penetrating.”
“Not to the point of using it as an advantage to any weak females.”
“Ah! So you’re a tough one,” anitong may nagbabadyang pang-uuyam sa mga labi.
“Hmp. Don’t try your luck on me. I’m not interested.” Pasinungaling nya at dala ng pagkainis ay iyong ang namutawi sa kanyang mga labi.
Hindi na kumibo ang katabi nya kaya itinuon na lang nya ang pansin sa natitirang oras ng byahe. Pati tuloy driver ay gustong talakan ni Shey dahil parang ang tagal nitong bumalik sa jeep.
Nang muling tumakbo ang jeep, lalong naging excited si Shey nang matanaw ang huling tulay papasok sa bayan ng Amio. Ang ilog na pinaglalanguyan nila ng mga kapatid nya noong nag-aaral pa sila noon dito ay kaylinaw pa rin.
Di nya mapigil ang matinding pagkasabik. Nangingislap ang mga mata nya at may ngiti sa mga labi habang masayang tinatanaw ang malinis pa ring ilog.
“Wow!” aniyang wala sa loob na nasabi.
“It’s not your first time for sure,” anas ng katabi nyang impakto sa kaantipatikuhan.
“Eh ano naman,” asar nya ring asik dito.
“Wala lang. Baka kasi kailangan mo ng tour guide cum bodyguard o alalay kapag gusto mong mamasyal dito,” anito sabay taas ng shades na nagpamulagat ng husto kay Shey.
Naitaas nya ring bigla ang suot na shades at di sinasadyang mapatitig sa mukha ng katabi. Muli syang kinabahan. Dobleng kaba kesa kanina. Umakyat yata sa ulo nya ang mga kaduguan nya. Siya nga si Ramon Miguel Ruiz.
“O bakit? Ngayon ka lang ba nakakita ng gwapong impakto sa kaantipatikuhan?” anitong may kagat na naman ng sarkasmo ang bawat kataga.
Nakagat yata ng pusa ang dila nya. Kumakabog ang kanyang dibdib na parang tinatambol ng base drums. Namutla yata sya ng muling magtama ang kanilang mga mata na walang suot na shades. Subalit, ang higit na nagpakaba sa kanya ay dahil parang kilala rin sya nito. Baka himatayin pa sya kapag di nya kinaya ang kamandag ng karakas ng damuho. Aminado naman sya doon eh.
Sa wakas nasa loob na sila ng bayan. Pumarada na ang jeep sa terminal at bago tuluyang umalis ang lalaki, tinulungan muna nitong magdiskarga ng kanilang mga bagahe ang kundoktor.
“I’ll see you around, sweetheart.” Anito at lumakad na papalayo.
Naiwang naguguluhan si Shey. Pikon ba yon o sadyang masungit lang o kaya ay nuknukan lang talaga ng pagkaantipatiko.
Ang suplado ng mokong na yon na akala mo’y boss ko kung umasta. Tinawag pa akong sweetheart. Pero kahit ano pa man, gusto yatang matunaw ng puso ni Shey sa kilig. Iyon mismo ang lalaking itinuturing nyang kanyang baby love, puppy love o crush noong sya ay nag-aaral pa sa bayang ito.
“Uy Shey.”
“Ate Joy.” Masaya syang nagbeso sa magiging hostess nya sa pagtira sa bayang ito.
“Sorry ha. Na late ako. Kumusta ka na? Ang Ate mo, kumusta?” anang Joy na bagamat may kakulangan sa height ay cute naman ang mukha. Maputi kasi ito at mahaba ang buhok. Dating kaklase ng Ate nya sa elementarya.
“Okay naman ako ‘Te Joy. Si Ate Beth nasa States na eh.”
“Wow! Glad to hear that. But look at you. Last time you were here, ang liit-liit mo pa. But now, wow! You look wonderful,” anitong puno ng enthusiasm at excitement ang pagsalubong sa kanya.
“Hindi naman. Medyo tumangkad lang ako sa’yo ng kunti,” nahihiya nyang biro dito.
“Oo nga eh. Uy sorry ulit if I keep you waiting ha kasi dumaan yong pinsan ko. Pero okay na kasi he went off na rin agad.” Anito pa habang binabagtas nila ang daan patungong bahay na kanyang tutuluyan. Ilang kanto lang ang layo nito mula sa paradahan ng mga jeep.
“Ok lang Te. Uy kumusta ka na ‘Te Joy. I missed you, I missed this place, ang mga tao. Sana makikilala ko pa yong mga dati kong mga kaklase,” aniyang puno ng pananabik at bahagyang nakalimutan ang kaninang muntik na nyang pagkahimatay ng makilala ang katabing lalaki sa jeep.
“I’m fine. Halika, ihahatid na muna kita doon sa house ng pinsan ko. I’m sure you will love it there kasi solo ka sa house,” anitong may pagkapilya ang ngiti.
“Bakit ako lang mag-isa? Aalis ka ba?” nag-aalalang tanong nya.
“I’m sorry Shey. Nakalimutan ko ipaalam sa’yo. I’m leaving kasi in an hour back to Dumaguete kasi darating ang mga sisters ko and their famillies from Canada. I’m sure you will be alright. Pasasamahan na lang kita sa katiwala namin,” anitong halata ang pagmamadali.
“Oh don’t bother Te. Kaya ko sarili ko. I can hell think of a lot of things to enjoy my stay. Sanay ako d’yan. I can well take care of myself, promise.” Aniyang pinasigla ang boses para di na ito mag-alala pa.
“Sure dearie. Thanks for understanding. Hayaan mo, sasabihin ko nalang kay Gabe na dito muna sya mag stay para may makasama ka.”
“Ah no please don’t bother na. I am pretty well okay alone. I won’t be staying naman all day sa house. Malilibang ako dito sa dami ng pwede kong gawing outdoor activities,” sabay turo nya sa matayog na bundok na matagal na nyang pinangarap maakyat simula noon pa.
“Busy ako sa work sa Maynila ‘Te kaya precious break ko ito. I’ll take full advantage of my stay. Isa pa, na mi-miss ko talaga yong dati kong mga kaklase kaya dadalawin ko sila,” aniya at totoong excited na sa mga plano.
“Oh well that’s pretty good. Oh here are the keys. You can use any room you want. You have the whole house for yourself and if you like, you can invite your old classmates here para di na kayo lalayo pa,” anito at niyakap sya ng mahigpit at nagmadaling lumipat sa kabilang bahay na kadikit lang ng tutuluyan nya.
“I’ll make it up to you, dear. Sayang nga ang timing mo kasi baka susunod na rin ako sa Canada. We’ll keep in touch na lang ha. Take good care okay,” kumaway pa ito habang papasok sa loob ng katabi nyang bahay.
“Thank you Ate. I’ll be alright, promise. Ingat ka rin.” Nangingiting paalam nya dito.
CHAPTER 2
Pagpasok nya, hinagod nya ng tingin ang buong kabahayan. Halatang ipinalinis yata muna ito ni Ate Joy para sa pagdating nya.
Hindi naman ito kalakihan at may kalumaan na rin ang bahay na ito. Dito rin yata iyong kubong tinutuluyan nila dati noong sila ay nag-aaral pa lang ng mga kapatid nya sa bayang ito.
Tahimik ang paligid at agos ng ilog sa likuran ng bahay ang maririnig. A very cool change of environment from her hectic lifestyle in Manila.
Ganunpaman, excited pa rin sya sa magiging pamamalagi nya rito. Rest is what she craved most right now. Stressful ang trabaho nya sa advertising.
Lagi silang naghahabol ng deadlines at ang pressures ay nakakapagbawas lalo sa kanyang meager patience. Kaya ng mahanap nya sa facebook ang dating kaklase ng kanyang Ate Beth ay nabuo ang getaway nyang ito.
Umakyat sya ng hagdan at ang unang pintong nakita nya ay doon sya pumasok. Malapit ito sa veranda at nakaharap sa kalsada sa harapan ng bahay.
Napapangiti sya sa ganda ng lodging arrangement na binigay sa kanya ni Ate Joy. Talagang ipapaubaya sa kanya ang buong kabahayan for her complete convenience.
Ito naman talaga ang hinahanap nya. Peaceful place that can cure stress, tensions, and pressures. Marahil ibilang na rin ang ilang mga personal failures para ma-unload na lahat ng emotional strains sa kanyang buhay.
Tama na nga ang mga paghihimutok. I am here to forget him. To heal the drastic wound from a cheating bastard. Kaya humanda syang mokong sya. Akala nya ay di ko sya kayang kalimutan ha?
Ang walanghiya niyang executive editor na bukod sa kanya ay mayroon pa palang ibang kasintahan. Kung hindi nya pa mismong nakita ang mga ito, baka nakakulong pa rin sya sa mga panloloko nito.
Bababa na nga lang ako at mag explore sa buong kabahayan. Baka may interesting pang susulpot at bubulaga sa akin.
Kumakalam na ang sikmura nya at nauuhaw dahil sa matinding init sa byahe.
Napangiti sya. Di naman pala sya totally pinabayaan ni Ate Joy dahil anumang mga basic needs na kailangan nya ay naririyan lang sa kabilang bahay ang tindahan nila.
Maayos pa rin naman ang mga kagamitan sa bahay na ito pero halatang hindi masyadong natitirhan. Baka katiwala nalang ang nag aasikaso dito.
Halos hindi na mapigil ni Shey ang sarili sa naa-anticipate na excitement dahil hindi sya makapaniwalang makakabalik sya sa bayang ito pagkalipas ng maraming taon. She made a twirling motion at the living room on her way to the kitchen. It does started to make her feel good and excited. Everything is set and all it need is to start rolling the film of her life.
Dahil sa tindi ng pagod mula sa byahe ng eroplano, bus, at jeep galing Maynila ay mapayapang nakatulog ang dalaga.
Magaan ang pakiramdam nyang bumaba para magluto ng almusal. She hum around a tune and did a fairy-like ballerina twirl while holding a spatula in one hand. Maaga pa kaya hindi muna sya nagpalit ng pantulog dahil gusto nyang mag-almusal muna bago pumanhik at mag shower.
Ganito talaga sa lugar na ito, kakaiba ang hatid ng bawat umaga. Laging parang mayroong panggulat sa kabila ng mapayapang kapaligiran. Napapa-ballet sya kunwari thinking nasa setting sya ng Swan Lake with just the simple serenity of a quiet house.
Fried rice, hotdogs at coffee ay solve na sa kanya. Maayos pa naman ang mga kasangkapan dito kaya di sya nahirapan magluto. Sanay naman syang magluto dati pa.
Magaan ang pakiramdam ni Shey habang nagkukunwaring magaling syang ballerina imitating Swan Lake sa sala tangan ang isang tasa ng kape nang may maingay na motorsiklong huminto sa harap ng bahay. Maya-maya pa’y bumukas ang gate at tila pumasok ang maingay na sasakyan sa loob ng garahe.
Kinabahan sya. Tangan ang tasa ng kape ay tinungo nya ang pinto upang silipin kung sino ang mapangahas na intruder ang pumasok. Binuksan nya ang pinto nang biglang sumungaw doon ang isang lalaki.
“Ikaw?” gulat na gulat si Shey habang kapwa nila hawak ang doorknob ng pinto. Muntik nang matapon ang kapeng hawak nya sa pagkagulat o sa biglaang pagtambol ng kanyang dibdib.
“Ako nga. Bakit? May iba ka bang inaasahan?” antipatiko nitong sagot sa kanya bagamat bahagyang nakangiti eh sinister-looking naman ang dating.
Tumalikod si Shey at wala sa loob na naipatong sa center table ang hawak na kape. Baka matapon pa ang laman nito kung di nya makontrol ang biglang pagnginig ng kanyang mga kamay. Iwan nya kung sa presensya ng lalaki o sa hinanda nyang gagawing pagtatalak.
“Anong ginagawa mo rito?” salubong nya sa makulimlim na mukha nito. Sumunod ang lalaki pagtalikod nya at at-home na umupo sa sofa.
“I should be asking you that.” Anitong pagkaupo ay tinapunan sya ng pilyong ngiti. Inilapag nito sa center table ang bitbit na helmet. Sinuklay ng isang kamay nito ang may kahabaang buhok na nanlalagkit na sa pawis at walang kaanu-anong hinigop ang kape nya.
“Dito ako nakatira. Eh ikaw, Anong ginagawa mo rito?” pilit nyang nilalabanan ang nginig sa boses na iwan nya kung sa pagkapikon ba o sa kaba na kanyang nararamdaman.
“Dito rin ako nakatira… dati… at paminsan-minsan dito rin ako natutulog,” anang antipatiko pa ring lalaki na kung makatingin sa kanya ay para bang gusto sya nitong tunawin sa tingin.
“What? You live here?” maang syang napatanong dito kahit malinaw nyang narinig ang sinabi nito.
“Obviously, sweetheart.”
“Really. So how come you were off somewhere else last night,” ganti nyang pang-aasar dito. Baka naman nag ba-bluff lang ito para ma-intimidate sya.
“Bakit? Inaasahan mo bang dito ako uuwi kagabi? Siguro hinihintay mo ako, ano?” tuya nito sa kanya. Naroroon pa rin ang mga ngiting may bahid ng kapilyuhan.
“Wow! Ang lakas ng hangin. Whirlwind ang dating. Giniginaw ako sobra.” Ganti nya ring uyam sa lalaking kampante pa ring nakaupo sa sofa.
“Sweetheart, giginawin ka talaga dahil dyan sa sleeping gown na suot mo,” pumihit ito paharap sa kanya mula sa pagkakaupo. Naglandas ang mga mata nito sa katawan nya.
“Bastos ka! Manyak!” dali-daling pumanhik si Shey sa silid.
Naibagsak nya pasara ang pinto at tulirong naupo sa gilid ng kama. Sobra-sobrang boltahe ng kuryente ang animo’y dumaloy sa mga ugat ng braso’t binti nya. Parang biglang nahigop ng hudyong lalaking ‘yon ang kanyang mga lakas.
Pakiramdam nya’y tatakasan sya ng lakas. Ganoon pa rin ang dating ng lalaking yon sa kanya. Baka hindi nya makayang ignorahin ang tila magneto nitong presensya at bigla nalang syang higupin padikit dito. Ngayon pa lang ay nangangamba ng talaga si Shey.
Hinahabol nya pa rin ang hininga nang biglang may kumatok sa pinto. Hinanda nya ang sarili para ipamukha sa lalaking antipatiko ang kasupladuhan nito.
Ang damuho, antipatiko na bastos pa. Ang yabang. Akala mo kung sinong gwapong impakto kung makaasta. Sobrang taas ng tingin sa sarili. Masyadong malapad ang mga pakpak kung makalipad. Hmp! Babaliin ko ang mga pakpak mo at isasawsaw sa suka ang nakakatakam mong laman. Tingnan ko lang.
“Ano na naman ba?” padabog nyang binuksan ang pinto kasabay ng hinandang pagtatalak.
“May kailangan sana ako eh,” anitong hindi pa rin naaalis ang amusement sa mga labi.
“Ano ba yon? Bilisan mo at umalis ka na.” Angil nya rito. Nakalimutan nyang hindi pa rin sya nakapagpalit ng pantulog kaya kung makangisi ang mokong ay ganon na lang. Wala pa naman syang bra dahil hindi sya natutulog ng may ganoon. Tumalikod na lang sya sa pinto.
“Pwede bang maki shower? Medyo malayo kasi yong hasyenda kung doon pa ako uuwi para lang maligo,” mahinahon nitong pakiusap sa kanya.
“Meron namang ibang bathroom dyan ah. Doon ka nalang.”
“Sira kasi yong mga yon. Ito lang ang tanging maayos dito.”
“Tumalon ka doon sa ilog sa likuran.” Sabay turo nya sa kinaroroonan ng ilog.
“Ayoko sa ilog. Mamaya pagpiyestahan pa ng mga babae doon ang kakisigan ko.”
“Hmp! Saksakan ka talaga ng yabang. Naku! Naku! Kung hindi nyo lang pamamahay ‘to, gumulong ka na sana palabas ng pinto.” Aniyang nanggagalaiti sa inis.
“Ang lupit mo naman. Sandali lang naman ako eh. ” Ungot pa nito.
“Ayoko. Kwarto ko to kaya maghanap ka ng kwarto mo,” masungit nyang sagot dito.
“Sweetheart, kwarto ko rin to,” malambing nitong sabi at ngumiti habang kampanteng sumandal sa hamba ng pintuan. Napakamot pa nga ito sa ulo habang ngingisi-ngisi.
“What? Kwarto mo to? Pinagloloko mo ba akong talaga ha?” nabigla ngunit paasik pa rin nyang tanong.
Umiling-iling ito. Ngumiti at inginuso ang maliit na picture frame sa tabi ng lampshade.
Napatingin sya sa photo frame. Binatilyong lalaki ang masayang nakangiti sa kanya. Hindi nya napansin na maaari ngang ang hudyong lalaki ang nasa larawan. Wala syang oras kagabi para pagtuunan ng pansin ang sana larawan.
Lalong nanlambot ang tuhod ni Shey. Bakit ba hindi nya napansin na halos kulay asul ang kaayusan ng silid. Mali, napansin naman nya talaga ang kulay kaya lang huli na para umeskapo.
Ang kubre-kama, unan at kumot ay asul. Ang dingding ay pinturado rin ng ganoong kulay. Imposibleng hindi nya iyon mapansin. Lutang lang talaga sya kahapon pagdating nya sa bahay na ito.
Sa tindi ng pagkapahiya, nanghihinang napaupo sa kama si Shey. Litung-lito sa biglang pagkagulo ng inaasam nyang tahimik na bakasyon.
“Are you okay, sweetie? Pwede na ba akong mag shower?” sinserong tanong nito na tila nag-aalala pa sa naging reaksyon nya.
Tinapunan nya ito ng mabalasik na tingin. Sapo nya ang noo na parang sumakit bigla ang kanyang ulo sa kaantipatikuhan ng kumag na lalaki.
Umakyat yata sa kanyang ulo ang lahat ng dugong mabilis na nag-pump up mula sa kanyang puso.
Napag alaman ni Shey na kaya pala nag jeep si Miguel dahil nasira ang motorsiklo nito doon sa bayan na malapit sa terminal na sya ring sakayan papunta rito sa bayan ng Amio. Maagang sinundo nito ang kakilalang naghatid ng kanyang sasakyan.
Ang kumag, kaya pala doon nag shower sa silid nya dahil naroon din pala ang ilang mga bihisan nito. Kaya pala malakas ang loob na asar-asarin sya ay kwarto nya pala yon.
Nang makaalis ang unexpected yet charming guest ni Shey, naisip nyang lumipat na lang ng matutuluyan. Ayaw nyang laging nakakabangga ang lalaki. Baka hindi nya kayanin ang karisma nito at magiging prey sya ng antipatikong beast na iyon.
Maaga pa naman kaya para maalis ang pagkainis, pinasya nyang magtungo sa ilog. Dalawa kasi ang ilog sa bayang ito. Doon sya pupunta sa ilog na nakita nya noong papasok pa lang sya ng bayan.
Bitbit ang mp3 player at knapsack na naglalaman ng kanyang digital camera ay sinimulan ng bagtasin ni Shey ang alam nyang daan patungo sa ilog. May kalayuan rin ito. In fact, halos kinse minutos rin syang naglakad.
Hindi nya mapigilan ang excitement ng matanaw ang malinis pa ring tubig. Ang mga bato, buhangin at mga puno sa paligid ay nagpatighaw sa pananabik nyang makita ang kakaibang kaginhawaan na hatid ng kalikasan na tulad nito.
Maganda talaga ang bawat umaga sa bahaging ito ng ilog. Parang may healing touch ito sa mga mabibigat na negatibong emosyon. Parang kaya nitong anurin ang anumang bigat sa dibdib ninuman.
Nang makahanap ng pwesto sa tabing-ilog si Shey, sinadya nyang umupo at magrelax. Ito naman talaga ang hanap nya. Ninamnam nya ang mabining ihip ng hangin at ang mumunting huni ng mga ibon. Ang ganda ng ulap sa alapaap at waring napakadalisay ng hatid nitong kapayapaan. Pinagsawa ni Shey ang mga mata sa kadalisayan ng tanawin.
Ito ang tipo ng total relaxation na walang halaga ngunit kakaiba ang dulot na ginhawa. Inihanda ni Shey ang dalang camera. Hindi nya palalampasin ang kakaibang mahika na nagdala sa kanya mula sa magulo at puno ng pulusyong Maynila papunta rito.
Kuha dito at kuha doon. Kahit anong interesanteng bagay na mahagip ng kanyang lente. Hilig na nya talaga ang photography kaya hindi nakapagtataka kung papano sya napasok sa advertising firm.
CHAPTER 3
Naparami ang mga kuha nya dahil tuon na tuon sya sa ginagawa ng biglang ginulantang sya ng ingay ng motorsiklo. At sino pa nga ba ang taong ginawang hobby na guluhin ang anumang paghahangad nya ng relaxation?
“Ikaw na naman? Nanadya ka ba talaga ha?” animo’y tigre sa pagkainis si Shey dahil nasira na naman nito ang mood nya sa ginagawang paglilitrato.
“Ang aga-aga ang sungit mo lagi. Hindi naman kita inaano ah.”
“Hoy Miguel! Lubayan mo ako ha. Bakit ba lagi ka nalang sumusulpot sa kung saan-saan na parang kabute. Wala ka bang magawa ha?” dakdak nya sa lalaking parang manhid naman sa mga sinabi nya.
“Meron akong ginagawa. In fact, pabor nga sayo ang ginagawa ko eh,” umibis ito sa motorsiklo at lumapit sa kanya.
“Wag kang lalapit damuho ka! Hahampasin kita.”
“Hey calm down sweetheart, okay? Gusto mo bang makita ng mga taong yan kung anong ginagawa ko sa mga wildcat na katulad mo?” kumindat ito at bahagyang tumingin sa likuran nya.
Nagitla si Shey. May mga nakatingin sa kanila. May mga tao na pala na kunwaring may ginagawa ngunit palihim namang nagmamasid sa kanya.
