Dorm Mates Part 5 and 6 Ending

Melanie Quilla's picture
| | | |

Part V… Ang huling Araw sa Dorm 

Maagang umuwi ng dorm si Sheri dahil sa lagnat. Inabutan niya si Angelo na maaga din umuwi dahil maagang natapos ang klase nito at absent pa ang prof nito sa last subject. Sila pa lang dalawa ang tao sa dorm. Nagpaalam saglit si Aling Bebang na mamamalengke ng kanilang magiging hapunan sa araw na iyon. Matapos ilapag ang gamit sa bedside table, bumaba si Sheri sa kusina upang maghanap ng gamot para bumaba ang kanyang lagnat. Naabutan niya si Angelo na nagluluto ng instant noodles.

"Mataas ba lagnat mo? Heto, pinagluto kita ng noodles para makakain ka ng maayos,” sabi ni Angelo habang hinahango ang niluto upang ilagay sa mangkok.

"Salamat," tipid na tugon niya habang hinahanap sa medicine kit ang gamot na pwede niyang inumin. "Wala akong makitang gamot." Umupo siya sa may mesa para harapin ang niluto ni Angelo. Mula umaga hanggang noong hapong iyon ay wala pa siyang kinakain dahil wala siyang panlasa.

"Mabuti pa, ibibili muna kita ng gamot doon sa botika sa kanto. Pagkatapos mong kumain, iwanan mo na lang dyan. Ako na bahala. Umakyat ka na sa room mo at isusunod ko na lang iyong gamot mo," sambit nito.

"Nakakahiya na sa iyo. ‘Wag na lang, ako na lang ang bibili. Kaya ko pa naman." Tatayo na sana siya pero pinigilan siya ni Angelo.

"Wag ka ng magpilit pa. Ako na bahala. Mabilis lang ako." Papalabas na si Angelo ng kusina nang tawagin niya ito.

“Bakit? Gusto mo bang magpasama na rin sa doctor?”

"Hinidi. Magpapasalamat lang ako. Thank you kasi ang bait mo sa akin," sinserong sambit niya.

That’s what love is for. Gusto sana iyong sabihin ni Angelo."That’s what friends are for! Wait lang, mabilis lang ako promise," sabi ni Angelo.

At iniwan na nga siya nito. Matapos maubos ang noodles, umakyat na si Sheri sa silid niya. Dahil sa sobrang sama ng pakiramdam niya, agad siyang nahiga at nahulog sa malalim na tulog. Di niya namalayan ang ingay na dulot nina Alex, Jodz, Brenda, at Ailen nang dumating ang apat at agad nagtungo sa kusina upang magluto ng meryenda. Di pa rin bumabalik si Angelo.

Maya-maya lang ay nakarinig ng isang pagsabog ang apat.

"Ano iyon?" tanong ni Brenda.

"Tara, tingnan natin sa labas. Parang may sumabog eh," sabi ni Alex.

Agad silang lumabas ng dorm. Sa kalsada ay nagkalat na ang mga tao. Kanya-kanya silang hakot ng mga gamit. Mabilis na kumalat ang apoy mula sa isang gusali sa di kalayuan hanggang sa umabot na ito sa kalapit na parte ng dorm.

"May sunog! Ang mga gamit natin!" bulalas ni Brenda. Natataranta na ang lahat.

"Ngayon mo gamitin ang abilidad mo sa communication Ailen. Tawagan mo o itext lahat ng dorm mates. Inform mo sila sa nangyari. Mahina pa ang apoy. May maililigtas pa tayong gamit."

Isa-isang tinawagan at tinext ni Ailen ang mga kasama habang sina Jodz, Alex, at Brenda ay umakyat para makakuha ng mga gamit. Ngunit mabilis kumalat ang sunog kaya’t lumabas na rin ang dalawa. Naghihintay si Ailen sa labas.

"Nacontact mo ba lahat, sis?" tanong ni Brenda.

"Oo, kaya lang walang response sina Sheri at Angelo," natatarantang sabi ni Ailen habang sinusubukang tawagan ang dalawa.

"Teka, sigurado ba tayo na tayo lang talaga ang nasa dorm kanina? Baka ando’n ang dalawa!" sabi ni Alex.

