"DON MIGUEL"
Si Ka Temyong na mangingisda
… inabot sa laot ng sigwa
… inaanod sa pampang ang bangka
… walang katawan na nakita
Si Ka Bestre na karpintero
… napaapak sa marupok na indamyo
… mula sa ilang palapag ng di pa tapos na gusali
… nahulog at katawa’y tumusok sa bakal na nakausli
… dugong tumagas ng walang humpay
… sa katawan ni Ka Bestre na isa nang bangkay
Si Ka Kulas na magsasaka
… napagkamalang taong-labas
… dinukot, pinahirapan at binaunan ng tingga
… ilang linggo pa ang lumipas
… nakatimbuwang sa may plasa
… si Ka Kulas…
… naaagnas
Si Aling Mameng na labandera
… katatapos lang mamalantsa ay umupak na ng laba
… sayang daw ang kikitaing konting barya
… dumating ang araw at siningil sya
… katawan, sa sakit ay nalugmok
… pambili pa ng ataul ay walang mai-amot
… binalot na lang ng kumot
Si Ka Aldo sa edad ng sisenta’y dos
… nandun pa rin sa disyerto
… sa pingkit ng init ay nakikipagbuno
… isang araw ay inatake sa puso
… nakakahon na ng bumaba sa eroplano
Si Neneng na isang tinedyer
… tinulak ng magulang sa gitnang silangang Asya
… inalila, inalipin at inalipusta
… sa murang edad ay ginahasa
… ng among balbas-sarado
… at sa pagtatangol sa sarili’y napatay nito
… ang amoy-anghit na Arabo…
… si Neneng ngayon ay pugot-ulo
Si Don Miguel na butete
… asawa ng presidente
… tunay na impertinente
… at palaging pa-importante
… dinaanan na ng sigwa
… pati mga pako ay ibinaon na sa paa
… isang tao na parating nasa labas ng bansa
… mahilig sa labandera
… inatake na rin sa puso ang matabang mama
… ang kaibahan nga lang ay siya ang gumagahasa
… sa mga walang-muwang na masa
Subalit si Don Miguel ay nananatiling buhay
… masarap at maluwalhati ang buhay
… sa perang kontribusyon ng mga obrerong walang malay
… darating ang araw na ang salaping kinamkam nang walang humpay
… ang magsisilbing abuloy
… sa kanyang huling lamay
… si Don Miguel…
… isang Buhay na Bangkay.
... testing lang po kung marunong kumatha....
sa tuwing nababasa ko ang
sa tuwing nababasa ko ang iyong mga likha ay na-eenganyo din akong gumawa ng mga tulad nun.. pero di ako bihasa at bagito pa lamang sa larangang ito...
nagpraktis lang ako ka jongskie... salamat sa oras.
...ang PILYONG MAKATA...
!
Hi, Pilyong Makata!
Gusto ko ang naging kapilyuhan mo dito. Sumasalamin sa bawat mukha ng ating mga proles. Mga mangagawa na sobra-sobra ang binibigay na lakas-paggawa ngunit lagi pa ring nasa ilalim ng gulong ang estado ng buhay dahil sa katusohan at pang-aabuso ng mga naghaharing-uri. Kalimitan pa nga ay pati buhay nila ay ibinibigay sa pakikipaglaban nila para mabuhay.
May ilan lang akong katanungan:
- impertinenti ba o impertinente - ang kahulugan nito ay hindi pagiging magalang, diba?
- ano ang ibig sabihin ng takudtod na ito: … pati mga pako ay ibinaon na sa paa
- … darating ang araw na ang salaping kinamkam ng walang humpay - nang walang humpay
… darating ang araw na ang salaping kinamkam ng walang humpay
… ang magsisilbing abuloy
… sa kanyang huling lamay
Sana kung dumating man ang araw na ito ay hindi maging abuloy sa kanyang pagkamatay ang perang ninakaw niya/nila sa kaban ng bayan. Masauli nawa ito sa atin.
Salamat sa tula!
Mabuhay ka!
http://reyastone.blogspot.com/
salamat rhea sa dagdag
salamat rhea sa dagdag kaalaman... medyo mahina ako sa spelling at grammar (english man o tagalog)...
ang mga pako ay ang mga makatotohanang bintang na ibinato sa kanya... sa paa ko ibinaon upang di na siya makalakad at makahakbang pa sa mga susunod niyang mga balak... subalit kulang sa kalawang ang mga pako.. or baka may anti-tetanus (kapal-muks) siyang vaccine kaya di ito umubra...
sana nga ay di na lang naging abuloy ang mga kinamkam niya/nila bagkus ay maibalik sa tamang nagmamay-ari nito...
marami pang kakulangan ang aking akda sapagkat ako'y bago pa lamang nagsisimula... salamat sa iyong oras na inilaan na basahin ito.
...ang PILYONG MAKATA...
leigh..
maganda ang tula mo..
isang pagsasalarawan sa mga tunay na kaganapan dito sa atin.. kawawa naman ang mga taong kapos sa buhay.. sila pa itong lubos na nasasaktan at nahihirapan...
magandang song sa tula mo yung bagong awitin ngayon.. kaya lng di ko lam ang title:
"kayo po na nakaupo.. subukan niyo naman na tumayo.. at baka matanaw..
at baka matanaw ninyo ang tunay na kalagayan ko..."hehehehe
pero kadalasan sila rin ang dahilan ng mga pasakit at pait ng ating mga kababayan.. haist!
keep it up!
cheers!
salamat aireen sa komento
salamat aireen sa komento mo...
sige nga... lapatan natin ng musika at baka pwedeng maging isang kanta (nag-ilusyon pa daw)...
