Dayuhan ang Gabi

axel pinpin's picture
| |

Sa mga tengang ikinandado

ng may kung ilang buwan

ay kumakatok ang mga banyagang tula

ni Neruda. Iningles.

Kung sa Espanyol man, tunog

rin lamang itong huhuni

sa humuhukot ng pansin, hindi maiintindihan.

May paanyaya ang buhay

ng mga sinilya-elektrikang Sacco at Vanzetti,

mga anarkistang Italyano;

babasahin ba sila upang higit na maunawaan

ang Ngayong Gabi, Susulatin ko

ang Pinakamalungkot na Tula?

Dayuhan pa rin ang gabi.

Aasang magbabalikbayan sa pagdilat ng dilim.

Hunyo 3, 2008
Camp Vicente Lim
Axel Pinpin

From Indang, Cavite. Former political detainee.


Dap-ay Sapata's picture

sapul!

astig!

alam mo aks, pag nabasa ito ni Jon E. Royeca.. sigurado mamamamnting ang tenga nun at sasabihing, "Hindi ito tula, dapat dito ay Prosa." 

pero, wag mo na siyang pansinin. 

Gulong lang sa pagsusulat.

pakibisita nga pala yung www.tintamakata.multiply.com.

tagni!

 

"Write in White Heat, Edit in Cold Blood."

www.tintamakata.multiply.com

 

 

axel pinpin's picture

Alam mo yung Urban Bandits' classic punk song?

Kapag may katulad ni Jon E. Royeca, kinakanta ko sa isip yung Urban Bandits' song na yun :-)

Sana naman ay huwag niyang ituturing na prosa ang tulang iyan dahil mauobliga akong (magresearch para) ilinaw sa kanya kung ano ang prosa, prosa-tula, etc... etc... hehehe!

salamat sa pag-welcome sa akin sa site na ito. sa diwa man lamang ay magkakasama pa rin lagi tayo.

bibisitahin ko ang multiply site mo.

www.skandalus.multiply.com

  mga anak ni ka amado.

 

mga anak ni ka amado. gawa ka pa. gusto ko ang mga ganyan. huwag kang padadaig sa mga kritikong ayaw sa mga tulang ganyan.

Ngayong Gabi, Susulatin ko

ang Pinakamalungkot na Tula?

sana ako na lang ang nakasulat ng ganyan. kakainggit! magaling talaga!

Similar entries