Dementia Praecox

kwekwento's picture
| |
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
Tayo ay nakalutang at nakabinbin sa ere.
        Mula sa kinalalagyan natin, pagyuko sa ibaba, isang metro ang layo, makikita natin ang humintong puting bus na may berdeng palamuti sa magkabilang gilid nito at may naka-lettering na G-Liner. Parang umimpis na lobo ang tunog nito sabay bukas ng pinto. Bumaba rito ang isang babae. Pero dahil gabi na at mamulang-dilaw ang nakabuhos na ilaw sa malapad na kalsada, hindi natin maaninaw ang mukha ng babae. Ang kaya lang makita ng nakausyoso nating paningin ay ang suot niyang hapit na poloshirt, bagpack sa likod, maong na pantalon, at sneakers. Hindi natin matanto ang kulay ng mga ito dahil iba ang konbersyon buhat ng dominanteng liwanag ng streetlights.
       Bilang mga saksi at hindi imbitadong panauhin, tayo ay punong-puno ng kuryosidad.
       Kaya lalapit tayo sa kanya, dahan-dahan. Nadaanan ng paningin natin ang umandar na bus, papalayo na. Unti-unti nating maaaninag ang kanyang mukha habang naglalakad siya para tumabi sa gilid. Nasa bungad kasi siya ng kalsada at mapanganib kung hindi siya tatabi.
       Malapit na tayo sa kanya. Ang unang mapapansin natin ay ang butil-butil na pekas niya sa pisngi, parang mantsang namalagi na pakupas na. Saka natin mababatid na matangos ang ilong niya, morena, tsinita, at maigsi ang baba. Nakalugay ang diretso niyang buhok na hanggang balikat lang. Sa kabuuan, isa lamang siyang tipikal na babae, simple lang. Kung ibababa pa natin ang tingin, makikita natin ang puting nameplate sa kaliwang dibdib niya.
        Lyka.
        Lyka pala ang pangalan niya, bagay ito sa kanya. May nakaimprentang logo sa gitna ng damit niya, parang tasa na may lumalabas na usok, sa likod ng tasa ay isang karikatura ng lalaking tila chef na may mahaba at kulot ang dulo na bigote. Sa ibaba ng logo ay nakasulat ang: Verico Barako Delight.
        Ah, nagtatrabaho si Lyka sa isang Coffee shop - ito ang posibleng suspetsa natin.
        Tumingin si Lyka sa kulay pilak na relo niya sa kaliwang kamay, nakisilip rin tayo: 2:00 ang sabi nitong oras. Madaling araw na pala, at pinahihiwatig na rin ng atmospera sa paligid, madalang na ang mga sasakyan na dumaraan. Wala na rin tayong mapansin na tao sa lugar na kinalalagyan natin at sa kabilang kalsada. Kabilang kalsada? Kaya ba hindi naglalakad si Lyka ay dahil tatawid siya sa katapat niyang isa pang kalsada?
        Nakatingin pa rin pala siya sa kanyang relo. Bakit kaya? Nakisilip muli tayo.
        2:00.
        2:00? Aba, hindi gumagalaw ang oras? At saktong nakapahinga ang mga kamay ng relo sa numerong Dos. Kaya pala nakatingin lang si Lyka rito. Pero, mukhang hindi siya nagtataka. Hmm...baka nagloloko lang ang relo niya. Mayamaya ay iniangat na rin niya ang kanyang ulo, dumiretso ng tingin at umakma sa pagtawid. Dahil wala masyadong dumaraan na sasakyan, hindi na siya nag-atubiling tumingin sa kaliwa. (Pakanan ang ruta ng mga sasakyan sa kalsadang ito sa posisyon niya.) Tuloy-tuloy niyang binagtas ang kupas na pedestrian lane. Isa, lima, hangang sa maglabing-walong hakbang siya upang makarating sa gutter na nangangahulugang kaligtasan; at ang nagsisilbing hati o dibisyon sa isa pang kalsada, (Pakaliwa naman ang ruta ng mga sasakyan dito.) Walang traffic light o masigasig na pulis trapiko roon. Tatawid pa siya sa kabilang kalsada.
        Ang dulo kung saan ang kanyang destinasyon ay isang kalyeng looban (parang sabdibisyon). Kahilera nito ang mga saradong establisyemento: BRY Hardware and Office Supplies Store, Giera Salon, Hacpin Advertising Corporation, Andoks Lechon, Draille Spa and Massage Center, at iba pa na hindi na natin abot-tanaw. Mapanglaw ang ilaw sa banda roon at tila walang taong dumaraan, o mga senyales na may gising pa, marahil ay dahil ganitong oras na.
Si Lyka, nanatili lang sa gutter. Hindi pa siya tumatawid gayong wala namang dumaraan na sasakyan. May kakayahan tayong magtaka sa lagay na ito.
        Subalit naghintay lang tayo sa muli niyang paglakad. Isa, dalawa, hanggang sa magsampung minuto na ay hindi pa rin siya gumagalaw. Saka natin mapapansin na may partikular na anggulo siyang pinagmamasdan. Sinundan din natin ng tanaw ang anggulong iyon, at ito ay nasa gitna ng kalsada, sa gitna ng kabilang pedestrian lane.
        Bakit doon lang siya nakatingin? Anong mayroon dito?
       Itinuon na lang muli natin ang ating tingin sa kanya. Nagmasid. Mag-aabang tayo ng kahit anong pagbabago; sa kilos, sa blangkong ekspresyon, sa tempo ng paghinga.
        Pero wala. Nagmistulan lang siyang manikin. Ngunit alam nating buhay pa siya, humihinga at may pintig pa ang bawat kalamnan. Namamasyal din ang hangin sa paligid, nahahawi nito ang buhok niya at mga lukot sa damit. Ibig sabihin, hindi huminto ang oras. Isa pang pruweba na normal pa rin ang paligid ay ang paparating na sasakyan. Kahit na kay Lyka ang ating atensyon, saklaw pa rin ng periperal na paningin natin ang ipinukol na liwanag ng headlight ng sasakyan. Nasinagan din si Lyka.
        Teka. Ano ito? May nangyayari kay Lyka. Nagbago ang timpla ng kanyang ekspresyon. Ilang sandali pa, ikinabigla natin ang panlalaki ng mga mata niya. Nabahala tayo, lalapit tayo sa kanya, sobrang lapit... hanggang sa makita na natin sa makintab na mga mata niya ang repleksyon ng kanyang nakikita. Isang malinaw na senaryo.
        Sa puntong ito, nasasaksihan natin ang isang pangyayaring hindi pangkaraniwan.
 