Kinabahan syang bigla. Akala nya ay ligtas ang maglakad-lakad sa lugar na ito gaya ng dati. Marahil ay nagbago na ang karamihan sa mga naririto.
May grupo ng mga binatilyo ang kunwari’y abala sa pagsi-swimming sa di kalayuan. Hindi nya napansin ang mga iyon dahil engrossed sya sa ginagawa kanina.
“Miguel hindi magandang biro yan ha. Wala naman sigurong gustong manakit sa akin dito,” napagtanto ni Shey na hindi naman siguro gagawa ng kalokohan sa kanya ang mga tagarito. Nasa harapan na nya ang binata at sa tindig nitong 5’11” ay kayang lamunin nito ang kanyang anino.
“Shey, kilala ng mga yan kung sino ako. Ikaw ay bago sa paningin nila. Ngayon kung aalis ako dito at iiwan kita, iisipin nila na wala kang koneksyon sa akin at sa itsura mong yan ay kendi ka sa panlasa ng mga langgam na yan.”
“Anong palagay mo sa akin, hindi ko kayang ipagtanggol ang sarili ko?” pagmamalaki nya.
“Migs?” sigaw ng isang binata kay Miguel sabay kaway. Kumaway rin si Miguel at ina-acknowlege ang tumawag.
“Ayos lang naman sa akin eh. Aalis na lang ako.” Tumalikod na ang binata pabalik sa motorsiklo.
“Teka, sandali lang. Oo na naniniwala na ako sayo,” pakabait nya kunwari at sumunod sa binatang bahagyang sumandal muna sa motorsiklo nito.
“Madali ka naman palang kausap eh. So ganito, una ipapakilala kita sa kanila,” anitong seryoso nga sa mga sinasabi.
“Ipapakilala? Ibig mong sabihin pupunta tayo doon sa mga lumalangoy na mga unggoy na yon?”
“Sweetheart, may paraan ng pagpapakilala na hindi na kailangang lumapit pa,” ngumisi na naman ito ng makahulugan sa kanya. Tuwing ngising-aso ito sa kanya at tinitiyak nyang hindi nya nagugustuhan ang tumatakbo sa utak nito.
“Hmp! Parang hindi ko magugustuhan ang anumang ideya ng pagpapakilalang tumatakbo dyan sa isip mo,” tapat nya ring sabi sa lalaki.
“Well, I can leave you here alone para maging saging sa mga lumalangoy na mga unggoy na yon,” sumampa na ito sa motorsiklo at mukhang aalis na nga dahil kinabig na nito ang stand ng sasakyan.
“Uy wait! Oo na sige na. Payag na akong ipakilala mo ako,” habol nya rito.
“Kiss me.” Walang kagatol-gatol nitong utos sa kanya.
“What?” na shock talaga si Shey.
“Hindi ko maipapaliwanag sayo ngayon pero alam kong maipapahatid natin sa mga unggoy na yon na hindi ka na nila pwedeng maging saging dahil ako ang unggoy mo,” kapagdaka’y ngumisi ito ng buong tamis sa kanya.
“Pwede bang… iba na lang?” nasasamid na pakiusap ni Shey.
Halatang na-aamuse ang lalaki sa kanya dahil kulang nalang ay lantaran itong tumawa sa nakitang reaksyon nya.
May natanaw si Miguel na grupo ng mga lalaking papalapit sa kinaroroonan nila at kilala nya ang isa sa mga ito. Binalingan nito si Shey na bahagyang nakatalikod kaya hindi nito napapansin ang mga paparating.
“Come here.”
“Miguel naman.” Protesta nya sa binata.
“Yakapin mo ako,” anitong sa mga mata nya nakatingin. “Yong yakap na hindi napipilitan,” hiling nitong muli sa kanya.
“Miguel naman eh…”
Bigla sya nitong niyakap at ginawaran ng pinong halik sa pisngi. Napasinghap si Shey. Na shock sya sa ginawang iyon ng lalaki. “Hop in and don’t fret,” bulong nito sa kanya at parang gustong magmadaling umalis sila sa lugar na iyon.
“Miguel, andito ka pala,” bungad ng unang lalaking papalapit sa kanila at huli na bago pa man sila makaalis.
“Julian.” Ina-acknowlege nito ang tumawag at hinapit nito sa baywang ang nagulat pa ring dalaga.
“Julian?” kahit nabigla sa ginawang iyon ng katabing lalaki ay pilit isinantabi ni Shey nang marining ang pangalan bagong dating.
“Ikaw si… Julian Sebastian?” namutawi ang simpleng ngiti sa labi ni Shey ng makilala ang dating kaklase noong unang baitang pa lamang sila. Kumawala sya sa bisig ni Miguel at handang kamayan ang dating kaklase.
“Hey! Who’s this beautiful lady among the thorns with us, Miguel?” balewalang tanong nito sa biglang naging seryosong kababata.
“Shey, this is Julian Sebastian. Julian, meet Shey dela Torre” pagpapakilala pa nito.
“Shey.” Inabot ni Julian ang kamay kay Shey samantalang biglang nagsuot ng shades si Miguel. Hindi dahil sa mataas na ang araw kundi sa sarili nyang dahilan.
“Pleased to meet you, Julian. Grabe di ako makapaniwalang makikilala mo pa ako at makikilala pa kita after all those years,” siyang-siyang saad ni Shey.
“Of course, ikaw rin. Ang ganda-ganda mo na ngayon kumpara dati,” halata ang paghanga sa mga mata ni Julian at nagngingitngit naman ang butse ni Miguel dahil hindi pa nito binibitawan ang kamay ni Shey. Katunayan, dalawang kamay ang nakahawak sa kamay ng dalaga.
“You mean to say pangit pala ako dati ha,” biro nya rito dahil sa nasabing pagkumpara ng itsura nya ngayon kaysa dati noong maliliit pa sila.
“No no no. I mean mas kapansin-pansin na ang ganda mo ngayon,” anito pa.
“Oo na naniniwala na ako sayo.”
“Kailan ka dumating? Nagpa-organisa pa sana ako ng banda pasalubong syo kung alam ko lang,” biro nito sa kanya.
“Sus! Ang OA mo ha. Kahapon pa ako dumating.”
“Sayang. Kung alam ko lang ako na lang sana sumundo sayo.”
“Naku ha! Don’t tell me hanggang ngayon eh binata ka pa rin.”
“I’m pretty unattached. Maniwala ka.”
“Oo na. By the way, sino yang mga kasamahan mo at parang may mahalaga kayong gagawin dito?” tanong ni Shey kapagdaka para maiba naman ang takbo ng usapan nila.
“Ah, mga engineers ko. Gumagawa kami ng survey para sa gagawing improvement ng tulay.” Noon lang nito binitawan ang kamay nya.
“Oh sounds great. Ikaw na ba ang mayor sa bayang ito?” hulang tanong nya rito dahil hindi nya naman talaga alam ang posisyon ng dating kaklase.
“Hindi. Vice-mayor pa lang ako. Mas mabigat ang resposibilidad ng mayor kaya dahan-dahan muna ako,” paliwanag pa nito.
“Mauuna na kami sa inyo, pre. Kanina pa kasi itong Shey. Sinundo ko lang at medyo mataas na ang sikat ng araw,” singit ni Miguel sa dalawa.
“You mean Shey sa kanila Miguel ka tumutuloy ngayon?”
“Oo. Doon sa katabing bahay nila Ate Joy.” Sagot nya.
“Ganon ba.”
“Sige, Julian. Mauna na kami.” Aning Miguel at hinanda na nitong buhayin ang motorsiklo.
“Sige, pre. Pasensya na sa abala. Nice meeting you again, Shey.” Anito pang muling kinamayan ang dalaga.
“Nice meeting you too.”
“Oh by the way, bisperas ng kapistahan ngayon dito. Sana bukas makapunta ka.” Anyaya pa nito sa kanya.
“Sure. Pupunta kami. Di ba, Miguel?” Baling nya sa kasama. Napansin nyang kanina pa ito nawalan ng kibo pagkarating ni Julian.
Hindi umiimik si Miguel. Hindi ito halos sumasali sa usapan nila ni Julian. Bakit ba ganito itong lalaking ito? Matino namang kausap si Julian. Hindi naman siguro ito unggoy na pag-iinteresan ang pagkasaging nya.
“Pare, nabalitaan kong ikaw pala ang host na kinuha ng mga organizers sa beauty pageant. I’m sure magiging successful na naman ang okasyong ito. See you around, guys.” Paalam nito.
“Thanks. See you around too, classmate.” Tugon naman ni Shey at kumaway pa muli sa binatang bise-mayor.
Binuhay na nito ang motorsiklo at inalalayang makaangkas ang dalaga. Wala itong kibo na taliwas sa kaninang kakulitan. Meron bang bad egg itong dalawa at mukha silang hostile sa isa’t isa.
“Wow! Host ka pala sa pageant bukas. Siguro kaya ka umuwi dahil gusto mong makita ang mga magagandang candidates ano?”
Hindi pa rin kumibo ang binata. Napaka imposible naman ng mood ng lalaking ito? Kanina lang ang kulit-kulit tapos biglang mananahimik.
Napahiyaw si Shey sa biglang pag arangkada ng motorsiklo nito.
“Fasten your seatbealt.” Baling nito sa kanya.
“Seatbelt? Kailan pa nagka seatbelt ang mga motorsiklo.”
“Ngayon lang,” at kinuha nito ang mga kamay ni Shey at iniyakap sa kanya. “That’s the way to fasten seatbelts with motorcycles.” Anito pa.
Ang tulin magpatakbo ng mokong. Ano bang nakain nito at parang biglang naging masungit. Lahat na yatang kinaiinisan nyang ugali ay sinakop na nito. Suplado, antipatiko, masungit, alaskador at napakaimposible.
“Miguel! Ano bang nangyari sayo at parang ang init ng ulo mo?” Tanong nya sa binata matapos silang makapasok sa garahe ng tinutuluyang bahay.
Hindi sya kinibo nito ngunit hinagip naman ang kanyang kamay at inakay sya papasok sa loob ng bahay hanggang sa umakyat sila sa hagdan diretso sa silid nya.
“Pack fast coz we’re leaving.” Anito pang halatang parang galit nga sa kanya.
“Teka nga. Ano ba’ng nangyari sayo at bigla ka nalang nagsusungit.” Takang tanong nya rito.
“Lilipat ka ng tutuluyan.”
“Lilipat? At saan naman ako pupunta? Bakit ba kasi?”
“Dahil sinabi ko.” Nakita ni Shey na seryoso ang lalaki.
“Eh kung ayoko.” Pagmamatigas nya. Susubukin nya ang tigas nitong damuhong ito.
Tumingin sa kanya ang binata sabay talikod pababa at iwan nya kung bakit parang bigla syang gininaw sa mga titig nito. Parang gusto nyang tumakas at tumakbo palayo.
Pinapalayas sya nito sa bahay nya at gusto nyang umiyak dahil mas convenient ang bahay na ito dahil nasa kabayanan na. Naroroon na ang lahat.
Sa tindi ng inis nya, mabilis nyang naibalik sa luggage ang mga gamit nyang nailabas kagabi. Aalis sya kung yon ang gusto ng mokong na yon.
Hila nya pababa ang may kabigatang luggage ngunit laking gulat nya ng salubungin sya ng lalaki at mabilis na umakyat ng hagdan para daluhan sya sa kanyang mga dalahin.
Kinuha nito ang luggage nya at di naman sya tumutol sa tulong nitong pagbubuhat. Akmang bubuksan na nito ang pintutan palabas sa garahe.
“Look Miguel. Huwag ka ng mag-abala pa dahil malinaw na sa akin na pinapaalis mo na ako rito sa bahay nyo dahil galit ka sa akin.”
“Galit? Hindi naman ako galit ah.”
“Eh bakit mo ako pinapaalis dito?”
Bumuntong-hininga muna ito bago nagsalita. Sumandal sa pintuan at tumitig sa kanya.
“Coz Julian lives a few blocks from here.” Seryoso nitong sabi habang nakatingin sa paanan ang mga mata.
Muntik ng bumunghalit ng tawa si Shey. Ang lagay pala ay kaya sya pinapalipat ng tutuluyan ni Miguel ay dahil kapitbahay nya ang dating kaklase.
“Sige tumawa ka. Pagtawanan mo ako…” banta nito sa kanya na may himig pagtatampo.
Mahinang tawa lang ang ginawa ni Shey. Ang babaw naman ng dahilan ng lalaking ito?
“Alam mo Miguel sa reaksyon mong iyan iisipin kong nagseselos ka,” nangingiting wika nya rito.
“Nagseselos na kung nagseselos. Unggoy na kung unggoy kung ipagdadamot kita sa kanila. Ang mahalaga alam nilang lahat na ako ang boyfriend mo.”
“What? Sinadya mo akong takutin sa ilog kanina para wala ng ibang lalaking lalapit sa akin? Ang selfish mo naman eh hindi naman kita kaanu-ano. Ni hindi nga kita asawa ni boyfriend o kahit close friend man lang,” Napikon sya dahil naisahan nya ng mokong.
“Let’s go.” Binuksan na nito ang pinto.
“No. I’m staying here. Give back my things.” Nilahad ni Shey ang kamay para ibalik ni Miguel ang mga gamit nya.
“No. Lilipat tayo.”
“Teka nga. Bakit ba ikaw ang nagdedesisyon para sa akin. Ano ba talaga kita?” inis nyang turan sa binata.
“Shey, hindi ka naman siguro bulag o manhid. Gusto mo bang… Oh never mind.” Di nito itinuloy pa ang sasabihin.
“Miguel. Stop playing with me, okay! Stop beating around the bush dahil wala akong nauunawaan sa mga ginagawa mong ito.” Aniyang pinipigil ang sarili na wag mapikon.
Nagpatiuna na ito sa wrangler jeep na nakaparada sa garahe.
“Hey, can’t you understand!” nanggagalaiting pigil nya sa braso nitong magsasampa ng kanyang bagahe sa likuran ng sasakyan.
Hindi ito tumigil. Bagkus, hinila nito ang isang kamay nya at iginiya sa kabilang pinto ng sasakyan.
“Get in.” anito sa maawtoridad na utos. Animo’y heneral na nag-uutos sa isang kawal.
“Miguel…” reklamo pa sana nya.
“I said get in or would you like me to carry you up,” ulit nito at inalalayan sya nitong sumampa sa may kataasang jeep.
CHAPTER 4
Umupo na ito sa harap ng manibela at umusad sila patungo sa kabilang dulong bahagi na papalabas ng bayan. Sa loob habang tumatakbo ay nagsalita ito. Balik suplado na naman ang itsura gaya kanina sa loob ng bahay.
“Next time you’ll argue with me, make sure you’re not outside the house where people can see how I deal with wildcats like you.”
“You’re impossible,” aniyang di makapaniwala kung totoo o nagbibiro ito sa sinabi. Umiling-iling sya sa tinuran nito.
“Don’t try me, Shey.” Seryosong wika nito.
“Try you? Eh wala naman akong ginagawang masama ah?” dipensa pa nya.
Hindi kumibo ang lalaki ngunit tumingin ito sa kanya ng makahulugan. Tumahimik na lang sya. Baka nga basagulerong tao itong kasama nya. Hindi nya akalaing ganito na pala ito ngayon. Wala sa impresyon nya noon na baka bayolente itong tao.
Baka bigla na lang sya nitong daluhangin at lapain na parang isang helpless prey. Ang tulad nito ay isang mabangis na predator na dapat pag-ilagan. Mapanganib.
“Shey.” Pukaw nito sa kanyang pag-iisip.
Tumingin sya rito. Bahagya ng umaliwalas ang mukha nito na di gaya kanina na parang lalapain sya kapag napipikon ito sa kanya.
“Tama lang sayo yong bagong tutuluyan mo. I know you’ll fit in perfectly there,” wika nito.
“Ows! Pa’no mo nalaman? Ikaw ba gumawa non?” aniyang di sinasadyang umpisahan na naman ang pagkukontra-kontra rito. Spontaneous ang mga reaksyon nya sa kumag na ito gaya ng spontaneity ng mood nito sa kanya.
“Unfortunately, but yes,” seryosong wika nito habang nakatutok sa daan ang mga mata.
Nagulat si Shey. Di nya inaasahang iyon ang maririnig mula rito. Pero kahit ano pa man, di sya nagpahalatang kinakabahan sya sa mokong na lalaking ‘to.
“That was my first project after I graduated Architecture from school. Kaya malapit sa akin ang bahay na yon,” wika pa nito na animo’y wala silang anumang awkward gap simula kahapon.
“I design that with inspirations from a particular person,” patuloy pa nito.
“For sure babae ‘yon,” di nya mapigilang magpatutsada na naman.
Bahagyang tumawa ito. Sumulyap sa kanya at ngumiti ng makahulugan. Naguluhan si Shey pero heto na naman at may kung anong kabang bumabangon sa kanyang dibdib.
Di nya namalayan na huminto na pala sila sa tapat ng isang two-storey glass windowed house. Bumungad sa pandinig nya ang tunog ng falling water na marahil ay galing sa fountain. Umibis sya para suriin ang paligid.
“Ito na ba yon?” Tanong nya sa binata. Tango lang ang itinugon nito sa kanya.
Homey nga ang dating at super cozy ang pagkakaayos ng mga halaman, garden sets and tinkling fountain sa isang sulok ng well mowed bermuda grass.
Humanga sya kaagad sa nature-inspired landscape sa labas ng bahay. Everything is cool and relaxing para sa isang tulad nyang pagod na sa fast city life.
Ang hinahanap nya ngayon ay ang medyo laid back na environment para mag recharge at mag-recuperate sa mga nagdaang hirap sa buhay nya sa Maynila. Walastik na trabaho yon, it occupied most of her professional life. Dagdag pa ang nakaraang masalimuot na buhay pag-ibig.
Napabuntong-hininga sya at napangiti sa antisipasyon ng magiging pagtira nya sa bahay na ito.
“You like it?” Nakangiting tanong sa kanya ni Miguel.
Tumango sya at gumanti rin ng ngiti subalit bigla rin itong napawi nang maalala na merong partikular na tao itong pinagkunan ng inspirasyon habang dinedisenyo ang naturang bahay.
“Wait ‘till you see the inside,” anito at walang anumang hinila ang kamay nya at iginiya papasok sa loob.
Tinangka nyang hilahing pabalik ang kamay ngunit hawak nitong mabuti ang palad nya. Naasiwa tuloy sya.
Naramdaman nya ang libong boltaheng dumaloy sa magkadaupang nilang palad. May kung anong mumunting kiliti syang naramdaman sa mainit na pagkakadaop ng palad nito sa kanan niyang kamay. Pakiramdam nya ay kasintahan ang turing nito sa kanya.
Nagulat sya nang mapagtantong hindi naka lock ang main door nito. Kinabahan sya. Baka may binabalak itong kalokohan sa kanya.
“So what do you think?” anitong kumpiyansa na wala syang maipipintas sa kabuuang ayos ng bahay.
“Alangan namang sabihin kong pangit eh dito mo ako pinapatira,” pasungit nyang wika sa kabila ng inaasam nitong magandang komento nya.
“I guess you don’t like it then,” anitong akala mo ay batang nagtatampo. Umakma pa itong lalabas ng pinto para ipakita ang pagtatampo.
“Wait,” pigil nya rito. “Binibiro lang kita. I dinna know you were too sensitive. Oo na, I love this house. Not because you designed it pero maganda talaga ang aura sa bahay na to,” pagsasabi nya ng totoo.
Natuwa naman ang mokong. Nakita nya ang kislap ng tuwa sa mga mata nito.
“Really?” anito pang kulang nalang ay yakapin sya sa maganda nyang appreciation. “I made it for you.” Mahinang bulong ni Miguel sa kanya.
Abala ang isip ni Shey sa kung anu-ano. Hindi nya napansin ang tinurang iyon ng lalaki.
“Sandali,” binago nya ang ekspresyon ng mukha. Medyo naguguluhan lang sya sa dinatnan nila kanina. Mukhang handa na ‘yong bahay nang dumating sila.
“How can I talk to the owner about the terms of my stay?” hinarap nya ito at humalukipkip habang diretsong nakatingin sa mga mata ng lalaki.
“I made it for you.” Mahinang ulit na muli ni Miguel.
“Baka mamaya may dumating na naman dito at ipagtabuyan ako. Nasaan ba family mo? Ang parents mo? Mga kapatid mo? Asawa mo or whatever? Asan ba…. What?,” nagulat sya sa narinig. Pinagloloko na naman ba sya ng lalaking to?
“Nasa Canada ang mga magulang ko at ilang mga kapatid. Ako lang at isa ko pang brother na iwan ko kung nasaan na dahil napaka-busy na tao no’n. Saka wala pa akong asawa pero baka malapit na.” Anito pang abot magkabilang tainga ang ngiti.
“What? You’re getting… married?” Di makapaniwala sa narinig si Shey.
Oh my God. The man is not a bachelor anymore. OMG! He’s taken already and yet obviously he’s flirting with me. Ang damuho. Gusto pa yata syang ibilang sa mga babae nito bago magpakatino at mag-asawa. Damn you!
“Hey don’t get shocked! What do you expect? Hindi na lang ako mag-aasawa?”
The nerve of this man para tuyain ako. Ngani-nganing lilisanin nya ang pamamahay ng magiging future family nito. Ngayon pa lang ay alam na nyang dapat ay dumistansya na sya rito.
“Hey! Chill out okay? Nagbibiro lang ako. Binata pa rin ako kaya ituloy mo na yang pagpantasya mo sa akin,” anito pang halatang-halata na nag-eenjoy sa nakitang expression sa kanyang mukha.
“Pinagloloko mo bang talaga ako ha, Miguel?” inis nyang baling rito.
“Migs will do, sweetie,” anitong humalukipkip ring paharap sa kanya na may naglalarong mga pilyong ngiti sa labi.
Sa tangkad nitong halos anim na talampakan, kapansin-pansing nakatunghay ito sa liit nyang lagpas lamang ng tatlong pulgada at limang talampakan.