Unti-unting nagsisidatingan ang mga dorm mates nila. Masyado ng malaki ang apoy at nahihirapan na rin ang mga bombero sa pagsugpo ng apoy. Dumating si Angelo. "Malaki na ang apoy. Si Sheri? ‘Asan si Sheri? Pare, ‘asa loob si Sheri!" Kahit na malaki na ang apoy ay di nagpapigil si Angelo. Walang kaabog-abog ay pinasok niya ang nasusunog na gusali. Sinundan din siya ni Marv.

Nahirapan si Angelo sa pagpasok dahil sa kapal ng usok sa loob ng gusali. Narating din nila ni Marv ang silid ni Sheri. Wala na itong malay at halos napapaligiran na siya ng apoy. Buong lakas ng loob na binuhat nila si Sheri at mabilis na lumabas ng bahay.

Nakahinga lang ng maluwag ang lahat nang makitang papalabas na ng gusali ang tatlo.

"Mabuti ligtas kayo!" niyakap ni Aling Bebang ang tatlo.

"Kailangan po nating isugod sa hospital si Sheri. Wala pa rin po siyang malay eh." Agad na isinakay ni Angelo sa dumaang taxi si Sheri at isinugod sa pinakamalapit na hospital.

Sa isang iglap nawalan silang lahat ng tahanan. Ngunit kahit ganon ang nangyari, malaki pa rin ang pasasalamat nilang lahat dahil walang buhay na nawala sa kanila. Habang naka-confine si Sheri, nagsimula na ang lahat na maghanap ng malilipatang dorm. Kasamaang-palad, kailangan na nilang maghiwa-hiwalay. Si Sheri ay uuwi muna sa Bulacan upang doon magpagaling sa piling ng kanyang ina. Si Angelo ay nagdesisyon na ring sa Bulacan ipagpatuloy ang pag-aaral sa piling ng mga magulang at ng babaeng lihim niyang minamahal.

Ngunit kay ilap pa rin ng tadhana para sa kanilang lahat. Nasa iisang lugar nga sina Sheri at Angelo ngunit hindi na sila muling nagkita matapos ang huling araw ni Sheri sa hospital. Si Marv ay di pa rin pinapansin ni Mei dahil laging nakagwardiya si Marco. Si Brenda ay pinauwi na sa probinsya na kanyang magulang. Si Cado bagama’t nanatili sa dating unibersidad ay nag-iisa na sapagkat lumipat na ng paaralan ang iba. Si Ailen at Alex, sinuwerteng magkasama sa iisang dorm ngunit bibihirang nagkikita at nagkakausap dahil magkaiba ng paaralang pinapasukan. Si Jodz naman ay busy sa part time job niya bilang sales personnel sa mall para kumita ng pera pantustos sa sariling pag-aaral nang magkasakit ang tiyahing nagpapa-aral sa kanya. Tuluyan ng nagkalayo ang mga mundo nila.

   Part VI…Muling pagtatagpo, makalipas ang ilang taon… 

Unti-unting nagbago ang lahat. Isa ng mahusay na Marketing Manager ng telecommunication company si Ailen. Si Brenda naman, bagama’t di natapos sa unang kurso ay nakatapos naman ng Fashion Designing sa ibang bansa dulot ng isang scholarship na in-offer sa kanya. Si Sheri, General Manager na rin ng company na pagmamay-ari ng pamilya. Si Jodz na nagsimula as sales personnel, ay naging manager na rin ng stall na pinagsimulan niya ng part time job. Apparel and accessories para sa mga rockista ang tinitinda sa sikat na stall ni Jodz. Si Marco, nagtapos na Magna-cum Laude at nagtatrabaho sa isang international company at madalas na nasa ibang bansa. Si Marv, ang pinakagwapong psychologist sa pinakamagaling na hospital sa bansa. Si Angelo na isa ng guro ay patuloy na nagsilbi sa parokya nila habang nagtuturo sa isang pampublikong paaralan ng sekondarya sa kanilang lugar. Si Alex, nakapagpatayo ng sariling training studio para sa mga bata at kabataang gustong matuto ng martial arts habang nagtatrabaho bilang architect sa isang private construction firm. Si Mei, hindi na napagkakamalang mangkukulam sa puti niyang uniporme sa hospital bilang isang Child Psychologist. At si Cado, hindi na outdated ang fashion statement matapos makuhang news anchor sa isang malaking television station.

