couple of pizza at the tent (sample chapters for critique) BOOK 2 of REUNION AT THE ROOFDECK

|

 

“Kailangan niyong pagbutihin ang paggawa ng  final requirement  niyo ha!”  At lahat kaming estudyante niya ay sumang-ayon.
           
            “Para naman ganahan kayo, napagdesisyunan ko na ipasa sa isang publishing house ang nobelang pupukaw sa akin.” Dagdag pa ni Sir. Ang mukha naming lahat ay tila gumaan, parang nabuhusan kami ng determinasyon. Nagmukha rin  kaming nakadroga sa sobrang excitement.
            Isa sa mga paboritong subject ng isang average college stude ang Creative Writing,dito ay nabibigyan kami ng pagkakataong lumaya kahit minsan. Kalayaang maaring lamang guguglin ng isa’t-kalahating oras. Sa subject na ito ay malaya kang buuin ang iyong konsepto kasama ng isang malawak na imahinasyon. Pagkatapos nito ay maari mong bigyan  ito ng buhay, hininga at pagkatao gamit ang iyong nagtatateng ballpen at mumurahing papel. Isang kalayaang lumikha.
            Ikaw nang bahala sa lahat-lahat ng aspeto. Bayaan mo ang mga makakabasa na husgahan ito, total , hanggang paghusga lamang sila hindi ba? Speaking of consepts, lagi namin pinag-uusapan ang mga common concepts at styles sa mga nababasa naming novels. Marami kaming napunang writers na nagrerecycle ng concepts  , styles at mismong istorya sa kanyang mga nobela. Kaya hindi na kami nagtataka kung bakit ang napapanood mo sa sine ay mag kakaroon ng mini-series sa T.V. at minsan ay gagayahin ng iba at gagawin pang mas detalyado sa ilang pocketbooks.
            Natural lang daw ‘yon sabi ng professor namin. Nagagawa daw iyon ng di sinasadya, ‘kaw ba naman ang mabuhay sa panahon kung kailan dumarami ang populasyon ng mga manunulat at feel lang magsulat , tignan nalang natin kung ‘di ka aabot sa puntong manghihiram ka ng ilang konsepto sa ilang mabasa o mapanuod mo o di kaya may makapareha ka.
 
            Pero kami, ayaw naming mangyari iyon sa amin hangga’t maari. Sabi nga ng isa kong kaklase, “ hindi ka maaring maubusan ng maisusulat hanggat nagigising ka pa tuwing umaga.”  Hindi namin siya nakuha nung una.
 “Dahil ang bawat isa ay may kanya-kanyang kaibahan sa buhay ng iba. Hindi maaring magkapareho ng buhay ang dalawang tao dahil sa bawat paggising nito tuwing umaga ay magkaiba pa rin sila ng mga desisyong ginagawa, mga landas na tinatahak!”  Nagpalakpakan ang lahat sa pagsang-ayon sa kanya.
             Ang sinabi nyang iyon ang nagbigay sa buong klase ng dahilan para ‘di magkapare-pareho ang mga isusulat naming nobela. Nobela para sa mataas na grado.
            May naiisip na akong kwento kaso kailangan ko makipagtulungan sa nabunot kong kapartner. At sa pagkakataong iyon, ang nabanggit kong kalayaan ay tila mababawasan.
            Halos dal’wang  buwan nalang , At tiyak ko na magka-cramming na  naman ako pag ‘di ko iyon ginawa ng mas maaga. 

September
            Isang sigaw mula sa aking likuran ang gumulat sa buong barkada.

“Haay…may isa naming nasiraan ng ulo…tsk. Tsk.”
“Bakit naman Sean?” Ngunit iba ang sumagot sa tanong ko at kasabay nuon ay ang paghigpit ng hawak niya sa kamay ko, “ ’di mo ba alam, defense week ngayon ng mga graduating”.
Napalingon ako sa kanya.

            I want you to meet Jeremy…She’s my girlfriend at Ipakikila ko na rin sa inyo si Sean, Mabait ‘yan, ’di nangangagat. Hehehe.

