Confirmed......

|

FrownPag ka gising ko ngayong umaga, feel ko na, na parang may mangyayaring di maganda.

Kahapon ay di ko na napigilan pa ang sarili ko, nilunok ko ng lahat ng pride ko.

Ini-add ko ulit si "K" kahapon sa YM ko, at agad na kinumusta.

I'm expecting na kinabukasan ko na matatangap 'yong reply n'ya sa offline message ko sa kanya na: Hello, kumusta?

Kung kaya't kinaumagahan mga 8AM pa lang ay gising na ako, para i-check 'yong message n'ya na inaasahan ko, pero mag ta-tatlong oras na akong naka babad sa harap ng PC ay wala parin akong natanggap.

Naisipan ko mag bukas ng friendster, email add n'ya agad 'yong ini-search ko, and nag appear, nanibago ako kumbakit di n'ya ipina-private Prof. yun. Yun pala dun ko malalaman 'yong kasagutan sa gumugulo sa isip ko.

As in ang sakit!! Tumambad sakin 'yong Pic nilang mag kasama ng GF nyang kulay mais ang buhok. Nanginig 'yong mga daliri ko, saka ko napansin na umiiyak na pala ako, sabi pa sa Friendster n'ya.

"Ah, s'ya ba ang ganda n'ya."

Ang sakit!! Sana ako ang nan doon sa tabi n'ya, akap-akap s'ya ng mahigpit, kung sana'y pumaya lang ako sa gusto n'yang mag kita na kami at mag kasama na, pero maraming gumugulo sa isip ko kung kaya't di ako pumayag noon, iniisip ko kasi sina Mama at Papa, ang mga kapatid ko.

Parang biglang na numbalik ang lahat, doon sa puntong tinatanong n'ya ako ng tungkol doon sa pag kikita namin.

"K" : Baby ko ang tagal na natin, mahal mo ba talaga ako?

Ako: Oo

"K": Tatangapin mo ba ako, papapasukin mo ba ako sa bahay n'yo?

Ako: Ha? Ano?

"K": Uuwi ako d'yan sa pinas, pag katapos kung maka bakasyon sa batangas, didiretso ako sa inyo.

(nasa NZ kasi s'ya, nurse s'ya doon)

.......katahimikan............

"K": Hey baby ko. OK ka lang?

Ako: Ha? Ako? OK lang baby ko... ...

"K": I knew it, natatakot ka na?Frown

Ako: Di pa ako handa, di pa alam nina Mama,

"K": ako magsasabi sa kanila,

Ako: No you dont understand kasi,

"K": No, I understand na di mo 'ko kayang i-paglaban.

Pag katapos noong usapan na 'yon ay di na s'ya muling nag OL pa, ako naman ay parang nalilito na rin.

Alam ko mismo sa sarili ko na di ko pa kaya, kung sana ay inintindi n'ya na muna 'yong kalagayan ko, pero iba s'ya sa lahat kasi ayaw n'ya raw mag invest nang too much sa relationship na hindi naman sigurado.

At humaba at humaba na ang di namin pag uusap , nag iwasan na kaming dalawa, pa taasan ng pride, pero ako rin 'yong unang bumigay.

Ang tagal ko s'yang sinuyo.

Naging kami ulit, nag balik na uli sa dati ang lahat. 'Yon ang akala ko, mas masakit pa pala sa pagkakataong 'yon, 'yong naka takdang pag kakawalay namin ng tuluyan, iniwan n'ya ako  sa ere, ibinitin na parang tangang umaasa. Di nya man lang sinasabi kung tapos na ba kami.

At 'yon nanga. Ngayong araw na 'to, "confirmed" na ang lahat, wala na kami, wala nang kami.

Napahagulgol ako, first time kong mag  mahal ng sobra-sobra, sinubukan ko namang maka agapay sa kanya, binago ko ang sarili ko para lang makasabay, naging mas mature ako para sa kanya, lahat binigay ko na panahon, oras lahat ng gusto n'ya a pinag sisikapan kong maibigay para lang mapatunayan na mahal ko s'ya, pero di n'ya man lang pinakinggan 'yong side ko, di n'ya man lang ako inintindi ,, Ngayon, tapos na ang lahat sa amin.

Parang unti-unti akong nalalanta habang tinititigan ang larawan nilang dalawa ng girlfriend nya.

Naka ngiti si "K" ng ubod ng tamis, ganon din ang girlfriend nya, mag ka yakap silang dalawa,

naluha ako saka ko nasabi sa sarili ko: "sana ako ang nan d'yan sa tabi n'ya, ako sana."

