Dagang Kanal

j luna's picture
| |

Dagang Kanal (j.luna)

Nagising ang buong barangay nang basagin ang katahimikan ng mga sigaw at atungal ni Aling Baby, ang kapitbahay naming bagong panganak.

Mula sa aking pagkakahimbing, ako'y biglang napabangon-
naalarma sa malakas na sigaw na narinig, at tulad ng mga kapitbahay ay lumabas din ako upang rumesponde sa sigaw ng saklolo.

Pagdating sa bahay ng bagong ina ay nalaman ko ang dahilan ng kaguluhan-
nilalapa pala ng mga dagang kanal ang bagong panganak na sanggol ni Aling Baby.

Di-magkandaugaga ang mga taong bayan dahil sa milyun-milyong dagang kanal na nagkukumpulan at nagpipiyesta sa ngayo'y gutay-gutay nang katawan ng sanggol.

Milyun-milyog dagang kanal-
isang kumikilos na dagat ng maiitim, nakakalbo, mabaho at nakakapandiring mga dagang kanal na di kayang itaboy ng kahit anong hampas at palo mula sa mga patpat, pala at walis na dala ng mga takot na kapitbahay.

Kitang-kita ko ang lahat mula sa aking kinatatayuan.

"Wasak", ang unang salitang pumasok sa aking isipan.

Biglang naalala ko na may pasok pala ako, kaya naisipan ko nang sumibat.

Mapaglaro ang tadhana-
timing na timing ang sigaw ni Aling Baby na ilang minuto lang ang agwat sa oras na nakaset sa alarm clock ko para mag-alarm--
ang oras upang gumising at harapin ang isang panibagong araw.

Mahal ko ang trabaho ko, ayokong ma-late.

Sa daan pauwi may umover-take sa akin na dagang kanal na malaki, mataba at nanlalagas ang balahibo at may tangay-tangay na kapirasong lamang-loob sa kanyang bibig.

Sa pagkaripas nito, aking napuna na may naiwan ito sa daan.

Lumapit ako sa bagay na kanyang nalaglag; ako'y yumuko at nakita ko na ito’y ang putol na etits ng sanggol-
lasug-lasog ito't nasasarsahan ng malapot na dugo.

Sa aking pagtayo aking napuna na ang ganda pala ng araw habang sumisikat ito sa silangan,
at sa kanto malapit sa aking bahay ay nakapuwesto na ang kariton ng mamang naglalako ng pares at mami.

j.luna

Patrickman's picture

wow, lufet!!! iliteral na

wow, lufet!!! iliteral na wasak!

 

 

I'd love to turn you on...

Videoke the Radio Star

j luna's picture

Wasak!

Salamat!

:)

fully developed ang baby mo dito, J. Luna --- hindi lang cephalocaudal kundi proximodistal din...

ibig kong sabihin, maganda ang background at foreground ng iyong kuwento.

at, wala ring nasayang na salita o eksena. para sa akin, okay ito.

Ruthie

Junimun norul saranghe... ^ . ^*

 

http://atmaramipangiba.wordpress.com

http://courtofreverie.wordpress.com<

j luna's picture

Salamat. Yun ang challenge

Salamat. Yun ang challenge sa pagsulat ng flash fic, yung kung pano pagkakasyahin lahat ng importanteng detalye sa isang spur of the moment account.

Adlesirc's picture

wasak

namiss ko magbasa ng akda mo.

as usual, ibang klase ang pagkakasulat. tragic yung nangyayari pero kinukwento lang ng walang halong emosyon at madali rin basahin.

 

ayos to J!

 

 

j luna's picture

Salamat sa pagbasa. Lately

Salamat sa pagbasa. Lately kasi sa performance ako naka focus kaya di maka-larga sa pagsulat.

anakngfaraon's picture

takot ako sa daga!

 

may kuwento ang tiyahin ko sa akin dati na bagong panganak na sanggol 

na kinain ng malalaking daga.  sa sahig lang kasi natutulog yung baby.  

biruin mo, pwede palang maging literary piece ang kuwentong ganun.  

 

ayos! 

 

 

http://katya14.multiply.com/journal

 

j luna's picture

Kahit anong bagay naman,

Kahit anong bagay naman, kahit ang pinaka-boring na eksena pwedeng paghugutan ng storya.

Luca's picture

j.Luna!!!

pinabasa ko to sa kaibigan ko.

 

nalaglag panty niya. hahahaha.

 

patok... parang gusto ko ng pares... 

wag kang pipikit...

j luna's picture

"nalaglag panty niya.

"nalaglag panty niya. hahahaha."

Owws, dapat pinicturan mo tapos sinend mo sa akin...O sana tinawag mo nalang ako, para masaya.

Salamat sa pagbasa.

Cutey ba? sabihin mo textmate kami.

Luca's picture

oo

cutey,

petite,

taga-UP Baguio,

maldita,

nampipitik ng itlog. hahaha 

wag kang pipikit...

j luna's picture

Yo, Luca.

