DILIM
HINIGOP ako ng kadiliman na sumulpot mula sa kung saan. Pero ano't ninais kong maging bahagi nito? Nagdudulot ito ng kasiyahan sa akin. Sinasakop ng itim ang aking isipan at ngayon, gustong angkinin pati ang aking pisikal na katauhan. Minsan din akong nagutom sa misteryo at sa kasamaan sa aking kalooban. Ang itim na uwak ay lumapit sa akin at nakita kong palatandaan ito upang ilahad ang kadiliman mula sa aking isipan palabas sa bawat sulok ng mundong ginagalawan ko.
Ang mga galamay. Ang anino. Ang hugis ng kasamaan. Sinusundan nila ako. Ang kaligayahan sa kalooban ko ay unti-unti nang napapagod. Ang maskara ng imoralidad ay matamang nakatapal sa aking nawawalang mukha, nagsusugat, nabubulok, nilalamon ang aking mga mata. Ang mga mata ng katotohanan ay binigyan ako ng payak na kasagutan, "walang kapatawaran". Ano ang totoo para sa mga hindi nakikita ang mga dapat na makita? Sa mga naniniwalang mali ito? Mananatili ba itong mali?
Ang itim ang bago kong pag-ibig. Dahil 'yon lang ang matatagpuan mo sa akin; kadiliman, kahungkagan, kalungkutan. Ang pagkitil ba sa sariling buhay ay talagang kasalanan? At imoral kapag ang isang tao ay hindi relihiyoso? O ang hindi makahanap ng kahit isang dahilang man lang para manatili pang buhay?
Ang lubusang kawalan ng kontrol; nakakapagal. Saan patungo ang daan? Ang daan, bago at kaakit-akit, Nababalot ng kadiliman, ng misteryo, ng korupsyon; ito ba ay nakakalibog? Libakin mo ako kung kinakailangan, dahil ang landas na aking tatahakin ay magtatapos ng maaga. Maaaring dadalhin ako nito sa bagong tuklas kong respeto sa buhay. Sana...
Ito ay kaaya-aya gaya ng kamatayan. Ang kamatayan ay kinatatakutan ng marami, na sa akin ay nagbibigay ng pag asa...ay isang desisyon. Ang kamatayan, para sa akin, ay muling pagkabuhay. Ang kamatayan ay maaaring makapagbigay ng bagong buhay ng kaligayahan, o bagong buhay ng mas marami pang paghihirap. O ang masaklap, walang pinagkaibang buhay sa kung anong meron ako ngayon.
Walang ibang dapat katakutan kundi ang buhay mismo. Hindi napipili ang buhay at lalong hindi ko pinili ang mabuhay. Sinadya ba ako? O isang pagkakataon lamang?
Natagpuan ako ng kalungkutan. Hindi ako ang lumapit sa kanya. Nilalamon nya ako unti-unti hanggang sa naging bahagi na nya ako.
Pilasin mo ang laman ko palayo. O ang puso ko. O ang isipan ko. Ang bigat ng mga bahaging ito ang nagpapahirap sa akin. At iniikot ako pababa sa hukay ng kawalan ng pag-asa. Ang hukay na tila lalong pahirap ng pahirap na ahunan, dahil lumalalim bawat araw.
Ang repleksyon ko ay nagdudulot sa akin ng lungkot. Lungkot na nakasanayan ko ng samahan dahil inaakay ako nito palapit sa walang kapatawarang gawain.
Tumatawa ang mga anghel! Bakit hindi? Ito ang ginusto ko. Hindi ako kayang basagin ng sakit sa dahilang matagal na akong basag. Binibigyan ako ng mga demonyo ng pagmamahal at mainit na mga hawak. Sila, na nagpapanatili sa aking ligtas. At nagpapakita ng pagtanggap.
thanks
buti natakasan ko ang mga alien
:)
sadness...
"Natagpuan ako ng kalungkutan. Hindi ako ang lumapit sa kanya. Nilalamon nya ako unti-unti hanggang sa naging bahagi na nya ako."
Kaya naman kapag dumampi ang konting ngiti sa iyong mga labi, kaagad mo itong binabawi dahil nasanay ka na sandali lang ang ilalagi nito. Nasanay ka nang kayakap ang lungkot at ang dilim... Ito na ang naging mundo mo.
Nakarelate lang po.
:)
salamat at nakarelate ka.
tara na sa dilim :)
Itim
fav color ko 'itim'.
minsan, gusto ko ring sapian ng demonyo o kaya kausapin nila ako. wala pa akong naisulat tungkol dito. sana meron na...
jack...
ayan, kinakausap na kita,di lang kita masapian hehe.
ingat sa disyerto :)
paalam Joren, kita-kits sa
joren
hindi man kita kailanman nakausap o personal na nakilala, feeling ko kilala na kita dahil na rin kay doni, at syempre dahil nababasa ko ang mga akda mo rito.
sayang, di kita nakilala, kapatid.
payapa ka na ngayon. ikaw ay nasa aking mga panalangin.
Paalam kaibigan!
Nalungkot ako sa balita.. Naalala ko ang unang araw na nakausap kita... kahit di pa tayo nagkikita sa personal ay masasabi kong isa ka sa naging kaibigan ko sa site... naalala ko ang ilang chat natin noon... minsan mo na rin nasabi sa akin mga kalungkutan mo... mga ilang bagay sa iyong buhay.... nakakalungkot isipin subalit di man lang tayo binigyan ng pagkakataon na magkita... isa ka sa mga kaibigan na di ko rin makakalimutan...
Kung nasaan ka man ngayon sana masaya ka na... salamat naging kaibigan kita.....
jons
10 Days na lang pala mula
10 Days na lang pala mula ng naisulat niya ito..
Sana nagbago ang paniniwala niyang ito bago man lang siya pumikit.
Sana nahanap niya muna ang liwanag at mismong ang sarili niya.
September 10, 2010.. wala man lang nakakaalam na mula sa araw na naisulat niya ito hanggang sa huling araw niya dito... ay ito na rin pala ang huli(yata) niyang post. Nakakalungkot. Gusto ko maiyak pero di ko alam kung paano. Joren.. kelan ko lang siya nakilala. . pero matagal ko na siya napapansin sa FB.
Condolence. lang ang tanging masasabi ko. Medyo nahuli ata ang mga prayers ko.
SSShh.. Secret lang natin toh
SSShh.. Secret lang natin
SSShh.. Secret lang natin toh
Waaa.. Sorrri.
mali yung thread na pinagsentihan ko.









jo...
ikaw ay nagbalik...
congrats. :)
wag kang pipikit...