            Film and Audio-Visual nga pala ang course namin tatlo…pero sa totoo lang,’di dapat kasama si Sean eh, dapat dyan eh Fine Arts.Kung anu-anong kabalastugan kasi ang naiisip nyan when it comes to Visual and Graphic Arts. Minsan na kaming napahanga ng kumag na ito nang nanalo yung painting niya sa Prauge 
Free-verse Aesthetics Awards sa Czechoslovakia.[1]

Si Jeremy naman ay isang makulit na bata na nabubuhay sa mundo ng animē. At dahil sa hilig nyang ‘yon ay nagkasundo kami agad. Kung ‘di mo pa alam, isa rin akong bata na nahilig sa mga gumagalaw na drowing. At dahil sa Hilig naming iyon ay napasama sa aming dalawa ang artist na si Sean.

            “Malapit na mga pala birthday mo ah, anong plano mo sa fourteen ?” Sasabihin ko sanang pumatay ng maraming oras sa pagnuod ng bagong dating na “DVD”.  Daming Video Disc. “Inuman nalang tayo,sama nalang natin yung Erpat mo.”

 Sean talaga…pero…pwede ring both, drinking while watching animēs? Why not?! Besides, My father is the one who introduced me to world of the Japanese Pop Culture, which includes Animē.

            halos fifteen Hours ang napapatay naming oras sa university campus araw-araw…Enjoy na nakakapagod. Enjoy dahil ninety percent noon ay pulos dagyang at ten naman ay puro lectures. Lectures na kahit papaano ay yakang-yaka I-absorb ng aming mga utak.

            Sa course ko natutunan ang iba’t-ibang angulo ng kamera at duon ka rin nalaman  na “Dead Air” ang tawag sa nakakabinging katahimikan.

            Mas mainam na ‘yun kayasa maburo ako ng buhay sa bahay. Si erpat na lang kasi ang kasama ko because we lost Mom three years ago. Mga late June. She died because of a miscarriage.  All I know is she wanted a baby girl and I can’t blame her kasi lalaki ang only child nila ni Dad, syempre, in our case, automatic na sa side ako ni Dad tatabi. Tuloy walang matuonan masyado ng pansin si Mom at wala rin syang mapasahan ng kanyang knowledge and skills about culinary. Ang masama pa duon ay most of the time kami nag-uusap ni Dad about Japanese pop culture which made Mom out of Place. Still, lahat ng ito ay mere conclusions lang.

           
            kakapagod ….

            Sabay dive sa aking Kama kasama ang ilan kong stuffed toys. Pero iba ang mga stuff toys ko ha, their figures were all based sa mga kinalolokohan kong animes at computer games. Pero ang paborito ko sa lahat ng stuffed toys ay yung bigay sa’kin ni Jeremy. Binigay niya iyon sa’kin nung first anniversary namin,mga three years ago.She knows that my fave snack is pizza so she gave me a Pizza delivery girl  stuffed toy. Kakatwa nga ang itsura nuon eh. Isang girl na nasa delivery bike . Laman naman ng delivery box nung bike ay ang first love letter ko sa kanya.
           
Nung binasa ko nga iyon after one year ng courtship ay talagang kinalabutan ako. Ako ba talaga ang sumulat nuon? Kasi ba naman…kung ako ang tatanungin, ibang-iba ako kung ibabase mo ang personality ko sa sulat na ‘yon. Iba talaga pagnagmamahal…kahit kakornihan ay kakayaning lunukin.

nakatulog pala ako….ahhh…kaantok kasi eh…alas nuebe na?! Grabe pala ang tulog ko. At mula sa kawalan ay nagring ang cell ko…asan na yun….ayun!
“Hello, Allen speaking”.
            Walang sumasagot.
            “Uhmm…hello Allen…si Jeremy ito.”
            “O?…bakit ka napatawag? Miss mo na ko no?”
            “…ah, oo…uhmmm…wala lang …kinamusta lang kita…mmm…kita nalang tayo bukas. Sige …bye”
            “ Till then.”
            Sa boses nyang iyon ay tila may gusto sabihin sa’kin si Jeremy…kilala ko siya at ‘di nya maitatanggi na nakutuban kong may sasabihin syang importante sa akin. Sa halos four years na pagsasama namin?

