Dayalogo ni Inang Bumbunan at Pusong Haliparot
IB:
HOOOOOOOOOOYYYYYYYYYY!
Bumalik ka rito!
Malandi ka!
Iniwanan mo na naman ako.
Tapos uuwi-uwi ka rito pag nagkagula-gulanit ka na.
Tapos idadamay mo na naman ako sa sakit na nararamdaman mo.
E ngayon palang e gumuguhit na ang sakit sa kabuuan ko dahil sa iyo.
Wala kang kadala-dala!
Sarap mong upakan e.
Kung may death wish ka, halika rito at ako na ang tutupad ng pangarap mo!
PH:
IIIINNNAAAANG,
Di naman ako mapapano.
Marunong na akong tumawid ng kalsada mag-isa.
Uuwi din po ako agad nang buong buo.
Huwag kayong mag-al...
ZOOM! May humagupit na jip na may nakapaskil na “Heartbreaker” sa noo. At sumambulat ang pira-pirasong Pusong Haliparot sa kalsada.
IB:
BUSET!
Magwawalis na naman ako ng kalat.
Leche!
ay tenk u for smiling!
dami daming
ANGST
Kung ano man yung narinig mo, hindi "I love you" yun! Assumera!
ABO!
Naman! Dapat sana bago pa nasagasaan si PH,
Dinurog mo na sya, binuhusan ng gasolina. Para maging abo. Lintek!
"I will color the world one step at a time..."
http://ofcrayonsandpastels.blogspot.com/
wa epek
ginawa ko na yan pole. nabuhay uli, nagliliyab pa, parang phoenix.
heniwey, don't panic kasi sa totoong buhay naabutan ni IB si PH at pinagkukurot sa singit.





napangiti naman ako
napangiti naman ako nito..
--------------------------
www.lapisatkeyboard.blogspot.com