...ang PILYONG MAKATA...
matagal mamatay ang masamang damong tulad ni Don Miguel
at ang kanyang kabiyak na si Donya Gloria na sa halip na ginhawa ay puro pahirap ang dulot sa madla.
nakakatuwang makabsa ng mga akdang ibang klaseng pag-ibig ang tinatalakay, sana dumami pa ang mga katulad mo na may pakialam sa nangyayari sa ating bansa.
Padagos, padayon, ituloy mo lang ang pagkatha ng mga akda para sa inalipustang madla.
...isang silip sa iyong daigdig...
salamat ka lyds... habang
salamat ka lyds... habang may mga kasamahan akong katulad mo ang adhika... patuloy ang daloy ng titik sa aking diwa... upang ang impit kong bulong ay maging isang sigaw na malagong.
...ang PILYONG MAKATA...
masakit isipin ang
masakit isipin ang katotohanang isa sa mga masang binanggit ay maaaring kuya natin, ate, bunso, nanay, tatay, lolo o kaya tayo mismo ang isa sa mga nilalapastangan ng ganid at gahaman (o kung ano pa mang mas matinding salita para mailarawan ang patay-gutom) na si Don Miguel.
at mas masakit isipin na hanggang sa kanyang magarbong lamay ay tayo pa rin ang aamot sa kanyang kape at tinapay.
magandang panimula to leigh.
isang kathang hango sa
isang kathang hango sa nakikita ng mata at kasalukuyang nadarama ng sambayanang maralita... salamat kaibigan.
maglalamay ako at tataya sa sakla... baka sakaling manalo... at kung matalo man ako'y aking uumitin ang natipong "tong" na nakalagay sa ibabaw ng kanyang kabaong...
pareho lang kaming mandarambong... (jowk!).. sya lang pala yun!
...ang PILYONG MAKATA...
....
Sumasalamin ang tulang ito sa isang mukha ng katotohanan ng buhay na nakikita natin ngunit madalas ay hindi na napapansin.
sulat lang ng sulat!
Ingatski,
Melay
*****
Ang buhay ay isang nobela kung saan tayo ang pangunahing tauhan sa kwentong ang Diyos ang may akda.
ala-y totoo ga kabayan.. ang
ala-y totoo ga kabayan.. ang namumulag-lagan sa ating paligid ay di maaring ipa-isantabi... kahit man laang sa mga titik ay maibulalas ko ang aking saloobin...
salamat kabayan sa sinsay.
...ang PILYONG MAKATA...
Salamat sa
Salamat sa pagbabahagi.
Kumpara sa mga nauna, mas malagim ang parating na katapusan ng mga katulad ni Don Miguel, lalo na at walang hangad na magbago at magsisi. Naalala ko tuloy si Lazarus, at ang mayamang mama...
Ang mensahe mo'y payak,
Kaya't sa isipan ito'y
Tumatatak.
Ang katotohanang dala mo
Ay asin, sa nagnanaknak
Na sugat ng bayang
Salat.
Ngunit, dalangin ko
Na hindi matatapos sa ganito!
Ito ang hangarin ko:
Pagmumulat ng mga matang
Dahil sa hirap ay namumugto.
Ruthie
Junimun norul saranghe... ^ . ^*
uy... ate ruthie.. annyeong
uy... ate ruthie.. annyeong hashimnikka...
ang lupit naman ng reply mo.. ramdam ko ang apoy na namamahay sa iyong puso... maalab... kasama mo ako sa iyong mga panalangin.
salamat po sa dalaw.
...ang PILYONG MAKATA...
leigh congrats!
maganda ang katha mong mejo morbid at may factor ng social commentary... mukhang itong direction naman ang tatahakin ko ngayon... malagkit na kasi lately
wag kang pipikit...
lagi kong sinusubaybayan ang
lagi kong sinusubaybayan ang mga iyong mga akda... lalo na yung lovelife (daw) aspect...
ngayon rin lang ako gumawa ng ganitong tema... kalimitan eh puro kapilyuhan ang mga akda ko. sinubukan ko lang kung pwede akong mag-shift ng gear... salamat naman at nagustuhan mo kasamang luca.
mabuhay ka!
...ang PILYONG MAKATA...
walaaaaaang....
anuman!!!
wag kang pipikit...
mahanap nga yung
mahanap nga yung kantang/tulang yan ka rom...
salamat!
...ang PILYONG MAKATA...
link
na i post ko na dito yun dati e eto ang link sa HALINA
http://www.filipinowriter.com/universal-declaration-of-human-rights-day-dec-10
ang ganda nga ng nilalaman
ang ganda nga ng nilalaman ng awit/tula na halina... nakaka-antig ng damdamin...
salamat kasamang rom!
...ang PILYONG MAKATA...
galing naman makatutuhanan
galing naman
makatutuhanan ang lahat ng iyong naisulat... maraming kababayan natin ang talagang naghihirap... tsk...tsk...tsk...
sulat ka pa....
ngat....
sana gawa ka rin ng ganitong
sana gawa ka rin ng ganitong tema ng tula jealousy...
ingat din & salamat.
...ang PILYONG MAKATA...
nako po.... bagohan lang po
nako po.... bagohan lang po ako... kaya malayong makagawa ako ng ganito kagandang tula... hehehe












don miguel
maganda ang iyong likha ka leigh...
ipagpatuloy mo pa ang paglikha ng tula at pag-aalay nito sa mga uring inaalipin...
padayon!
...Huwad_na_Makata