            Tignan nalang natin bukas.

Isang sigaw mula sa aking likuran ang gumulat sa buong barkada. Ito na ang pangatlong beses na nangyari iyon , napaparami ‘ata ang lumalabas mula sa thesis defense roon na nababaliw. At naalala ko ang nangyari kagabi. Tahimik kaming dal’wa ni Jeremy at nakutuban naman iyon ni Sean.

“ Sige…mauna na muna ako sa inyo ha.. may emergency make-up class pa ako sa Communication and Arts subject ko..” at pagkatapos noon ay nawala sa aming paningin si Sean. Alam ko na gusto lang nya kaming magmuni-muni , nang kaming dal’wa lang. Alam ko iyon dahil ‘di mahilig pumasok si Sean sa mga “emergency make-classes” nya at kung papasok man sya ay siguradong pagpatay lang ng ilang oras ang dahilan.

Sabay kaming dinadala ng aming mga paa kung saan…’di namin alam. Wala sa pinupuntahan ang focus ng utak namin sa mga oras na ito kundi sa pakikiramdam sa isa’t-isa. Hindi ko naman siya matanong dahil sya yung  tipo ng babae na nabwibwisit sya pag tinanong mo kung ano ang kanyang problema, gusto nya kasi na siya mismo ang mag-open.

“Alvert…” malamig ang boses nya at sigurado ako na mabigat na ‘tong
I-o-open-up nya, Tinawag na nya ako sa pangalan ko eh.Humigpit ang hawak ko sa kamay niya. Sinyales na sige lang kaya mo ‘yan…

“Allen….” Sigaw ng ilan [2] Ang mga mata kong nakatuon sa sahig dahil sa masusing pakikiramdam ay biglang napako sa kanila. Buong gulat namin nang nagpalakpakan sila. Lumapit sa’min yung isa at ipinakita ang bagong  issue ng University paper namin. Nakapaskil ang buong pangalan ko sa isang box sa page 5. :

ATTENTION TO:
ALVERT ICE HIZON
Please go to THE VERACITY office
at Triumph building , Room 129.
A great surprise awaits you!

           
            Natigilan lang kaming dalawa.
            Magkahawak parin kaming dal’wa
            At maya-maya nauunawaan ko  na kailangan kong matuwa.
            Ngumiti lang ako. At bila kong naalala ang Jeremy ko, maaliwalas na ang kanyang mukha.
“Para kaya saan at pinapatawag ka ng Veracity?” , alam ko na ginagawa nya iyon para makalimutan ko ang dapat pag-usapan namin. Pero wala namang  masama kung sasakyan ko iyon.Besides, alam ko namang di pa sya handa para pag-usapan ang bagay na iyon…kung ano man iyon.

            “’Di ko alam eh…tignan nalang natin pagpunta natin dun after class”, sagot ko.
            At lumipas nga ang ilang minuto, minutong napatay sa pagtulala sa kawalan, pagtulala sa kakaisip kung bakit nasa dyaryo ang pangalan ko. Pagtulala sa kakaisip kung ano ba ang sasabihin sa’kin ni Jeremy. Ang pagtulala ko ay minsan ding napuputol pag maganda na ang nangyayaring laban sa debate. Ilang beses narin nangyari iyon. Pero karamihan ng minutong iyon ay puols para sa pagtulala sa kawalan.

            Matapos ang klase ay dali kaming pumunta sa opisina ng university press. Kasama ko uli si Jeremy at ang “ilan” . Sabay-sabay nadiskubre naming lahat na nanalo pala ako ng award. Second prize sa the First Veracity Literary Awards. Short story -Filipino Category. Buong galak akong binati ng mga kasama ko. Naging maingay na ang sumunod na pangyayari. Maingay talaga. ‘di ko na nga marinig ang sinasabi ng sarili ko sa ingay eh. Ingay na gawa ng  “ilang” kaklase ko. Ang maririnig mo sa orsa na iyon ay ang mga katagang : “libre—” ,“Blow-out”, “Yahoo!  We’re so proud of you!” at  “pa-autograph”  . To cut it short eh nakuha ko na yung tropohy na  supposed to be last year pa ng October ko pa natanggap  kasama ang money involve.