Ngunit kahit magkaganon, laman pa rin ng alaala nila ang mga sandaling nagtutularan sila upang pumasa sa mga minor subjects na nagkakasama silang lahat, ang mga asaran, pikunan, biruan at tampuhan na alam nilang hindi magiging ganon kasarap alalahanin kung hindi dahil sa isa’t isa, ang minsang hiling ng puso na magmahal at mahalin ng mga nilalaman ng puso, ang sharing moments sa tuwing walang kuryente sa dorm, ang sama-samang pag-celebrate ng mga birthdays, at ang buwanang pamomroblema kung saan hahanap ng ibabayad kay Aling Bebang.

  

“Sigurado ka na ba sa desisyon mo, Angelo?" tanong ng pari kay Angelo sa simbahang pinaglilingkuan niya.

"Opo, Father. Susubukan ko naman sa Maynila magturo. Kahit medyo magugulo ang mga estudyante doon ay gusto ko pa ring subukan. Babalik din naman ako at magpapatuloy sa pagsisisilbi sa sa parokya natin."

"Kung ganon, pagpalain ka ng nasa Itaas sa iyong tungkuling gagampanan. Maiwan muna kita dyan ha."

"Sige po, Father." Umupo siya malapit sa silid kumpisalan. Muli niyang naalala ang kalokohang ginawa ng magpanggap siyang pari at nakinig sa kwento na isang babae. Sa muling pagkakataon, binuksan niya ang silid at umupo sa upuan ng pari. Wala siyang intensyong manloko ulit ng iba kaya’t nabigla siya nang may pumasok na babae sa silid na tila magkukumpisal. Sa pagkakataong iyon ay naaninag na niyang mabuti ang mukha ng babae.

Si Sheri! Dahil sa nakita ay tila handa siyang magkasala muli upang marinig ang sasabihin ni Sheri.

"Father, matagal na nang huli akong pumunta dito upang ikwento lahat ng heartbreak ko. Ngayon, hindi na po ako nasasaktan dahil sa panloloko ng mga lalaki. May nami-miss po akong tao. Sana sa pagbalik ko ngayon sa Maynila ay magkita na kami ni Angelo. Di ko pa siya napapasalamatan. Utang ko sa kanya ang buhay ko nang iligtas niya ako sa sunog so many years ago."

Tila naiiyak si Angelo sa narinig. Agad siyang tumayo at nagpakita kay Sheri. Nagulat si Sheri sa nakita.

"Angelo? Anong ginagawa mo sa kumpisalan!" nahihiyang naiinis na sabi nito.

"Hay, nagkasala na naman ako dahil sa iyo," biro nito. Di niya napigilan ang sarili. Agad niyang niyakap si Sheri. "Sabay na tayo pumunta ng Maynila?"

"Oo ba, sabi mo eh!"

 

UPANG malibang, nagpunta si Alex sa mall. Naglalakad siya habang kasama ang paborito niyang fruit shake nang may tumawag sa phone niya. Tuloy ang paglalakad niya habang nakikipag-usap sa nasa kabilang linya. Sa paglalakad, di niya napansin ang nagmamadaling lalaki at sa isang iglap ay nasagi siya nito at natapon ang fruit shake niya sa long sleeves ng lalaki. Tinapos niya ang tawag at agad na nag-apologize sa lalaki.

"Naku, sorry ha. Di ko sinasadya!" sabi ni Alex na hindi man lang makatingin sa mukha ng lalaki.

"Joane Alexie?Alex?" tugon ng lalaki. "Ikaw na ba yan?"

Tumunghay siya at nagulat nang malamang ang lalaking natapunan niya ay si Jodz pala. "Jodz! Naku, sorry ha. Hindi ko talaga sinasadya, pare!"

"Pare? Di na bagay sa suot mong skirt at fitted blouse ang tumawag ng ‘pare’! Don’t mind this fruit shake. May extra pa ako long sleeves sa office ko. Would you mind to come over and talk, dude!"