.
 
 
 "Tapos?" tanong ni Abi sa akin. Anlamig sa tenga ng cellphone ko.
       Sumagot ako, "Tapos na."
       "Huh? Ano ‘yun? Tapos na? ‘Yun lang mangyayari sa kanya?"
        "Wala na'ko maisip e."
       Si Abi at ako ay magkatapat lang ng condo. Pareho kami ngayong nakadungaw sa bukas na bintana namin mula sa ninth floor, pinagmamasdan namin ang babaeng pinangalanan kong Lyka na patawid sana sa kalsada pero tumigil siya sa gitnang gutter. Matagal na kami magkakilala ni Abi, ex-girlfriend siya ng tropa ko. Trip ko siya pero ayokong pormahan.
        Sigurado akong dismayado siya sa gawa-gawang kwento ko. "Dali na mag-isip ka pa," sabi niya.
        Tumingin muna ako sa orasan sa dingding. Madilim sa loob ng kwarto ko at maginaw. Nagloloko aircon ko e. "Inaantok na'ko. Alas dos na o," sagot ko, tapos ay lumingon ulit sa orasan. Alas dos? Kapareho ng sinabi kong oras sa kwento ko. Sa bagay, madali naman manghula ng oras kung sanay na kilatisin ang madaling-araw.
        "Ang K.J. mo naman!" reklamo niya.
        "E tumigil na ‘yung babae e. ‘Di na nga gumagalaw o." Nakakapagtaka rin dahil tuluyan na ngang ‘di gumalaw ang babae sa kalsada. Kasing liit lang siya ng palito sa paningin namin. Giniginaw na talaga ako. Inabot ko ang corduroy kong jacket na nakapatong sa katabi kong lamesa at ibinalabal ko sa katawan ko.
        "Kaya nga dudugtungan mo e, malay mo sa boses mo nanggagaling ‘yung mga kilos niya. haha!" Ang ayoko sa lahat kay Abi ay kapag tumatawa siya. Ampanget ng tunog e parang baboy.
        "Sige na dudugtungan ko na...wala ako maisip e tsk. Umm... Kunwari napatigil siya dahil nagka-amnesia siya tapos nakalimutan na niya kung pa'no maglakad hehe. O kaya nakakita siya ng imaginary gigantic ebak sa harapan niya. Basta ‘yun na lang. Inaantok na talaga ako maawa ka naman." Napapapikit na'ko sa antok, sa kisame na'ko nakatingin.
       "Haha ang corny ng ending mo. ‘Yung medyo factual naman tsong-" Bumahing pa siya pagkasabi nito.
        "O sige, kunwari may iniisip siya tapos tumawid na siya nang wala sa sarili then nasagasaan ng trak."
        Pagkatapos kong sabihin 'yon, nagulat ako sa malakas na busina sa ibaba kasabay ang malakas na tili ni Abi sa kabilang linya. Mabilis akong dumungaw sa bintana. Isang truck ang nakahinto. Nawala ang babae sa kinatatayuan niya kanina bago ako malingat.
        Nalaman ko na lang nang sabihin ni Abi, "Fuck! Nasagasaan ‘yung babae! Shit pumailalim siya sa truck! Oh my God..."