“Whatever.” Sabay tumalikod sya rito dahil baka ipagkanulo sya ng kanyang nagririgudong damdamin. Di nya sigurado kung paniniwalaan ang mga sinabi nito.
“As I was saying, I don’t expect to have another inconvenience. So magkano ba ang renta dito? Ayoko ng palipat-lipat ng tutuluyan. Gusto ko lang magrelax at mag enjpoy sa katahimikan ng isang lugar.”
Mahabang litanya ni Shey at hindi napansing lumapit ito sa kanyang likuran kaya nang humarap sya rito para idiin ang punto ay laking gulat nya nang halos ilang sentimetro lamang ang lapit ng mukha nito sa kanya.
“You are forgetful, sweetie. I told you not to argue with me where nobody else can see. Wag ka ng mag-alala, okay? This house is yours.” ngumiti ito at marahang pinisil ang baba nyang bahagyang nakanganga bago hinagilap nito ang kanyang kamay.
“Come. I haven’t eaten breakfast yet. Would you be so kind to feed this starving man?” buong suyo at paglalambing nitong ungot sa kanya.
“It’s not my fault. Bakit di ka kumain kanina eh hindi ko naman bitbit ang mga kaldero,” protesta nya ngunit mahigpit ang hawak nito sa kanyang kamay papuntang kusina.
“Well it’s partly your fault. Kung saan-saan kita hinanap kanina. Can you cook something for me?” paglalambing pa rin nito sa kanya.
Napabuntong-hininga na lamang sya. This man is driving her crazy. Napaka-unpredictable yet irresistible. Parang ipu-ipu kung magpalit ng mood.
“Hell you wish I will. Hinanap mo lang pala ako para may tagapagluto ka. Sinuswerte ka yata, ginoo!” tangging katwiran nya sa binata ngunit bihag nito ang kaliwang kamay nya patungong kusina.
“Can I ask an advance payment for your stay by cooking me something to eat, dear?” malambing nitong bulong sa kanya at kulang nalang ng dalawang pulgada at lalapat na sa kanyang mga labi ang labi ng binata.
Nasilihan si Shey sa laging pagkakalapit ng kanilang mga mukha at mga tuksong kayhirap balewalaan dahil pakiramdam nya ay halik pa lamang ng lalaking ito ay buong araw na syang mabubusog na para bang nag pig-out sya from long years of fasting.
“Give me a couple of hours to rummage what I can find in your fridge.” Naaasiwa sya sa mga titig nito
“I’ll stay here. Promise I’ll be good.” Nakataas pa ang isang kamay nito.
“Miguel, I can’t do anything if you’re there,” asar nang reklamo nya sa kakulitan nito.
“I won’t say a word, sweetie. Kahit walang lasa ang luto mo hindi ako magrereklamo,” patuloy nito sa pamimikon sa kanya.
Akma syang lalabas ng kusina. Asar na talaga sya sa pangungulit at sa mga kalokohan nito. Madali pa naman syang umiyak kapag napipikon na at gusto na lamang nyang mag walk-out.
Ganoon sya kapag naiinis, madaling umiyak at sobrang mababaw ang luha. Kaya nga ba sya ang laging talunan sa tuwing nagkakatampuhan sila ng dating nobyo.
“W-wait. Okay. Okay. Sige na aalis na ako,” harang nito sa kanya. “Are you sure ayaw mong samahan kita?” dagdag pa nito.
Inangilan nya ito na animo’y wildcat sa pagkainis. Pakiramdam nya ay nagtayuan ang mga balahibo nya sa batok na parang sasakmalin ang anumang kaharap na threat. Tumalikod sya dito. Umalis na rin naman ang binata nang makitang pikon na sya sa mga kakulitan nya dito.
“Make it delicious, sweetie. It’s your first step to impress my tummy,” iyon lang at umalis na ito.
Maya-maya pa’y narinig nyang bumaba na ng hagdan ang makulit nyang ipinagluto. Nakapagpalit na ito ng damit at halatang bagong shower sa amoy nitong manly shower scent at maaliwalas na pati mood nito kaysa kanina.
“Hmmm. Smells good. Gutom na talaga ako, babe. I haven’t eaten dinner last night.” Anitong sabay apuhap sa sikmura.
Tinapunan nya lang ito ng tingin. Kahit nakakaawa ang itsura nito marahil sa tindi ng pagkagutom ay baka lalo nya pa itong gutumin. Ininom nga nito ang kape nya kanina.
“Few more minutes and this will be done. Can you set the table, please.” Seryoso nyang utos rito.
Tumalima naman ito at wala syang narinig na reklamo o pang-aasar man lang.
Luto na ang pochero at fried tilapia kaya inihain na nya ito sa mesa.
“Wow! Mukhang masarap. Patikim ha,” sabi nito sabay kurot sa matabang pritong tilapia.
Pinigil nya ang kamay nito. “Hep! Hep! Hep. Not yet. Gumawa ka muna ng sawsawan. Toyo, kalamansi, at sili,” utos nya pa ulit dito.
Wala naman itong reklamo sa mga utos nya. Talagang gutom na nga yata.
Habang nagsasalo sila sa maagang brunch, naguguluhan pa rin si Shey sa set-up ng pagtira nya sa bahay na ‘to.
“Miguel?” pagtawag nya sa atensyon nito.
“Hm?” nag-angat ito ng mukha habang abala sa pagsubo at pagnguya.
“How come na merong ready groceries sa pantry at ref?” usisa nya sa mga kapansin-pansing kahandaan ng lahat.
“Sweetie, you got the wrong house last night. This is where you should be,” paliwanag nito.
“What? Eh bakit sabi ni Ate Joy I can stay there,” gulat nyang tanong dito.
“Inihabilin ka nya sa akin. Saka bukod sa akin, doon din tumutuloy ang kapatid ko kapag naririto sya. Baka nga dumating sya at makikipamiyesta eh.”
“Ngek! Kung nagkataon at sumulpot sya doon, bukod sayo ay siguradong nakabangga ko rin sya,” aniya pang na-amuse rin sa posibleng mangyari.
“Naku! Mas salbahe yon kaysa sa akin. Bibihira ngang ngumiti yon eh. Sigurado akong di ka papansinin non kasi suplado yon eh.”
“At anong tingin mo sa sarili mo, santo?”
“Well, ako si Miguel. Kung hindi pa naman ako santo sayo ay baka nasaging na kita kaninang nagugutom ako.” Ngingisi-ngisi nitong turan sa kanya.
Tindi rin ng sense of humor nito. Sanay na sanay talagang mambola. Maibaba lang nya sandali ang depensa at natatakot syang maging saging nga nito.
“Oo na. Santo ka na. Kaya ka ba gutom na gutom kasi di ka nakakain ng saging kagabi?” bigla itong tumitig sa kanya. Kinabahan si Shey.
Bagkus ay ngumiti rin kapagdaka ang binata.
“Hindi. May mga bisita ako kagabi.”
“Bisita? Bakit? Sino’ng mga bisita mo?” parang may karapatan syang magtanong dito ng ganoon.
“Organizers sa pageant for tomorrow night. Pinakiusapan nila akong mag host sa event sa may plaza.” Matiyaga nitong paliwanag sa kanya.
“I’m sure pumayag ka.” Hula nya na tinanggap nito ang pagho-host.
“Not yet.” mariin nitong tanggi.
“Why? Ayaw mo bang mapanood kita habang nagho-host sa pageant?”
“No.”
“Ang KJ mo naman. Ayaw mo bang ipakita sa akin ang galing mo sa hosting?”
“No.” nakatitig itong tumugon sa tanong nya.
“Because I will be a distraction?”
“No.” mariin naman nitong tanggi.
“Because you will be flirting with the girls?”
“Hell no.” pikon nitong tugon.
“Because I might be flirting around with guys?” sinadya nyang maging excited para makabawi sa mga atraso nito sa kanya kanina sa ilog.
Hindi ito tumugon. Bahagya lamang syang tinapunan ng tingin at nagpatuloy muli sa pagkain.
“Because I don’t want you to be there.”
“Ang strict mo naman. Restricted na agad ang freedom ko ah. Basta pupunta pa rin ako. Andon ka naman eh.”
Hindi ito kumibo sa tinuran nya.
“What if sumali kaya ako sa pageant,” bigla nyang nasabi.
“What?”
“Kako what if sumali kaya ako sa pageant. Bibigyan ko lang ng magandang laban ang mga kadalagahan rito. Bakit ayaw mo ba?”
“Di mo na kailangang sumali. Sa akin pa lang panalo ka na. Pero kung gusto mo talagang rumampa wearing all those fancy gowns, costumes and swimsuits, maluwag naman ung gilid ng swimming pool sa likod. You can parade everything you’ve got for me… in private.” Anito pang sumilay ang kapilyuhan sa mga mata.
“Ewww! Manyakis ka talaga kahit kailan. Di bale na lang.”
“Di ah. Marumi ka lang mag-isip.”
Bago pa ito makahirit pa, kinurot na nya ito ng katakut-takot sa tagiliran.
CHAPTER 5
Sa kawalan ng masabi, nagpatuloy sya sa paggunita sa nakaraan. Naging dreamy ang pakiramdam nya ng maalala ng nakaraan.
“I wonder if the cousins Kirby and Eleazar will be around. They are my bullies those days. Don’t you think I have to settle a score with them?” nakita nya ang di magandang reaksyon sa mukha ng kaharap.
So guys are not a welcoming topic para sa mokong na lalaking ito. Nakasilip sya ng pagkakataon para tapatan ang mga atraso nito sa kanya kanina.
“And you know what? I wonder how is Julian? He’s my dance partner back then. I was all the way shy I can’t even hold his hands. Single pa kaya syang talaga?” patuloy nya at halatang aliw sa ibinahaging iyon sa binata.
Parang wala syang pakialam sa nakasimangot na mukha sa harapan nya. Ni hindi nya napansin na huminto na pala ito sa pagkain. Umakma itong tatayo at alam nyang naiinis ito sa kanya.
“Hey, are you done? I thought you’re starving and you could eat a horse?” aniyang painosenteng pigil dito.
“I’m done but I don’t want a horse. I could eat you instead if you blabber like a chicken after dropping an egg,” anito at iniwan sya sa kusina.
Nagulat sya sa reaksyon nito. Bakit parang kaydali naman nitong mainis. Ano bang nagawa nya? Hah! Ang gulo nya. Ang hirap intindihin.
Nang matapos magligpit ng pinagkainan sa kusina, umakyat sya sa itaas para ayusin ang mga gamit. Hindi nya naalala kung saan ipinanhik ni Miguel ang mga dala-dalahan.
Pumasok sya sa unang silid na bahagyang nakaawang. Bukas ang pinto kaya nagulat sya ng makitang nakadapa sa kama ang animo’y tulog na binata.
Napangiti sya. Baka pagod nga kaya wala sa mood makipagbiruan sa kanya kanina sa hapag-kainan.
Nakita nya ang luggage sa gilid ng kama at iba pang mga dala-dalahan. Dahan-dahan syang lumapit at sinimulang ayusin ang mga yon.
“Let me stay here for a while, babe. I’m just too used up to move a muscle and make love with you,” anitong sumilay ang matamis na ngiti sa mga labi.
“Shut up Migster or I’ll kill you,” asik nya rito. Subalit kinabahan sya.
Ngumiti lamang ito habang bahagyang nakapikit ang mga mata. Ni hindi ito gumalaw o nagbago man lang ng posisyon. Halatang pagod nga. Baka hindi pa nakatulog ng mabuti kagabi kaya ang sungit at suplado nito sa kanya kanina.
“I miss you, babe.” anito at tuluyan ng pumikit ang mga mata. Tulog na ang mokong. May pa I miss you, I miss you pa as if naman he meant it.
Aminin man nya o hindi, halatang kinilig ang puso nya sa tinuran ng binata. Alam naman nyang nagbibiro lang ito kaya di nya dapat seryosohin.
Ganunpaman, nakakakilig pa ring isiping baka na miss nga sya ng binata sa kabila ng halos labinlimang taong hindi nila pagkikita.
Isang lihim na pag-ibig na di nya akalaing may masusumpungan pa syang Miguel na binata pa at isang certified bachelor. Nakakapagtaka man ngunit ayaw ng isipin pa ni Shey. Heto sya at nasa lungga mismo ng isang leon. Anumang pangamba, sana lang ay hindi sya matatalo ng bugso kanyang damdamin kaysa praktikalidad ng sitwasyon.
Araw ng kapistahan sa bayan ng Amio at abala ang mga namumuno sa pag-oorganisa ng mga programang palaro at masasayang paligsahan. Uso na rin sa bayang ito ang ilang impluwensya na nakuha mula sa mga banyaga.
Kabilang na dito ang gaganaping patimpalak sa pagandahan. Ang paghahanap ng bagong mutya ng bayan ng Amio.
Bukas ang paligsahang ito sa mga eligible ladies na gustong sumali. Natawa si Shey. Mangyaring sumagi sa isipan nyang sumali sa patimpalak na ito. Ano nga kaya kung susubukan nya.
Susubukan nyang maging isang lakambini. Ano kaya ang pakiramdam ng isang pinakamagandang binibini sa bayang ito na tiyak labis na hahangaan ng mga kalalakihan.
Aba! Men can be good diversions and their flatteries makes women lost their senses. Erase. Erase. Erase. Hindi pwede ang madaig sya ng mga nakakaliyong papuri ng mga kalalakihan kahit pa nag-uumapaw sa sex appeal ang kanyang kagandahan. Charush! Aba naman! Conceited rin sya ano? But nevertheless, men are good games and playing with them kills boredom better than laying down tiles of dominoes.
Gumayak na si Shey para lumabas din. Maagang sinundo si Miguel ng mga organizers para i-brief sa kanyang gagawing paghohost kaya naiwan sya mag-isa.
Hmp! Ang mokong. Alam ko namang excited rin syang maghost sa pageant sa plaza mamayang gabi. Kunwari pang napipilitan lang sya.
Alam nyang maaraw tuwing ganitong panahon ng summer kaya light colors ang isinuot nya para hindi maalinsangan sa katawan. Naka white stretch pants at pin tank top lang sya.
Nagtali rin sya ng white cotton long sleeves sa baywang sakaling titindi ang sikat ng araw. Suot ang white bullcap at dark shades, Shey is ready to find the festivities around town.
Hindi nya palalampasin ang ganitong okasyon para makapag shoot ng mga larawan para sa naisip nyang exclusive concept ng magazine pagbalik nya sa Maynila.
Aba! Pihong walang ibang miyembro ng medya ang nakakapasok sa bayang ito dahil masyado itong malayo sa mga siyudad. Nasa kalagitnaang timog na bahagi ito ng lalawigan ng Negros Oriental kaya bibihira ang dumadating na mga medya rito.
Sukbit ang knapsack na naglalaman ng kanyang mp3 player, camera, mini-binoculars at ilang gamit, susugod na si Shey sa giyera. Ganoon naman talaga kapag excited sya sa mga ginagawa, nagiging over ang kanyang preparation.
Pagkasara ng gate, nagulat si Shey ng marinig ang ingay ng motorsiklong parating.
“Where are you going?”
“Sa bayan. Nainip na ako dito eh. Gusto ko namang makita ang exciting activities na gaganapin,” aniya pa.
“Wait for me, I’ll just go and change quickly.”
Kung makaasta talaga ito sa kanya akala mo ay pagmamay-ari sya. Ayaw na ayaw nya pa naman ang minamanduhan dahil gusto nyang siya ang nasusunod kaysa sumusunod. Gigil talaga sya sa lalaking ito.
Thirty minutes na syang nakaupo sa gutter sa gilid ng kalsada sa tapat ng gate. Akala nya pa naman two minutes lang ang quickly na sinasabi nito.
“Wow! Bakit ganyan ang suot mo? Parang pupunta ka sa laban?” nainip man ngunit di mapagilan ni Shey na humanga sa gwapong lalaking nasa harapan nya.
Ngumiti ito sa kanya. Pakiramdam ni Shey ay hihimatayin na sya ngayon na. Bakat ang matipuno nitong dibdib sa suot na manipis na white cotton shirt. Nakabuhol sa baywang nito ang pang-itaas na bahagi ng white overall race suit.
“Di ka rin mayabang, ano?” sinusuring paitaas-baba na wika ni Shey ang gwapong demonyo na nasa kanyang harapan. Nag shower pa pala ito kaya medyo natagalan.
“Saka, hmmm… Ang bangu-bango mo naman.” Paikut-ikot nyang inamoy-amoy ang binata. Nagbibiro lang talaga si Shey ngunit huli na ng malaman nya ang pagkakamali. Nakalimutan nyang nasa lion’s den nga pala sya.
Hindi sya nakahuma nang bigla syang hiklatain nito at kinabig ng lalaki sa kanyang mga bisig.
“I tried hard to resist kissing you when you’re this close, Shey dela Torre. Yet you don’t fail to seduce me,” seryosong nakatitig ito sa kanyang mga mata habang nakapulupot ang mga braso sa kanyang likuran.
“Migs…” bantulot na nasambit lamang ng dalaga.
“I don’t think you have to object either if I will kiss you… intimately,” pagkasabi ay lumapat ang mga labi nito sa naghihintay nyang mga labi. Nakakadarang ang mga halik ni Miguel. Kaya nitong pakatotohanan ang kung anumang naisip nyang kapilyahan.
Kahit nakadistansya na ang binata ay naiwan pa ring nakapikit ang mga mata ng dalaga habang ninanamnam ang walang kasing tamis na halik nito sa kanya.
Pagmulat ng mga mata ay nakita nya ang amusement sa mga mata ng lalaki. Ang sumungaw na pilyong mga ngiti nito sa labi ay natitiyak nyang nagdidiwang ito sa tuwa dahil sa kahinaan nya.
“If you keep doing this, Shey. I swear I’ll skip step one.”
Natigagal sya. Kakaiba ang dating sa kanya ng tono ng boses ng lalaki. Parang seductive ito at sexy sa kanyang pandinig. Parang gusto nyang makulong nalang lagi sa mga bisig nito. Ni hindi nya nga napansin ang mga pinagsasinabi nito.
Shit! Ipinagkanulo na syang tuluyan ng kanyang damdamin. Hindi maitatangging mabilis pa sa whirlwind o kaya sa tama ng bala at palaso ni Kupido ang katotohanang bistado na ng binata ang kanyang nararamdaman.
Darn! Heto sya at relaxation ang hanap ngunit lalaki ang nabingwit. Ang gwapong lalaking ito na hindi nya inaakalang makatagpong muli pagkatapos ng maraming mga taon.
“Let’s go?” untag nito sa kanya habang niluluwagan ang pagkahapit sa kanyang baywang.
Hindi inaasahan ni Shey ang dami ng mga taong nag-aabang sa pagdarausan ng event. Nakapalibot ang mga spectators sa isang enclosed field. Umuugong ang ingay ng mga motorsiklong nag wa-warm up bago ang simula ng taunang paligsahan sa karera.
Malayu-layo pa sila sa enclosure nang may itim na X-trail ang pumarada. Bumaba roon ang isang dalaga at may edad nang lalaki. Biglang naghiyawan ang mga tao sa paligid sabay nagpalakpakan.
Pagpasok nila sa isang bahagi ng field na may nakatayong tolda para sa committee, naghiyawang muli ang mga tao at sa pagkakataong ito, nakatutok sa kanila ang pansin ng mga naroroon. Nailang si Shey ngunit napangiti sya nang mapagtanto kung bakit.
“What’s going on?” tanong nya sa binata habang napatingin sya sa gawi ng mesang inukopa ng bagong dating na bisita. Hula nya ay ang mayor mismo ang umaasikaso sa mga ito.
“They thought you’re a celebrity.”
“What? Akala ko ikaw ang pinapalakpakan nila kasi sikat ka dito.”
“Sabik sa mga artista ang mga tao rito kaya akala nila celebrity ka.”
“Wow! Cool. Eh sino naman yong dumating? Hayon oh yong kausap ni Julian na mestisa?” turo nya sa gawing bahagi na kinaroonan ng nakapulang race suit din na vice-mayor.
“Si Vanessa. Anak sya ng businessman na yon na si Don Marciano Baldemor.” Paliwanag pa ng binata habang abala sa pagsuot ng brestpads, bike gloves, kneepads at elbowpads.
“Is she and Julian has something? Parang giliw na giliw si Julian sa kanya ah.”
“Knowing Julian. He only has eyes for beautiful women. Kaya wag kang magkakamaling humarang sa nilalakaran nya,” paalala pa nito sa kanya.
“Yes sir. Reminder taken. Besides kayang-kaya ng mga powers ko si Julian.”
Kung sinu-sinong lalaki na ang mga kumaway at nag-acknowlege sa pagdating nila ni Miguel. Mababakas ang mga pilyong ngiti sa mga ito. Parang nanunudyo.
“Miguel, buti andito ka na. Magsisimula na tayo, pare.” Si Julian ang sumalubong kay Miguel. Naka race suit din ito kagaya ni Miguel kaya di na nagtaka pa si Shey.
“Hi Shey. Buti nakarating ka,” pagkasabi nito’y walang anu-anong ginawaran sya ng halik sa pisngi ng dating kamag-aral. Ngiti lang ang itinugon nya rito.
“I hope you don’t mind, pare. Pwede ko bang hiramin si Shey sandali?”
“Not a scratch, Julian. Remember, she’s my clover.” Gustong kiligin ni Shey sa tinurang iyon ng binata patungkol sa halaga nya rito.
“Kahit kailan possessive ka pa rin, Miguel. Akala ko ba’y what’s for Miguel is also for Julian.”
Nagpalipat-lipat ang tingin ni Shey sa dalawang binata. Tama bang may napapansin nyang rivalry sa dalawa? Mayroon bang lihim na di-pagkakaunawaan ang mga ito?
“Don’t you dare, Julian.”
Kaswal man ang pag-uusap ng dalawa ngunit naramdaman ni Shey ang tension sa pagitan ng mga ito. Pakiramdam nya ay naiipit sya sa pwersa ng dalawa.
May ilang mga impormasyong itinanong si Julian tungkol sa kanya. Matapos noon ay iniwan na sya nito at may i-double check lang daw sya sa host ng motocross exhibition.