Tungkol sa isang batang babae na naglalako ng sampaguita , siya’y hapong-hapo matapos ang buong araw ng pakikipagsapalaran sa mga mausok, marumi at delikadong kalsada ng syudad. Gutom pa sya dahil ang tanging laman ng sikmura niya ay ang kanyang huling hapunan: isang mangkok ng champorado, platitong pansit at ang talagang inihanda ng kanilang ina, ang iisang piraso ng pritong dalagang bukid.  Kontento na sya doon, dahil sa batang pangangatawang iyon ay namuo sa kanya ang  isang pag-iisip na wala syang karapatang magreklamo kundi gawin nya iyong tanda ng pogsikap.
Gabi na at kailangan na nyang umuwi upang ibigay ang kanyang kita at muling lamnan ang tiyan. Umaasang marami silang pagkain sa pagkakataong ito. Halos sampung malalayong  kanto mula sa kinatatayuan ang lalakarin pa niya pauwi at may natitira pang anim na tali ng sampaguita sa kanyang kamay.
Habang hinihimod ang tiyan ay may naisip syang paraan. Huminto ang isang de-aircon na bus sa kanyang harapan at sa sandaling nabuksan ang pinto ay kanya-kanyang labasan ang halos kalahati ng laman ng bus na iyon. Sumuong sya papasok  ng bus. Nalamigan sya . Kinat’wa nya iyon dahil sa maghapong pagbabad nya sa init at usok.  Gumising sya sa pagkatulala dahil sa sarap na binibigay sa kanya ng air-con. Naglakad sya sa gitna ng bus at inisa-isang inalok ang mga pasahero ng sampaguita. Sa awa naman ng diyos ay nabenta na lahat. Bumalik siya sa isang upuan malapit sa pintuan ng bus. Tinatanaw ang kalsada sa kabila ng  malawak at malaking salamin ng harapan ng sinasakyang  bus. Tinatantsa kung saan sya papara at bababa. Binale-wala nya ang mga mapakutyang tingin ng ilan sa kanya. Kutyang bakit sya sumakay sa bus gayon ‘di sya nagbayad ng pamasahe o bakit  ‘di man lang niya  bigyan ng isang tali ang bus driver. Kutya mula sa mga taong may makikitid na pag-iisip. Ninamnam na nya ang mga  huling minuto sa de air-con na bus sabay para. Sa kanyang pagbaba ay ang pagbabalik  sya sa kanyang kinagawian…Magbababad sa init at usok ng syudad na ang tanging laman ng t’yan  ay ang huling hapunan.

Natameme ang ilan nang mabasa nila ang short story ko sa Folio na na-publish , isang lingo matapos ko makuha ang premyo.

Hanggang ngayon ay ‘di ako makapaniwala. ‘Di ako makapaniwala na isang madramang piyesa pala ang nabuo sa maghapong pagharap sa computer.Nagulat talaga ako dahil ngayon ko lang nabasa ang piyesa ko kahit ako ang nagsulat.

Ang sabi pa nga sa akin ni Jeremy ay “ Aba! Magkaroon ‘ata  ako ng makatang   boyfriend ah…”.
“ Pwede rin. Pero mas gusto ko pang maging ‘manga-ka’[3] kesa maging nobelista no.”