 

.

 

Nablangko ang isip ni Lyka, hindi niya malaman ang susunod na gagawin. Sinubukan niyang gumalaw. Nanibago siya. Mayamaya ay malinaw na ang bagay na nakikita niya sa harapan niya - isang malaking tumpok ng putik na may nakasusulasok na amoy. Ang sunod na nangyari ay nasilaw siya sa ilaw, nabingi siya sa malakas na tunog, nahila siya't namanhid, at dumilim ang buong paligid.

 

 

 

 

 

 

kwekwento

Patrickman's picture

parang yung sa movie na

parang yung sa movie na "Stranger Than Fiction", pero mas brutal ito...

 

isa na namang malupit na istorya! keep it up! :D

 

I'd love to turn you on...

Videoke the Radio Star

kwekwento's picture

Ah

medyo di ko na maalala yung movie na yun,

yun ba yung parang may naririnig na boses yung bida?

nakalimutan ko na yung plot e. hanapin ko nga yun tapos panoorin ko

 

salamat sa pagbasa and meri xmas!!

 

 

 

Ang Pagbabasa ay Pag-intindi, hindi Pambabatikos

Patrickman's picture

oo yun nga, starring Will

oo yun nga, starring Will Ferrell and Emma Thompson.

 

I'd love to turn you on...

Videoke the Radio Star

Luca's picture

i love that movie!!!

isa sa favorite kong Will Ferrell 

'sing sarap, 'di 'sing mahal...

kwekwento's picture

Haha

napanood ko na ulit. astig pala ng movie na yun putik parang favorite ko na. 

 

Ang Pagbabasa ay Pag-intindi, hindi Pambabatikos

Yiennarda's picture

kwekwento...

Medyo marami-rami rin yata akong na-miss na mga kwento mo rito... Pero ang lupit neto hah.

 

Ung sa unang scenes para akong nagbabasa ng kwento ni Haruki Murakami sa After Drak na novel niya...

 

Pero I can say, this one of yours has a big twist talaga...  Parang kilala kita...  diko lang alam kung sure ako hehehe!

 

Ang galing po!  Sana matuto ako sa "twisted" creativity mo!        

      http://wattuduyanie.blogspot.com/

       

Patrickman's picture

yep, i failed to mention,

yep, i failed to mention, parang sa After Dark nga yung intro...

 

I'd love to turn you on...

Videoke the Radio Star

Yiennarda's picture

After Dark

Nabasa mo din yun Patrick?  Oo nga fan ka pala ni Haruki...  Actually haha, maganda ang plot pero nabitin ako sa kwento niya... Lahat naman ng kwnto niya ganun eh...  Hanggang ngayon parang gusto ko pa ring gawan ng ending ang mga kwento niya.