Nakaupo sya sa dulong bahagi ng committee table kaya nagulat nalang sya ng biglang lumapit si Miguel sa tabi nya. Humila ito ng upuan ngunit umupo naman ito ng patalikod sa field.
“Uy! Akala ko magwa-warm up ka na.” Bungad nya rito.
Maingay ang paligid mula sa tugtog ng sound system at sa nagsasalitang host kaya nabigla si Shey nang humapit ang kanang braso ng binata sa kanyang baywang.
“Has Julian been pestering you?” bumulong ito sa tainga nya.
Umiling lang sya. Nakikiliti sya sa ganoong iginawi ni Miguel.
Kasalukuyang nagbibigay ng mensahe ang mayor para sa pagsisimula ng karera. Nang matapos ito, natuon ang pansin nya sa nagsasalitang host.
“Ladies and gentlemen… we have been lucky this year. Naririto at makikipagsaya sa ating kapistahan ang dakilang godfather ng bayang ito. Mula sa mga naitulong nya sa pagpapatayo ng mga paaralan rito, ang ating ospital at sa pagsasaayos ng mga kalsada, sa mga proyektong kasalukuyang isinasakatuparan ng mga pinuno ng ating bayan, pasalubungan natin ng masigabong palakpakan si Don Marciano Baldemor.”
Tumayo ang ipinakilalang Don at nagbigay ito ng kaunting mensahe at pagbati sa pagdiriwang ng kapistahan. Masaya ang mga naroroon dahil nakinabang naman talaga sila sa mga ginagawang pag-unlad ng kabayanan.
“We would also like to acknowledge the presence of Ms. Vanessa Baldemor. Ang napakagandang anak ni Don Marciano na sya ring isa sa mga hurado sa beauty pageant mamayang gabi.”
Tumayo si Vanessa at kumaway sa mga naroon. May mga kalalakihang sumipol at humihiyaw sa paghanga sa babae. Natural lang na reaksyon ng mga tao dahil kapansin-pansin ang kagandahang iyon ng mestisang dalaga.
“Before we formally begin the race… another beautiful pride of this town who happens to celebrate this event with us, we would also like to acknowledge one of the homecoming student from our school. Ms. Shey dela Torre.”
Nagitla si Shey. Hindi nya inakalang pati sya ay ipapakilala sa mga manonood. Alumpihit syang tumayo at nahihiyang kumaway sa mga tao. Tipid syang ngumiti at halos hindi na makabawi sa nararamdamang hiya.
“Now that everyone’s excited to see thisspectaclar yearly motocross exhibition… we will not make further ados… Let the race begin…”
Sa ingay ng mga naghahandang umarangkada na mga motorsiklo, nakakabingi naman ang hiyawan ng mga tao.
“Don’t you have good luck kiss for me?” bulong muli ng binata sa kanya.
“Kiss? Abusado ka naman. Sige na at naroroon na silang lahat.”
Tumingin ito sa kanya at waring naghihintay nga ng kiss.
“Oo na. Pero mamaya ko na ibibigay ang kiss mo kapag nanalo ka sa karera kaya galingan mo ha.” Aniya pang itinutulak na itong tumayo sa upuan.
Hindi pa rin ito tumayo at nag-aalala na si Shey baka ibigay na ang hudyat ng simula at hindi pa rin ito handa.
“O sige na, sige na. Tayo na.” Inilapit nya ang labi sa pisngi ng binata ngunit mabilis itong pumihit at lumapat sa labi nya ang mga labi nito. Mokong talaga yon at lagi akong inilalagay sa balag ng alanganin. Hindi na nahiya gayong ang daming mga taong nakakakita.
Nasa starting line na ang mga kalahok. Kanya-kanyang arangkada habang naghihintay ng hudyat ng simula.
Bang!
Parang mga higanteng bubuyog ang ugong ng mga motorsiklo. Nagliparan ang alikabok habang nagmamaniobra ang bawat isa para maayos na makalagpas sa mga dangerous curves, high jumps at exhibition stunts.
Habang nag-iingat na hindi magkamali sa bawat pagtalon sa mga humps, puspusan din ang pagkontrol nila sa speed at difficulty ng bawat stunt tuwing sila’y nasa ere na. Bawat pagtalon sa mga umaalong humps, kanya-kanyang hiyawan ang mga tao.
Mahigit isang minuto lamang ang isang lapse. Bukod sa bilis ng oras ng pagkatapos sa pitong lapse na gagawin, nasa degree ng exhibition stunt ang pagbabasehan ng maaaring manalo.
Nakita ni Shey ang ginawang pagliko ni Miguel sa isang makitid na curve. Silip nya ito sa lente ng dalang camera kaya kuha nya ang anggulong iyon. Pumaere ito sa may kataasang hump at di nya inakalang daredevil pala ang loko dahil nagawa nitong ilayo ang katawan mula sa upuan. Naghiyawan ang mga manonood.
Nakita rin ni Shey ang red suit at alam nyang si Julian na ang sasabak sa pinakamataas na hump ng racing field. Nagawa pa nitong sumaludo sa mga manonood habang nasa ere ang motorsiklo. Lalong lumakas ang hiyawan ng mga tao.
Bawat rider na sumisemplang ay maririnig ang pag “ooh” ng mga tao. Bawat nakakabilib na stunt ay sabay-sabay na naghihiyawan ang manonood.
Elimination round pa lamang ito at sinumang mag qualify sa next round ay syang magkakaroon ng tsansang pagpakita sa one-on-one exhibition stunt.
Matapos ang ilang sandali at humina na rin ang ingay ng mga riders. Maya-maya lang ay ia-announce na ang mga nag-qualify. Masayang-saya si Shey dahil natitiyak nyang kasama roon si Miguel at syempre hindi rin patatalo si Julian dahil posibleng kabilang din ito sa next round.
“Wow! You’re a crazy daredevil,” bungad nya sa binata pagkahubad nito ng helmet palapit sa kanya. Ngumiti lamang ito.
“Ang galing mo naman, Miguel.” Tuwang-tuwa talaga sya sa binata.
“No wonder all the girls swoon everytime you jumped.” Niyakap nya ito at inabutan ng puting sweat towel. Ngiti lang ang itinugon nito sa kanya.
CHAPTER 6
“Oo na. Wag mo na akong masyadong purihin dahil baka kabahan ako sa exhibition mamaya.” Anito pa.
“Sus! Pa-humble ka pa. Don’t worry, may premyo ka sa akin mamaya kapag nanalo ka,” aniyang excited sa susunod na round ng karera.
“Talaga?”
“Oo.”
“Di pwedeng ngayon na?”
“Hindi. Basta galingan mo ha.”
“Geez! You’re acting life a fan.” Nangingiti nitong bulong sa kanya.
“Ayaw mo? Oh sige kay Julian nalang ako magchi-cheer mamaya.” Aniya pang napikon dahil nagpaka cheap na nga sya sa harap nito.
“Hindi. Hindi. Nagbibiro lang ako. Ayos lang sa akin na fan kita. Natutuwa nga ako eh.”
May napadaang grupo ng mga dalagita sa gawi ni Miguel. Kumaway ang mga ito at sabay-sabay na nagsabing “I love you, Miguel.”
Kumaway ang binata sa mga ito at nagtatakang napatingin sa reaksyon ni Shey.
“Why? What’s funny?” anito pa. Kakaibang tono ang narinig nya sa binata.
“Wala.” Pagkaila nya rito.
“What’s so amusing? You’re giggling like those girls?” nakangiti nitong puna sa kanya. At kahit nakangiti ito ay alam nyang tinablan ito ng suspense dahil sa reaksyon nya.
“Giggling? Hindi ah. A situation just crossed my mind, that’s all.”
“Like?” di talaga sya lulubayan nito.
“Well, what if I was one of those girls who’ll say ‘I love you, Miguel.’ What will you…”
“I love you too.” Walang kagatol-gatol nitong pahayag.
“I’m just kidding. Ikaw naman. Wag mo ngang siniseryoso ang mga biro ko. I’m starting to get nervous kapag gumaganti ka ng biro na ganyan.”
“Well, I’m not kidding. Nagsasabi ako ng totoo, Shey.” Seryoso nga ang mokong.
Tinitigan ni Shey ang binata. Tinatanya nya ang sinabi nito at baka ginu-good time na naman sya.
“Hey! You’re not courting me, are you?” aniya pang hindi makapaniwala na nililigawan nga yata sya ng binata.
“I guess I have to execute step one. Baka sabihin mong hindi ako marunong manligaw,” seryoso nga ang binata.
“Hoy tumigil ka ha. Kung anu-anong kalokohan yang pumapasok sa isip mo. Mag concentrate ka nga sa gagawin mo. Mamaya nyan matalo ka, wala kang regalo sa akin.” Aniya pang pilit isinasawalang-bahala ang kakaibang kaba na naramdaman.
Naman! Sa dinami-dami ng lugar na pagtatapan nito ng damdamin ay dito pa napiling maghayag ng sinasaloob. Laging wala sa hulog ang diskarte nito.
“Hindi mo ba ako gusto, Shey? Kaya hindi ka naniniwalang mahal kita?” seryosong nakatitig sa kanya ang binata at ewan ni Shey ngunit bigla syang gininaw ng mga sandaling iyon sa kabila ng kainitan ng katanghalian.
“Miguel, stop that, okay. Kakarating ko pa lang dito at ngayon pa lang tayo nagkakapalagayan ng loob tapos sasabihin mong mahal mo na ako agad?” nasa likod pa rin ng kanyang isipan ang pagdududa sa intensyon ng binata sa kanya.
Bigla sya nitong hinawakan sa kamay at hinila patayo.
“Let’s go home,” nababakas nya sa tinig nito ang pagpipigil.
“Miguel!” maang syang napatingin sa malungkot na mga mata ng binata. Seryoso nga yata ito.
Lumakad na ito papalabas ng enclosure habang nakasunod sya. Nang tumigil ito ay nasa tapat na sila ng motorsiklo.
“I guess I was wrong. I thought my feelings will be reciprocated. I thought you feel the same way I did.” Anito pang suot na ang helmet.
“Miguel, wait. Hindi ka pwedeng umalis. May race ka pa. Ano na lang sasabihin ng mga tao,” nag-aalala nyang pakiusap rito.
“Hop in.” matigas nitong utos sa kanya.
“You’re impossible. Bakit ka ba nagkakaganyan.” Napipikon na talaga sya sa pagkaimposible nito. Sinisubukan talaga nito ang tindi ng pasensya nya.
Hinubad nito ang helmet at matamang nakatitig sa kanya. Alam nyang hinihintay nito ang pag-angkas nya.
Diyos ko po! Ganito ba talaga kaimposible ang lalaking ito? Sobrang spoiled kung umasta at mag demand sa kanya. Kung hindi ka lang gwapo at wala akong nararamdaman sayo, baka hindi mo na ako makita pa. Kaya humanda kang mokong ka dahil babawi ako sayo.
“Okay, okay! Sige na, m-mahal din kita.” Nahihiyang amin nya rito.
Mantakin ba nyang makita ang pagdudududa sa mukha nito. Ngani-nganing batukan nya ang lalaki. Napapahiya na nga sya’t lahat-lahat pagdududa pa ang makita nyang reaksyon mula rito.
“Uy Miguel. Ano ba? Nakakainis ka…”
Bigla sya nitong sinambilat at lumapat ang mga labi sa kanya. Halos mapugto ang hininga nya ng bitiwan sya.
“Now you’re officially mine. Girlfriend na kita at boyfriend mo na ako. Uupakan ko sinumang puporma syo.” Napa woohoo pa ito sabay hampas ng kamao sa hangin.
“Ssshh. Tumigil ka nga. Nakakahiya. Ang daming tao.”
“Hayaan mo sila. Basta masaya ako.”
“So can we stay?” pakiusap nya rito dahil baka mag-umpisa na ang next round sa race.
“Okay lang. Mamayang alas dos pa ang resume ng race.”
“What? You mean?” inis talaga si Shey. Walangyang naisahan na naman sya ng loko.
Pero kahit anupaman, masayang-masaya si Shey dahil hindi nya inakalang magkakamabutihan sila ni Miguel. Hindi nya maisip na ang baby love nya noon at minamahal hanggang sa ngayon ay sya ngang katuparan ng kanyang musmos na pangarap.
Habang pabalik sila sa tinutuluyan, muling nakita ni Shey ang lumang simbahan sa di kalayuan. Naalala nyang saksi ang simbahang iyon sa mga nangyayaring pagpapakasal at pagbibigay ng huling bendisyon sa mga namamatay. Katunayan nga at natatakot sya dati sa lugar na iyon.
“Nagugutom ka na ba?” Di kawasa’y tanong ng binata sa kanya.
“Hindi pa naman masyado. Bakit?”
“May dadaanan tayo, okay lang ba?”
“Ikaw ang bahala.”
Napansin ni Shey na tinutumbok nga nila ang kalsadang papunta sa simbahan. Nagbago na ang itsura nito. Dati ay bubong lang ito at bukas naman ang bawat tagiliran pero ngayon konkreto na ang dingding at sahig nito.
Naroroon pa rin ang malawak nitong damuhan na nakasanayan nya noong tambayan tuwing hapon habang pinapanood ang mga taong nagdaraan. Nakita nya rin ang matayog na puno ng Tiny Berry Tree. Isang matayog na puno at dahil hindi nya alam ang totoong pangalang nito ay nagkasya nalang syang binyagan itong Tiny Berry Tree.
Ito yong nakagawian nyang balian ng sanga dahil meron itong mumunting bunga na kulay purple at lasang bitter, sweet and sour. Kahit pa namamahay rito ang mga itim na langgam, wala pa rin itong kawala sa kanya.
“Remember this place?” untag ni Miguel sa nagbabalik-tanaw nyang diwa. Naitabi na nito ang motorsiklo sa lilim.
“Oo.” Iyon lang ang nasabi nya dahil pakiramdam nya’y sasabog ang kanyang dibdib.
Oh God! How I miss this place so much. I did not realize how much memory this could bring back. I never thought I would miss so much of my childhood memories whether it’s good or bad, happy or sad, scary or merry. But I’m glad I’m back.
Tahimik ang buong paligid dahil nasa plaza ang karamihan sa mga tao. Hawak ni Miguel ang kamay nya habang lumiligid sila sa simbahan.
“Mauna ka na sa likod, babe. May titingnan lang ako,” anito sa kanya.
Tumalima sya. Kahit tanghaling tapat, presko ang pakiramdam nya dahil nasa mataas na bahagi ang lokasyon ng simbahan.
Walang ipinagbago ang damo ng amorseko na ngayo’y mahal na mahal yatang dumikit sa laylayan ng suot nyang stretch pants.
Naalala nya noong una syang humiga sa damuhang ito habang pipanood ang katahimikan ng kalangitan. Nakahiga sya sa carpet ng mga amorseko habang tahimik na nagmamasid sa paligid.
Umupo sya at sumandal sa likurang dingding ng simbahan. Binunot nya ang malapit na amorseko at napapaluhang naalala ang kanyang kabataan. Hindi man sila ipinanganak na mariwasa sa buhay pero minahal nya ang mga alaala sa paglisan sa bayang ito noon.
“For you.” Muling pinukaw ni Miguel ang kanyang diwa.
Lalong natuluyan ang mga pinipigilan nyang luha ng iabot sa kanya nito ang binaling sanga ng Tiny Berry.
“Hey! May nagawa ba akong masama? Bakit ka umiiyak?” nagtatakang tanong ng nobyo sa kanya. Umupo ito sa tabi nya at niyakap sya pahilig sa dibdib nito.
Umiling sya. Paano nya ba sasabihin ang kanyang nararamdaman?
“Did I make you sad? Ayaw mo ba ng Tiny Berry?”
“Hindi. Masaya lang ako na nakabalik pa ako rito. I never thought that I have this longing inside me. Until I am sitting here under the same tree as before.” Bakas ang kakaibang saya sa mukha ni Shey.
“I know. Simula ng makita ko ang reaksyon mo noong byahe natin pauwi rito, alam kong iba ang pagkasabik mo na makita ang dating mga lugar sa bayang ito.”
“Salamat sa pagdala mo sa akin dito ha,” malambing nyang turan sa binata.
“Wala yon. I consider this as our first date.”
“Oo na. A date under the Tiny Berry Tree.”
Maligayang-maligaya ang pakiramdam ni Shey. Hindi nya kailanman inaasahan na sa bayan ring ito nya matatagpuang muli ang amorseko ng buhay nya.
“Babe?”
“Hm?”
“I hope you won’t find it strange but I think I have to skip step two,” naramdaman ni Shey ang pagbabago sa pintig ng puso ng binata. Napaangat sya ng tingin rito.
“What do you mean?” taka nyang tanong rito.
“Well, I mean… you know… from step one…” natuliro si Miguel sa kung papaano sasabihin kay Shey ang balak nya.
“Okay? From step one you skip two, so what’s step three?”
Ngumiti lamang ang binata. Subalit hindi na bago kay Shey ang mga ganoong tingin sa kanya. Pinagkukurot nya ito hanggang sa magtigil na.
Sandali silang nanatili sa ganoong sitwasyon. Maligayang-maligaya ang bawat puso at puno ng pagmamahal ang ugoy ng mabining hangin sa paligid.
“Alam mo ba kung bakit amorseko ang damong ito, babe?” hawak ni Miguel ang damong kaninang pinitas ni Shey.
“Bakit nga ba?” curious din si Shey.
“Salitang Kastila ito na ang ibig sabihin ay love grass. Oo nga at damo lamang ito ngunit kasing lupit ito ng pag-ibig kung mangunyapit.”
Napatawa si Shey. Kahit kailan talaga weirdo ang mga hirit ng kanyang nobyo.
“At alam mo bang nag-evolve na ako, sweetheart?” patuloy nito.
Ngiti lang ang itinugon nya rito habang nakasubsob pa rin sa matikas na dibdib ng binata.
“Kasi kahapon unggoy pa lang ako, ngayon bigla akong na demote kaya ako na ang amorseko ng buhay mo.”
Humagikhik si Shey.
“Migs ang baduy mo.”
“Baduy pala yon?”
“Oo. Baduy talaga yon kaya tayo na dahil nagugutom na ako. Hindi ako kayang busugin niyang mga Tiny Berry mo.” Nauna na syang tumayo.
“Babe, may isa pa. Tiny Berry mang maliit subalit walang kasing-tamis ang aking mga halik.” Nagawa pa sya nitong mahalikang muli.
“Tama na. Abusado ka na. Pag masyado kang makulit, ipapakain kita sa langgam na hantik.”
“Wow! Malupit pala ang sweetheart ko.”
“Talaga. Kaya magpakabait ka.”
Kinabukasan ay Lunes. Natapos ang kapistahan na matagumpay ang pagdiriwang. Malungkot na nagpaalam si Miguel kay Shey na luluwas na ito sya sa siyudad para asikasuhin ang kanyang architectural firm na kasosyo ang mga dating kaklase sa kolehiyo.
Nangako naman itong tatawagan sya ng madalas para hindi sya mainip at malungkot. Gusto sana syang isama ng binata subalit pinili si Shey ang manatili dahil gusto pa nyang sulitin ang bakasyon nyang iyon. Ayaw sana ni Miguel na maiwan sya ngunit pinakiusapan nya itong maigi.
Panay ang tunog ng telepono sa opisina ng mag business partners na Ruiz at Rauis at abala ang assistant niyang si Marcia sa pagsasaayos ng mga meeting schedules at appointments ng kanyang mga bachelor bosses.
Puno ang schedule ni Migz sa buong linggo at sa dami ng pinagkakaabalahan nilang projects kung kaya’t halos sinisira ng pananabik nya kay Shey ang kanyang konsentrasyon sa trabaho.
Ayaw man nyang umalis sa tabi ng dalaga ngayong nakita na nya itong muli subalit kailangan nya ring gampanan ang mga tungkulin nya bilang isa sa mga bumubuo ng Ruiz, Rauis Architectural Design Group.
Pangalawa sa damdamin nya sa dalaga ang kanyang propesyon. Kung nagawa nyang magtiis noon ng ganoon katagal na sanay muling magkrus ang landas nila ng dalaga, marahil makakahintay pa naman sya ng isang araw bago siya uuwi sa Amio para makita at makasama itong muli.
Hindi nya pa ito naramdaman kahit noong sila pa ng dating kasintahang si Vanessa Baldemor. Marami ang nainggit sa kanya noon ng maging sila ng isa sa anak ng prominenteng pamilya ng siyudad.
Subalit hindi atraksyon ng pag-ibig ang namagitan sa kanila. Mas higit ang pisikal na atraksyon ang tinakbo ng kanilang relasyon.
Kahit na noong naging kasintahan nya rin ang nakababatang kapatid ng kanyang kasamahan sa frat ay ni minsan wala pang ganito katinding damdamin syang naramdaman sa isang babae.
Sa mga babaeng naging karelasyon nya, ngayon lang nagugulo ang kanyang isipan. Yong tipong sa bawat sulok at bawat pikit ng kanyang mga mata ay mukha at boses ni Shey ang tanging nakikita at naririnig nya.
“Shit!”
Napukpok ni Migz ang glass desk dahil sa matinding frustration. Kahit naman nag-uumapaw ang pananabik nya sa dalaga ay pilit nyang itinatago ito rito para bigyan ang sarili ng kaunting kahihiyan na kahit papaano ay hindi sya lalabas na head over heels rito.
Napabuntong hininga sya. Bakit ba ganoon na lang kalakas ang dating ng dalaga.
Wala ng ibang laman ang utak nya kundi ang anyo nito at mabining boses. Kahit pa madalas sya nitong pikunin sa pagbabanggit ng kung sinu-sinong mga lalaking naging dati nitong kakilala.
Napatayo syang bigla. Hindi na nya kayang maghintay ng isa pang araw. Mababaliw sya sa kaiisip na baka may ibang puporma sa Shey nya.
“Marcia, cancel all my remaining appointments today and onwards,” aniyang bitbit na ang jacket at nasa kamay ang susi ng kanyang wrangler jeep.
Nagulat si Marcia sa biglang pagtunog ng baritonong boses ng binata. Ang akala nya ay abala ito sa paghihimay ng mga project works.
