count your blessings
mayroon akong friend dati na sobrang love gumimick. laging lasing pag end ng work week, laging nasa libis, taguig o makati. minsan kahit middle ng work week amoy hang over siya, as in amoy alak na kumapit na sa damit niya kinabukasan. siya ang bestfriend ko sa office.
dahil matalino at may itsura, madaming nagkakagusto sa mokong. kung sa bagay mabait naman talaga siya at gentleman. hindi siya yung tipong nakakainis kasama at kausap. wala ding kayabangan sa katawan kahit pa cum laude siya noon sa STI at magaling sa computers. dahil nga bestfriends kami marami akong alam tungkol sa mga problema niya sa pamilya at ganun din naman siya sa akin. ako ang bulungan niya ng mga sikreto at hingahan ng sama ng loob. madalas tuloy napagkakamalang kami sa opisina.
isang araw lumapit sya sa work station ko at may isinulat sa notebook ko na nakapatong sa mesa. sabi niya galing daw siya sa gimmick nung nakaraang gabi at may part two pa ulit pag uwian ng mismong araw na iyon kaya lang wala na daw siyang pera at kung may idea daw ba ako kung kanino siya pwedeng manghiram. dahil parehas kaming salat sa kayamanan sabi ko sa kanya wala akong alam na pwede nyang utangan. bagaman malungkot siya, ilang sandali lang ay bumalik na ang likas niyang kakulitan at pagiging masayahin, at tila nalimutan na ang problema niya sa perang panggimmick.
nang magbreak-time na kami ay naupo kami sa paborito naming hagdan sa labas ng building. paborito naming kumain ng chippy at uminom ng tubig lang para tipid at kung may nagpapautang ng meryenda ay sandwich naman ang lalantakan namin habang nagkukwentuhan. dahil nga sa parehas kaming kulang palagi sa pera dahil hindi kasya ang maliit na sweldo sa gastos sa pamilya madalas naming napag-uusapan ang hirap ng buhay.
may kinuwento siya sa akin na pangyayari sa buhay niya na hindi ko talaga malimutan. sabi niya isang araw daw ay nagdaan siya sa overpass. wala daw siyang kapera-pera. ang dami-dami daw niyang sinisisi, ang mommy niya, ang daddy nya, ang bunsong kapatid niya. naglalakad daw siya at mainit ang ulo dahil sa problema nang bigla niyang mapansin ang isang mama na namamalimos sa overpass. madumi ang damit, gulo-gulo ang halos dikit-dikit nang buhok dahil hindi na naliliguan, nanlilimahid ang katawan. pero ang sobrang tumusok sa puso niya ay ang kawalan nito ng dalawang paa. putol daw ang mga paa nito mula hita at nakaupo siya sa mainit na semento na may sapin na karton.
sabi ng bestfriend ko nang makita niya ang kaawa-awang kalagayan ng mamang pulubi ay nawala bigla ang lahat ng sama ng loob, init ng ulo at paninisi niya dahil wala siyang pera. sabi niya kahit daw palagi siyang kapos maswerte pa din daw siya dahil may mga paa siya di gaya ng pulubi sa overpass. na kahit maliit ang sweldo at laging kulang ang pera niya sobrang napakaswerte daw niya dahil may mga taong mas madaming problema at mga taong may kapansanan pero hindi naman sumusuko sa buhay.
noon ko hinangaan ang bestfriend ko na isang sobrang gimmickero. akalain mo ang isang lalaking walang ibang alam kung hindi ang pumunta sa mga bar para mag-inom kasama ang mga barkada ay nakakaisip ng ganung kalalim? ang bestfriend ko na laging may hang-over nakikita ang mga blessings na binibigay sa kanya ng Diyos kumpara sa pulubing putol ang dalawang paa sa overpass.