Mas gusto ka talagang maging “Manga-ka” dahil pag nobelista ka eh kailangan may sundin kang format para matanggap ng maraming kritiko ang isinulat mo. Pag may nakita silang kakaiba ay magdasal ka na kung tatanggapin nila ang pamamaraan mo ng pagsusulat. Hindi tulad ng sa Manga, Walang paki-alamanan   kung paano mo iprepresent ang ideya mo. Mas kakaiba, mas panalo. Walang  format na kailangang sundin, ‘kaw ang bahala. Pwede mong patayin ang bida, maari mong pasakupin sa mga alien ang planeta ng protagonist at gawing bida ang antagonist. Wala silang pakialam. At ang maganda doon ay maraming tatanggap sa konsepto mo. Pagtanggap na maluwag sa puso. Problema ngalang eh …wala akong tyaga magdrowing ng anime…well, ‘di talaga ako marunong magdrowing …

Birthday ko na bukas…at wala  pang  balak yata si Erpat sa birthday ko, ‘di man lang umuwi ng bahay. Kaya heto…nag-iisa sa Friday the 13th ng Setyembre. May halong lungkot at excitement. Malungkot dahil naalala ko nanaman si Jeremy at ang naudlot naming  usapan. Excited dahil alam kong uulan bukas , which is a very good reason para magkulong sa bahay at manuod ng animēs,in that way, solong-solo ko ang mga bisita ko at ‘di na sila magtangkang umuwi ng maaga.

            Matawagan nga si Dad para itanong kung may balak pang umuwi…

October
           
            Communication Theories and Models.

            Natapos ko na ang subject na iyon nung first year pa ako pero si Jeremy ay ngayon lang papasok . Dahil sa isa siyang tranferee. Mass Communication ang dati nyang course sa dating university. At ang pamamaraan doon ay two years para pag-aralan ang lahat ng minor subjects at sa pagtungtung mo ng third year ay duon ka palang mamimili ng major mo. Advertising, Public Relations , Journalism o Broadcasting.

            Kung bakit ko na-mention?…sinama lang naman nya ako para magsit-in.Ewan ko ba kung bakit ako sinama dito. At ang professor nila ay s’ya ring nagturo sa’kin  nung first year which made me realize na magiging madugo ang discussion na mangyayari.

            “ Good Afternoon class, anong theory na ba  tayo?” Si Sir Lex ay nakatindig sa harapan ng kanyang mga estudyante. At tulad ng inaasahan ay napansin nga ako ni sir. “Mr. Hizon, sit-in ka?”, and i say “YES”.

Mula sa kabilang dako ng room ay may sumagot sa tanong ni sir.
            “Social Construction of Reality Theory…Does anyone know anything about the topic?”  DEAD AIR. Tahimik. Halatang walang nagtangkang magresearch about the topic and I’m sure magagalit si Sir Lex nito.[4]

            Tinignan ko si Jeremy, Nakahalata sya at binaling ang tingin nya sa kisame. Alam na nyang aasarin ko siya “ ‘di ka nagreview no?…”

            “I believe may nilalang dito na nakakaalam sa theory na ito…am I right
Mr. Hizon?”
           
Grunt! Parang alam ko na ang mangyayari.

            “Would you like to share your knowledge Mr. Hizon? Besides, You are the one who reported this topic to your class, remember?”  JACKPOT! Sabi ko na nga ba.

Well, arte ka nalang na nabigla ka…gustung-gusto niya ang makakita ng ganon.

            Sinundan lang ako ng tingin ni Jeremy habang papunta ako sa harap ng buong klase. Isang grupo ng first year studes  na estranghero ang tingin sa akin. “I never saw that coming sir.” Sabay kawala ng unting bungis-ngis.

            “Para maunawaan ang buong theory ay kailangan muna nating malaman kung ano ang pinagkaiba ng “Reality” sa “Truth”, may nakakaalam ba sa inyo?” Nakatunganga ang lahat.

            “Wow, talino ng boyfriend ko!” Salamat sa diyos at natapos na rin ‘yon. Siguradong magdadalawang-isip na ako pag nagyaya uli si Jeremy na maki-sit-in ako. “Ikaw ba naman ang pareportin ng theory ni Sir Lex tignan natin kung ‘di ka aabot sa pagkakabisa. Aba! Daig pa ang defense ng thesis pag may nagrereport sa kanya.”
“Talaga? Exage ka naman.”

“Yup! Swerte nga nga klase n’yo at ‘di niyo na-experience ang tunay na Sir Lex.”
           