Pero everything happens for a reason, alam kung di s'ya isang pag kakamali, dahil ang d'yos mismo ang nag palapit sa aming dalawa,

Pero siguro nga, hanggang doon lang kami.

Alam ko na ayaw nya paring i-kompirma ang lahat, a-akto s'yang parang wala lang.

Nag open ako ng YM ko. Agad na akong nag pauna ng mensahe na:

Hi. Ganda ng GF mu,ah. I'm happy for you. Kumusta na? (Ang lakas ng kalabog ng dibdib ko habang itina-type ko ang mga katagang ito)

Sumagot siya: Pero ibinalik nya ang pangungumusta n'ya.

"K": Musta na. Tnx!!

Ramdam ko na naman 'yong pagtusok ng maliliit na karayom sa puso ko.

Ako: Ako OK na ako (matapos mapaluha)Ganda ng GF mo.

"K": Yeah kausap ko siya ngayon.

At ako naman si tanga na nag pumilit pa.

Ako: Ok lang ba sa kanya na kausapin kita?

Ang tagal n'yang mag reply, sadyang pinaparamdam sa akin na wala na nga akong parte sa buhay n'ya, pero nag paka baba parin ako, kasi mahal na mahal ko 'yong tao, kahit na nga ba alam kong mali na maki apid pa.

"K": Yeah..that's fine.

Tulyan ng kumawala ang luha ko, alam kong pilit lang ang mga salitang 'yon. Nag sign-out na ako, saka pinatay 'yong PC at saka pumasok at humagolgol ng iyak sa kwarto ko, habang tinatabingan ng unan 'yong mukha ko, parang tanga akong umiiyak, nangingig 'yong mga katawan ko sa bawat daloy ng alaala. Ang dami naming binuo na pangarap, mauuwi lang pala sa wala ang lahat.

Pero di naman agad-agad na nawawala ang pag mamahal, mahal na mahal ko parin siya kaya lang may iba ng nagmamahal at umaasa sa kanya, kailangan ko ng kumawala sa anino ng aking nakaraan, kailangan ko ng pakawalan ang sarili ko sa rehas ng pag mamahalan naming nag pahinto sa muling pag tibok ng puso ko, siya parin ang tinitibok ng puso ko, ngayong wala na s'ya, ngayong wala na kami. Di ko na alam kong titibok pa ba ang puso ko.

Mahal na mahal parin kita "Karla".Cry


Francheska's picture

Naglipanang "k"

Kagabi, nasa taft ako dun sa tambayan ng mga lez at butch hahaha dalawang girls ang nakilala ko, si kaye at kolin, mga kilalang heartbreaker daw. Hahaha. Naglipana na ang mga lez na "k" ang pangalan.

P're, pakulay ka din ng buhok kung sya mais ikaw pula para apple naman, hehehe.

Try mo na lang magmahal ule, i know it is not that easy and it will never be easy to forget the only girl you love but you have to consider some more important matter, like, your study, your family, your self. Digs mo p're?

I know...

Digs na digs ko 'yong sabi mo 'pre, OK's na ako ngayon, n'on pa man alam ko nang di talaga kami p'ra sa isat-isa.

ShitnessS lang na pinatagal n'ya pa ang pag sabi na toz na kami, empairness kasi matalino s'ya at may pag ka malalim rin, tuloy nahulog ako sa lalim ng bitag n'ya.

Pakulayan ang buhok, ang tarush n'ya!!!. Gagawin ko 'yong changes sa sarili ko hindi para sa kanya kundi para sa sarili ko, mukhang mabait naman si kulay mais ang buhok,eh.

Adlesirc's picture

mahal mo sya

pero may mahal na syang iba. ikaw lang ang makakatulong sa sarili mo girl. maraming iba jan. =)

 

 

francheska, parang alam ko yang place na sinasabi mo. yan ba yung "providence"? dami jan talaga.. at kilalang tambayan yan ng mga les. 

 

just dropping by =) good day to both of you.

Yeah I know....

I know na ako lang talaga ang makakatulong sa sarili ko, masyado lang atang na center 'yong mundo ko sa kanya noon, s'ya kasi 'yong 1st gf ko.

Anyweiz, kakayanin ko. Tnx 4 dropping bySmile

Allanjohn Andres's picture

SHAMELESS SELF-PROMOTION

Hi. Bisita ka rin sa blog ko (ilang piling tula), o di kaya sa poetry site ko sa http://www.allanandres.blogspot.com/. Mas marami akong bago at malulungkot na trabaho dito.

Self promotion...

Hhehehehe...dont be ashame of it, well there's nothing to be ashame of naman.

Same kayo ni J luna. Anyweiz, expect me to read your works din po. Full suport ako sa inyo.