“I’m going on a holiday.” Pagdeklara nya sa gagawing pagliban sa trabaho.
“What? Bakit? Who will handle your accounts?” maang nitong tanong sa seryosong mukha ng amo.
“Because I need a holiday and I’m sure you can find someone to fill my shoes for the interim,” pinal nyang sabi rito.
“Pero Miguel, may importante kayong meeting with the bidder for the construction of fountain sa Siliman Plaza,” sanay na’ng first name basis lang ang tawag ni Marcia sa kanyang mga amo.
“Send Kurt on my behalf. He knows that project anyway,” aniyang nagmamadaling palabas na ng kanilang central office unit.
“Pero junior pa lang si Kurt?” pahabol pa nito sa binata.
“Exactly. Today will be his break to prove his skills and judgment and we’ll see how good an architect he’ll gonna be.” Kumpiyansa sya sa kakayahan ng bagitong arkitekto kung kaya’t ito ang hinabilinan nya ng kanyang responsibilidad.
“What would I tell Oliver about your leave,” anito pang nag-aalala sa magiging reaksyon ng business partner at matalik na kaibigan ni Miguel na si Oliver Rauis.
“Tell him I’m looking for my bride para hindi na ako tinutukso rito na babaero. Sabihin mong baka maunahan ko pa sya kapag masyado syang magpapakasipag sa trabaho at baka magbago ng tuluyan ang isip ng kasintahan nyang si Lizzie,” pabiro nyang tugon rito.
“Hey, Miguel.” pahabol pa nito bago sya tuluyang umangkas sa nakaparadang sasakyan. “Good luck in hunting for your bride.”
“Thanks, Marsh. I needed more luck to secure my catch.”
CHAPTER 7
Maghapon sa palaisdaan ng mga Alonzo si Shey. Naalala nya noong una nyang punta rito.
Noong nabubuhay pa ang ama ni Ate Joy na kaklase ng nakatatanda nyang kapatid, hinangaan na nya ang ingenuity nito sa pag disenyo ng kakaibang maliit na palaisdaang ito.
Malamang, kaya pala arkitekto din ang propesyon ni Miguel dahil nasa lahi pala nila ang pagdidisenyo.
Ang pagsasaayos ng lugar para maging kaaya-aya at makabuluhan tulad nalang nitong palaisdaan nila na may nakatayong resthouse sa halos 400 sqm na maliit na palaisdaan.
Mayroon ditong natural na bukal na umusbong mula sa matayog na bundok na nakadungaw sa bandang kanluran ng bayan. Dito rin nagmula ang isa sa mga malalaking ilog na nag-krus at sumali sa isa pang ilog na kung tawagin ay Ilog Sicupong.
Mula rito, umaagos papuntang Dagat Tsina ang kabuuan ng ilog na ito na nagpapamalas ng bagsik tuwing may malalakas na pag-ulan.
Dahil sa kakaibang topograpiya ng bayan ng Amio bagama’t ito’y nasa kalagitnaan ng rehiyon ng Negros Oriental, ang kabuhayan ng mga naninirahan rito ay ang pagku-kopra.
Gawa ng malalaking ilog at matatayog na bundok na nakapaligid rito kung kaya’t nabuo ang mayamang lambak sa lugar na ito.
Malalawak ang lupain ng mga naninirahan rito at isa na ang pamilya nila Miguel at Ate Joy ang mapapalad.
Yari sa kawayan ang kabuuan ng resthouse kaya sa bawat uwang ng pinagdidikit na sahig ay makikita ang mga lumalangoy at makukulay na koi fish. Sa tahimik at tagong lugar na ito, pakiramdam ni Shey ay sya lang ang tanging nilalang sa mundo.
Mula sa tulay na yari rin sa kawayan na nag-uugnay sa mabuhangin at makipot na daan galing sa pagtawid sa ilog, sa pagkakayari ng resthouse at sa pagkakakubli nito sa malalago at mayayabong na puno ng niyog, hindi mo aakalaing mayroong bahay-pahingahan sa lugar na ito.
Dala ng matinding pagkabagot at pagka-adventurous, sa halip na simulan ng dalaga ang penitensyang pag-akyat sa natatanging perpektong bundok na nakadungaw sa hilagang bahagi ng Amio, walang alinlangang tinahak nya ang daan patungo sa kanlurang ilog.
Tinawid ni Shey ang mahinahong ilog at hindi inalintana ang kung anumang panganib dala ng mga masasamang-loob, ligaw na hayop, o kung anumang malignong may tapang na sumubok sa kanyang pag-iisa.
Ngayon nga at heto kampante syang umuugoy-ugoy sa duyan na nakatali sa magkabilang dulo ng puno ng niyog habang nakaangat ng dalawang metro sa tubig ng palaisdaan mula sa platapormang nakakabit sa pundasyon ng resthouse.
Panatag at relax habang ninanamnam ang kakaibang katahimikan na may iilang saliw ng tunog ng malalayang ibon, kulisap at ihip ng hangin.
Binitbit ni Shey ang mga gadgets na pangpalipas oras tulad ng MP3 player, digital camera, videocamera, at ang kanyang maliit na laptop na mayrong plug-in internet connection na kung saan doon sya nag-a-upload ng kanyang mga kuha ng natural na larawan ng kalikasan.
Sabihin ngang nasa panahon sya ng lumang bato rito sa resthouse ngunit heto at nasa panghinaharap ang kanyang battle gears. Natatawa sya sa ganoong lagay ng agwat ng kinaroroonan at sa kanyang pinanggalingang sibilisasyon.
Literal na naglakbay sya mula sa panghinaharap pabalik sa nakaraan. Nakaraan? Ano nga ba sa nakaraan nya ang binabalikan nya sa bayang ito? Meron ba itong koneksyon sa kanyang kasalukuyan?
“I don’t care!”, aniyang binulyawan ang isip sa narating nitong mga kuro-kuro at agam-agam.
Mukha kang tangang Magdalena na nagpipilit maghiganti sa mga taong nanakit sayo gayong wala naman sa bayang ito ang dahilan ng kabiguan mo, anang matalinong parte ng kanyang isipan.
“Hmmm… may point ka isip ko pero may koneksyon lahat kung bakit ako naririto,” wika naman ng rebeldeng bahagi ng kanyang kaisipan – hanggang sa…
“Ahhhhhhh!,” hiyaw ni Shey sa magulong pagtatalo ng kanyang isip at damdamin. Ito rin pala ang magiging epekto ng pagsuling nya sa liblib na paraisong ito. Ang hindi matatakasang pagkakataon ng pag-iisip sa mga naging kabiguan nya sa pag-ibig. Dagdag pa ang bilis ng pangyayari sa pagitan nila ni Miguel.
Ngunit bakit dito sya dinala ng kanyang mga paa? Bakit dito pa sa kung saan, bahagi ng kanyang musmos na nakaraan ang unang natutunang paghanga sa kabilang uri ng kasarian?
Ito ba’y may kaugnayan pa rin sa kanyang buhay? Walang sinuman ang nakakaalam sa damdamin nya sa pamangkin ng kanilang landlady.
Hehehe young love, sweet love. Bakit ka pa ba nagpapatumpik-tumpik sa damdamin syo ng guwapong pamangkin ng landlady nyo eh halata namang patay na patay sya ngayon sa’yo?” Panunukso ng makulit na bahagi ng kanyang isip.
At ngayon nahihiya kang maalala kung papaano mo naramdaman sa murang damdamin ang tindi ng tama ng palaso ni kupido, patuloy pa nito.
“Wag mo ng ipaalala at baka tuluyan na kitang burahin d’yan sa pwesto mo sa utak ko, anang original na isipan ni Shey na bagamat halatang nahihiyang maalala ang nakaraan ay nangingiti naman syang gunitain ang unang katangahang ginawa sa di-mapigilang nagpupumiglas na damdamin.
Wag ka ng mahiya. Go ahead and bring back that young stupid love. Malay mo, baka di naman talaga nasayang ang damdamin mo noon, sulsol pa rin nito sa kanya.
“I felt like cheating my boyfriend,” aniyang nalilito na rin.
“Don’t be stupid. Iisa naman ang taong pinapantasya mo at ang taong nagmamahal sayo.” Pagwawakas pa nito.
Pagbangon nya sa umaga, bago sila gumayak ng kanyang mga kapatid para pumanhik at umuwi sa kanilang sakahang-bukid kung saan naroon ang kanilang mga magulang, naunang bumaba sa silong si Shey at di-karaniwan na maaga syang nagigising tuwing umaga.
Nasa unang taon sya noon sa mataas na paaralan ng bayan ng Amio kasama ang mga nakakatandang kapatid na lalake at ilang mga pinsan.
Sabado sila ng umaga kung uwuuwi para kumuha ng kumsumong pagkain, kunting halaga ng pera kung meron at produktong bukid na maaaring ipagbili pagluwas nila kinabukasan ng Linggo.
Ganito umiikot ang buhay nilang mahihirap, matinding pagtitiis at sangkatirbang sakripisyo makaraos lamang sa pag-aaral at ng balang araw naman ay magamit nila ang kanilang pinag-aralan para guminhawa ang kanilang abang pamumuhay.
Dahil mataas ang lokasyon ng bayan ng Amio sa level ng dagat, palaging makapal ang hamog rito tuwing umaga at bago dumilim sa hapon.
Mahamog sa silong ng boarding house nila kung kaya’t hindi napansin ni Shey ang binatilyong lalakeng nakahiga sa folding bed.
Huli na ng malaman nyang ang kanyang hinahangaang pamangkin pala ng may-ari ang nakahigang iyon. Bihira nya kasing makita ito dahil sa siyudad ito nag-aaral.
Tulad ng mga nagsisimulang humanga sa kabilang kasarian, muntik ng mapaluhod si Shey sa matinding atake ng kaba at malakas na tambol ng kanyang murang puso. Kung hindi lang tulog itong first love nya ay baka nabulahaw na ito sa ingay ng nagririgudon nyang dibdib.
Ngunit dala ng pananabik na masilayan ng malapitan ang tanging hinahangaang binatilyo, heto at parang tuod na nakatunghay lang sya sa maamong mukha ng itinitibok ng kanyang puso.
Napakasarap haplusin ng kanyang mukha. Ang gandang tingnan ng kanyang nakapikit na mga mata.
Sa perpektong hugis ng ilong nito at mga labing nangangako ng walang kasintamis na mga halik ay halos di mapigilan ni Shey ang sariling dampian ito ng halik sa labi.
Pilit man niyang nilalabanan ang nararamdaman ngunit di kayang pigilan ng kanyang utak ang dikta ng kanyang puso na sya naming nag-uutos sya kanyang mga kilos. Natatakot sya ngunit pilit syang itinutulak ng kanyang puso.
“Well, hindi naman siguro magigising ang mokong na ito kung sakali,” anang bahagi ng isip nya.
Pikit-mata nyang idinampi ang manipis na labi sa walang malay na binatilyo. Sa tindi ng emosyon at sarap ng pakiramdam ay parang bigla syang lumutang sa ere. Animo’y ang gaan-gaan ng kanyang katawan.
Gasgas mang sabihing parang tumigil ang ikot ng mundo ngunit para sa batang isip nya ay literal na hindi gumalaw ang orasan kaya’t pinagsawa nya ang sarili sa kakatitig sa mukha ng kanyang ngayon lang matatawag na loveydoves.
Biglang kumislot mula sa pagkakahimbing ang binatilyo kaya’t biglang kabig ng kanyang adrenaline at sumibat syang pabalik sa itaas ng bahay bago pa man may makabuking sa kanyang panunubok.
Kahit bata pa lang sya ay alam ni Shey na ganito pala ang umiibig, laging may malisya kahit napakabata pa nya. Bigla syang nahiya sa sarili ngunit naging napakasaya nya at simula ng pagkakataong ‘yon, lagi nyang kasa-kasama ang tagpong yon kahit lumipat na sa Maynila ang pamilya nya at doon manirahan.
Baka nga pag-ibig na yong naramdaman nya noon at hindi lang simpleng paghanga dahil sa tagal ng mga panahong lumipas ay hindi man lang kumupas ang tagpong iyon sa kanyang isipan. Kakaiba nga kung susuriin ang kanyang damdamin.
Pero papaano nya nagawang umibig sa iba kung ang totoong inaasam-asam nya noon pa ay ang tanging pag-ibig lamang ng binatilyong iyon na walang iba kundi si Miguel ngunit heto nga’t naging malapit na sila sa isa’t isa.
Pero bakit nagdadalawang isip pa sya gayong batid na nya ang damdamin ng minimithing binata. Bakit sya nag-aalangan gayong abot-kamay na nya ang binata? May natitira pa ba syang pagmamahal sa dating kasintahan kahit sinaktan na sya nito? Bakit hindi nalang si Miguel ang piliin nya kaysa umasa na baka matauhan ang ex-boyfriend nyang si Dan at sundan sya nito rito para makipag-ayos.
Wag ka ng magpakatanga Shey. Hindi ka maaaring umibig ng sabay sa dalawang tao at hindi makatarungan na paghihiganti sa mga lalake ang sagot sa sakit na naranasan mo sa lahat ng mga taong sa tingin mo ay may kasalanan sa’yo, pangaral ng rasyonalistang bahagi ng kanyang isipan.
“Well, I just wanna have some fun. I’m new here and a new flower amongst the old blossoms means a good competition for all the bees. I am loving the attention these guys are giving me and my turn to give them the brand of hurt which they inflected on me first,” di papatinag na deklara ng matigas nyang karakter.
Kahit si Miguel pa ang sasaktan mo?
“Oh, I’m not even sure of the man either, who knows what dirty little secrets he has accumulated after all these years. Baka isang araw, may lulusob na lang sa akin at sasabihing sya ang number one,” tanggi naman ng isip nya.
Eh bakit ka pumayag ka na tumira sa bahay nya? You even committed yourself in a relationship with him.
“Where else could I go? It was offered and Ate Joy forgot to tell me to beware of her nephew? Malay ko bang pamamahay pala nya yon.”
Oh. Speaking of pamamahay pala nya yon, did you leave a note saying you’re here?
“Huwebes pa lang ngayon, bukas pa uwi non.”
Kaya dito ka nalang magtatago at magmumukmok sa kakaisip sa nabigo mong pag-ibig.
“Yes. Nobody knows that I’m here while everybody thinks that I climb up the mountain. A perfect ruse so they would leave me alone to chew on how will I start and mend my life.”
Good point. Start all over again and see the bright side of all the bad past. Speaking of starting all over again, I guess you should start fixing dinner while the sun is up, dust the only bed inside unless you wanted to sleep in this goddamn hammock overnight.
Balikwas si Shey at dagling tinapos ang pagmumuni-muni ng mga bagay-bagay.
Napagtanungan na ni Miguel ang bangkerong nakadaong sa may maliit na pier sa Ilog ng Sicupong. Naitanong nya na rin sa kapitan nila kung napansin nito ang dalagang bisita nya sa kanyang bahay.
Alam nyang balak umakyat ni Shey sa bundok sa hilaga ngunit hindi nya nakita sa binoculars kung naroon nga ito. Isa lang ang paraan para malaman ang katotohanan.
Bigo sya at tuliro ang isip kung ano na ang nangyari kay Shey. Lahat walang nakapansin sa presensya ng dalaga maliban sa pakikipag-usap nito kay Vice-mayor Sebastian noong nakaraang araw.
Biglang nagpanting ang tainga ni Miguel sa narinig. Lagi na lang nasasabit si Julian sa sinumang babaeng may kaugnayan sa kanya. Ang ahas na si Julian at kapag nagkataon ay di nya palalagpasing muli ang mga kalokohan nito. Di nya nakalimutan ang pagsulot nito sa JS partner nya sanang si Megan Ortiz noong high school pa lamang sila kung kaya’t malalim ang pinag-uugatan ng pagkaasar nya sa karakas ng lalaking iyon.
Kahit magkaiba na sila ng propesyon ay di pa rin nagwawakas ang kumpetisyon nila sa isa’t isa. Mula sa akademika, sa antas ng pamumuhay at ngayon maging sa puso ni Shey ay karibal pa rin nya ang lalaking iyon bagama’t kaswal ang pakikitungo nila sa isa’t isa ay parang mayroon pa ring tensyon na uusbong anumang sandali.
Pagod na ang isip ni Miguel subalit hindi ang kanyang katawan. Nakababa na sya ng bundok sa hilaga ngunit walang Shey na kahit sa iba pang planeta ito nagpunta ay nakahanda syang sundan ito at hinding-hindi na ito makakapalag pa sa kanyang balak na isakatuparan na ang pagpapakasal nila sa lalong madaling panahon.
Napadaan sya sa bahay ng katiwala nila at nabanggit nya ang pagkawala ng bisita. Nagulat ang matandang lalake ngunit agad ring napalitan ng ngiti ng mapansin ang matinding pag-aalala ng kanyang senyorito.
Balak nya pa sanang biruin ito ngunit halatang pagod at wala pa yatang tulog ang binata kung kaya’t hinayaan nya na lamang ito.
“Hindi lang ako sigurado senyorito pero dumaan rito ang bisita mo noong isang araw,” anang matanda.
“Ho? Bakit raw? May nabanggit ba sya na gagawin o kaya’y balak puntahan?” atat nitong usisa.
“Noong una nga’y naitanong nya kung ligtas bang umakyat sa hilaga. Bandang huli nama’y naitanong nya kung naroroon pa ang palaisdaan ng tiyuhin mo. Di ko nga maintindihan ang batang iyon at parang…”
Di na natapos pa ng matanda ang sasabihin dahil hayon at lumarga na si Miguel habang nagmamadaling nagpaalam rito. Bagama’t nagulat ay nangingiti na lamang sya dahil sa palagay nya ay hindi lang basta bisita nito ang dalaga. Ito ay espesyal na bisita ng kanyang amo.
“Haaay! ang mga batang iyon nga naman oo. Basta tinamaan ni kupido, parang sira ulong naloloko,” pagtatapos na nito.
Nagsasalubong na ang mga kilay ni Miguel sa gigil at nanginginig ang mga kamay sa mahigpit na pagmamaniobra ng manibela. Nadiin nya ang pag-apak sa accelerator at nagmamadaling iwan sa garahe ng bahay ang sasakyan.
Nagmamadali nyang tinakbo ang shortcut patungo sa kanlurang ilog at para hindi pansin ang pagmamadali nya, kunwari ay nag da-jogging sya para hindi magtaka ang mga nakakasalubong sa daan.
Kagabi pa sya nakauwi at Biyernes na ngayon kaya ganon na lamang ang kanyang pag-aalala ng madatnang wala ito sa bahay nya.
Pagdating sa bungad ng ilog, walang patumanggang nag dive ang binata sa bahaging nagkukulay asul sa lalim. Sa lamig ng tubig habang sumisisid nya, binundol ulit ng matinding pag-aalala sa dalaga ang balintataw nya dahil parang walang alam ang babae sa mga panganib sa paligid nito.
Papano nalang kung matiyempuhan syang nag-iisa ng mga masasamang-loob at gawan sya ng masasama. Halos kapusin ng hininga si Miguel sa matinding kaba at pag-aalala na baka napahamak na ang dalaga. Bakit kasi di nalang ito nagpirmi sa bahay.
Umaasta na syang may karapatan sa babae ngunit wala syang pakialam. Sa ngayon matinding galit dala ng pag-aalala ang nangingibabaw sa kanya. Ni hindi nya alam kung anong magagawa nya sa dalaga oras na makita nya ito. Baka mabulyawan nya ito o kaya’y…
Ah di nya alam ang gagawin at halo-halo ang kanyang nararamdaman. Magulo ang isip nya at bahala na kung ano pa ang mangyayari. Ang mahalaga ay makita at malaman nyang ligtas ang dalaga. Tapos.
Ang kanyang mga yabag lang at humahangos na paghinga ang tanging nanggugulo sa kadalisayan ng perpektong katahimikan.
Natanaw na nya ang resthouse at muling nabuhay ang kasabikang makita na naroroon nga ang dalaga at ligtas.
Inilang hakbang nya lang ang tulay na kawayan at kahit umiingit ito sa pagmamadali nya ay hindi nya inalintana.
Narating nya ang pintuan at laking gulat nya ng makitang naroroon nga ang mga gamit ng dalaga.
“Shey?” mahinang tawag nya. Ngunit walang sumasagot. Mayroong mga kilos syang naririnig sa silid.
“Shey?” tawag nyang muli. Wala pa ring sumasagot.
Dahan-dahan syang lumapit sa pinto ng natatanging silid at pinihit ang seradura. Bumukas ito at nagitla sya sa nakitang ginagawa ng dalaga.
Nakaharap ito sa may bintana at nagbe-bending habang nakasaksak ang headset ng ipod sa magkabilang tainga at habang pabulong-bulong na sinusundan ang tugtog sa MP3 player. Bawat yuko nito ay nalalantad ang magandang hubog ng balakang at makikinis na mga hita at binti.
Pinigil ni Miguel ang pag-iinit na nararamdaman at sa kontroladong boses ay tinawag nyang muli ang dalaga sabay kabig sa balikat nito.
“Eeeeeeeeeh.”
Napatili si Shey sa matinding pagkagulat ngunit nataranta naman ang binata sa lakas ng tili nito. Mabilis nyang naitakip sa bibig ng dalaga ang kanang kamay habang awtomatikong humapit sa baywang nito ang kabila pa nyang kamay.
“Shhhhh! Ako ‘to si Miguel,” pabulong nyang alo rito.
Umungol ang dalaga habang nakalapat ang kanyang mga kamay sa dibdib ng binata. Di sya makapagsalita at ang lakas ng tugtog na nasa tainga nya ay lalong nagpataranta sa kanya kung kaya’t di nya kaagad nakilala si Miguel.
Kagya’t nawalan ng ulirat ang dalaga dala ng matinding pagkagulat at takot.
“Damn it Shey, wake up,” yugyog ng binata rito habang inilalapag nya ito pabalik sa kama. Nabasa nya ang pantulog ng dalaga mula sa paglusong sya sa ilog kanina.
