DAPITHAPON SA PAMANTASAN (tula)

Allanjohn Andres's picture

-

-

-

-

-

-

-

-

Kulay-kalawang ang dapithapon
tulad ng mga dahong
sadyang iniipit upang malanta
sa pagitan ng mga lamukos na pahina
ng kalsada sa kampus. Enero.
Parang nilulumot na libro
ang hilera ng mga gusali
ganitong pa-takipsilim at nagmamadali
ang mga dyipning tumatahak
sa mahabang lagda ng kalye paakyat
sa Forestry. Mabango ang langhap
ng bagong-hawang tinapay sa coop,
lagi kong naaamoy tuwing binabaybay
itong mabatong lansangan patungong Y.
Pagdating sa dorm, nakakalat
ang mga aklat nina Mao at Plath
sa sahig. Itim ang ligalig
na nakalimbag sa loob ng silid.

Sa labas, tinggang nalulusaw
ang silahis ng sugatang araw.


auau's picture

Mabango ang langhap ng

Mabango ang langhap
ng bagong-hawang tinapay sa coop,
lagi kong naaamoy tuwing binabaybay
itong mabatong lansangan patungong Y. 

 -favorite line. :) galing. :D

 

"... dito lang ako
hanggang sa pagdaan mo."

http://tuwatula.blogspot.com/

Allanjohn Andres's picture

-

 

Salamat sa komento mo, auau.

Bahaging '91 nabuo ang kathang ito. At kung di nagsisinungaling ang deklarado mong araw ng kapanganakan, kung susumahin ay tatlong taong gulang ka pa lamang noong mga panahong iyon. Nagigiliw akong banggitin ito sapagkat, sa wakas,  ay di na limitado sa mga may-edad ang nagbabasa ng trabaho ko sa site na ito (Pasintabi sa lahat ng nasagasaan ko, hahaha).

 

auau's picture

:D

haha wow. ang tagal na pala. (at yep, 1988 ako pinanganak. :D)

malaki na ba pinagbago nung lugar?  Sana andun pa din yung:

...langhap
ng bagong-hawang tinapay sa coop,

 

San pala 'to? Una kong naisip sa Elbi (dahil dun sa Forestry. hehe)

Allanjohn Andres's picture

-

 

Hi auau... sa elbi nga ang setting nito.

may dalawang kahalintulad akong trabaho na naka-post rin dito. ang 1) matapos ang 3 beer sa plaza agapita; at 2) ang alamat.  itong huli ay isang parangal alay sa misteryosong "Mariang Banga".

sana mabasa mo rin kung may oras ka.

salamat uli.