“Maalala ko nga pala Jeremy, ano nga pala ang sasabihin mo sa akin noon?”
Tumahimik nanaman siya. Bakit kaya? “kalimutan mo na ‘yun. Besides, matagal na nangyari  yun di ba?” ,sabay balik sa kanyang ice cream. ‘Di pa rin ako kuntento sa sagot niya. Ang masama duon ay pangit ako mangulit, tiyak mas nanais mo akong sumpain kesa ibigay ang dahilan ng oangungulit ko sa’yo. Paano ko kaya malalaman ang problema ng babaeing ‘to?

            Natapos ang maghapon namin sa pagkain ng ice cream habang tinatanaw ang palubog na araw sa rooftop ng aming university. Simpleng kaligayan para sa amin. Kaligayahang ‘di na kailangan isama pa  si Sean. ‘Di na talaga siya kumibo matapos ko ipaalala ang naudlot na usapan. Puro mga bituin na ang tinatanaw ko nang,
“ naniniwala ka ba sa kasabihang first love never dies?”
“Anong klaseng tanong yan Jeremy?” ‘Tong si Jeremy talaga, parang ‘di ako kilala, alam na nga nya na madali akong kilabutan pagnaririnig ang mga corny na quotes na yan.

            Hirit ko pa. “Apply natin yung ‘Social Construction of Reality Theory’ ha. For example, first time ma-inlove ng lalaki ngunit ‘di sya sinagot ng babae. After ten years ay nagtagpo uli sila at nagkatuluyan. Then pinagmalaki ng lalaki sa kanyang mga ka-inuman na ‘First Love never dies’ at ginawang proof ang kanyang experience at nag-agree naman ang buong mundo sa sinabi nya.”

 “ In short…”

“ Ang society ang nagdedesisyon kung ano ang magiging reality. In that case reality was changeable and communication make it more available to much wider society. Kaya hanggang ngayon ay buhay parin ang kasabihang ‘yan.”

            “So, what’s your point?”
           
            Inakbayan ko muna siya at damang-dama ko ang kanyang mahabang buhok na tinatakpan ang kanyang batok.
“ First love may be remembered pwede pa, pero never dies? Malabo.”
           
“Sabagay”,sabay tulak sa duyan na hinihigaan ko. “ang gulo mo mag-explain eh.”
            Nasa kasarapan na kami sa pagtanaw sa buwan nang dumating si Sean.
            “Sabi ko na nga ba dito ko lang kayo makikita eh.” Hingal na hingal si Sean,halatang nagmadali syang akyatin ang sampung palapag ng building.
            “Syempre, saan mo pa ba kami mahahanap?” umahon ako ng kaunti para Makita ang hawak-hawak ni Sean. Isang grocery bag. “Nakakagutom ang buong araw na ‘to! Daming projects.” Sabay labas ng isang can ng softdrink at inihagis sa direksyon ko.
            “O! ba’t walang imik si Jeremy?”
            “Nakatulog eh.” Hindi ko sya masisisi, malamig talaga sa rooftop lalo na ngayong malapit nang mgapasko.
            “Sabi ko naman sa’yo pare na ‘wag mong syang  papagurin eh,”
            “ ‘Loko ka talaga!”

            Ganito kami palagi, nakatambay at nagpapahinga sa rooftop. Walang istorbo. Kaibigan kasi namain ang mga manong guard kaya okey lang. Halos alam na rin nga ng lahat na tambayan namin ang parteng ito ng university. Minsan ay natuwa pa sa amin yung guard ay pinayagan pa niya kaming magtayo ng duyan at tent dito. Hindi naman kami pinagbawalan ng administration.

            Nahinto kaming dalawa sa kakatawa nang may narinig kaming mga yabag, papaakyat at papunta yata sa kinalalagyan namin. Sa may hagdan. Si Manong guard siguro ‘yan at papaalalahanan na niya kami na gabi na at magsasara na ang campus. Ngunit iba ang tumambad sa amin. Isang babaeng may tangan na dalawang box ng pizza. Pamilyar.

