Dapit-hapon

Lemmor Setneuf's picture
| |

Sa balkonahe tuwing hapon

dalawang tasa ng kape ang naroon…

Sabay na tumutunghay  sa paglubog ng araw

magkasama, magkatabi…  magkaulayaw

sa isa’t isa’y walang pag-aalinlangan

nasasaid ang kapwa nito laman

 

Paglaon ay dalawa pa rin silang naroon

nakamasid sa dapit-hapon

subalit halos dina nababawasan

ang isang tasa, lagi nang may laman

kasabay ng paghalik sa lupa ng araw

namamasid sa isang tasa ang panglaw

 

ngayon isang tasa na lamang…

ang sa takip-silim nakaabang

nag-iisang tasang may laman

lumamig na, di pa nabawasan

tasa’y natabig, nabasag sa sahig... sa isang saglit

laman nito’y humalo sa dugo ng langgit

 

 

 

"para-kanimo la ang gugma... ang tanan..." -Lola Nene-

Lemmor

To my Lola Nene....

 

Happy Valentines Day FW.... Happy Valentins Day to All!


5182EiDiDiFy's picture

Hallo sir!

Happy Valentines din sir...

 

Miss your work in FW... muzta na?

 

NICE ONE!

 

 

maharot, malikot titik sa aking tuktok!

Lemmor Setneuf's picture

Salamat!

Salamat sa pag-basa... mabuti naman ako, busy lang sa work... nalipat kasi ako ng department nanganganay pa... 

"Ang ating liwanag at muling lalamunin ng dilim na ating binasag!"

arvin95's picture

kami dito sa balkonahe ay

kami dito sa balkonahe ay beer ang iniinom.....

Lemmor Setneuf's picture

c",)"Ang ating liwanag at

c",)

"Ang ating liwanag at muling lalamunin ng dilim na ating binasag!"

5182EiDiDiFy's picture

hay naku arvin95! pati ba

hay naku arvin95!

pati ba naman sa comment?

maharot, malikot titik sa aking tuktok!