DAPAT PA BANG IPAGLABAN???

 

Mahal mo ko at mahal na rin kita noon pa

Ngunit pareho nating itinagong dalawa

Lumipas ang mga panahon, akala lilipas na

Hanggang sa muli tayong nagpangita

 

Nang dahil sa FS na tinatawag tayo'y nagkausap na muli

Ang saya saya kapag ikay nagmemensaheng palagi

Di nagtagal nagkita tau sa YM na sinasabi

At doon mga mukha natin ay nakitang muli

 

Anong saya nung araw na sinabi mo na ako'y mahal mo pa

Puso ko'y walang pagsidlan dahil sa sobrang saya

Ngunit ngayon  pareho na taung may pamilya

Yan ang isa sa napakalaki nating problema

 

Hanggang ngayon patuloy pa rin tayong lumalaban

Lumalaban at yan ang ating paninindigan

Ngunit minsan isip ko'y nagugulo ng kainaman

Nagtatanong ,,dapat pa ba nating ituloy ang ating ipinaglalaban??????