Napatawa naman siya. "Di na ba bagay tumawag ng pare ang outfit ko? Sige sa sunod na puntahan kita sa office mo eh magpapantalon ako! Lalo naman iyang pa-dude-dude mo! Mukha ka ng kagagalang-galang ngayon. Don’t tell me ‘dude’ din tawag mo sa employees mo?" sambit niya habang naglalakad sila patungo sa office ni Jodz.

Napahalakhak si Jodz."Pwede rin. Fitted naman sa negosyo ko eh. Alam mo mas cute ka pag naka-skirt!" napatingin si Jodz kung gaano kaigsi ang skirt ni Alex.

"Hoy, Jodz! Paalala ko ko lang sa ‘yo na karatista ako. Baka nakakalimot ka!" Hinampas niya ang tiyan nito.

Agad itong napasinghap na nasundan lang ng pagtawa. "Aray ko naman. ‘Pag pinakasalan ba kita eh ganyan ka pa rin?"

"Ha?" napakunot ang noo niya.

Hinarap siya ni Jodz at masuyong tinitigan."‘Sabi ko pakakasalan kita!"

            Sa kalituhan, nasuntok lang ni Alex ang kaliwang pisngi ni Jodz.

 

PAGKALIPAS ng ilang araw, nakatanggap silang lahat ng isang invitation mula kay Aling Bebang. Ang venue, sa dorm na matapos masunog ay naipatayong muli ni Aling Bebang.

Unang dumating si Brenda suot ang damit na sarili niyang design. Halos kapanabay niyang dumating si Marco kasama si Mei at Marv na sa wakas ay nagkatuluyan na. Ilang minuto pa ay dumating na rin sina Angelo at Sheri sa kabila ng pagiging busy sa pag-aayos ng kanilang kasal. Maraming kwento na ang kanilang napag-usapan at sari-saring kamustahan na ang naganap ngunit di pa rin dumarating ang apat.

"Darating pa kaya iyon sila?" tanong ni Sheri.

"Malamang eh mega busy pa ever si Ailen sa marketing chuva work niya at si Cado, ava baka may shooting pa ang lolo mo, sabi niya sa chat eh may bago daw siyang segment do’n sa morning show niya. Taray talaga! Bonggacious!" hirit ni Brenda.

"Eh iyong dalawang astig?" tanong ni Marv.

"Naka-chat ko si Alex noong isang araw. A-attend daw siya ngayon. Pero baka binubugbog pa niya si Jodz!" biro ni Marco.

"Ha?" reaction ng lahat.

"Eh kasi naman biglang nag-propose ng marriage si Jodz eh hindi man lang niya niligawan si Alex. Ewan ko sa dalawang iyon kung balance pa equation ng buhay nila," litanya ni Marco.

"Andyan na sila in just a minute!" biglang hirit ni Mei.

Maya-maya nga ay nakita na nila ang apat na halos magkakasabay.

"Ibang level ka talaga, Mei!" sabi ni Brenda.

"Walang nagbago!” nakangiting sambit ni Mei.

"Yeah, maliban sa lagay ng heart mo kay Marv!" biro ni Sheri.

"Yeah, right!"

 

PAGPASOK ni Alex ay hinahabol siya ni Jodz.

"Alex, sorry na. Nagka-emergency sa office eh kaya ako na-late," pagmamakaawa ni Jodz.

"Two hours akong naghintay sa iyo! Kaya two hours din kitang ayaw makita!" hirit ni Alex.

"Hoy, kayong dalawa tigilan n’yo na nga iyan. Alay, di pa rin ga kayo nagbabago ah," hirit ni Cado na nakasunod kina Alex sa paglalakad. Bumaling siya sa girlfriend na as usual may kausap pa rin sa phone. "At ikaw, pewede mo gang tigilan na iyang pakiikpag-usap mo sa phone. Kanina ka pa ga eh. Ala eh sino ga iyang kausap mow?"

Tinapos muna ni Ailen ang phone call bago sagutin si Cado. "Client ko iyon ano."

"Client? Baka ex-boyfriend mo iyon ah at tinatawagan ka pa hanggang ngayon," sambit ni Cado sa tonong nagtatampo.

