dear ka-date
Sobrang saya ko noong huling nagkausap tayo. Kahit simpleng biruan natin binibigyan ko ng kahulugan tapos tatawa ka naman. Sabi mo, bumabanat na naman ako. Sa totoo lang, gusto kitang pangitiin palagi kaya ko ginagawa iyon. Ayaw ko kasing ipinagdadamot mo ang ngiti mo dahil may taong inlab dito. At ako iyon. Kung iniisip mo na binobola na naman kita, sa pagkakataong ito seryoso ako. Ikaw kasi ang pinakamahalaga sa buhay ko.
Naisaayos ko na lahat. Naiplano ko na kung saan tayo mamasyal, kung saan tayo kakain at kung saan tayo manonood ng paglubog ng araw. Nagpareserve na ako ng bulaklak. Iyong paborito mo, siguro magtataka kung paano ko nalaman. Kinulit ko kasi ang bespren mo kagabi. Hindi ko siya pinatulog hangga't di niya sinasabi ang mga hilig mo. Ayaw mo pala ng chocolate kaya potchi na lang ang binili ko kasi mahilig ka daw dun.
Nga pala, bumili na din ako ng stuff toy na panda. Maliit nga lang, plano ko kasing pasekretong ihulog sa bag mo. Para hanggang sa pag-uwi mo may sorpresa ako.
Hindi naman halatang excited ako. Lagi nga kita kinukulit e. Inireremind ko ang oras at lugar ng tagpuan natin.
Isa na lang pala ang kulang. Ready na ang lahat, ikaw na lang ang kulang. Sana kahit minsan makasama ako sa plano mo. Kahit sa pinakahuli basta magkasama tayo.
wala akong maisulat dito. Pabisita na lang ng blog ko kung sakaling magustuhan mo.
salamat sa pagbasa. Kunyari
salamat sa pagbasa. Kunyari lang yan.Haha
--
hindi sapat ang talino at sipag sa pag-aaral para magkaroon ng magandang trabaho.
http://natuyongtintangbolpen.blogspot.com/
hindi sapat ang talino at sipag sa pag-aaral para magkaroon ng m
oo nga naman.
hello
matagal na akong nagbabasa dito pero ngayon lang talaga ako nagregister para lang magcomment sa gawa mo.
Madami magaling dito pero iba ang way mo ng pagsulat.
Sobrang simple pero laging may something na talagang papatok sa reader. Madalas mhrap pa hulaan ang ending.
Napakasweet naman ng isang to. Nasa fan page mo na din ako sa fb.
Galing mo!
hello
matagal na akong nagbabasa dito pero ngayon lang talaga ako nagregister para lang magcomment sa gawa mo.
Madami magaling dito pero iba ang way mo ng pagsulat.
Sobrang simple pero laging may something na talagang papatok sa reader. Madalas mhrap pa hulaan ang ending.
Napakasweet naman ng isang to. Nasa fan page mo na din ako sa fb.
Galing mo!
ang cute nman!
ang cute nman! ahhah.,.. may naalala ksi ako sa date mode na yan! ahhaha... katuwa nmn ngiti tlga... how sweet.. =))





ahahai
wow naman ang sweet...
my soulmate is worth the wait...