Dahil Minsan Ang Minahal Mo ay Ako

 Napakasaya mo ngayon tingnan
bakas sa inyong mata
ang ligayang iyong nadadarama

Siya ba ang iyong bagong Prinsesa?
tunay nga na napakaganda niya
kaya ba sa iyong mga mata
tanging siya na lamang
ang iyong nakikita?

Napansin ko ang hawak-hawak
mo na bulaklak
Para ba sa kanya yan? o,
para sa iyong Ina?

Gusto kitang hagkan, yakapin
upang maramdaman muli
ang iyong yakap
Pero ano nga ba ang magagawa ko?
ang atensyon mo ay tuluyan
ng nabaling sa kanya

Hanggang ngayon, hinihintay
ko pa rin na manumbalik
o mabuhay muli ang
pag-ibig mo para sa akin,
Na ang init ng mga yakap mo,
ang paghaplos mo
sa aking buhok,
ang paghalik mo sa aking noo
ay gusto ko maramdaman muli

At higit sa lahat,
ang marinig ang boses mo
na sinasabing
Ako lang ang babae sa buhay mo

Ang muling makapiling ka
ang tangi ko lamang Dalangin

Dahil minsan ang minahal mo ay
"ako"

-Nanay


noelbarcelona's picture

cassandra

cassandra wrote:

 Napakasaya mo ngayon tingnan
bakas sa inyong mata
ang ligayang iyong nadadarama

Siya ba ang iyong bagong Prinsesa?
tunay nga na napakaganda niya
kaya ba sa iyong mga mata
tanging siya na lamang
ang iyong nakikita?

Napansin ko ang hawak-hawak
mo na bulaklak
Para ba sa kanya yan? o,
para sa iyong Ina?

Gusto kitang hagkan, yakapin
upang maramdaman muli
ang iyong yakap
Pero ano nga ba ang magagawa ko?
ang atensyon mo ay tuluyan
ng nabaling sa kanya

Hanggang ngayon, hinihintay
ko pa rin na manumbalik
o mabuhay muli ang
pag-ibig mo para sa akin,
Na ang init ng mga yakap mo,
ang paghaplos mo
sa aking buhok,
ang paghalik mo sa aking noo
ay gusto ko maramdaman muli

At higit sa lahat,
ang marinig ang boses mo
na sinasabing
Ako lang ang babae sa buhay mo

Ang muling makapiling ka
ang tangi ko lamang Dalangin

Dahil minsan ang minahal mo ay
"ako"

-Nanay

 

Nakatutuwa... ipagpatuloy ang magandang naisusulat.

“Write in such a way as that you can be readily understood by both the young and the old, by men as well as women, even by children.” - The Great Uncle Ho (1890-1969)

 

SSShh.. Secret lang natin

SSShh.. Secret lang natin toh

Please follow me at my blog

LamangUtak.blogspot.com

 

thanks

 

alcor eldioan's picture

Haha

Mediyo nalito ako nung una kaya aking binasa muli. Nakakatuwa ang iyong isinulat. Napaisip tuloy akong bigla tungkol sa aking Mommy.

Magandang pang-mother's day. Ahhehe.

Alcor :)

SSShh.. Secret lang natin toh

 

Hehe. Thanks

kaya nga minsan nagseselos talaga ang mga nanay kapag nagkaka girlfriend na ang kanilang mga anak lalo na kung nag-iisang anak nila. hehe.

 

Salamat sa pagbasa.

 

www.lamangutak.blogspot.com

Jack A. Alvarez's picture

Walang bago.

Lahat na ginamit na salita at metapor sa tula ay cliche. Walang bago. Napakalumang tugtugin 'ika nga.

 

'Bless God and bless the gays.' - Lady Gaga

http://jackofspades01.multiply.com/

hehe..

SSShh.. Secret lang natin toh

Uhmm mula kasi iyan sa lumang composition na kanta ng isang direktor at isang composer. natuwa lang ako sa pamagat noon kaya naisipan ko gumawa ng tula abt dun. Ginaya ko lang ng bahagya ang pamagat :)

 

Thanks sa pagbasa at pagpuna  Jack :)

 

God Bless

jonsdmur's picture

Galing ah!

Maganda ang pagkakasulat... naalala ko tuloy ang mother ko....

SSShh.. Secret lang natin

SSShh.. Secret lang natin toh

 

Thanks sa pag-basa Jon :)

Please visit my blog www.LamangUtak.blogspot.com

Uhm may video kasi ako dun ini upload... A fathers love letter :)