Dinuguang Mundo

Yuco's picture
| |

 

 

Dinuguang Mundo

( Kung bakit Masarap Kumain ng Dinuguan )  

Ika-15 Nobyembre 2010 12:08 AM

 

Dugo

Mainit na dugo

Umiikot sa ugat ng tao

 

 Dugo

Malapot na dugo

Nagpabago sa takbo ng mundo

 

Dugo

Maalat na dugo

Inialay para sa pagbabago

 

Dugo

Dagat-dagatang dugo

Obrang nilinok ng dahas sa mundo 

 

YUCO
kung susuriin ang kasaysayan ng Pilipinas sasambulat sa atin ang malungkot na katutuhanan - na ang lipunang ating ginagalawan ay likha lamang ng walang katapusang digmaan. Ilang milyon ang kinakailangang mag sakripisyo ng pamilya at buhay  para maitaguyod ang sa tingin nila ay tama sa ating lipunan at pamahalaan. Daang libo ang nasawi noong direktahang sakopin tayo ng mga Kastila, Amerikano at Hapon.  Maraming pumalag at marami ang nasawi, may sumuko at may nagtagumpay. Maaring isa lang ang siguradong talo – ang mahihirap na biktima.  Kung tapos na ba ang pananakop ng mga dayuhan sa ating bansa ay isang mahabang paliwanagan. Basta walang kalayaan sa mundo na inaabot lang ng walang kabayaran. Ilang tanker ng dugo ang kailangan isakripisyo para makuha ito.
Bakit nga ba may digmaan? Ito ang katanungang hangang sa ngayon naglalaro parin sa aking isipan. Marahil ang digmaan ay nakadikit na sa dugo nating mga tao (lalo na sa mga bughaw na lahi) bago pa man maglakbay ang mga ita sa Pilipinas o matawag na Amerika ang Amerika. Nakasisik na sa ating genes bilang kalahi ng mga hayop sa gubat na para mabuhay (ang isang lahi o grupo ng tao) kailangan humawak ng armas at makipagsagupa sa kapwa tao o hayop na kumakalaban sa interes ng nakakarami.
Salamat sa mga bumasa…  
- 22 Dec 2010 -