"Hindi ah. Nagseselos ka lang kaya ka ganyan."

"Ala’y sino ga di magseselos?"

"Loyal ako sa iyo!" hinawakan ni Ailen ang kamay ni Cado.

 

Muli, nagkasama-sama sila sa lugar kung saan nila unang nakilala ang isa’t isa. Sa lugar kung saan sila natutong humarap sa hamon ng buhay. Sa lugar kung saan nila inilaan ang isang mahalagang bahagi ng buhay nila bilang mga estudyante. Ang lugar na saksi sa mga makukulay na yugto ng kanilang buhay. Ang dormitoryong tahimik na nakikinig sa kanilang kwentuhan, tawanan, iyakan, biruan at kulitan. Ang dormitoryo ni Aling Bebang.

The end na po...

si melay lang po ito... pakalat-kalat lang

Melanie or Melay is a frustrated writer from Lipa City Batangas...Passion ko talaga ang magsulat…Enjoy reading.... Minsan mahilig magpaiyak sa kwento pero ngayon nagbagong buhay na ako...gusto ko na lang magpasaya kahit papaano…ahehehe..... Makulay ang buhay...ma-rainbow ang lifeness!… baw! Sa lahat ng kabataang nahihilig sa pagsusulat, "Itaas natin ang bandera ng mga batang manunulat ng bansang Pilipinas!"


jonsdmur's picture

Para sa akin ang isa sa

Para sa akin ang isa sa panghatak sa isang nobela ay makuha mo ang atention ng readers... at nakuha mo ang atention ko kasi nakakarelate ako... at maganda ang pagkakasulat... pinagaaralan ko nga ang mga grammar mo... maganda ang kwento...

Nakakalungkot kapag dadating sa time na maghihiwalay kayo... lalo na kung grabe na ang banding... naalala ko talaga ung mga dorm mates ko... lalo na ung nag alaga sa akin nung nagkasakit ako... masaya mag dorm lalo na kung nag aaral ka pa lamang....

Sana dorm mate ni Aling bebang ang title heheheeh. thnks for a nice story....

 

 

 

 

 

Si Jonsdmur ay nagpropromote sa kanyang nobelang DOON LANG at AKO SI COCOY...

Mahirap ang ginawa mong

Mahirap ang ginawa mong maraming tauhan and for that hangang hanga ako sa iyo, to be honest medyo nagmadali ako sa pagbasa kasi I have yet to fetch my eldest girl from a school activity kahit saturday,  but I'll read it again tonight....what little I've read is great, but hey, of course si melanie yan eh!Wink 

ad infinitum/pmherz

Melanie Quilla's picture

salamat ate pauline

magulo nga daw po ito kasi maraming characters...un po kasi ung concept ng workshop. sinulat ko po ito on-the-spot noong workshop namin sa school noong college pa ako... mga first year lang ata ako noon. kaya ang kinalabasan ay medyo labu-labo..hindi ko nga alam kung paano siya paplantsahin... guilty ako sa mga comment nina kuya dyeppri at kuya spike...

 pero maraming salamat po at nagustuhan n'yo....

salamat po sa pagtityaga sa mahabang kwento...

best regards,

melay

Dun sa mahirap tayo lalong

Dun sa mahirap tayo lalong natututo at mas madaming puna, mas lumalawak ang perspective natin, sa isang banda, hindi naman lahat ng puna ay may katuturan maging mapili din tayo sa pakikingggan natin at susundin baka kasi dumating ang araw na nagsusulat ka na lang para i-please ang lahat ng tao, at makalimutan mo na ito ay expression ng iyong sining at pagkamalikhain na tanging sa iyo lang, sa teknikal na mga aspeto, oo dapat tayong makinig  lalo na sa mga mas may mga karanasan sa pagsusulat subalit wag mong ibibigay  pati ang kaluluwa ng iyong obra.     

ad infinitum/pmherz

Melanie Quilla's picture

salamat kuya!

salamat at nagustuhan mo siya.... ang purpose lang talaga ng kwento ay ang maalala ng reader ang golden days nila noong nag-aaral pa sila...

actually ang title niyan noon... Ang dormitoryo ni Aling Bebang. pinabago nung mentor ko nung nag'workshop...

maraming salamat po sa appreciation kahit mahaba siya at magulo...

best regards,

melay

spike_west's picture

Maganda ang ending!!

