DI ko na papangarapin
kumakabog ang dibdib
dinig na dinig ang pintig
nakita ko sa may pasilyo
magkahawak kamay kayo
natulala ng bigla
di na makapagsalita
tumulo na ang luha
ako pala sa'yo'y wala
di ko na papangarapin
ang mga bagay na di para sa kin
tulad ng iyong ngiti
tulad ng iyong lambing
di ko na papangarapin
ang mga bagay na di akin
di ko na susungkitin
tulad mong isang bituin
sa kamalas-malasan
pagtitig ko sa'yo'y nasaksihan
di ko na alam lumaban
kung talaga kayo'y nagmamahalan
natulala ng bigla
di na makapagsalita
tumulo na ang luha
ako pala sa'yo'y wala
di ko na papangarapin
ang mga bagay na di para sa kin
tulad ng iyong halik
tulad ng iyong lambing
di ko na papangarapin
ang mga bagay na di akin
di ko na susungkitin
tulad mong isang bituin
tono/titik/tinig: talulot
try niyo dito:
http://soundclick.com/share?songid=6995169
hingi koment...
i like this tugma ang
i like this
tugma ang lyrics para sakin. hehehe sakto! kaw rin ba ang nagcompose nito? ayos talaga.. galing!
opo.
opo ako lahat. hay ad. yan ako naglalahad. istorya ng puso hehehehe
ganyang ganyan ang nararamdaman ko ngayon. heheh
hehehe.
salamat at nagustuhan mo at nakarelate ka rin
"hinahangin ang talulot na malaya, mula sa bulaklak na sinta hanggang sa matabang lupa.. siya ay ligaya, musa ng pagkadakila.."
more! hehehe hindi ko muna
more! hehehe
hindi ko muna ikukwento kung ano ang istorya ko kasi nakakatawa. nakakatawa at nakakaasar. hehehe
good night sani=)
nyt ad.... "hinahangin
nyt ad....
"hinahangin ang talulot na malaya, mula sa bulaklak na sinta hanggang sa matabang lupa.. siya ay ligaya, musa ng pagkadakila.."
isa ito sa gusto ko
A Collection of Short Stories-Jonsdmur
maganda ang lyrics... ang sarap sabayan sa pagkanta... sa tingin ko marami ang nakakarelate sa kantang ito....
Napakinggan ko na ito dati.. kaso inulit ulit ko lang....
salamat sa isang magandang awitin....




mga repaps
ito bago kong song.. hehehe. masalimuot pero... bigyan niyo naman ng comment hehehehe
"hinahangin ang talulot na malaya, mula sa bulaklak na sinta hanggang sa matabang lupa.. siya ay ligaya, musa ng pagkadakila.."