DaSal

Starblaze's picture
| |

Heto na naman ako

nakaupo

nanginginig

nakayuko

Sisimulan ko na ang antada

Aba ginoong maria

Turo ka ng aking ama

Gawin kahit sa kubeta

Nangangatal

marahan

mabilis

nakapikit

nakatingin sa langit

mauupos na ang aking hininga

katawan koy nagbabaga

isip na may malisya

mapapawi na

lalabas na

malapot

malagkit

na pawis

tapos na ang Dasal(sal)

 

"Homer anak bakit ang tagal mo sa kubeta? aba'y kanina ka pa diyan ah? ano bang ginagawa mo?"

"Nagdadasal po inay!"

"Andeng, hayaan mo na ang anak mo binatilyo na kasi kaya madasalin na lilipas din yan"

"Ewan ko ba dyan sa anak mo Inggo, abay magpapari yata abay kahit sa pagbibihis sa kwarto eh nagdadasal pa rin yata"

 

Starblaze

Sino si Homer a.k.a. Starblaze?

My Photo
1.Dakilang mangingibig 2.Mahilig gumawa ng tula at kakatwang kwento 3.Matayog ang pangarap 4.Mababaw ang kaligayahan 5.Mahilig kumain ng mani 6.Malikot ang isip (at kamay) 7.Madaldal, tahimik, walang kibo, magaslaw 8.Pilit ginagaya ngunit di mapantayan

redentor p.quiachon's picture

"galing"

  sobrang natural nung mga pangyayari sa tula sa buhay ng mga nagbibinata..galing talaga..sinubukan ko rin gumawa mng tula kaso ang corny puro pambobola yung nagagwa ko..pero kayo ang husay..

rose's picture

I was Surprised!

Akala ko naman kung anong klaseng dasal... ibang dasal pala... ang dami namang pwedeng i title bakit dasal pa? but anyway oks na sana kaya lang parang nabastos ang totoong dasal.. hinaluan mo pa ng aba ginoong maria? Hindi mo ba alam na napakasagrado ng dasal na yan?????oks ka sana mag sulat kaya lang yung mga bagay na hindi dapat gawing biro, nababastos na.....

Next time eneng wag mo na isasama ang tunay na DASAL , sa pag susulat mo ...

Starblaze's picture

Totoong Dasal

Hi rose, 

papano ba natin i ka classify ang totoong dasal? napakaraming uri ng dasal..meron dasal na ginawa para sa sarili lang at merong dasal na ginawa para sa lahat to be memorized..ang alam ko na dasal na itinuro lang ni Jesus Christ ay ang nasa bible which is the "Our Father"..i am a Catholic and a Marian advocate. However, in literature it crosses beyond borders and if a reader is not mature enough to understand what literature means then he/she needs to go back to the basic. Sa mga dasal ko madalas ko sabihin na "panginoon patawarin mo ako sa mga kasalanan ko" what if i mention it in one of my poems? nabastos ba ang dasal? ang totoong dasal?

 

Nakita kita

nagkaron ako ng malisya

sa aking isip

pilit kong sinisilip

iyong hubog

sa dibdib koy nagpapasikip

panginoon ko

patawarin mo ako

sa mga kasalanan

sa mga kabaliwan

katawang lupa ko

iyo ng hatulan

 

Starblaze "Dakilang mangingibig, malikot ang isip (at kamay)

http://cutedaw-starblaze.blogspot.com/

Starblaze's picture

Thanks

being natural is being simple..and simplicity makes sense..just dont stop writing and composing we can write anything under the sun (and beyond) palikutin mo lang ng konti ang isip sa mga bagay na nagnyayari sa araw araw and presto!...

 

starblaze

 

Starblaze "Dakilang mangingibig, malikot ang isip (at kamay)

http://cutedaw-starblaze.blogspot.com/

robleza's picture

__________________________ ma

__________________________

maraming uri ng dasal pero mas sikat kasi ang salitang dasal na ginagamit pang relihiyon di naman iyon nababastos as long as hindi naman pinatutungkol sa diyos ang pambabastos..and yet walang namang rude content sa tula kaya okay lang. 

___________________________________ 

"The great way to feel happines is to know nothing like what you have did when you're in childhood age."

Starblaze's picture

Apir!

Hehe! nakakuha ng kakampi, salamat tol

 

"The best possible way to happiness is to forget the meaning of happiness" 

 

Starblaze "Dakilang mangingibig, malikot ang isip (at kamay)

http://cutedaw-starblaze.blogspot.com/

Similar entries