Daang Matuwid
Noon,
Tinatanaw kita
Habang sumusumpa
Nakakabingi ang mga palakpakan
Makulay ang mga kasuotan
May kasama pang awitan.
Ngayon,
Palakpaka’y napawi na
Napalitan ng mga bangkay
Sa loob ng bus na walang malay.
Nasaan na ang mga aso?
Na mga alagad mo
Ngayon ay kumakahol
Sa sarili nilang amo.
Nasaan ang masaganang ani?
Malalaking isda di mahuli
Nakalimutan na ba?
Tulad ni Shalani?
Sabi mo,
Papawiin ang dusa
Ihahatid ang ligaya
At hindi ang huwad na Gloria!
Nasaan na?
Papano na si Lauro?
At si Mangundadatu?
Tahimik na
Ngunit malansa pa rin
Amoy ng pulbura
Mabuti pa ang GDP
Tumataas
Ang sahod
Deretso pa rin
Sa bulsang butas.
Makibaka!
Wag matakot!
Naroon pa rin sila
Sa mga kalsada
Kasama na
Hacienda Luisita
Papano mo kami ihahatid?
Bakubako pa rin
Ang daang matuwid
Sige sasamahan kita
May limang taon pa
Ngunit patuloy
pa rin
Ang pakikibaka.
A tribute to 1 year in power of our beloved president


