DAHIL SA HAPON NA

|

at dahil sa
hapon na
at
ubos na rin
ang tatlong
pirasong
sigarilyo.

hindi
ko na
iintaying
maglaho ang
kulay
apoy na
kalawakan.

at habang nasa
mundo
ang aking
katawan.

ang utak
at puso
at kaluluwa
ay naroroon
sa
kung
saang
dako
ng daigdig

at malungkot...

at hinahanap
ang
espasyong
iyong
kinaroroonan.