            “Sean?”  inililigaw niya ang kanyang tingin. At lumapit siya kay Sean,“ Sorry kung ngayon lang ako dumating.”
           
“That’s okey , Allen, I want you to meet Phoebe”
           
“Hello Phoebs…long time no see.”
            Gisng na pala si Jeremy.
           
“You know her?” tanong ni Sean habang naghahanap ito ng malalapagan ng pizza.
            “Yes Sean, Phoebe, ito nga pala si Allen, my boyfriend.”

            Isang pepperoni at isang Hawaiian pizza, kasama sa ilang carbonated drinks,biscuits at ma-vetsin na snacks ang sama-sama naming sinentensyahan. Nakuntento kaming dalawa ni Jeremy sa tent kaharap sila Sean na nakasakay sa hammock.
           
            Magkaklase pala silang dalawa sa art class. And at that moment ko na-realize na kung ano ang malakas na panghatak ni Sean sa mga babae. Classmate  naman ni Jeremy si Phoebe sa Communication Theories and Model, kaya pala siya pamilyar.

            Sa kalagitnan ng kwentuhan ay napahiga sa aking naka-indian na mga hita. Sa buong pag-aakalang paglalambing niya iyon ngunit nang hinipo ko ang kanyang mukha pababa sa leeg ay naramdaman ko na ma-init siya.
            “Mainit ka ha, may lagnat ka ba?”
            Ngumiti lang siya at ipinikit ang mata. At napasandal lang s’ya sa akin.

            “okey lang ‘yun, maaga pa naman kaya ‘di pa iyan delikado”
            Ngunit ‘di pa tumugil si Sean sa paghingi ng paumanhin sa babaeng kanyang pinagakuan. “ Pasensya ka na talaga ha, Hayaan mo sa susunod, ililiibre kita ng coffee frap pag-uwi. Promise!”
            “Promise mo ‘yan ha…”

            At lumayo na ang babae sa aming kinaroroonan. ‘Di parin kami umuusad papalayo sa aming kinatatayuan.
            “Nanghihinayang ka no?”  pang-aasar ng babaeng pasan ng likod ko.
            “kasalanan mo ‘to eh! ‘Kaw talaga.”

            Ang mga isip-bata talaga ang mga ‘to!
            “Sean! Jeremy! Tumigil na nga kayo!” sigaw ko…bulyaw na parang may halong laro.
            “Ang O-A naman nito!” sagot ni Jeremy, “Titigil na po Kuya AVE!”
            “Jeremy talaga, alam mo na ngang ayaw na ayaw ng boyfriend mo na tawagin siyang AVE.”
           
            Inulit pa talaga, Swerte lang kayo dahil may sakit ang isang ‘to kaya nasa “maalahanin-mode” pa ako.

            Matapos ang ilang sakay ay napadpad kami sa bahay ni Jeremy. Pinidot ni Sean ang Doorbell at ilang sandali ay iniluwa ng gate si Manang Luisa.

            “matigas talaga ang ulo ng batang iyan! Sinabi ko na sa kanaya na magpahinga naklang kesa pumasok,” sabi ni Manang Luisa habang papalabas ng pinto at tanagan ang isang maliit na palanggana na may lamang tubig at bimpo.
            Naalala  ko bigla ang pinaggagawa namin nang maghapon, nag ice-cream kami at nagbabad sa malamig na hangin duon sa rooftop. Nakokonsensya tuloy ako.

            Almost two years na ako ‘di napapadpad sa loob ng bahay ni Jeremy pero parang walang nagbago. Maliwanag parin ang buong sala, nakasabit parin ang mga Shinto wall scroll na galing Japan at nasa gitna parin ng glass coffee table ang isang malaking glassbowl, laman sila Errol at Rock, mga alagang pagong ni Jeremy. Natatandaan ko pa noong huli akong nakatapak dito sa loob ng bahay nila. Andito ako para samahan si Jeremy na ihatid sa airport ang mga magulang niya. Patungo sa Amerika ang mag-asawa para duon ay sabay nang magtrabaho at samantalahin narin ang binigay sa kanilang greencard.

