Dead-end: Kung paano dapat sumakay ang ginoo sa binibini

| |

Ito ang totoo: Sa mga pagkakataong naglalakbay

ang mga palad at nguso at dila mo

ay hindi g-spot ang pinakamalayong makakapa mo.

Sapagkat iba ang kirot ng puson sa pintig na puso.

 

Ang totoo’y hindi naman talaga kailangang maglakbay ng iyong mga palad

hahakbang ka lamang sa aking kaluluwa

uupo sa aking diwa

at dadamahin ang bawat tawa’t ungol

sa tuwing masasaling mo ang lalim ng aking pagkatao.

 

Sa pagdampi ng paa mo

maaabot mo ang hangganan ko.

ibarra jc

-isang paglilinaw


sinta isaac's picture

Wow!

sa totoo lang, bihira ako mapahanga ng mga tula, wala kasi akong pakialam sa sukat o kung sumunod ba sa batas nang paggawa ng tula ang isang makata, hinahangaan ko ang mga tulang may lantik, may haplos at 'yung tulang tumatatak sa utak ko.

Nagustuhan ko ang tula mo, hindi lang basta gusto, kung ang tula mo ay isang babae, maaari kong sabihing iniibig ko ang iyong katha.

Maaari bang maging fan mo? :)

...Ya soshla s uma...                                                                   

Hindi ko ninais magsinungaling, nakatuwaan ko lang sumulat ng piksyon sa pahina ng aking bibig

maaaring iniibig mo ang akda

maaaring iniibig mo ang akda ko;

subalit nauna kong mahalin at yakapin ang mga akda mo...

maraming salamat =)

 

Pagtatalik at pagsusulat: Isang paghahambing

Ang pinakamasiklab na romansa at orgasmo ng isang manunulat ay ang makaulayaw ang mga salita at makagawa ng isang akda; ang luwalhati niya'y ang mabasa ang kaniyang akda!

-j

Luca's picture

yiheee

kiss... 

kapag tumakbo ako, hahabol ka ba?

hehehehe

kiss, hug and make out. Foot in mouth

jonsdmur's picture

wow! galing naman

Mga Obra ni Jonsdmur

Balarila - Wastong Gamit ng Salita

mahusay ang akda mo.... maganda ang pagkakasulat

salamat,   sa kasalukuyan

salamat,

 

sa kasalukuyan nagpipilit akong makalikha ng nobela... parang di ko pa ata kaya. hilaw pa, kumbaga. pinost ko dito isa sa mga stories ko. baka sakaling makapulot ng puna para malaman ko ang kahinaan ng akda- na kahinaan ko din.

 

Pagtatalik at pagsusulat: Isang paghahambing

Ang pinakamasiklab na romansa at orgasmo ng isang manunulat ay ang makaulayaw ang mga salita at makagawa ng isang akda; ang luwalhati niya'y ang mabasa ang kaniyang likha!

-

crazybsbfans's picture

nice one

ang masasabi ko nkakatawa siya.

 

pero very nice rin..

 

 

hehehehehe

 

 

newbie pala ako rito...

 

inem-vite ako ni jonsdmur..

jonsdmur's picture

welcome sa FW

Mga Obra ni Jonsdmur

Balarila - Wastong Gamit ng Salita

akoy natutuwa at nakita kita rito.... sana makapag bahagi ka rin... ng tula, kwento, sanaysay, o mga blog heheheeheh.... demanding ba? hehehehe

Sana okay ka lang lagi.... Salamat! At salamat at nakilala din kita.....

 Keep safe and Godbless!Cool

jons

kuya maraming salamat sa

kuya maraming salamat sa super warm welcome,

 

pipilitin kong muling makamit ang orgasmo... hehe

 

Pagtatalik at pagsusulat: Isang paghahambing

Ang pinakamasiklab na romansa at orgasmo ng isang manunulat ay ang makaulayaw ang mga salita at makagawa ng isang akda; ang luwalhati niya'y ang mabasa ang kaniyang likha!

-

oksan's picture

tama!!

kaligayahan ang mapansin at maibigan ng mga tao ang sinusulat mo. :) sige... galingan mo pa. :))

dyeppri's picture

nakakamiss...

hinahanap-hanap ko ang mga ganitong klase ng gawa. matipid sa salita ngunit malaman. anong sinabi ng burger sa jollibee! puro pampa-alsa naman 'yun at tinipid kaya 'di nakakabusog!!! sana dumami pa ang mga ganito dito...hayyyyyyyyyyyyy!!! paging kuya Rom- pulis pangkalawakan. 