Okay yung ending, natutuwa ako kasi medyo sa part 5 and 6 medyo nabuhayan ang istorya. Maganda ang pagkakadeliver at medyo nagmature yung pagsusulat. Maganda rin yung climax ng istorya. Alam mo medyo sumablay lang dun sa part 1-4 (para sa akin), bumawi ka naman sa 5 and 6. Ngayon medyo naimagine ko na, kanina talaga ayaw gumana yung imagination ko,ngayon lang.

Naisabuhay mo ng maayos ang istorya. Suggestion ko lang kung siguro biniyan mo ng focus si Alex at Jodz medyo maganda yung istorya (dapat dito ang part 1 to 4). Pahapyaw lang kasi sila eh, sa dami ng kwento ng karakter natakpan ang love story nila. Isa pa pong suggestion lang. Alam kong nakakatulong talaga ang pangalan sa karakter ng istorya. kaya mahalaga ang masusing paggamit ng pangalan, at gumamit ng pangalan aakma sa bawat tauhan ng kwento. Sa paggamit mo ng Alex (okay kasi pwede sa lalaki at babae yun pangalan, bumagay sa karakter na may pagkaboyish) yun nga lang yung pangalan na Jodz para kasing pangalan ng babae kaya medyo nalito ako, kaya ginawa ko tininingnan ko yung unang part para marecall ko sila (di rin gaanong naemphasize si Jodz kaya medyo nalito ako) Kaya medyo may part na nalito lang ako kala ko si alex ang lalaki at babae si Jodz. Buti kamo nirecall ko uli. Pero okay naman, alam mo mas may effect kung nun nakita ni Jodz si Alex sinabi nya yung buong pangalan nya. Dito sa dialogue na ito:

"Naku, sorry ha. Di ko sinasadya!" sabi ni Alex na hindi man lang makatingin sa mukha ng lalaki.

"Alex?" tugon ng lalaki.

Mas maganda para di malito sa pangalan ang mambabasa:

"Naku, sorry ha. Di ko sinasadya!" sabi ni Alex na hindi man lang makatingin sa mukha ng lalaki.

"Joane Alexie, Alex?" "Pare ikaw ba yan?"tugon ng lalaki.

Hindi ba parang dramatic saka medyo di nakakalito.

Sa kabuuan maganda naman ang istorya lalo na sa huling part ng kwento. Muling sumariwa yung mga highschool at college days ko. Maayos mo naman naipahayag ang kwento mo.

Ipagpatuloy mo lang melay.

Ingat

Spike.

Melanie Quilla's picture

wooh!

hay salamat, nkahinga ako ng maluwag.,... akala ko madi-disappoint kita kuya spike... buti na lang, nakuha ng ending ang simpatya mo... sundin ko po ang suggestions m para sa ikagaganda pa ng kwento.... ung inilagay mong line, ginawa ko na po... try ko ayusin ulit ito sa mga susunod na araw.

maraming salamat at nakaabot ka sa pagbabasa ng ending... 

best regards,

melay 

dyeppri's picture

YUN NA!

Yun na po ba iyon...Napakabilis naman natapos ng kuwento... Marahil isang dahilan pa rin dito ay yung napakaraming sanga-sanga na kung titingnang mabuti na ang gusto lamang namang e-mensahe ng kuwento ay tunkol sa nabuong  pagkakaibigan sa iisang bubong, ang dorm. Nakulangan kao sa pagbubuo ng mga detalye kung papano nila binuo ang samahan. Minsan lang pinakita ito sa chapter 3 (ata) nangmagkwentuhan sila ng mawalan ng ilaw...pagkatapos noon ay wala na ako matandaan. Sana masnabigyang diin ang tawanan at pagsasamahan upang masmaramdaman ang damdamin nila sa paghihiwalay. Parang naging mababaw din ang dahilan ng pagkakalayo nila. iisa lang ba ang dorm dito... sana ay binigyan ng masmalalim na paliwanag ito tulad halimbawa kung natrauma ang magulang nila ng makita ang anak sa hospitl at isinalarawan ang damdamin niya... Pinataas pa sana ang antas ng emosyon at sa palagay ko ay importante ito. Babasahin ko muli... Salamat at ito po muna yun!Smile

...........................................................

ako lang po ito at bahala ka kung tatanggapin mo...