Thanks 4 dropping by...Smile

Luca's picture

hmmm...

kung naisip niyang iwanan ka dahil di mo pa kayang ipaglaban siya, sana naisip niya rin maging malakas para sa iyo. ang pait lang.

masarap tungkabin ang mga sugat na naglalangib na.

kasi pinapaalala nila sa atin na mayroon pa tayong pakiramdam.

yun nga lang magpepeklat yan.

andar ka na, may naghihintay pa sayo. 

wag kang pipikit...

Kung sana nga lang ay may pam bura...

FrownKung sana nga lang ay may pang bura ng peklat ng puso, ay bumili na ako, tama ka sa sinabi mo, kung mahal n'ya ako sanay naging malakas s'ya para sa aming dalawa, pero ganon talaga.

 

Aandar rin ako sa panahong handa na ang puso ko sa panibagong susing mag papandar nito....SmileCry

Luca's picture

:)

may alam akong pantanggal ng peklat sa puso...

Sebo De Macho.

pero di yata applicable sa iyo yun. Hehehe...

wag kang pipikit...

Heheheh...

Kala ko nga pwede 'yong eraser sa lapis,e. Di palaSurprised

Salamat, ma subukan nga yan, heheh jokesWinkTongue out

noelablon's picture

Truth will set u free!

Just accept na wala na kayo - it will set you free. Madaling sabihin ngunit mahirap gawin pero yun lang ang paraan. It seems malalim nga ang sugat na gawa ng pag-ibig na ito. Kung hindi talaga kayo para sa isa't-isa ay hindi mangyayari ito, parang lumalangoy kang kalaban ang alon - tama ba yung sinabi ko?

Mahirap din pag hinog sa pilit ang iyong gagawin, maasim o madaling masira ito. 

Ang tunay na pag-ibig ay umuusbong, namumulaklak at nagbubunga habang tumatagal. Siyempre two-way yun pag ikaw lang - tigang ka syempre! Tuyot ka gaano man kalalim ugat mo.

Ang tanging gamot sa iyong suliranin ay kaibigan - tunay na kaibigan!

 

-edited: hiwang - sugat (bastos pakinggan kasi hehe!)

====
Heto pa ang mga kwentong maaaring may kwenta!

Tnx...

Sa pag-ibig namin noon. Para nga akong namamangka sa ma-along dagat na pinapasungit ng bagyo.

Dama ko ang ibat-ibang pakiramdam sa bawat kong pag sagwan papalapit sa kanya, naroong dumadating sa puntong napapagod na rin ako, pero dahil sa labis na pagmamahal ay nag pumilit parin ako, pero s'ya na mismo ang humarang sa paglalakbay kong iyon papalapit sa kanya, itinutulak n'ya akong pabalik.

Masakit pero kailangan o dapat kong tanggapin.

Lahat nga ng bagay sa mundo ay may katapusan, kaya lang sa katapusan ng pagmamahalan naming 'to ay naiwang nakabitin ang puso ko, dahil di tulad ng ibang katapusan wala akong narinig na pamamaalam mula sa kanya, nanatili s'yang tahimik sa lahat, kaya tuloy ngayon di mapigilan ng puso kong umasa parin, na sa likod ng pananahimik n'yang iyon ay may lugar parin akong nakalaan sa kanyang puso, lugar na inaasahan kong balang araw ay hahayaan n'yang muli kong punan.

Ang pag-ibig ay tulad nga ng puno, na ngangailang ng ugat na s'yang magpapatibay nito.

Pero ngayon ako na lang ata ang natitirang dumidilig at nag aalaga sa puno ng pagmamahalan naming itinanim, sa haridin ng pagmamahalan namin,at alam kong darating sa puntong malalanta din 'to, kasabay ng tuluyang pag kapagod ng puso ko sa pag aalaga sa pagmamahalang ipinangako naming aalagaan naming dalawa.

Salamat po sa concern..sobra..Smile

Amos Tarana's picture

  ang bigat kapatid... pero

 

ang bigat kapatid...

pero wag ka na malungkot hehehe nasa iyo pa rin ang huling halakhak

wika nga'y, kung sino raw ang mas nasasaktan, siya ang tunay na nagmahal o nagmamahal...aaarrgghhh!

salamat kapatid sa pagbabahagi ng iyong personal na karanasan...nagpapaalala lang na tayo ay tao, may damdamin...nasasaktan huhuhu

- amos

----------------  http://amostarana.blogspot.com/  ----------------

“Never doubt that a small group of thoughtful committed citizens can change the world.

Indeed it is the only

Yupz Tama...

Tao nga lang ako, tao lang tayo na nasasaktan.

 

 

Wink