                           http://dyeppri.wordpress.com/

                       

Rom's picture

dyaraaaan! narito na ang

dyaraaaan!

narito na ang pulis pangkalawakan!

anong kaguluhan ito?

 

 

KarikaTuura

love's picture

haha!

 

 

may pulis pangkalawakan na pala tayo sa site? 

Rom's picture

meron akong laser beam na

meron akong laser beam na nagiging palaka ang matamaan

watch out! 

may sinturon akong bumubuga ng mabahong hininga at baril na "blame" thrower. ang tamaan ay nagsisisihan!

laban ka? 

 

KarikaTuura

j luna's picture

Wala kailanman sa g-spot ang

Wala kailanman sa g-spot ang kiliti, nasa clitoris. Sa labas, malapit sa lhabia ng tula hindi sa lalim ng uterus.

---------------------------------------------------------------

Sa likod ng mahabang dreadlocks at balat na puno ng tattoo at piercing, si j.luna ay isang lisensiyadong guro

Sa mga nagkomento mula

Sa mga nagkomento mula 2010:

ngayon ko lamang nabasa ang mga komento. maraming salamat. matagal rin akong nawala. sana makacatch-up pa ko. 

 

Pagtatalik at pagsusulat: Isang paghahambing

Ang pinakamasiklab na romansa at orgasmo ng isang manunulat ay ang makaulayaw ang mga salita at makagawa ng isang akda; ang luwalhati niya'y ang mabasa ang kaniyang likha!

-

robleza's picture

_____________ alam ko may

_____________

alam ko may kiliti din dun sa g spot kuya luna?? haha

________________________________________________ 

"The great way to feel happines is to know nothing like what you have did when you're in childhood age."

adliserc's picture

hmmm....

hmmmm...masyadong obvious na malaswa talaga ang meaning ng tula. I was looking  for twists. Tulad noong isang tulang nabasa ko na likha ni jluna.

 Although sang-ayon ako kay

 Although sang-ayon ako kay Roland Barthes sa kaniyang the birth of the reader must be at the expense of the death of the author, I'll still take the opportunity to say something... Inspired ako kay Ruth Mabanglo sa pagkafeminista niya lalo na sa kaniyang akdang Kung nais Mo Akong Makilala kaya ko ito sinulat. Wala namang twist kasi direkta kong nilinaw ang katayuan ng babae sa lipunan o sa sekswal na lipunan. Anyway, I appreciate the comment and I will try to look at it thoroughly to come up with a better one. thanks Laughing

 

Pagtatalik at pagsusulat: Isang paghahambing

Ang pinakamasiklab na romansa at orgasmo ng isang manunulat ay ang makaulayaw ang mga salita at makagawa ng isang akda; ang luwalhati niya'y ang mabasa ang kaniyang likha!

-

sinta isaac's picture

kay adli

 

Nalaswaan ka sa tula? 

 

Natawa naman ako.

 

At nakakagulat na hindi mo nakita o nakapa ang meaning ng tula lalo na't tungkol ito sa isang babaeng nagsasabing hindi lang katawan niya ang maibibigay niya at lalong hindi lang siya pangkama.

 

Tsk tsk tsk.

 

 

 

 

 

 

Ako ang pinakaromantikang sakyubus sa balat ng lupa...

 

 

http://leserotika.i.ph/blogs/leserotika/        

omg. Sinta, muli tayong

omg.

Sinta, muli tayong nagtagpo. Embarassed

 

Pagtatalik at pagsusulat: Isang paghahambing

Ang pinakamasiklab na romansa at orgasmo ng isang manunulat ay ang makaulayaw ang mga salita at makagawa ng isang akda; ang luwalhati niya'y ang mabasa ang kaniyang likha!

-

sinta isaac's picture

...

Oo nga...

 

pagkalipas ng ilang taon, muling nagdaop palad ang ating mga salita. :)

 

 

 

 

 

Ako ang pinakaromantikang sakyubus sa balat ng lupa...

 

 

http://leserotika.i.ph/blogs/leserotika/        

jonsdmur's picture

  Nabasa ko na pala ito! at

 

Nabasa ko na pala ito! at kagaya nang una... naibigan ko.... kahit nabasa mo na... okay pa rin....

Jack A. Alvarez's picture

isang luvit!

Maganda ang tula, in fairness...
Masyado lang mahaba ang title. Pwedeng DEAD-END na lang sana. tas yung sumunod na phrase pwedeng isingit na lang sa content ng tula.

ganun pala ang g-spot!

isang luvit!

'Bless God and bless the gays.' - Lady Gaga

http://jackofspades01.multiply.com/