Sa manila ba siya naka base? Sabihin mo i-add niya ako sa facebook: john_robert81@yahoo.com

o kaya i-text ako: 0916-7840473

oks lang na magkalaglagan ng panty. Masaya yun...

Don't worry iingatan ko siya.

Salamat.

Text niya lang ako, kahit painom ako...

bobosijuan's picture

 ayus... palutangin sa

 ayus...

palutangin sa alapaap ang usok mula sa likod ng dalisay na batis...

http://bobosijuan.blogspot.com/

 

j luna's picture

salamat sa pagbasa...pero

salamat sa pagbasa...pero mas digs ko ang inaalok sa akin ni Luca

jonsdmur's picture

astig naman ng kwento....

Mga Obra ni Jonsdmur

Balarila - Wastong Gamit ng Salita

wala ka talagang kupas.... ang ganda ng kwento... 

jons 

j luna's picture

Salamat talaga ng marami sa

Salamat talaga ng marami sa pagbasa...

Luca, nasan na ang friend mo? Ready na ko.

Joven's picture

Ayus

  pero kadirdir. haha. puro brutal nababasa ko ngayon a. ang titibay po magsulat ng iba d2 sa fw..

 

 

"sagrado ang mga sulatin"

j luna's picture

Ang

Ang tibay....

salamat...

Yoohoo Luca, nasan na si friend mo?

Jack Alvarez's picture

Milyun-milyon

'Di-magkandaugaga ang mga taong bayan dahil sa milyun-milyong dagang kanal na nagkukumpulan at nagpipiyesta sa ngayo'y gutay-gutay nang katawan ng sanggol.

Milyun-milyog dagang kanal-
isang kumikilos na dagat ng maiitim, nakakalbo, mabaho at nakakapandiring mga dagang kanal na di kayang itaboy ng kahit anong hampas at palo mula sa mga patpat, pala at walis na dala ng mga takot na kapitbahay.'

Kakarampot na laman ng sanggol para sa milyung-milyong dagang kanal...

 

'Lumapit ako sa bagay na kanyang nalaglag; ako'y yumuko at nakita ko na ito’y ang putol na etits ng sanggol-
lasug-lasog ito at halos di na makilala dahil sobrang duguan. '

Na-identify mo sa unang pangungusap ang etits, para sa akin unnecessary na ang 'halos di na makilala... '  at parang mas angkop kung gagamitin sa paglalarawan sa mukha ng isang tao hindi lang sa parte ng katawan.

j luna's picture

Salamat ha...

Salamat ha... Sa parteng "di na makilala" binago ko na dahil sa logic ang problema ng statement na ito, pano nga maaa- identify kung "di na makilala", dito ang paggamit ng lingwahe ang naging problema.

Pero sa parteng: "Kakarampot na laman ng sanggol para sa milyung-milyong dagang kanal..."

Dun na pumapasok ang pagiging illogical, absurd, nonsensical at surreal na nakuha ko kay Borges at Cortazar...Argentinian Avant-Garde kase ang malaking impluwensiya ko at malaking porsiyento ng panulat ko ay halaw kay Brautigan kaya di na nagm-matter madalas ang logic ng storya, bukod dun di na ko nagr-realist. Puwede ko pa ngang i-push ang limits sa puntong hindi na talaga kapani-paniwala. Parang sa mga ginagawa nila Barthelme (yung mga tipong libu-libong porcupine na sumusugod sa university, at yung tungkol 30 years old na estudyante na vietnam war veteran na hindi nahahalata ng tao sa paligid na matanda na siya kahit nasa grade one pa siya and all that shit).

Eto, para mas may idea ka sa paraan ko ng pagsulat, basahin mo ito:

http://www.filipinowriter.com/acw-sex-and-violence-galore-version

Pero salamat.

Jack Alvarez's picture

Okay

Okay lang yun...

Maganda ang daloy ng kuwento as considered as flash fic. Nagda-dagli din kasi ako. Trip ko rin ang flash fic. 

Kinse's picture

ang kulet kulet naman ng

ang kulet kulet naman ng imagination mo, nangingilabot ako dun sa mga dagang kanal eh.. whew! naimagine ko kasi wawa naman yung bata (affected?haha) meaning epektibo yung kwento kasi na-apektuhan yung mga mambabasa.. wala ko masabi... hands down...hehehe apir!

j luna's picture

Thanks Kinse...

Imagination? Baka drug induced trippings...

Eto, baka magustuhan mo:

http://www.filipinowriter.com/akadystopia-o-ang-kuwento-ni-masungit-exce...

neutron's picture

grabe..

..ngayon lang ako nakabasa ng post mo sa tagal ko ng nakikita mga posts mo. ang daming nag sasabi na magaling ka. at totoong magaling ka talaga. kinilabutan ako sa ginawa mo. ang galing galing. nakakadiri pero magaling.

 

- I'd still walk a million miles for just one of your kisses.

j luna's picture

Haha. Salamat Neutron, eto

Haha. Salamat Neutron,

eto baka matripan mo:

http://www.filipinowriter.com/akadystopia-o-ang-kuwento-ni-masungit-exce...

try mo basahin yung mga pinost ko na halos kasabay nyan.