Melanie Quilla's picture

okay po!

mabilis ang takbo ng story kasi nung nag-workshop kami (kung kelan ko ito on-the-spot ginawa) limited lang sa max of 20 pages lang... kaya paspasan..gusto ko nga siyang i-convert sa novel kaya lang, masyado na akong maraming sinusulat ngayon...kaya nga para makapag-post ako dito sa site, "nire-recycle" ko ang mga naisulat ko na noon....

gayunpaman, maraming salamat pa rin at nagtiyaga ka pa rin basahin...

thanks sa lahat ng comments...

best regards,

melay

fhearl08's picture

Wew!

Nabasa ko rin ang ending!..

Gudluck Melanie... 

Ingatz!

Manood ka rin ng Naruto, Bleach, Claymore, deathnote, shinigami no ballad, hunter x hunter, fullmethal alchemist, gundams, d-gray man, vampire knight, rosario + vampire, excel saga, eurica 7,  clannad, one piece at iba pang anime ganda ng mga anime na yan... medyo makarelate ka rin sa mga stories nila... Pero mas favorite ko sa lahat ang Naruto talaga...(hehe!)

 

Pmel's picture

Ummm...

Naruto is a rip-off of Ninja Scrolls and is a Dragon Ball wanna-be. And some animated scenes copied from Cowboy Bebop the movie. Just thought I'd let you know.

If I had to chose between Naru and Avatar, I'd pick Avatar.
Just because the characters there are more fleshed out. Naruto is just based off of an Anime-Story-Template.

fhearl08's picture

Basta...

Basta i really love watching naruto anime!...

Pmel's picture

Sure thing!

I'm sure a lot people do. :)

dyeppri's picture

me din po!

Me din po.... simula ng super friends at Voltes V saga(tagal na nun ah) hanggang naruto ay tagasubaybay nila ako...

...........................................................

ako lang po ito at bahala ka kung tatanggapin mo...

Melanie Quilla's picture

ako din po

yep... nanonood ako no'n... hehehehe... favorite ko naruto kaya lang di ko natapos ang shippuuden! ehehehe...basta usapang anime ayos ako dyan! from Voltes V, Ghost fighter hanggang sa flame of recca, hunter x hunter, prince of tennis at naruto... ay panalo!!!!

salamat mga ate at kuya!

best regards,

melay

eloisa marie hernandez's picture

Anime fanatics!

Kapag anime ang pinag-uusapan game na game ako diyan!hehe.Tennis no oujisama, naruto, Gensomaden saiyuki, Dnangel, gakouen alice dragonball, ghost fighters, flame of recca, Tsubasa, Mirmo, Kaleido, Furuba, Slamdunk, Shaman King. basta ang dami pa! Lahat sila paborito ko!whihi!

Para po sa kaalaman ng lahat hehe, nabasa ko na po 'yong dorm mates no'ng last year. last year nga ba? Ewan. Basta matagal na 'yon eh. Nakakatawa si Cado.

Ate, nagsisimula na ba tayong maging writing partner no'ng nabasa ko 'yon? Tagal na kasi.

<(='.'=)>   

Melanie Quilla's picture

haha...

hindi pa.... nagbobolahan palang tayo noong mga panahon na iyon.. mga less than two years ago na iyon hija...

salamat sa comment labs,

melay

eloisa marie hernandez's picture

a gay-un ga?

Oo nga ano, nagbobolahan pa nga lang tayo no'n, at feeling close. hehe.

 Ang gusto kong mabasa eh iyong kauna-unahan mong novel. Kelan ko kaya mababasa yon? Haha, excited na akong tumawa.  "yong akin, kahit kelan hindi ko ipapabasa sa'yo. Kahit patayin mo pa ako. Sigurado, pagtatawanan mo lang ako! Ayoko nga! haha

 Geh, kita-kitz na lang tayo sa brainstorming. Paghandaan na natin ang krimen para kina.... secret! haha!

<(='.'+)>