            “Magkape muna kayo,”muling tumabad sa aming harap si manang Luisa tangan naman isang serving plate laman ay tatlong umuusok na tasa.
            “Kamusta naman kayo ni Jem?”
            “Ayos lang po kami…hindi naman po kami nagkakaproblema kahit papaano.”
            Mukhang nakuntento na siya sa sagot ko.
            “Wala nga ba?”
            “Anong ibig mong sabihin Sean?”  pagtataka ng matanda.
            Tinignan lamang ako ni Sean.
            “Wala po ‘yun.”
            Natuon ang pansin ko sa hawak kong tasa at biglang napabuntung-hininga.
           
            “Manang Luisa, may problema po ba si Jeremy?” binasag ko ang katahimikan gamit ang isang tanong. “Dahil napapansin ko ‘tong mga nakaraang linggo, parang mabigat palagi ang pakiramdam ng alaga nyo.” At may kutob ako na ang magiging sagot ng matanda ay maaring makaapekto sa aming dalawa.

            Sinagot ako ni Manang Luisa hindi maintindihan ng utak ko ang mensaheng gusting iparating ng matanda. Magulo. ‘Di ko alam kung ako ba talaga ang siyang ayaw umintindi sa matanda.

           

November
            Creative Writing na ‘ata ang pinakamagandang minor subject na nakuha ko. Sa hilig kong magsulat ay tiyak hindi ako magsasawang at mapapagod sa papagawa ng professor namin. At least sa pagsususlat ay nakakalimutan ko kahit sandali ang mga aalahanin sa buhay. Sabi ng ilan, ang pagsususlat ay parang pagdrodroga,pag iyong sinimulan mo ay mahirap nang tigilan.

            Sumang-ayon din si Jeremy sa bagay na iyon kahit ‘di kami magkasama sa klase dahil sa kanyang pagiging irregular. ‘Di parin siya nagpapahalata na may problema siya.Problemang hindi lang siya ang dapat humarap. Problemang hindi lang siya ang maapektuhan. Problema na ang solusyon ay ang pinagsamang desisyon naming dalawa. At hanggang ngayon ay lingid parin sa kanya na alam ko na ang lahat.
           
            Ginagawa niya akong abala sa iba’t-ibang bagay para malayo ang isip ko sa kanya. Tulad nalang nung isang araw,pinipilit niya akong gawin na ang final project ko sa creative writing kahit sa Febraury pa ito nakatakdang ipasa.
           

                       
           

           

               



[1] Ang nagpabilib sa amin duon ay nang nanalo ito. Dyuzkopow! Siguro mapapatanga ka rin tulad namin ni Jeremy pag nakita mo yung drawing slash painting (whatever it is) nya. Isipin nyo nalang ang isang Pizza na nahulog sa isang Canvass kasama ang ilang tira-tirang ulam( without its odor), ganoon! Pero, sino ba kami para hamakin ang gawa niya?
[2] Ipakikilala ko ang “ILAN” na ‘yon ah…sila lang naman yung buong section namin sa EN310 : Argumentation and Debate namin. Mga 38 sila , minus na kaming tatlo ni Sean at Jeremy.
[3] Japanese term sa mga writers na nagsusulat at nagproproduce ng manga o japanese graphic novels.Sa mga “Manga” naman binabase ang halos lahat ng napapanuod na animēs.Bihira lang kasing kagatin ng animē market ang mga series na di nagsimula at napakilala sa Manga form

[4] Well…based yan sa experience ko sa kanya…one time nga ay walang nakasagot sa tanong niyang “what is the meaning of Theory”. Hayun!  We ended up suffering surprise recitations since then. Si Sir Lex ay isa sa mga professor na mukhang mabait pero madaling magalit, At pagnakita mo ang pagmumukha niya pag nagagalit ay tiyak na mapapahiling ka na sana sa ibang course ka na naka-enroll

Allen Valentino Invictus Diaz-Nool Jr.

Mahusay ang Tono mo

Nabibilib ako sa draft na ipinapakita mo dito sa web. Nakaka-engganyo kang basahin.