Lalo syang napikon ng maramdaman ang malambot nitong katawan. Manipis ang suot nito kaya kahit di nya makita ang mga kurbang tinatakpan ng manipis na tela ay ramdam nya ang mga kurbang nakatago rito.
Natutukso na si Miguel na angkinin ang malalambot na labi ng dalaga pero nagpigil sya. Matinding pagpipigil para hindi na muling magulat pa ang dalaga.
“Shey. Sweetheart, wake up. It’s me,” niyugyog nya itong muli.
CHAPTER 8
Unti-unting dumilat si Shey at muling rumehistro ang matinding pagkagulat sa mukha nito. Sisigaw na sana itong muli ngunit bago pa ito nakahiyaw ay dinalupang na nya ng halik sa labi.
Mga halik na noong una’y ang intensyon ay para takpan ang mga bibig ng dalaga ngunit ng lumaon ay alam nyang hindi na nya kaya pang kontrolin ang sarili oras na maghinang ang kanilang mga labi.
Nagpupumiglas si Shey. Tinutulak nya ang binata ngunit nakapulupot ang kamay nito sa batok nya at sa laki ng bulto ng katawan nitong nakadagan pa sa kanya.
“Babe, it’s me,” mahinang bulong nito sa pagitan ng mga pinong halik sa ibaba ng labi ng dalaga. Nakahandang parusahan ulit ng mga halik ang dalaga kapag sumigaw na naman ito. “I’m sorry to really scare you, love.”
“M-Miguel?”
“Yeah. It’s me.”
“Miguel?” di makapaniwalang tanong na muli ng dalaga?
“Yesm love. I’m here now.”
Biglang nawalan sila ng mga salita. Mga titig lamang at mga puso nila ang nag-uusap. Mga pananabik na kay tagal tiniis. Mga damdamin na ngayon lamang nagkaroon ng eksaktong katugon.
Dahan-dahang lumapat na muli ang labi ng binata. Hindi na nya kaya pang pigilin ang sarili.
Pumikit si Shey at nagpaubaya. Pagpapaubayang alam nyang malaking sugal sa kanyang buhay. Ang klase ng sugal na walang katiyakan ang kanyang panalo. Ngunit wala na syang pakialam. Tuluyan na syang nadadarang at nalulunod sa mga matatamis na halik ng binata.
Kaytagal nyang inasam na sana makaniig ang dalaga kahit ito’y wala na mula ng lumipat na ang pamilya nito sa Maynila. Ni minsan ay hindi nya nakalimutan ang inosenteng mukha ng dalagita na yon na nakatunghay sa kanya sa folding bed sa ibaba ng boarding house ng kanyang tiyahin.
Muntik na nyang haklutin ito at gantihan ng mga halik noong unang lumapat ang mga labi nito sa kanya.
Inasam nya na balang araw kapag malalaki na sila ay aalamin nya ang totoong nararamdaman nito sa kanya. Ngunit di sya nagkaroon ng pagkakataon noon.
Unti-unting gumapang pababa ang mga halik ng binata samantalang lumilikha naman ng bagong landas ng palad nito sa pagkalas sa iilang butones ng pantulog ni Shey.
“Miguel?”
Hindi sya sumagot bagkus at ipinagpatuloy nya ang pagbibigay ng pananabik sa dalaga. Tuluyan ng nakalas ni Miguel ang butones sa pantulog ni Shey at nilandas ng kanyang mga labi ang malarosas na korona sa nagtutumayong mga dibdib nito.
Parang batang sabik na sabik ang binata at bahagyng napapaliyad ang dalaga sa kakaibang sensasyong dulot ng mga halik ni Miguel sa kanyang dibdib.
Nagkaroon ng agam-agam si Shey. Natatakot syang masaktan muli. Natatakot syang maranasan muli na ang taong mahal nya ay maaagaw na naman ng iba.
“Miguel stop,” pilit nyang iniiwas ang katawan rito at sinubok itulak ang katawan nito.
Lumulutang sa kaligayahan ang pakiramdam nya kaya napakahirap magdesisyon na tanggihan ang binata ngunit napakalakas ng tukso ng mga halik nito.
“Marry me, babe. Please marry me, sweetheart. I’ll do everything to make you mine and happy,” anang binata na punong-puno ng pagmamahal ang bawat tinuran.
“Miguel?”
“Please be mine, Shey.”
Hindi sya tumugon. Naguluhan sya. Hindi nya inaasahan na aalukin sya ng kasal ng binata. Wala sa hinagap nya na hahantong sila sa ganitong pagkakataon.
“Marry me Shey, please?” pakiusap nito sa kanya. Nanginginig ang boses nito na halata ang ginagawang matinding pagtitimpi.
At nakikiusap pa ang loveydoves nya? Gusto sana nyang tumawa at magtanong kung bakit ngunit heto at hindi ito tumitigil sa mga halik at pagtuklas ng bagong landas sa kanyang katawan.
“I-I… w…will b…but…?” tutol pa sana nya sa alok nito ngunit buo na ito sa pag angkin sa kanya.
“Thank yo, babe. I promise, I won’t hurt you.” Iyon lang at tuluyan na syang inangkin nito ng walang pagtatanong tungkol sa nakaraan nya.
Humupa na ang matinding init ng kanilang damdamin at heto, kampante silang magkayap at magkatabi. Maya-maya ang paligo ng halik ng binata na nagbabadya ng panibagong pagniniig ngunit kinukurot sya ng dalaga sa bawat panunubok nya.
Masayang-masaya sila. Wala ng mahihiling pa dahil kanila na ang buong mundo. Makulay lahat ang paligid, malasa lahat ng prutas at mabango ang anumang bulaklak. Masarap mabuhay at magmahal. May dahilan ang kanilang paghinga at iyon ay ang isat’ isa.
“Alright, Mrs. Ruiz, can we go home now?” anang binata habang sinusubukan pa ring gisingin muli ang init sa kasintahan.
“That is your home, Mr. Ruiz. This is mine here for the time being,” tanggi nya at nakikiliting umiiwas sa mga walang kamatayang halik ng minamahal.
“Ah ganon ba. Sige dahil ayaw mong umuwi, paparusahan ka ng guwapo mong asawa,” anitong may pilyo na namang ngiti ang mga labi at bigla itong pumihit para mapasailalim sya.
“I love you, Shey.”
“I love you too, Miguel.”
“I love you more, sweetheart”
“Wala na bang katapusan yan?”
“Meron. I’ll make love to you again and again my wife,” naglumikot na namang muli ang mga kamay ng binata habang walang patid ang maparusang mga halik nito sa kanya.
“Wife? Eh di pa nga tayo kasal eh.”
“For now yes. Pero gagawin ko lahat para di ka na makatakas sa akin. Pipikutin na kita, babe. So get ready.” Panunudyo nito.
“Babae na pala pinipikot ngayon,” aniyang di makapaniwala sa bilis ng pangyayari.
“Yep. Kasi pinapauso ko yan. Tingnan mo lang, merong gagaya nyan, promise.” Kumpiyansa ang binata na wala ng hahadlang pa sa kaligayahang tinatamasa nila ngayon ng kanyang pinakamamahal.
“Natatakot pa rin ako, Miguel.” Nag-aalalang sambit ng dalaga.
“Hmmm… about what?”
“Baka… baka hindi pa ako handa. Baka… hindi ko na kakayaning masaktan pang muli. Baka… may aagaw na naman sa’yo at…” puno ng pag-aalinlangang nasabi nya.
“Hangga’t hawak ko ang pagmamahal mo at alam mong pinagkakatiwalaan mo ang pag-ibig ko, walang sinuman ang magtatagumpay na sisira sa atin, mahal ko.” Paniniyak ng binata sa naguguluhang dalaga.
“Let’s get married, Miguel.” pikitmatang winaglit ng dalaga ang anupamang pag-aalinlangan na umuukilkil sa kanyang isipan.
Ilang buwan pa ang matuling lumipas at nararamdaman ni Shey ang tinatawag na wedding jitters at madalas hirap syang kalmahin ang sarili. Subalit nabura lahat ng kanyang pangamba dahil lagi namang mapagmahal at malambing ang kanyang nobyo. Inaayos na nila ang araw ng kanilang pag-iisang dibdib at alam nilang pareho na hindi biro ng prepaprasyon sa gitna ng kani-kanilang mga obligasyon sa trabaho.
Habang abala sa pagtatrabaho ang kasintahan dahil mayroon itong mahalagang convention na dinaluhan sa Cebu, inanyayahan sya ni Lizzie, ang kasintahan ni Oliver na samahan nya itong dumalo sa isang cocktail party ng isa sa kilalang angkan sa lalawigan. May ilulunsad kasing bagong business line ang pamilya sa larangan ng shipping.
Ang simula ng kanyang pagiging maybahay ni Ramon Miguel Ruiz ay nagsisimula ngayon pa lang at isa sa mga iyong ay ang pagtanggap rin sa uri ng mga taong nakapaligid sa kanyang magiging asawa.
Malalaking tao ang karamihan sa mga koneksyon nila sa larangan ng arkitektura at sa malaking kliyente na kumukuha sa kanilang serbisyo.
Dapat na syang masanay at tanggapin ang kahit ano pa mang antas sa lipunan ng mga kaibigan ng kanyang magiging kabiyak.
Hindi naman sya nahuhuli sa mga maykaya sa lipunan ngunit mas kumportable syang makisama sa mga simpleng tao na may mga simpleng pangangailangan.
Tanging perlas na kwentas at katernong hikaw lamang ang kaadorno ay pilit inaaalis ni Shey ang pagkaasiwa sa blue cocktail dress nyang suot.
Bagamat hindi naman pahuhuli kung pisikal na anyo lamang ang labanan sa mga susyalerang nagpupumilit maging sosyal o kahit pa sa mga blue bloodied socialites ay hindi pa rin kumportable ang dalaga.
Malawak ang pinagdausan ng launching ng shipping business ng mga Baldemor kaya hindi kataka-takang pulos nasa alta-sosyedad rin ang mga dumalo.
Ipinakilala sya ni Lizzie sa shipping magnate at sa maybahay nito kabilang na rin sa anak nilang si Vanessa. Kasabay sa pagpapakilala ni Lizzie ang pagbanggit na sya ang nobya ng arkitektong si Ramon Miguel Ruiz.
“Oh! Congratulations iha,” anang ginang. “So where is the lucky guy tonight?”
“Ah… eh… Miguel is in Cebu, Tita. He has to attend an important convention there.” Aniyang nahihiyang makipagpalitan ng usapan sa mabait na ginang.
Nakamasid sa kanya ang anak nitong dalaga at ewan ba nya at nakaramdam sya ng animosity mula sa babae.
Tumunog ang celphone nya kaya agad syang humingi ng paumanhin sa ginang at naghanap ng medyo hindi mataong lugar.
“Hello?”
“Hi babe? How are you? I missed you so much, sweetheart.” Anang nobyo nya sa kabilang linya.
“Oh, hi love. I’m doing good. Kasama ko si Lizzie here sa launching ng mga Baldemor,” aniyang pilit pinapasigla ang boses.
“Baldemor? What are you doing there?” nagtataka namang tanong nito.
“Ah, I’m about to go home na rin naman eh, medyo sumama ang pakiramdam ko kaya I’m about to leave na rin,” pagsisinunguling nya ngunit talaga namang nakaramdam sya ng kaunting pagkahilo.
“Oh! Are you okay, sweetheart?”
“Yeah I’m fine. I’ll be going home in a short while. Magpapaalam lang ako kay Lizzie.”
“Are you sure?”
“I’m sure Miguel. I’ll be home soon, don’t worry,” pagtatapos nya.
“Okay. Don’t stay up late, sweet. Take care and I love you.”
“I will. I love you too. Bye.”
Muntik na syang mapaatras nang sa pagpihit nya ay naroon ang dalagang Baldemor. Nakahalukipkip ito habang nakasandal sa puting haligi at mukhang narinig nito ang usapan nila ng katipan.
“So, you are the future better half of Miguel.” Sinuri sya nito mula ulo hanggang paa na para bang hinahanapan sya ng kapintasan.
“What?” kahit malinaw nyang narinig ay di nya napigilang mapa-what?
“Ramon Miguel is my boyfriend. He is mine, bitch,” palapit ito sa kanya at lalong nadagdagan ang pagkahilo nya sa di inaasahang narinig mula sa babae.
Pakiramdam nya ay naglaho ang mainit nyang dugo sa mukha. Sa kabiglaan ay parang giniginaw sya sa biglang pag-akyat ng dugo sa kanyang ulo.
Parang gusto nyang sumabog. Hindi sya sanay sa ganitong tahasang engkuwentro kaya’t hindi nya napaghandaan ang klase ng depensa sa atake ng babae.
Mabilis na maniobra ng depensa at listo ng pag-iisip ang kailangan nya. Nayanig man sya ngunit may pagkakataon pa syang lumaban at ipagtanggol ang sarili. Tumarak man ang sakit sa kanyang puso ngunit di sya paaapi sa babaeng ito.
“Huh! Since when? Last year? Two years ago? Kahapon o noong nakaraang linggo?” sinamahan nya ng antipatikong ngiti para maipabatid sa kaharap ang ganting pang-uuyam.
“Slut! And what is your ace to claim that he is really yours? The idea may not sank in to your senses but Miguel is a ladies’ man,” inikutan sya nito sabay balya ng impormasyong muli ni sa isang sandali ay ayaw nyang marinig.
“I wasn’t worried when I heard Miguel got engaged to someone else because I know I can win him back,” kampante nitong pagpaparating sa kanya.
“Really. Nice break but try your luck somewhere else,” pagtatapos nya at pilit inihakbang palayo ang mabibigat na mga paa. Naliliyo sya sa matinding pagkabigla.
“Miguel and I has been together last summer. We’ve been together for sometime and I wonder where the hell had he picked you up,” patuloy pa nito sa paraang napaka-subtle na atake. Iyong tipong mercy killing ika nga. Pero deadly at painful para sa isang babaengi ikakasal pa lamang sa isang lalaking ngayon nya lang naririnig ang mga kwento sa nakaraan nitong mga escapades sa buhay.
Bigla syang bumuwelta paharap sa babae. Nagngangalit ang mga bagang at nanginginig ang boses.
“I don’t care about your affair, Vanessa. I don’t even care anything about your past. But I care about my affair and if you try to mess it up, all hell will break lose,” nag-aalab ang mga mata nya sa matinding galit na gustong kuwala sa kanyang dibdib habang nagtitimping h’wag mahablot ang mahabang kulot na buhok ng malditang Baldemor.
“I always get to keep what I want, bitch. I’ll get back what is first mine,” salubong nito sa mga makamandag nyang titig. Hindi nagpatinag sa mga banta nya at gumanti rin ito ng banta sa banta.
Natawa si Shey. Akala pala ng babae ay pagmamay-ari nito ang nobyo nya. Akala pala nito ay sya ang una sa buhay ng binata na ang sinumang babae nito ay huli lamang dumating sa kanyang buhay.
“Huh! I did not expect to find you as stupid Ms. Baldemor. Invalid ang claim mo. Miguel has been mine even before everyone of you came into his life. Do you think I am that naive, Vanessa? O gusto mong magkalkalan tayo ng kabulukan rito?” ganting tugon ni Shey. Sinagad talaga ng dalagang Baldemor ang pagpipigil nya.
“Should I start with Julian? Ang ambisyoso kong kaklase na si Julian at ang hambog na si Eleazar? They both have their share of your bounty, don’t they? And possibly, you might have lured Miguel once but not again that I am already here,” aniyang may halong blackmail ang mga tinuran.
“Your choice Ms. Baldemor because I don’t have the luxury of time to waste nonsensical banters with you,” tinantiya nya ang reakyon ng babae bago itinaas ang noo na para bang nagwagi sya sa isang paligsahan.
“Slut.” Anang babae nang maubusan ng sasabihin at muli sa paraan pa ring kalmado na talaga namang nagbigay ng nginig sa kalamnan ni Shey.
“Rinse your mouth, Vanessa. It’s spitting a lot of bullshit. Slut is not enough an adjective to define me Ms. Baldemor because you are the living epitome of what you said I am. ” Yon lang at tuluyan na nyang nilisan ang portico.
“Watch your back, bitch. I always get what I want,” patuya nitong pahabol sa kanya.
Di na sya muling lumingon pa at hinanap si Lizzie para makapagpaalam na dito.
Threats against threats. Kumpetisyon sa puso ng parehong lalake’ng kapwa pinaglalaban nila.
Nasasaktan sya at nangangamba sa matinding hamon ni Vanessa. Hamon na maaring ikawasak ng kanyang masayang mundo sa piling ni Miguel.
Isusuko nya ba ang kanyang tanging pag-ibig? Kaya ba nyang ipaglaban kahit walang katiyakan ang kanyang panalo para sa puso at pagmamamahal ni Miguel? May tapang ba syang harapin ang nagbabadyang hamon ni Vanessa?
One thing is for sure, she’s sure gonna watch her back.
Biyernes. Huling araw ng pasok sa opisina ni Miguel. Gusto sanang umuwi ni Shey sa Amio para makapag-relax sya sa tension na namagitan sa kanila ni Vanessa. Gusto sana nyang pag-usapan ang banggaan nila ni Vanessa Baldemor.
Subalit natatakot sya na kapag nalingat lang sya sandali ay baka may iba agad na lalandi sa kanyang nobyo.
Sa halip na umuwi, naisip nyang bakit hindi nya subukang palihim na magmasid sa kung hanggang saan ang kayang gawin ng malditang Vanessa Baldemor na yon para lang mapanindigan nito ang bantang pag-agaw sa kanyang nobyo.
Ringggg!
“Hello.”
“Hi babe, how are you?” boses ni Miguel sa kabilang linya
“I’m okay. Pauwi ka na ba for lunch?” tanong nya sa nobyo.
“Oh sorry sweetheart, dito nalang muna siguro ako mag lunch. Medyo may mga minamadali kaming projects na kailangang matapos agad,” tugon nito.
“Ah ganon ba?” may himig pagtatampo nyang sagot rito.
“Hey! Are you okay, love?”
“Yeah I’m okay. Don’t worry.”
“Pasensya na muna ha? Hayaan mo uuwi ako kaagad ‘pag tapos ko rito.”
“Okay! See you later.”
“I love you, babe.” At binaba na nito ang telepono
Para hindi mabagot at malungkot na kumain mag-isa ng tanghalian, nagpasya si Shey na mamasyal nalang sa mall tutal malapit lang naman ito sa tirahan nila.
Balak nyang mamili muna ng ilang English pocketbooks. Paborito nya yong mga romantic fantasy-adventure na babasahin. Kahit naman mga libro lang ay ayos na sa kanya para pampalipas ng oras.
Habang abala sa kakatingin sa mga interesanteng naka display sa mall, di yata’t nahagip ng kanyang paningin ang anyo ng lalaking nakaupo sa isang sulok ng lamesa sa isang coffee shop.
Laking gulat nya ng mapagsino ang kaharap nito sa kabilang mesa. Hindi sya maaaring magkamali dahil si Vanessa Baldemor talaga ang kaharap ni Miguel habang mukhang giliw-na giliw ito sa pakikipag-usap sa babae.
Biglang nag-init ang pakiramdam ni Shey. Naitulos yata sya sa kanyang kinatatayuan. Hindi nya alam kung ano ang gagawin.
Susugurin nya ba ang mga ito at mag-eskandalo? Sasabunutan nya kaya si Vanessa hanggang sa makalbo ito? O itapon nya kaya ang mainit na kape sa mukha ni Miguel? Ito na ba ang kaganapan sa banta ni Vanessa? Napakahina palang talaga ng kanyang kasintahan kaya pala kampante ang malditang Vanessa na aagawin nga nya itong muli.
Hindi nya kayang mag-eskandalo. Wala pa man, nag-uumpisa na syang masaktan. Nararamdaman na nya ang maaaring maranasan ng isang may kaagaw sa pagmamahal. Tumulo ang mga luhang pilit nyang pinipigil. Nagsisikip ang dibdib sa tindi ng sait ng damdamin. Muling syang nasaktan at talagang napaasakit.
Nanlulumo syang umuwi. Parang nawalan sya ng pakiramdam. Pakiwari nya ay masasagaan sya ng mga sasakyan kung tatawid sya ng kalsada. Animo’y lumabong bigla ang mga paningin nya at nagkulay-abo ang dating mala-bahaghari nyang mundo.
Hindi sya maaaring sumuko ng ganon na lang. Kahit kaunting pagtatanggol sa sarili ay nararapat lang naman siguro na ipaglaban nya ang labis na nagdurugong puso.
CHAPTER 9
Hinanda nya ang sarili bago pa man dumating si Miguel mula sa pagtatagpo nila ni Vanessa. Hindi nya pa ito nakikita subalit pakiramdam nya ay nandidiri na sya rito.
Sa labanan ng pag-ibig ang sumuko ay talo. Wala man syang lakas na lumaban ng sabayan kay Vanessa ngunit gagawin nya ang nalalaman nyang tama.
Marahil nga hindi sya ang dapat na lumaban kung maaari naman nyang subukang alamin kung kaya syang ipaglaban ni Miguel sa mga panunukso ni Vanessa rito.
“Babe, I’m home,” sa pinto pa lang ay dinig na ni Shey ang boses ni Miguel.
Nagkunwari syang walang nanirig. Inayos nya ang volume ng ipod na nakasuksok sa magkabilang tainga.
Nakita nyang pumanhik sa silid sa itaas ang nobyo. Maya-maya pa’y mabilis rin itong bumaba.
Ipinikit ni Shey ang mga mata. Gusto nyang pigilan ang paghinga dahil nasu-suffocate sya sa nalalanghap na hangin.
Naglaho yata ang oxygen sa paligid nya. Nagsisikip ang kanyang dibdib ngunit kailangan nyang panindigan na wala syang ganang kumilos dahil sa kanina.
Pinapanood nya ang paghahanap ni Miguel sa kanya habang tinatawag ang kanyang pangalan. Wala syang ganang kumibo at umalis mula sa kinauupuang pool chair malapit sa may gilid ng swimming pool. Muli nyang ipinikit ng mariin ang mga mata.