 

Siyanga pala kwekwento, mas maganda sana kung dimo na lang isinali yung last paragraph.  Para sa akin lang ha, na mas magandang ending yung nabangga na siya ng truck... tapos find a way to somehow show the readers how she got that shit before she died...  then end...       

mung nagbabasa kasi ako akala ko end na dun yung sinabi ni Abi na nasagasaan yung girl.  Dun pala lang okay na eh... yun pala may kasunod pa.   Pero all in all, superb pa rin!  

      http://wattuduyanie.blogspot.com/

       

Patrickman's picture

actually, ok din yung ending

actually, ok din yung ending nito, parang nagkaroon talaga ng closue somhow kasi gaunun yung start e. pinakita lang sa huli through the perspective na mismo ni lyka. 

 

I'd love to turn you on...

Videoke the Radio Star

kwekwento's picture

HM

aws

Ang Pagbabasa ay Pag-intindi, hindi Pambabatikos

Patrickman's picture

Ang Pagbabasa ay Pag-intindi, hindi Pambabatikos

whoa... what's with that bit?

 

I'd love to turn you on...

Videoke the Radio Star

kwekwento's picture

sori

nagkamali lang po ng post. Spontaneous po kasi pagkacomeup ko rito kaya hindi sure sa mga next scenes.

salamat naappreciate mo yung konsepto ko sa perspective.

 

Ang Pagbabasa ay Pag-intindi, hindi Pambabatikos

Patrickman's picture

ok nga e. maganda yung

ok nga e. maganda yung twist.

 

I'd love to turn you on...

Videoke the Radio Star

kwekwento's picture

kaso

murakami ba talaga ang dating nung sa una? sinusubukan ko kasi maka-establish ng pagnarrate na may immense awareness sa consciousness e. Yung parang ilalagay yung reader sa kwento? nagawa na ba ni murakami yun?

mukang ididisregard ko na tong style na to a.

pag-aralan ko na lang ulit Beatnik 

Ang Pagbabasa ay Pag-intindi, hindi Pambabatikos

Patrickman's picture

Murakamiesque

ganung-ganon, pre... breaking the 4th barrier style (ie, nakikipag-usap yung narrator sa mambabasa).  nabasa mo na ba yung After Dark? baka subconsiously na-incorporate mo yung style nung novel dito but there's nothing wrong with that.effective naman pagkakagamit mo e.

 

I'd love to turn you on...

Videoke the Radio Star

kwekwento's picture

hala

baka nga.pag nagbabasa kasi ako ng mga nobela, iba-iba e.hindi one at a time. mag-eenjoy lang ako sa spur of the moment na binasa at natapos ko mga yun. Usually nakakalimutan ko na,pero baka nga may naiiwan saking influence subconsciously. sige hahanapin ko yung kopya ko nung after dark,alam ko meron ako nun e. sana nga.  putik ganon na pala style ni murakami.

salamat pre!

Ang Pagbabasa ay Pag-intindi, hindi Pambabatikos

Patrickman's picture

si murakami ang

si murakami ang pinakamalupit na writer in terms of narrative style na nabasa ko. hindi lang siya stuck sa isang style, pero talagang iba-iba.

 

I'd love to turn you on...

Videoke the Radio Star

kwekwento's picture

HM

May pagka-haruki ba? Hala mukhang nastimulate ko style niya, bigla kasi pumasok sa isip ko tong story e tapos parang pamilyar nga yung pagkakasulat ko. Pero hindi naman siguro, i-check ko nga copy ko ng after dark.

oo nga po medyo namiss (mis u or missed col?) mo nga mga kwento ko,sana mabasa mo pa iba ko stories kung may time ka. 

Parang kilala mo ko sa personal? hehe bakit naman?baka kilala rin pala kita di natin alam haha 

 

salamat nd meri xmas!

 

 

Ang Pagbabasa ay Pag-intindi, hindi Pambabatikos

Joven's picture

whoah

ibang klaseng perspective to a. first time ko makabasa ng ganitong pagna-narrate. Anlupet, ang vivid ng scenes at madetalye. Ayos pa yung concept sa bandang huli na breaking the boundaries sa techwrit (Postmod?)

mukang dami ko na namissed sa mga story mo a.

sulat pa ng malupit!

 

 

"sagrado ang mga sulatin"

kwekwento's picture

salamat

konti pa lang naman mga nadagdag ko. try ko pa magsulat nang marami

tnx sa pag-antabay

 

 

Ang Pagbabasa ay Pag-intindi, hindi Pambabatikos