dighay

Luca's picture

nagkakarera na naman ang mga hinuha sa utak ko. Tapos nauubusan sila ng kalsada. Papunta sila sa sari-saring direksyon. Parang yung utot na tinapat mo sa electric fan-gumaganti.

 

Kaya kumain ako ng adobo. Para maalala ko yung pakiramdam ng nag-aagahan sa umaga ng inulam kagabi. Kasi parang ganun yung nararamdaman ko. Yung natikman mo na dati tapos natikman mo ulit pero mas masarap na...

 

Hindi pala masarap. Masidhi. Mas maasim ang maasim, mas maalat ang maalat, mas mapait ang dating matamis.

 

Alam mo, okay ka sana. Kaso...

 

Maraming kaso, at mabagal ang gulong ng hustisya. Walang hustisya pag ikaw yung biktima. Ano bang katapat na parusa ng nagpaasa?

 

Kasi pinaghahandaan ko yung lagi, in case kailanganin ko.

 

Nagi-guilty ka rin kaya gaya ng maraming emo na kilala ko. Nakikinig ka rin kaya ng mga kantang hindi mo alam pero gusto mo kasi may nagsabi sayong cool yun?

 

Siguro. Pinatos mo nga ako e. E sabi ng iba cool daw ako.

 

Pero lukewarm lang pala sa panlasa mo.

 

Punyeta, ano bang antidote sa bangungot?

 

Kanina nakita ko yung isang mama na pinag-alayan ko ng tula. Siyempre sa tulang yun, siya ang kontrabida. Pero siya yung tipong kontrabida na wala naman talagang ginagawang masama, parang si Hamburglar.

 

Ang ironic na si Hamburglar ay naka-black and white. Feeling ko simbolo yun na lahat ng kontrabida ay pragmatic. Galit ako sa bida, trabaho ko gumawa ng masama, walang gray area. Diba ang simple?

 

Yung mga bida may mga baka-sakali pang hindi sinasadya nung kontrabida yung pagiging masama, may second chance, may mitigating circumstances. Tingnan mo si Judy Ann.

 

Giniginaw yung paa ko. Pero pumuputi siya sa ginaw, so okay na rin sakin yun... Mitigating circumstance.

 

Minsan susubukan ko naman maging kontrabida sa sarili kong buhay. Kasi yung mga kontrabida ang nagpoprovide ng forward movement, yung bida kasi reactive lang.

 

Tama ba? O may taga-CAL bang kokontra at gagamitan ako ng jargon na artsy-fartsy? Utot mo rin. Tatapatan pa natin yan ng electric fan.

 

Bakit ang hirap humanap ng pantalon na flat-front, slim fit, size 29, tweed? Ple-yuzz?

 

Malapit nang matupad yung pangarap kong magkaron ng black leather shoes.

 

Sabi ko sa sarili ko kanina na dapat magsimula na akong magproject ng image of success. Naiinis akong makakita ng mga entry-level employee na mas magaling pang pumorma sakin.

 

Hindi ko kasalanan yun okay?! Hindi pa kasi nakakaimbento ang retail industry ng ready to wear business attire na size ko.

 

Pack. Minsan I hate my genes. Pero like I always say, fair si God, hindi pwedeng, brilliant, pretty at tasty ka na e perfect pa yung height and BMI mo.

 

Sana magically, luminis yung kuwarto ko. Gusto ko ng isang malaking bayong tapos itatapon ko na yung mga damit kong galit sa akin.

 

Nakakainis na talagang manood ng Lifestyle Network. Nakakasira siya ng peace of mind at nakaka-hinder siya ng personal appreciation.

 

Gusto ko nang magshopping.


Polethor's picture

DAMI

Dami mong dinighay, masustansya yung nakain mo.

Pareho lang tayo ng problema sa pantalon at sapatos.

Gusto ko na ring mag-shopping.

Pwede bang hiramin ang linya na to?

" Nakikinig ka rin kaya ng mga kantang hindi mo alam pero gusto mo kasi may nagsabi sayong cool yun?

Siguro. Pinatos mo nga ako e. E sabi ng iba cool daw ako.

Pero lukewarm lang pala sa panlasa mo."