Dati, Kapatid (Dati)
Dati, kapatid,
Lumilipad ako sa hangin
Na dulot ng iyong bagwis.
Aking kapatid,
Pinagpag mo ang laot
Nang aking balangay'y bumilis.
Patawarin mo sana
Kung matakot akong
Maging isa kang buhawi.
Maunawaan mo sanang
Natakot ako sa pagtaas ng mga alon
Sa dagat natin.
Pinagbibigkis tayo ng ating mga pusod
Nguni’t pinaghihiwalay
Ng aking hangarin.
Ang sundang na ito
Ang papatid sa ating pagkakaisa--
Kapatid, tayo’y hindi na.
Nais kong malaman mong
Hindi magwawakas ang buhay ng isa
Kambal na matatapos ang sa ating dalawa.
Dadalhin ng bayan
Ang iyong walang-buhay na katawan
At kokoronahan ka ng katarungan.
At mabubuhay akong patay
Habang patay kang mabubuhay
Dahil ang pusod nating aking pinatid,
Hanggang libinga’y nag-uugnay.
gratuitous,
pero ayaw ko lang siya mawala sa live discussions, baby ko to, kahet panget
'sing sarap, 'di 'sing mahal...
kelan mo sinulat to? sayang,
kelan mo sinulat to? sayang, ang ganda nito! sana pinabasa mo sa akin sa conspi, hehe. :D
I'd love to turn you on...
noong isang araw lang.
hahaha, hindi pa yata oras para mabasa ang gawa ko in public
'sing sarap, 'di 'sing mahal...
oks naman sya luca, sa
oks naman sya luca, sa kanunayan emotional sya at di insensitive. ang buhay laging magkabilaan may dilim may liwanag. hindi pwedeng iisa lang. welcome naman ang ganitong mga gawa mo di ko iniisip na gagawan ka ng masama kung ilalabas mo ito sa gitna ng matinding clamor sa justice sa nangyayari sa ngayon.
salamat rom!
haha alam mong hindi ko forte ang mga political na sheeznit.
pero try lang. magbabagong taon na kasi. hahaha
'sing sarap, 'di 'sing mahal...
pagkatapos mo sa pagpapa
pagkatapos mo sa pagpapa senti natural na gumradweyt ka into something deep and mature not necessarily political. 26 ka pa lang naman napakalayo pa ng tatakbuhin ng pagsusulat mo at obserbasyon sa buhay. maraming tapilok pa habang naglalakad sa mabatong daan o maaari rin namang makalimot at makatulog sa sa kinis ng byahe papunta sa karangyaan.
kasunod yata ng maturity
ang selflessness...
maraming salamat sa encouragement.
'sing sarap, 'di 'sing mahal...
ayos naman...
medyo refreshing nga kc di sya ung usual stuff na ginagawa mo. napaka versa mo :)
subtle pero andon yong intensity ng mensahe.
ganda...
sarap basahin, Sir pwede ko ba sya i-Quote sometime sa mga saktong pagkakataon?
galing naman nito, ang sarap
galing naman nito, ang sarap basahin. hehe
ay nako RJ
mas masarap pa ko jan.
ahahahahahahaha
salamat sa pagbasa... namiss kita
Kung ano man yung narinig mo, hindi "I love you" yun! Assumera!









ROM
ito yung sinusulat kong tula na nakwento ko sayo kanina.
di naman masyadong radikal diba?
i mean, di naman siya insensitive.
'sing sarap, 'di 'sing mahal...