Di biro ang magsulat
Mahirap ang magsulat. Madalas kong mapatunayan iyan.
Maraming pagkakataon na halos buo na ang konsepto sa isipan ko ng mga kwento na nais kong isulat, pero pag nakaharap na ako sa computer ko para itong bulang naglaho. Di ko na alam kung paano ko sisimulan. At minsan naman, may mga panahon na gusto ko muna isulat sa notebook o papel. Pero gaya rin ng malimit mangyari, blangko na naman ako.
Sa mga oras naman na halos buhos na buhos ka sa kwentong isinusulat mo, saka naman sisigaw ang nanay/tatay mo at tatawagin ka para lang utusan ka bumili sa tindahan...Grrr...O di kaya, may kapitbahay ka na halos abot sa kabilang barangay kung magpatugtog ng stereo. Parang siya lang ang tao sa mundo...Argh!
May mga panahon na sumasagi sa isip ko kung bakit nga ba ganun na lang ang kanaisan kong makapagsulat. At ang malimit kong sagot sa tanong ko ay hindi ko rin alam. Basta andun ang kagustuhan kong magsulat, kahit pa sinabi noon ng tatay ko na ano ba mapapala ko sa pagsusulat, wala naman daw pera dun.
Basta masaya ako na makabuo ng isang kwento at maibahagi ang iniisip ko . Masaya ako na malaman na may mga taong nagbabasa ng sinulat ko, positibo man o hindi ang komento nila. Sapat na yung binigyang panahon nilang basahin ang kwento ko.
Kasi naniniwala ako, hindi pera lang ang involve pag nagsulat ka. Mas higit yung commitment. Hindi lang sa publisher/editor mo o sa mga mambabasa mo, kundi maging sa mga tauhang binubuo mo sa kwento mo. Hindi lang isip ang pinapagana mo pag nagsusulat kundi kasama pati ang puso.
Totoo, mahirap ang magsulat, maraming dugo, pawis at emosyon ang tiyak na mauubos bago matapos ang kwentong sinusulat mo. Pero yung kasiyahan pag natapos at nabuo ang kwento. Di kayang tumbasan iyon. Ibang klaseng kagalakan..
Kaya, heto ako, nahihirapan man subalit magpapatuloy pa rin ako. Alam ko darating ang panahon, lubos kong matatawag ang sarili ko na isang ganap na manunulat...


Payo kung sumusulat ka rin sa wikang Inggles
Kung sumusulat ka sa Tagalog lang, Struggling Writer, huwag mo nang pansinin ang mensaheng ito. Pero kung sinusubukan mo ring sumulat sa Inggles, iniimbitahan kitang bumisita sa Jose Carillo's English Forum. Mangyari lang na i-click mo ang link. Sigurado akong may mapupulot kang ilang paraan para malabanan ang "writer's block."
Maligayang Pasko!