kung sa bagay tama naman ang kaibigan ko, marami sa atin ang nakikita lang ang pagkukulang sa ating buhay pero bulag naman sa mga biyayang natatamo natin sa araw-araw. biyaya ng buhay, biyaya ng pamilya, biyaya ng trabaho, biyaya ng mga kaibigan. puro lang reklamo ang maririnig pero madalang o minsan pa nga ay hindi na nakakaalalang magpasalamat. kung tutuusin nga ang magising ka ng isa pang araw ay sobra-sobrang biyaya na pero hindi naman natin yun madalas napapansin. akala kasi natin ay wala nang katapusan ang buhay at ang tanging biyayang alam natin ay ang pagkakaroon ng maraming pera, magaganda at mamahaling kagamitan, magandang posisyon sa trabaho, makarating sa ibang bansa at kung anu-ano pa. at ang tanging laman ng ating mga dasal ay puro paghingi sa Diyos ng mga materyal na bagay. sana minsan, gaya ng bestfriend kong mahilig sa gimmick, makita rin natin ang pulubing putol ang dalawang paa sa overpass para masabi rin nating maswerte pala ako upang matutunan din nating magpasalamat sa bawat biyayang ipinagkakaloob sa atin at hindi puro tayo hingi at reklamo...
wow swerte ng wife mo ah
actually, yung friend ko sa story na ito ay married na rin, siguro masinop na siya sa pera at di na masyadong gimikero kasi may anak na siya. yung mga pulubi sa kalsada, i agree, may mga sindikato nga sila, i remember nung college ako member ako ng isang catholic org at mismong leader pa namin ang sumaway sa aking bigyan ng limos ang mga batang pulubi sabi nya wag daw dahil may sindikato nga daw sila. may point siya kasi lalong hindi matitigil ang ganyang modus kung may magbibigay sa kanila, nakakatawa lang kasi wala namang ibang way para tulungan sila unless ako si lucio tan o gabby lopez, yun lang kayang kong gawin for them, give them money, hoping na hindi sila kasama sa sindikato... aaminin ko hanggang ngayon nagbibigay pa rin ako ng pera sa mga gaya nila, wala lang iniisip ko lang sure mali nga dahil binubuhay ko ang mga taong walang awa at buto para maghanap ng marangal na trabaho at gumagamit ng mga bata para mamalimos, pero everytime na namang ginagawa ko yun may isang nakakakita sa akin na hindi nila kayang dayain, yung nasa itaas... any way na kaya kong tumulong ginagawa ko nalang kahit na obvious na niloloko lang ako, mayroon namang magbabalik nun sa akin at sila naman ang magdadala ng mga kalokohan nila hindi ako...
thank you sa comment at sa pag share... hope to read stories naman from you...
my soulmate is worth the wait..



minsan... (out of tune comment)
bad ba ako, kasi, hindi lang minsan, maraming beses ko nang nahuli, kung paano ung modus ng mga taong walang konsiyensya... ginagamit nila ung mga may kapansanan para sa business...kaya minsan, hindi na ako nagbibigay sa kanila ng monetary help..
noong college ako hanggang mag work ako sa ortigas, nahuli ko, after office hours around 8pm, may pumipick-up sa mga yan na mga lalaki at sinasakay sa van, akala mo kinid-nap pero the next day, andyan ulit sila. sa madaling salita, modus.
pati ung mga nasa overpass, iisipin mo, paano sila nakaka akyat with their condition, pero bago pa lumiwanag, may mga nagdadala diyan na mga naka van. it's a big human trafficking business. Kaya minsan, it's better to just give them food na lang that they can consume kesa pera which you know, hindi naman nila ma-eenjoy. Kawawa talaga sila. Iisipin mo, walang ginagawa ang government for them, it's a perennial problem.
eneweys, just to get back on track, yeah, we should learn to appreciate our blessings. sana ung friend mo, i-analyze niya rin ng mabuti ang expenses niya. that saving is not that bad. mag-allot naman siya for tomorrow kumbaga. grabe, pati pang-gimik, uutangin. he needs to learn to say no na lang, and just go home and rest. grabe talaga ang gimik, alak at yosi, addictive talaga...