Destinasyon
Sabado ng umaga, ako (ophalyn) at ang aking mga kaklase na sina Jonna, Cara,Rose Ann, Regine, Mae Ann at Jeni ay may usapang magkikita sa loob ng Victory Central Mall upang gawin ang aming proyekto na video presentation para sa subject na CM102. Alas otso na ng umaga ng ako'y umalis sa aming bahay, naglakad patungo sa dyip terminal. Buti na lang hindi mahaba ang pila dahl wala masyadong pasahero ng mga oras na iyon. NAng ako ay nakasakay na sa dyip may nakatabi akog ale na mukhang antok na antok pa. Kaya nung umandar na ang dyip hidi na niya napigilang matulog ngunit ang kanyang ulo ay nakapatong na sa aking balikat kaya nasabi ko sa isip ko.
"Hay, hindi rin mabigat ulo nito ah." (kabaliktaran)
Buti na lang pahinto-hinto ang dyip kung kaya't nagigising ang ale pero patuloy pa rin ang pagbagsak ang kanyang ulo sa aking balikat. Sa mga oras na iyon hindi komportable ang aking pakiramdam dahil napakainit sa loob ng dyip at mabigat masyado ang ulo ng ale. Isang oras din mahigit ang itinagal ng biyahe at ako ay nakarating na sa monumento. Sa aking pagbaba napansin kong tulog na tulog pa rin ang ale kaya naman ginising ko na ito.
Nasa loob na ako ng Victory Central Mall, nakasalubong ko ang kaklase ko na si Jeni at nagtanong.
"Uy, kararating mo lang?"
"Oo, nakakawindang kanina sa dyip" sagot ko.
"Baket, anu nangyari?" tanong muli niya.
"Yung katabi kong ale grabe matulog sa dyip, hindi na niya napapasin ginagawa niya sa loob ng dyip, nakapatong na ulo niya sa balikat ko,ang iiot-iit pa naman sa loob" sagot kong muli.
Natawa na lang si Jeni sa aking ikinuwento,matapos namin mag-usap bumili kami sa Robinson ng pagkainpara sa picnic namin mamaya at tumungo kami sa loob ng McDonald at doon ay nakasalubong na rin namin ang ilang kagrupo. Mahigit tatlongpung minuto din kami naghintay dahil kaaalis lang ng bahay ang kukuha sa amin ng video na si Mae anne. Nilisan na namin ang Mc Donald at sumakay na ng Bus patungong SM North Edsa. Puno na ng pasahero ang Bus kung kaya't kaming lahat ay nakatayo lang.
"Dapat hindi muna tayo sumakay" wika ni Jonna.
"Oo nga, nakakahilo kapag nakatayo" sabat naman ni Rose ann
"No choice, kelangan na nating sumakay anong oras na kaya" paliwanag naman ni Jeni.
Halos limang minuto din kaming nakatayo at nakaupo na rin sa wakas dahil may mga ilang pasaherong bumaba. Sampung minuto ang lumipas at nakarating na kami sa tapat ng SM North. Bumaba kami na para bang napakahangin sa loob ng Bus kahit air-conditioned ito. Napakainit na ng mga oras na iyon, ilan lang sa amin ang may dalang payong. Naglakad ulit kami sa napakatirik na araw at sumakay ng dyip patungong Philcoa. umupo ako sa dulo ng dyip na pagod na pagod, napakaalikabok pala sa puwestong iyon kasabay ang pagbuga ng usok sa tambutso. Buti na lang hindi masyado mabigat ang trapiko ng mga oras na iyon kung kaya't nandoon na kami kaagad. Pagkababa namin sa dyip naglakad kamingmuli sa ilalim ng araw na tirik na tirik. Gawa na pala ang underpass doon kaya naman masuwerte kaming nakatawid na hindi nasisikatan ng araw kahit panandalian.
"Hay sa wakas nakaramdam din ng ginhawa" bulong ni Mae ann.
"Grabe pala kapag bumiyahe ng ganito, nakakahilo" wika naman ni Cara na bakas ang pagkahilo sa biyahe.
"Kaya nga eh, ang hirap bumiyahe kapag walang sariling kotse para dirediretso na lang" sagot ko naman.
Nakarating na kami sa aming destinasyon sa Quezon City Memorial Circle upang gawin ang proyekto namin. Naghanap kami ng mgandang puwestong pagpapahingahan at doon ay nag-ayos na kami upang simulan na ang shooting.