Bigla ang pagdampi ng halik sa labi nya. Matamlay syang dumilat at bumungad sa kanya ang bouquet ng mga bulaklak na bigay ni Miguel para sa kanya. Kunwari ay ini-off nya ang ipod at marahang tumayo.
Bigla syang niyakap ng nobyo. Kakaibang yakap na mahigpit at may halong pananabik. Walang mga salita ngunit ramdam nya ang init ng pagmamahal nito. Nalilito sya.
“I miss you,” bulong nito sa kanya habang mahigpit syang ikinulong sa mga bisig nito. Gusto ng bumigay ni Shey sa mga sandaling ito ngunit naaalala pa rin nya ang kaninang tagpo sa coffee shop.
Hindi sya kumibo.
“Alam ko na nagtatampo ka sa akin kanina kasi hindi kita nasaluhan sa tanghalian,” anitong bahagya syang inilayo at hinawakan sa magkabilang pisngi.
Lumapat ang isa pang matamis na halik sa labi nya na halos magpabura sa matinding sama nya ng loob kanina. Pinili nya pa ring magmatigas at ipakita sa katipan na nagtatampo syang talaga.
“I’m very sorry, babe.” Malambing nitong bulong sa kanya.
“Kumain ka na ba?” tanong nya dito at pagsawata na rin sa momentum nito at sabay ng pagpakita nya ng pagtatampo.
“Mmm. Medyo pero kanina pa yon kaya…”
“Good. Coz I’m leaving.” Batid nyang nabigla ang nobyo sa tinuran.
“What?” naglaho ang amo sa mukha nito at napalitan ng pagkabigla.
“I’m leaving,” kaswal na ulit nya dito.
“Leaving? Bakit saan ka pupunta?” napansin ni Shey ang bahagyang pagtaas ng tono ng boses nito.
“Uuwi muna ako sa Amio.”
“Uuwi ka? Bakit? Look, Shey sweetheart. Alam ko nagtatampo ka sa akin and I’m sorry for that pero…”
Biglang tumalikod si Shey pabalik sa loob ng bahay. Nagbabadya ng pumatak ang mga luha nyang kanina pa pinipigilan. Masakit na ang dibdib nya sa pagtitimpi sa nararamdamang sama ng loob dahil kaya palang maglihim sa kanya ng nobyo.
Tumakbo sya paakyat sa kanilang silid.
“Shey wait,” sumunod sa kanya si Miguel hanggang sa maisara nya ang pintuan.
“Shey. Buksan mo ito, please.” Kinakatok sya ng nobyo subalit ayaw nya itong pagbuksan.
“C’mon sweetheart let’s talk about it, okay.” Hindi pa rin nya pinansin ito.
“Gusto mo ba akong matulog dito sa labas ng pinto? Hindi ka ba maawa sa akin?” patuloy ito sa pagkatok sa pintuan.
“Wag mo naman ako iwasan, babe. Alam mo hindi pa ako kumakain at hindi ako aalis dito hangga’t hindi ka lalabas d’yan para kausapin ako.” Wala pa ring nagbukas.
“Sige. If you really want to go to Amio aalis tayo pero…”
Biglang bumakas ang pinto at isang Shey ang nakatayo sa tapat ng pinto na anyong kakatukin pang muli ni Miguel.
“Let’s go.” Matigas pa ring saad ni Shey.
“Babe, can we go tomorrow instead?”
Tumalikod muli si Shey at nagtuloy sa may kadilimang bahagi ng terrace na karugtong ng kanilang silid.
“S-sweetheart, wait.”
Biglang napakamatampuhin at sensitibo yata ni Shey ngayon. Parang naglilihi kung kumilos ang nobyaa nya. Napangiti si Miguel.
Marahan nyang niyakap ang nobya sa likuran at batid nyang tahimik itong umiiyak. Nalilito man sya ngunit parang hindi simpleng pagtatampo ang dahilan ng pagwo-walk out nito sa may pool kanina.
Hinayaan nya lang muna ito para maibsan ang anumang ikinasama ng loob nito sa kanya.
Inakay nya ito paupo sa divan. Bagama’t napakaromantiko ng gabi dala ng tahimik na paligid ngunit dumiin din ang bigat ng pagtatampo nito sa kanya.
“If you want to go back to Amio, sige uuwi tayo pero dalawang oras ang biyahe sweetheart kaya malamang hating gabi na tayo makakarating doon. Okay lang ba kung bukas ng maagang-maaga tayo aalis?” aniyang pinihit ang nobya para ihilig sa kanang dibdib nya.
Hindi pa rin ito kumibo kaya wala syang nagawa kundi magkasya na lamang na yakapin ito. Hinahalik-halikan nya ang buhok nito at nararamdaman nya ang unti-unting pagbangon ng pananabik sa nobya kahit araw-araw nya naman itong nakakasama.
Bulong ng mga kuliglig at kulisap ang tanging naririnig ni Miguel. Miminsang nababasa ng patak ng luha ang mga braso nyang nakayakap kay Shey.
“Babe, tama na please? Huwag ka ng umiiyak. Look, I’m sorry. I’m so sorry talaga,” bulong nya pa rito.
“Si Vanessa, kasama mo sya kanina di ba?” Mahinahon ngunit batid ni Miguel ang tinutumbok ng tinuran ng dalaga.
Hindi sya agad nakakibo sa pagkabigla. Sinasabi na nga ba nyang hindi simpleng pagtatampo ang dahilan ng pagmamaktol ng mahal nya.
“Ano ang ugnayan ninyong dalawa Miguel at pati ang pagtatagpo ninyo ay inilihim mo sa akin.” Diretsang tanong ni Shey sa nobyo.
Ugnayan? Kung ganon iniisip pala ng kanyang mahal na marahil ang nakita nitong kaninang pagtatagpo nila ni Vanessa ay ang dahilan ng pagtatampo nito.
“Look, I’m very sorry sweetheart, okay? Inaamin ko na nagkita mga kami kanina pero yon ay dahil may proyektong inilapit ang kanyang Papa sa kanilang bagong business firm. Balak nilang ipagawa ang structural design sa akin. ” Pagapapaliwanag nya.
“Vanessa is into you, Miguel. Hindi mo ba nakikita yon?” Bumalik ang galit ng nobya nya sa kanya.
“I know. Pero alam naman nya na ikaw na at ikaw lang ang mahal ko. Ikaw lang ang tanging babaeng nandirito sa puso ko. Hindi ko na sinabi sayo na nagkita kami kanina kasi alam ko na magagalit ka at ayokong magkatampuhan tayo.”
“She’s cooking something to get you. She told me that.” Umiiyak na muling saad ni Shey. Muli na naman itong umiyak ng umiyak.
“Shhhh! Tama na, okay. Hindi ako mawawala sa’yo kasi ikaw lang ang mahal ko. Ikaw ang may-ari ng puso ko at kahit ano pang gawin ni Vanessa, pagtiwalaan mo ang puso ko Shey kasi ikaw lang ang itinitibok nito.” Seryoso niyang paliwanag sa humihibi paring nobya.
Yumakap sa kanya si Shey at batid nya na nasaktan ito sa nakita kanina. Hindi nya naman sinasadyang saktan ito. Nagkataon lamang na sya ang available sa araw na iyon para tingnan ang proyekto ng mga Baldemor.
“Tama na okay. Wag ka ng umiyak kasi bukas mamumugto yang mga mata mo at hindi ka na cute nyan.” Ginawaran nya ito ng masuyong halik sa mga labi at niyakap ng mahigpit. Ipinadama nya sa papamamagitan ng mga yakap ang tindi ng kanyang pagmamahal.
“Shey, honey, dinidyeta mo yata itong mahal mo. Gutom na nga ako gusto mo pa akong iwan kanina,” paglalambing nya rito habang inaayang bumaba sila at maghapunan.
“Baka nabusog ka na sa ka-meeting mo kanina,” ganting biro nito sa kanya.
“Hindi. Ikaw naman oh. Ikaw lang ang gusto kong ihapunan kaya humanda ka, babe. Bubusugin mo ako,” sabay haklit nya sa baywang ng napakatampuhing nobya. Napatili ito at ikinulong nyang muli sa kanyang mga bisig.
“I love you.”
“I love you, too. Don’t make me lose you again, please”
“I will do all my best to keep you with me and I love you more.”
“Prove it.” Panghahamon ni Shey sa kanya
Matinding pagkasabik ang ipinadama ni Miguel sa kasintahan sa pamamagitan ng mga halik at yakap. Halos ayaw na nya itong bitawan at ilang hakbang nalang ay naghihintay na ang malawak nilang kama.
“Let’s have dinner.” Sinawata sya ni Shey sa mga maiinit nyang halik rito.
“You’re my dinner.”
“Hindi ka mabubusog sa akin.”
“You’re my most delicious meal, love.”
“Eh pa’no ako, hindi pa ako nag dinner eh.”
“Hindi pa ba ako sapat sayo, love?”
“Love? Bakit love na at hindi na sweet o kaya sweetheart,” painosenteng tanong nito sa kanya.
“Kasi inaway mo ako kanina kaya kung anu-ano na lang itinawag ko syo para kibuin mo ako.”
Humagikhik si Shey nang siilin sya ng halik sa leeg at tainga ni Miguel.
Hindi man madali ang panatilihin ang commitment ngunit para kay Shey anumang commitment ay sugal na susuungin kung matatamo ba ang kaligayahang inaasam o ito ay pagsasayang lamang sa oras ng dalawang nasa sitwasyon. Ganunpaman, tatawirin nya ang tulay kapag sya ay naroon na.
Ang taong nagpapaluha sa kanya ay ang taong kanya ring minamahal. Ito lang din ang tanging tao na makakapagbigay sa kanya ng kaligayahang hindi kayang ibigay ng iba. Ganoon lang marahil ang pag-ibig. Masalimuot pa sa hindi pagkakaunawaan ng dalawang naglalabang bansa.
Habang daan pabalik sa bayan ng Amio, nahehele si Shey sa mahinhing alog ng kanilang sasakyan kung kaya’t hindi nito napigilang maidlip habang nakahilig sa kanang braso ng nobyo.
Miminsang magmulat sya ng mata ay nagtatayugang mga niyog ang kanyang nakita. Nagtaka sya sapagkat walang matatayog na niyugan papasok sa bayan.
“Nasaan na tayo?” tanong nya kay Miguel na abalang sumisipul-sipol sa tugtuging naririnig nito mula sa car stereo habang nagmamaneho. Nagising sya sa mahinang pagsabay nito sa kantang pumailanlang sa loob ng sasakyan.
“Malapit na tayo, mga tatlong kilometro na lang,” anitong lumawak ang pagkakangisi.
“Ramon Miguel, may binabalak ka ba at ganyan ka na naman makangisi sa akin?” nag-aalalang tanong ni Shey sa nobyong kung makatingin sa kanya ay halatang may tinatakbo ang isipan nito.
“Sweetheart naman, you’re getting too jumpy lately. Sobrang masungit ka pa kaya iniisip ko tuloy na…” sinadya nitong ibitin ang mga sasabihin pa.
“Anong ibig mong sabihin? Na talagang maarte ako tapos masungit pa kaya nagsisisi ka na kasi ganito pala ako saka…” mabilis na litanya ni Shey samantalang naalarma naman ang lalaki sa sinabi ng kabiyak kaya sumingit na sya.
“H-hey hey! Time out, babe. Wala naman akong masamang ibig sabihin. Iniisip ko lang na baka…” nahirapang ituloy ni Miguel ang sasabihin dahil baka hindi pa handa ang nobya nya sa pagdadalang tao.
“Kita mo na? Nagdadalawang-isip ka na dahil nalaman mo na ganito pala ako. Sobrang sensitive saka maarte at…. Oh my gosh!” kinabahan si Shey. Hindi nya naisip na baka buntis sya kaya napakasensitibo nya sa lahat ng bagay. Hindi naman siguro dahil wala naman syang naramdaman nitong nakaraan.
Natutop nyang bigla ang bibig. Ayaw nyang magmukhang balyena sa taba dala ng pagbubuntis dahil tiyak ang pangit ng kanyang hitsura kapag nagkaganon. Baka magluko na ng tuluyan ang kanyang nobyo at baka patulan nito si Vanessa.
“Hey! Relax sweetheart, okay? Walang magbabago sa pagtingin ko sayo, okay? Kahit tumaba ka pa o kaya maging kasing heavy-gat ka ng balyena, ikaw pa rin ang mahal ko. Magpa-lyposuction ka nalang kay Vicki Belo,” natatawa nyang biro sa nakabusangot nyang nobya.
Bigla syang pinagkukurot ni Shey sa tagiliran, sa braso, o sa kahit saang parte ng katawan nyang hindi kayang iwisan ang mga kamay ng nito.
“Tama na babe ha, baka mamaya nyan kung ano na ang makurot mo d’yan. Muntik mo ng madale ha. Gusto mo bang ihinto ko itong sasakyan at ako naman ang…” sinulyupan nya ang umirap na katipan.
Medyo namula ang mga pisngi nito kaya kinabig nya ito at hinalikan sa ulo. Yumakap naman ito sa kanya at ng tumingala ito ay ginawaran nya ng matamis na halik sa mga labi.
“I love you,” bulong nya rito.
“Hmmm. Pilyo,” anitong napawi na rin ang pagmamaktol nito kanina.
“Hindi ah. Ikaw nga d’yan ang nanunukso eh. Muntik mo ng madale si Boktotoy ko,” hirit nya at muli ay nakatikim na naman sya ng mga pinong kurot mula rito.
“Babe, pag hindi ka tumigil, ititigil ko itong sasakyan,” banta nya kay Shey na agad naman ding tumigil sa pangungurot sa kanya.
CHAPTER 10
“Hindi na po. Titigil na po,” parang batang wika ni Shey.
“Natatakot ka pala sa gagawin kong parusa sayo eh,” patuloy pa rin si Miguel sa pambubuska sa nagba-blush na nobya.
“Hmp! Pilyo!” anito pang pinagsalikop ang mga braso sa dibdib para ipakitang nilubayan na nya ng pangungurot rito.
“Natatakot ka eh. Tingnan mo oh, nagbait-baitan ka na sa akin dahil ayaw mong parusahan kita,” baling ni Miguel sa natatahimik katabi.
“Hmp! Kasi salbahe ka kaya ayoko ng kulitin ka,” pilit inilalayo ni Shey ang sarili sa nobyo kahit pa nasisikipan na sya sa seatbelt na nakakapigil sa kilos nya.
“Di nalang sana ako kumanta para hindi ka nagising para pagdating natin doon bubuhatin nalang kita at idiretso sa kwarto. Hindi ka na makakatakas pa sweetheart kaya laking pagsisisi ko kung bakit kumanta pa ako,” lalo nyang kinulit ang babae na biglang nanahimik mula sa kalulitan nito kanina.
“Malayo pa ba tayo? Parang ibang daan itong dinadaanan natin eh,” palinga-linga sa paligid si Shey. Medyo hindi na pamilyar ang dinadaanan nila.
“Malapit na. Biglang liko nalang tayo pakaliwa mula sa nagtatayugang mga puno doon sa may junction,” itinuro ni Miguel ang palikong daan sa unahan nila ng kanang daliring nakahawak sa manibela.
“Ha?” parang nagulat ang reaksyon ni Shey.
“Bakit? Sa likod ng malugong mga punong yon ang resthouse ng hasyenda. Lampas na tayo sa bayan ng Amio, babe.” Naaliw si Miguel sa reaksyon ng katipan. Halatang nagulat ito at kung anuman ang tumatakbo sa isipan nito, sya namang ikinasiya ng loob nya.
“Ha? Ah eh may tao ba doon sa resthouse nyo?” simpleng tanong nito at tuluyan na ngang na-amuse mi Miguel sa kakatuwang reaksyon nitong babaeng minamahal nya.
“Ano ka ba, babe. Relax okay? May katiwala doon sa resthouse na nakatira sa malapit lang. Ano bang ikinabahala mo? It’s safe there. Wala ka bang tiwala sa akin?” nabahala na tuloy sya sa nobya.
“Kasi ginagabi na tayo, sana pala inagahan natin ang alis kanina.” Seryosong wika ni Shey.
“Eh pinuyat mo ako kagabi kaya tinanghali tayo ng gising.” Tiningnan lang sya ng nobya.
Ano ba itong mahal nya. Napaka unpredictable. Hindi nya tuloy malaman kung mag-aalala o maiinis dito. Wala naman syang nakikitang maaaring ikabahala nito.
“Hey are you scared or something?” Tumingin sa kanya ang nobya at bahagyang tumango lamang.
“Look! Alam kong nayon pa rin ito pero it has been years para maging superstitious ka pa rin. Nagbago na ang karamihan dito at lumipas na ang mga usap-usapan tungkol sa mga nangyayaring kababalaghan dito noon.” Tumango lamang sa kanya ang katipan at pasimpleng lumunok para ampatin ang bumabangong kaba sa kung anuman.
Nasa tapat na sila ng nakasaradong gate ng resthouse nila Miguel. Oo nga, malaki na nga ang pinagbago ng dating kubo lamang na pahingahan. Moderno na nga ito bagama’t kugon pa rin ang bubong nito pero nalangkatan naman ito ng itim na lambat para hindi madaling sirain ng malakas na hangin o ulan kahit pa natitigang ito sa sikat ng araw.
“Sandali lang babe ha. Kukunin ko lang ang susi kay Tatang Teban.”
“Sasama ako.”
“Okay. Maipakilala na rin kita sa kanila,” bagaman nanibago sya sa ikinikilos ng nobyak ay hindi na rin sya kumontra pa.
Hapit nya sa baywang si Shey habang tinitumbok nila ang kubo ng katiwala. Mga ilang hakbang rin ito mula sa resthouse at napapaligiran rin ng nagtatayugang puno ng mga niyog at mga puno ng prutas.
Mga sampung hakbang nalang at kubo na nila Mang Teban kung kaya’t tinawag na ni Miguel ang katiwala. Maya-maya pa’y lumabas na ito at masayang sinalubong ang anak ng kanyang amo.
“Uy, kayo pala senyorito. Ano ba’t ginabi kayo ha,” salubong ng matanda na sa unang tawag pa lang ni Miguel ay kabisado na nito ang boses ng lalaki.
“Medyo ho. Pasensya na kayo at hindi ko kayo nasabihan sa dating namin. Siya nga ho pala si Shey. Ang nobya ko po,” pagpapakilala ni Miguel. Akay na nito sa kamay ang dalaga.
“Magandang gabi ho,” anas ni Shey.
“Magandang gabi din naman iha, este senyorita.” Di mapigilan ng matanda ang pangingislap ng mga mata. Halatang napahanga ito sa simple ngunit malakas na dating ng katipan ng kanyang senyorito. Batid ng matanda ang tipo ng ganitong itsura, iyong tipong ikakadena ng senyorito nya sa kanyang mga braso ng di na makawala pa.
“Walastik! Eh hanep naman sa ganda itong nobya nyo, senyorito. Pining! Halika sandali rito. Ang senyorito naririto.” Sa kakulitan ng matanda pati ang asawa nitong abala sa paghahanda ng hapunan ay inabala pa.
“Uy senyorito. Napadalaw kayong bigla. Akala ko nama’y kung sino lang ang naghahanap kay Teban,” bungad ng maybahay ni Mang Teban.
“Uy Pining, sya ang magandang nobya nitong si senyorito Miguel. O hindi ba’t ang ganda-ganda nya,” pagmamalaki ng matandang lalaki sa esposa.
“Eh nakikita ko naman Tandang Teban. Ikaw nga’y napaghahalatang mahilig sa magaganda. Kulang nalang eh ikaw ang pumili ng magagandang dalaga para sa binata mo, damuho ka. Ah eh kumusta ka naman, senyorita,” baling ni Aling Pining kay Shey matapos mahampas sa braso ang asawang kung makangiti eh kilig na kilig sa dalawang magkatipan.
“Mabuti naman po. Palabiro po itong asawa nyo Nanang Pining.” Simpleng wika ni Shey.
“Ah iha este senyorita pala,” kandabulol na wika ni Mang Teban.
“Shey na lang ho Tatang Teban,” singit ng dalaga.
“Ah eh Shey iha, hindi ka ba pinahirapan nitong si senyorito. Sabihan mo lang sa akin kapag pinaiyak ka nitong batang ito at ako ang pipingot dyan para sa’yo,” patuloy pa rin ito sa masayang pagbibiro na akala mo naman ay matagal na silang magkakilala.
“Hoy Teban, maari ngang kunin mo na ang susi ng malaking bahay at ng makagpahinga na sina senyorito,” sawata ng asawa nito sa kakulitan ng esposo.
Nangingiti lang ang mag-nobyo. Natutuwa sila sa masayang pagsalubong ng mga ito sa pagdating nila. Bagama’t bihira ang mag-anak ng pamilya nila Miguel na pumasyal sa bahay-baksyunan na ito ng hasyenda, nakakatuwa pa rin ang pagsalubong ng mga katiwala nila rito.
Pag-abot ni Mang Teban ng mga susi kay Miguel ay nagpaalam na sila sa mag-asawa. Bagaman at niyaya silang doon na maghapunan ay tumanggi sila dahil naparami ang meryenda nila kaninang huminto sila sa isang food chain sa naunang bayan bago ang bayan ng Amio.
“Siya nga pala senyorito. Naririto nga pala noong nakaraang araw si senyorito Gabriel,” pagpapaalam ng matanda. Tumango lamang si Miguel at muling nagpaalam sa katiwala.
Matapos makapaghapunan mula sa baon nilang mga groceries, inatupag ni Shey ang pag unload ng mga bihisan nila mula sa dala-dalang luggage. Kahapon lamang ay gusto nyang maglayas at ang lugar na gusto nyang puntahan ay itong resthouse mismo nila ni Miguel ang tanging nasa isip nya.
Di nya inakalang kasama nya pala sa paglalayas ang nobyo at lihim syang dinala sa lugar na ito dahil naidlip sya sa biyahe nila.
Wala syang masabi sa bahay-bakasyunan na ito bagama’t ito ay tipikal na bahay sa probinsya o nayon, hindi naman nahuhuli sa convenience ang kagamitan sa loob ng kabahayan.
