dinamayan

dinamayan mo ako sa aking pag-iisa

sa pagsapit ng dilim, ikaw ang lilwanag ko

para ka ring dasal, palagi kong inuusal

at ang tinig mong malambing, 

sa diwa ko'y nakatanim

at kahit saan ka man naroroon, 

naririnig ko sa hangin

naririnig ko sa hangin


journeyman's picture

Naririnig ko sa

Naririnig ko sa hangin
Nakikita ko sa papawirin
Kahit saan man bumaling
Mananatiling ikaw pa rin.

Me mga taong kahit hindi natin kapiling ay nananatili sa ating damdamin... dahil sa alaalang kanilang itinanim.

Maganda ang iyong tula. Welcome sa fw.

 

"...mapadagos sa paglakaw dawa mapagal... maski madipisilan."

tnx po sir

..sa pag-welcome. new lang po ako sa fw..member po ba dito si Ms. Lualhati Bautista?...

jealousy29's picture

Dinamayan!!!

hi!jongskie

ahm bago rin lang ako dito...

maganda ang iyong tula...

kaya lang napansin kong medyo katulad siya ng kantang DINAMAYAN ng 6 cyclenind???   hehehe

napansin ko lang po....

 

ngat....Smile

hi po!... ndi aq familiar

hi po!...

ndi aq familiar dun sa song ng six cyclemind n dinamayan...

tnx po kung nagandahan kau...

may bago po ako, sampu_sampera, pinost ko po ng sunday yata...cenxa npo ha..baka may hang-over pa ako nun..hehehe...

ginawa ko habang nakikipag-inuman sa mga officem8 ko nung saturday night.. sana po magustuhan nu din.. 

tnx and ingatz din po.. 

jealousy29's picture

ah ganun ba... ok lang

ah ganun ba... ok lang yon...

hanapin ko rin ang bagong post mo para basahin at makapagcomment na rin keep on writing.... 

ngat.....Smile

^_^

ang ganda wie ^_^

 

labit!!!!

 

^_^

Allanjohn Andres's picture

Hi Jongskie0620

 

 

Paki-recognize naman ang reggae group na  COCOJAM para sa komposisyong “Dinamayan” (hehe to be honest pala, di ko rin alam kung isa ngang ka-grupo nila ang sumulat ng mga titik nito -- nananawagan sa lahat ng mga gurang sa FW, pls. enlighten us!).  Pero mahigit isang dekada bago pa ang 6cyclemind, madalas nang sumasa-ere sa LA 105 (bahaging ’93) ang  “Dinamayan”, kasama ng iba pang seleksyon mula sa Cocojam album na Lakambini.

 

Noong nasa kolehiyo, isa ito sa mga madalas kong gitarahin/kantahin kapag nagpapasikat sa mga tsiks; iyong iba napaniwala ko ring ako nga ang nag-compose nito haha (buti karamihan sa kanila, napa-inlab ko muna bago pa mabisto kung ano ang totoo). Ang "Dinamayan" ay isa sa iilang kanta (hal. "Walang Hanggang Paalam" at "Wala Nang Tao sa Sta. Filomena" ni Joey Ayala) na 'pag naririnig ko, napapamura ako at nasasabi sa sarili -- "Bobo, bakit ba hindi ikaw ang nakaisip sumulat 'nun?").

 

Nasa ibaba ang mahaba-habang “bersyon” ng Dinamayan ng Cocojam. Binubuo ko lang mula sa alaala, sana di magkandaleche-leche ang mga linya ;-)

 

DINAMAYAN  

 

Dinamayan mo ako sa aking pag-iisa

Nakinig ka ng awit ko nang walang pagkasawa

Kung ang gabi ay lumalamig, taglay ko ang yakap mo

Ang init ng iyong pagmamahal ay walang kasing alab

 

At dahil sa iyo, napukaw ang damdamin ko

Natuto akong mangarap sa gitna ng kadiliman

Hinarap ko ang kahirapan, Minahal ko ang buhay

Ang langit ay abot-kamay lamang kung ako’y nasa piling mo

 

Sa pagkalat ng dilim, ikaw ang liwanag ko

Parang ka ring dasal na lagi kong inuusal

Ang tinig mong malambing sa diwa ko’y nakatanim

Kahit saan ka man naroroon, naririnig ko sa hangin

 

At dinamayan mo ako sa aking pag-iisa

Nakinig ka ng awit ko nang walang pagkasawa

Ang tinig mong malambing sa diwa ko’y nakatanim

Kahit saan ka man naroroon, maririnig ko sa hangin.

 

jealousy29's picture

mawalang galang na

mawalang galang na po....

makikisingit lang po.... 

ito nga ang kantang dinamayan ng 6 cyclemind... so hindi pala sila ang original kundi ang COCOJAM, hehehe hindi ko sila kilala.... mukhang kompleto naman po ang lyrics na isinulat ninyo... 6 Cyclemind lang po talaga ang tanda ko...

 

ngat....Smile

Allanjohn Andres's picture

At least, may kadamay ka na

At least, may kadamay ka na sa mundo na pamilyar din sa prior existence ng akda/kantang "Dinamayan"   Sealed 

jealousy29's picture

salamat naman po... kala ko

salamat naman po... kala ko ako lang ang nakapansin... nahiya pa nga po akong sabihin na medyo kahawig siya ng Kantang DINAMAYAN...

 

ngat....Smile

Allanjohn Andres's picture

    

SealedSealed   SealedSealed

 

pasensya npo

pero talagang hindi po ako familiar sa kanta ng 6 cyclemind, ganun na rin po ang cocojam (hanggang ngayon po kasi, mahilig pa rin ako sa mga rebo at progresibong awitin)...nabuo po yan noong nag-work ako sa komunidad ng mga aetas sa Central Luzon (early 90's)...maraming tulad kong mga estudyante ang nagpunta roon...may isa doon, actually, nsa CL pa sya till now, ang katuwang ko sa pagbuo nian at pinahintulutan nia ako na ilathala dito...kung magkahawig man po at magkatugma ang mga titik at salita, humihingi po ako ng dispensa..hindi po iyon sadyang kinopya...

 

Padayon!

 

 

 

 

Allanjohn Andres's picture

Hehehe

Sabagay, ako rin naman mahilig manggaya. Silipin mo ang mga gawa ko sa: http://allanandres.blogspot.com.  

Karamihan dito, salin at adaptasyon (imitasyon) sa Filipino ng mga tula nina Pablo Neruda, Federico Garcia-Lorca, Victor Jara, Nicolas Guillen, Wislawa Szymborska, Carl Sandburg, at marami pang iba. Siyempre, may mangilan-ngilan rin namang orig.  

ingat na lang sa susunod   ;-)