Kung dati ay madilim sa bahaging ito ng nayon, ngayon ay nararating na ito ng serbisyo ng elektrisidad kung kaya’t ang ilan sa mga kabahayan rito ay may makikita kang nakatayong antenna sa tuktok ng kanilang mga bubong.
Dahil sa exposure sa city living ng mga nagbabakasyon rito, hayon at pati cable mayroon dito. Anumang technology ang nais nilang i-extend sa nayong ito ay mayroon dito kung kaya’t mayroong full convenience ang mga sinumang gustong magrelax dito.
Narinig ni Shey ang pagtawag ni Miguel sa pangalan nya mula sa salas. Nilabas nya ito at naabutan nyang nagbubutil-butil na ang mga pawis nito sa kakabuhat ng mga rafting equipment nila. Balak kasi nilang mag whitewater rafting sa ilog sa may di kalayuan.
“Babe, baba lang ako saglit. Aayain ko lang si Tatang Teban at si Ebong na mag rafting bukas ng umaga,” palabas na sana muli si Miguel ngunit napansin nyang hindi sya sinagot ni Shey.
“Babe, bakit?”
“Wala. Parang mabigat lang ang pakiramdam ko.”
“Are you okay? Para ngang namumutla ka,” nag-alala na si Miguel sa nobya.
“I’m okay. Sige umalis ka na.” Pagtaboy nya sa lalaki dahil hindi nya maintindihan ang klase ng pakiramdam nya.
“You’re not scared to be alone, don’t you?” pabiro pa nitong baling sa kanya habang papahiga sya sa sofa. Mabigat talaga ang pakiramdam nya.
Hindi kumibo si Shey. May mali talaga sa pakiramdam nya. Narinig nya ang mga yabag ni Miguel pababa sa hagdan.
Biglang inatake ng matinding pagduduwal si Shey at muntik na syang hindi umabot sa lababo ng banyo sa kanilang silid. Naisuka nya yata ang lahat ng inihapunan nya. Kinabahan sya. Hindi normal ang nagduduwal at nagsusuka ng ganito.
May ilang minuto ring walang ampat sa pagduduwal at pagsusuka si Shey. Abut-abot ang kaba nya dahil hindi maaaring magkakatotoo ang takot nya kaninang nagpahaging si Miguel sa sasakyan.
May hinala na si Shey kung kaya’t hindi na sya nagdalawang-isip pa na gamitin ng itinatago nyang pregnancy kit. Nag-iisa lamang ito sa mga toiletries na dala-dala nya kaya’t madali nya itong nadampot pabalik sa banyo.
Napatili si Shey.
Kinabahan si Miguel sa narinig na tili ng nobya kaya’t inilang hakbang nya lamang ang hagdan.
“Shey! Babe, where are you?” pasugod na sa silid si Miguel sa matinding pag-aalala ngunit wala si Shey sa kwarto. Napatingin sya sa banyo at nabuhayan ng loob dahil bukas ang ilaw roon.
Nang marining ni Shey ang boses ni Miguel, nanginginig ang mga kalamnan nya sa pagkabigla kasabay ng pagbukas ng pinto ng banyo. Di sinasadyang nalaglag ni Shey ang hawak na test kit na timing namang sa dust bin ito nahulog.
“Babe, what’s wrong?” gilalas na taong ni Miguel.
“W-wala. Muntik lang akong madulas.” Kumapit sya sa braso ng lalaki ng akayin sya nito pabalik sa silid.
“Becareful, sweetheart. Kaunting ingat at malayo tayo sa bayan.” Anito pa.
Hindi makapagsalita si Shey. Nayanig sya sa nakitang resulta. Halos manginig sya nakitang dalawang pulang guhit sa test kit. Nag-aalala sya. Mayroon ba syang pregnancy fear kaya ganon na lamang reaksyon nya? Biglang sumagi sa isip nya kung papano nga ba ang maging buntis.
Oh my God! Magiging mommy na nga yata ako.
Inakala ni Miguel na na-shock si Shey sa muntik na nitong pagkadulas kaya niyakap nya ito. Lumuwag naman ang pakiramdam ni Shey dahil ramdam nya ang suporta at pagmamahal ng lalaki sa kanya.
“Miguel?”
“Hmm?”
“Wala.”
Ano kaya ang magiging reaksyon ni Miguel kung malalaman nyang magiging ama na sya. Matutuwa kaya ito o baka ma pressure din sa responsibilidad ng pagiging magulang at ama.
Hmp! Bahala na nga si batman? Bakit ko ba poproblemahin ang mga bagay na ito gayong hindi naman ako pinoproblema ng mga problema.
“May sasabihin ka ba?”
“Wala naman.”
“Gusto mo bang sumama bukas na mag rafting?” kaigpala’y tanong nito sa kanya.
“Hmmm I wanted to pero di kaya delikado?” nagsisimula na si Shey na mangamba para sa sarili nya at sa mumunting buhay na dala-dala nya.
“Sabagay. Medyo risky nga kahit hindi naman ganoon ka grabe ang mga rapids. Sige wag na lang. Or can you do me a little favor?” tanong pa nito.
“Hmmm… anong favor?” aniya.
“Maybe you could drive back and fetch us sa may bayan. Doon sa boat dock sa paanan ng bundok sa likod ng plaza,” may panunuyong pakiusap nito sa kanya.
“Sure, yon lang pala eh. Pero…” ibinitin nya ang sasabihin. Kinagat naman ito ni Miguel.
“Pero… alam ko na. May hihingin ka ring pabor kapalit ng pabor na hinihingi ko.” Nababasa na ni Miguel ang nasa isipan ng nobya at hindi sya nagkakamali dahil ngumisi ito.
“Okay. Anong pabor naman ang kapalit?” masuyong ginawaran ng halik ni Miguel ang dalaga.
“Pwede mo ba akong bigyan ng suha?” nangisngislap ang mga mata at malambing na ungot ni Shey kay Miguel.
“Suha?” Shock na ulit ni Miguel sa kung tama nga ba ang kanyang narinig.
Hindi inaasahan ni Shey ang reaksyon ng lalaki. Nabigla ito na natatawa at parang nagtataka. Kakaibang reaksyon kaya dagli ring nagbago ng emosyon si Shey. Sumimangot siya at biglang naghalukipkip na parang nadbabadya ng paparating na pagtatampo na naman.
“Of course, of course. Sige ihahanap kita ng suha.” Bigla namang kumambyo si Miguel at sumang-ayon ng makitang magtatampo na naman ang mahal nya.
Umaliwalas kaagad ang mukha ni Shey kaya masaya na rin si Miguel na maghanap ng suha.
Inaykupo! Saan bang lupalop mayroong suha at parang maa-outside de kulambo ako kapag di ako makahanap ng prutas na yon.
“Shey, sweetheart, pwede bang saging na lang?” pagbabaka sakaling tanong nya rito.
“Hindi pwede. Suha talaga gusto ko.”
Kahit ba nakayakap ang nobya sa kanya kapalit ng suha na yon ay hindi pa rin maiisip ni Miguel kung saan mayroon suha dahil hindi talaga panahon ng mga suha tuwing ganitong mga buwan.
“Pwede bang hilaw na suha o kaya ay dahon ng suha na lang?” kunwari nahihirapan sya para maawa sa ito kanya.
“Ngek! Miggy papano ko kakainin yong hilaw na suha o kaya dahon.” Bahagyang kuwala sa pagkakayakap nya ang dalaga at pinanlakihan sya ng mga mata nito.
“Okay, okay. I’m just kidding, sweetheart. Ikaw naman di na mabiro. Payakap nalang ulit,” akma nyang yayakaping muli ang kabiyak.
”Hmp. Ang baho mo na, Miguel. Maligo ka na nga,” asik nito sa kanya.
“Teka. Kailan ka pa nagreklamo sa amoy ko eh dati naman akong yumayakap sa’yo ah,” ganting reklamo nya.
“Hehehe ngayon lang. Sige na maligo ka na.” Tumayo nga si Miguel at tutuloy na sa banyo. “Hep hep hep! Wag kang mag splash ng kahit cologne ha.” Babala sa natitigilang si Miguel.
“Babe hindi naman talaga ako nagpapabango pagtapos mag shower ah. Natural scent ko na yong cologne na sinasabi mo. Wait a second…. Are you…?” di na naituloy pa ni Miguel ang mga sasabihin.
“Ano na naman. Hoy Miguel ha! Ang dami mong alibi. Maligo ka na nga,” asik na muli sa kanya ni Shey.
“Baka lang kasi… kuwan… I was just wondering if you’re…” di na itinuloy pa ni Miguel ang mga sasabihin. Bubulong-bulong syang pumasok sa banyo. Nagtataka lang sya kung bakit parang nag-iba si Shey nitong mga nakaraang araw. Di naman ito dating bugnutin. Hindi rin naman maarte at sensitibo sa mga simpleng bagay. Haay! Ang mga babae nga naman oo.
Biglang bumukas muli ang pinto ng banyo at nakatapi ng tuwalyang lumabas si Miguel mula rito. Lumapit ito kay Shey.
“Babe, sabay na tayong maligo, tingnan mo oh amoy biyahe ka pa. I’m sure di ka pa naliligo. Halika na sabay na tayo,” yaya nya sa nobya
“Ayoko. Ayoko sumabay sayo. Uy Miguel ha, tigil-tigilan mo nga ako. Alam ko na iyang nasa isip mo ,” iwas nya.
“No. I didn’t mean anything. Promise I’ll behave like a baby,” aya nya pang muli.
Natigilan si Shey. Bigla syang kinabahan. Nagkahinala na ba si Miguel sa kalagayan nya?
“Uy Miguel tumigil ka ha,” patay tanggi nya sa kakulitan ng lalaki.
“C’mon sweetheart! Ikaw din naman mabantot na. Wala kang kiss sa akin mamaya sige ka ikaw rin,” binuhat nya ang nobya. Alam nyang may balak din itong mag shower dahil nakaroba na ito kaninang inabutan nya sa loob ng banyo.
“Miguel put me down. Ikaw ang walang kiss mamaya kapag di mo ako ibinaba,” nagkakawag si Shey ngunit si sya binitiwan ng lalaki.
“Okay lang walang kiss, may hug pa naman eh,” at nagtagumpay nga si Miguel na isama si Shey sa pagsi-shower.
“Babe, you’re a bit heavy.” Aniyang napansin na nagkakatimbang nya yata ang mahal nya.
“Walang kiss, walang hug, wala lahat. Dahil you think I’m heavy.” Painis nitong turan sa kanya.
“Babe you’re so mean. Magma-magic na nga ako ng suha bukas tapos wala na akong kiss, wala ng hug at wala pa lahat.” Maktol kunwari ni Miguel Hagikhikan at matatamis na lambingan ang sumunod na kaganapan.
Masama ang gising ni Shanon. Mabigat ang pakiramdam nya. Pakiramdam pa nya’y nagliliyo ang kanyang paligid.
Maya maya lang at bahagyang bumuti na ang kanyang pakiramdam kaya makakapagmaneho na rin sya papuntang bayan. Dahil linggo na at may pasok si Miguel kinabukasan, babalik na sila ng syudad kaya napagkasunduan nilang tutuloy na rin pagkatapos mag rafting ng kanyang nobyo.
Nagpaalam sya kay Nanang Pining at muling inihabilin ang resthouse sa pangagalaga ng mga ito.
Nakasanayan na ng mga tagarito sa bayan ng Amio at sa mga magsasaka sa karatig pook na tuwing Linggo ay araw ng pagtatagpo. Ibinababa ng mga taganayon ang kanilang mga aning bukid at ipinagbibili sa mga mambibili sa bayan.
Ganito na talaga sa bayang ito dati pa kahit noong ito ay maliit pa lamang na pamayanan. Marami-rami na rin ang mga taong naglalakad sa daan at sungon-sungon ang kanilang mga ipagbibiling mga ani.
Naaaliw na maaalalang muli ni Shey ang tuwa tuwing araw ng Linggo sa bayan na ito. Halos lahat ng mga tao ay masasaya sa kabila ng hirap ng buhay magsasaka.
Napansin ni Shey ang lalaking pababa mula sa dulong burol ngunit iba ang dating nito kaysa karamihan ng mga bumababa ng bayan.
Hindi nito sunong-sunong ang dalahin. Nang malapit na ito sa kanya habang hinanda ang gagawing pagmaneho sa wrangler jeep ni Miguel, ngumiti sa kanya ang lalaking parating na may subkit na backpack sa likod.
“Leaving to town?”
“Gabe? What are you doing here and where have you been? Akala ko nasa Cebu ka na ulit?”
“I was up there discovering new trails.”
“Hmm. Tigil-tigilan mo na iyang mga outdoor activities mo. Pareho talaga kayo ng kapatid mo.”
“How are you and my brother?”
“Naku, hayun, di maiwanan ang hilig. Nag whitewater rafting sila kasama si Tatang Teban at anak nito.”
“It’s in the blood. Mabuti nga at hindi na babae ang hilig ni Miguel.”
“Naku, subukan nya. Tinitiyak kong hindi na nya kami makikita ng kanyang magiging anak.”
“What? Are you pregnant?”
“I think I am. I’m feeling strange lalely. I guess I have to confirm it with my OB.”
“Oh that’s great. Ako na ang magmaneho. Pupunta rin ako sa bayan. I have to collect some things.”
“Tamang-tama. Buti naabutan mo ako”
“Let’s go.”
Habang hinihintay ni Shey ang pagdating nila ni Miguel sa may pantalan ng mga pumpboats. Bigla syang nakaramdam ng matinding pagkaliyo. Nagdilim ang kanyang paningin at tuluyan na syang bumagsak.
“Shey!” napasigaw si Gabriel.
Mabuti na lang at nasalo sya ang dalaga kung hindi ay baka bumagsak na ito sa batuhang bahagi na iyon ng ilog.
“Shey! Wake up!” tinapik-tapik nya ang pisngi ng babae ngnit umungol lamang ito. Namumutla na ito kaya nagpasya syang iuwi na lang ito.
Naku! Malilintikan talaga sa kanya ang kapatid. Bakit ba ang tagal nilang dumating sa pantalan gayong mahina na ang isang oras pababa sa ilog. Alam niyang mas malapit ang daan sa ilog kaysa kalsada kaya akala niya’y naroroon na si Miguel.
“Gabe! Bakit narito ka? Nakita mo ba si Shey? Usapan naming dito nya ako hintayin.”
“Naroon sya sa bahay.” Anang binata.
“Bakit ikaw ang may dala ng sasakyan ko. Si Shey? Is she okay?” gumuhit ang matinding pag-aalala sa mukha nya.
“She fainted. Hinintay ka nya rito kanina,” anang binata matapos tulungang iangkas sa likod ng sasakyan ang mga gamit ng kapatid.
“What? Bakit sya hinimatay?”
Si Gabriel ang nagmaneho pabalik sa lumang bahay. Hindi sya tinugon ng binata.
“Ano yang dala mo?” tanong nito kapagdaka sa bitbit nya.
“Ah ito? Suha ito ni Shey. Mahigpit nyang bilin na maghanap ako nito. Nagbanta pa syang i-outside de kulambo ako kapag di ako nakauwi nito.”
Ngumisi ang binata nyang kapatid. Kung tutuusin, matanda ito sa kanya ng dalawang taon. Kaso masyadong mahilig sa outdoor activities kaya hayon hindi pa nagkaasawa.
“What. What’s funny?” tanong nya rito nang di maintindihan ang amusement sa mukha.
“Congratulations, Miguel. Finally, you have an angel,” anito pa.
“What?” lalo syang naguluhan sa tinurang iyon ng kapatid.
Nilipad ni Miguel ang hagdan paakyat sa dating kuwarto na inokupa ni Shey. Naroon nga at nagpapahinga ang kanyang mpinakamamahal na babae sa buong mundo.
“Miguel?” takang tanong si Shey sa humahangos na lalaki. Agad itong nasa tabi nya pagkapasok sa silid.
“Oh honey. Are you, okay? Sabi ni Gabe hinimatay ka raw kanina sa ilog,”
“I felt better now. Buti na lang bumuti na ang pakiramdam ko. May ibinigay si Gabe sa aking gamot kaya nawala na ang pagkahilo ko.”
“I was worried. Papano nalang kung wala doon si Gabe.
“Ayos na sabi ako eh. Hey, did you bring something for me? Baka akala mo nakalimutan ko na,” paalala nya sa nobyo.
“Sorry talaga. Natagalan kasi ako. Hinanap ko sa mga nadadaang prutasan itong suha mo kaya nahuli ako ng dating. Here.” Inabot nya kay Shey ang malaking bilog na bilog na prutas.
“Wow! Mukhang ang sarap. Ipagbalat mo naman ako.” Paglalambing nya rito.
“Of course. Sandali nga… are you? Naglilihi ka ba, Shey?”
“I think so. Bakit? A-ayaw mo ba?” may himig pagtatampo sya.
“You mean… magiging d-daddy na ako?” di mailarawan ang pagkagulat sa mukha ni Miguel.
“Your fiancée is pregnant, Miguel. Probably, she’s two months on the way,” si Gabriel habang masayang nakatayo sa may pintuan.
Hindi maipinta ang excitement sa mukha ni Miguel. Masayang-masaya sya at agad silang mabibiyayaan ng munting anghel sa kanilang buhay.
“Hey guys!” si Gabriel bago akmang pababa.
“Siguro naman hindi nyo ako kakalimutang tawagan sa binyag niyang pamangkin ko.” Anito pa.
“Ikaw ang tito at ninong nito, Gabe. Kaya kung ako sayo ay mag-asawa ka na rin ng di ka mainggit sa amin nitong gwapo mong kapatid,” biro ni Shey sa kapatid ng nobyo.
Ang lakas ng tawa ni Miguel. Sumang-ayon pa ito at sumabay ng panunukso kay Shey na panahon na para ito naman ang mag-asawa.
“Tigilan nyo akong dalawa. Takot akong mapikot kaya nag-iingat lamang ako.” Anito pa at nagpaalam na. Bago ito tuluyang umalis…
“By the way Shey, may spare ka bang CF card? Napuno na kasi yong lima ko eh. Pahiram muna. May nakita akong magandang kalapati sa ilog kanina, titingnan ko kung naroroon pa.” Gumuhit ang pilyong ngiti sa labi ng binata.
“Asus! Kalapati daw. Kunin mo nalang sa sasakyan, Gabe. Andon ang mga gamit ni Shey.
“Happy hunting. Gabe.” Pahabol pa ni Shey.
EPILOGUE
Masayang bininyagan ang anak nila Miguel at Shey. Naroroon ang handaan sa Bahay ng mag-asawa sa Amio. Malayo man sa siyudad ngunit napilit rin ni Shey ang ilang mga kaibigan na dumalo sa binyag ng anak nya.
Noon lang nakarating sa ganoon katagong bayan ang kaibigan nyang si Ashtari Seone Blanco na kung tawagin nya ay Ashti kaya ganon na lamang ang tuwa nitong makaapak sa magandang bayan ng Amio.
Dating beauty titlist ang kaibigan nya ngunit sa kasunginitan nito ay walang nagtangkang manligaw ng seryoso. Nasabi tuloy nitong sumpa yata ang pagiging maganda nito kaya walang nangahas na sya’y bigyan ng seryong atensyon ng mga kalalakihan.
“Magpaka-sweet ka kasi para naman ay magtiyaga sayo.” Aniya pa rito at napansing hindi ito nakikihalubilo sa iba pa nyang mga bisita.
“Oo na. Ang unang lalaking magpacute sa akin ay hihilahin ko sa kama.”
“Sira. Para ka namang desperada nyan. Magtino ka nga, Ashti.”
“Okay! I’m just kidding. Kahit naman ganito ako no. Hindi naman ako pakawala.” Anito pa at nagbitaw ng mahabang buntong hininga.
“I’ll just take a look outside. Naririto naman ang mga bisita mo sa loob eh. Lalanghap lang ako ng sariwang hangin.” Paalam nito sa kanya
“Don’t wander alone ha. Mahirap na at dayo ka pa naman dito.”
“I won’t.”
Pagkalabas ng pinto ay linanghap ni Ashti ang preskong hangin sa hardin ng kanyang kaibigan. Nakakaluwag nga ng dibdib. Masaya sya at nakahanap na ng mabait na asawa ang kanyang bestfriend. Higit sa lahat ay guwapo pa ito. Gusto nya tuloy mainggit.
Napansin nya ang iba’t ibang mga species ng orchids sa sulok ng hardin. Nahalina tuloy siyang pumitas ng isa. Hindi naman iyon siguro mapapansin ng kaibigan.
Isinuksok nya ito sa gilid ng kaliwang tainga. May nakita syang duyan sa ilalim ng Golden Shower Tree kaya naisip nyang magduyan rito. Tago ito sa mga taong naglalabas-masok sa kabahayan kaya tahimik syang nakapagmasid sa paligid.
Klik!
Nagulantang si Ashti sa tunog na iyon. Bigla syang nagmulat ng mga mata mula sa sandaling pagkaidlip.
Muntik na syang mapasigaw ng makita ang malaking bulto ng isang lalaking may hawak ng camera.
What the heck! Sino ba itong herodes na ito at basta na lang syang kinunan ng litrato.
Umandar ang pagkamasungit nya.
“What the hell do you think you’re doing?” agad niyang singhal rito.
“What the hell do you think I did?” ganti ring asik nito sa kanya.
“Paparazzi ka ba at basta ka nalang kuha ng kuha ng litrato?”
“Hoy Miss. Hindi ikaw ang kinukunan ko kundi yang bulaklak sa tenga mo.”
“Who do you think you’re fooling, Mister?” antimanong nangalisag ang mga balahibo sya sa pinapakitang kapilosopohan ng lalaki.
“Simon Gabriel at your command, Miss Masungit,” anang lalaki.
“Get lost. Get out of here,” aniyang halos pasigaw ng sabi.
“Sure.”
Tumalikod na ang lalaki.
The nerve of that beast. Ang yabang. Akala mo kung sino? Humanda sya at makarating kay Shey ang ginawa nyang ito sa akin.


